"Are you jealous?"
Hindi sumagot si Hera. Nakabuntot sa kanya si Chase habang pumipili siya ng manok na lulutuin niya para sa hapunan. Hindi niya alam kung bakit sumama pa 'to noong sabihin niyang maggo-grocery siya. Iisa lang naman ang lumalabas sa bibig nito: are you jealous?
She checked her phone. Mag-aalas siyete na kaya nagmadali siya sa pamimili. Gusto pa sana niyang bumili ng kanyang toiletries pero baka nakauwi na si Lynne. Siguradong magrereklamo ito kapag naabutang walang tao sa bahay at walang pagkain.
Dinampot na lang niya ang isang bote ng toyo, suka, paminta at kung ano-ano pang pampapalasa at inilagay 'yon sa push cart niya.
"Hera."
Nilingon niya si Chase. Hindi siya nagsalita pero pinagtaasan niya ito ng kilay.
"We don't have to cook. Nag-text si Lynne, mamaya pa raw siya makakauwi, sa hospital na rin daw siya kakain."
Nakahinga siya nang maluwag. At least now she can shop 'til she drop nang walang inaalala. Ibinalik niya ang suka sa lagayan pero kinuha iyon ni Chase. Inagaw nito ang cart sa kanya at hinawakan siya sa kaliwang kamay.
Napalunok siya. What is he doing? Gusto niyang magtanong kung hindi lang nagbuhol-buhol ang salita sa utak niya. Hinayaan niyang hawakan siya nito at igaya sa kung saan-saan. Sa side ng bread and pastries, side ng mga prutas at gulay, side ng de-lata at kung ano-ano pa. Seryoso ito habang pumipili ng grocery items.
"Okay lang ba 'to?" Ipinakita nito sa kanya ang isang malaking pakete ng kape. His favorite brand.
Tumikhim siya. "Y-yung second to the largest na lang ang bilhin mo. Masyadong malaki 'yan." Bahagyang nag-init ang kanyang pisngi.
Kinagat nito ang labi bago tumango. May kung anong humaplos sa puso niya nang sundin nito ang sinabi niya. They looked like newlyweds. Umiling siya para tanggalin ang munting pantasyang naglalaro sa isip niya.
"May bibilhin ka ba?"
"W-wala," sagot niya kahit meron naman talaga. Toiletries pa rin ang naiisip niya. Naubusan na kasi siya ng ilang personal na gamit.
"Kailan nga… ang uwi ng kapatid mo?"
Natigilan siya sa tanong nito. Parang may kung anong nagbara sa lalamunan niya. Apat na araw na lang at uuwi na ang kapatid niya. Matatapos na ang honeymoon ng mga ito. Time flies so fast. Her sank at the thought of leaving the house that cradled her for the past month.
Lumunok siya. "Sa 22 na."
Tumango si Chase at bumuntong-hininga. Pareho silang natahimik.
"May problema ba?" tanong nito makalipas ang ilang minuto.
Umiling siya. Pinilit niyang mag-isip ng masasayang bagay. Hawak pa rin nito ang kamay niya kahit noong nakapila na sila sa cashier para magbayad. Nang matapos sila, narinig pa niyang sinabi ng cashier na bagay silang 'mag-asawa.' Pinigilan niya ang pagngiti.
"Hungry?" tanong ni Chase nang makalabas sila ng supermarket.
"Medyo," nahihiyang sagot niya.
She was acting weird! Hindi niya tuloy alam kung ano ba ang dapat niyang maramdaman. Naiirita pa rin siya kapag naaalala si Ai. Kapag naiisip naman niyang uuwi na siya, nalulungkot siya. Kapag natutuon nang atensyon niya sa kamay nilang magkadaop pa rin hanggang ngayon, parang gusto niyang magpa-party.
Gustong-gusto niyang sabihin kay Chase ang nararamdaman niya. If she was still the same old Hera, walang pagdadalawang-isip siyang magtatapat. Why not? She believed that no one could really resist her charm. But not with Chase. Hindi niya kaya. Isa pa, may Ai sa eksena. Isang abogadang dati nang kakilala ni Chase. For sure, mature at logical itong mag-isip. Hindi katulad niyang isip-bata at irrational.
Nailing siya. Hindi siya makapaniwala sa mga naiisip niya!
"Let's eat."
Bago pa man makasagot ay nahigit na siya ni Chase patungo sa kung isang restaurant na wala masyadong tao. Itinuro na lang niya ang isang seafood dish nang tanungin siya nito kung anong gusto niyang kainin.
"Dessert?"
"Crème brulee," sagot niya.
Tumango ito at inulit sa waiter ang order nila. Maraming tumatakbo sa utak ni Hera. Sa sobrang abala ng kanyang isip, hindi niya agad napansing nakatulala na pala siya at nakatingin kay Chase. Napakurap siya nang ngumiti ito.
"Are you jealous of Ai?"
Iba rin ang isang 'to, wala talagang preno kung magtanong! Kanina pa nga niya iniiwasang sagutin iyon pero sige pa rin ang lalaki.
Tumikhim siya. "Why would I?"
Pinaglaruan nito ang labi habang marahang tinitingnan siya. Nag-iwas siya ng tingin. His gaze was so intense. Hindi niya kayang labanan.
"You are," parang siguradong-sigurado ito.
"Hindi ba fallacy 'yan?" pinilit niyang itanong.
Tumaas ang gilid ng labi ni Chase. Pinasadahan nito ng kamay ang buhok bago muling hinawakan ang pang-ibabang labi.
"You can ask questions, I won't mind," nangingiting sabi nito.
May gusto ka ba kay Ai? Anong libro 'yong sinasabi niya? Romance novel ba? Kayo ba ang bida? Is she really a nice girl? Kung ide-describe mo 'ko, ano ako? Bawal ang nice kasi 'yun ang description mo kay Ai! Inside her mind was a chaos. Hindi siya makapag-isip nang matino.
Nagbuka siya ng bibig. "Y-you…" I like you.
"What?"
"I… I really think you're a logic freak!" Well, that was lame.
Umiling-iling si Chase. "Hera—"
"O, babanat ka na naman ng logic? Patutunayan mo lang na logic freak ka talaga!"
Bahagya itong natawa. "Tautology. You're defining terms in a way that it would be impossible for me to disprove it. Logic freak ako; kapag bumanat ako ng logic, logic freak talaga ako. That's tautology."
"When will you stop?" iratadong sabi niya.
"Paano kung ayaw kong tumigil?"
Napatingin siya rito. He was wearing that handsome smirk. Nagkadabuhol-buhol na naman ang mga utak niya. Naputol lang ang tinginan nila nang dumating ang pagkain. They ate in silence. Ramdam niyang maraming gustong sabihin ang kaharap pero pinili nitong manahimik.
Matapos kumain ay nauna na siyang maglakad. Humabol sa kanya si Chase, pero dahil sa dami ng bitbit nito, sa labas na ng mall nito naabutan si Hera.
"Hera, nasa parking 'yung kotse… sa likod, bakit ka lumabas?"
Bumagal ang paglalakad niya. Shit, oo nga pala, fail! Magmamaganda na nga lang, mali pa. Nalimutan niyang dala nga pala niya ang kotse niya. Siya pa nga ang nagmaneho para sa kanila ni Chase! Pumihit siya pabalik sa mall para mapuntahan ang parking sa likod nang biglang magsalita ang kasama niya.
"Lynne?"
Kumunot ang noo niya. Nilingon niya si Chase at napaatras nang iba ang makita. Lahat ng nararamdaman niya kanina, 'yung inis niya kay Ai, 'yung lungkot niya sa nalalapit niyang pag-alis, 'yung kilig niya dahil hawak ni Chase ang kamay niya, lahat 'yon, naglahong parang bula at napalitan ng ibang pakiramdam. Isang pakiramdam na hindi niya mapangalanan.
Tiningnan niya ang matalik niyang kaibigan. Nanlalaki ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Inilipat niya ang atensyon sa katabi ni Lynne—ang dahilan kung bakit siya natigilan kanina. Ang itinuturing niyang greatest love niya.
"Pao?"
Napakurap si Hera nang banggitin ni Chase ang pangalang iyon. Pinalipat-lipat niya ang tingin kay Chase, sa kaibigan niya at sa dating kasintahan. Chase looked confused, while Lynne and Pao looked terrified. Parehong nakaawang ang labi ng mga ito at namumutla.
What… what's happening here? Bakit magkasama sina Pao at Lynne? Bakit magkakilala sina Chase at Pao?
Her mind couldn't catch up.