Mind blown. Hindi kapani-paniwala. Imposible. Everything that happened in the last hour felt like a dream. Para kay Hera, masyadong mahirap i-digest ang lahat. The coincidences, their connections with one another, the love line, wow… daig pa niya ang nasa telenobela.
Tinitigan niya si Lynne. Nakayuko ito sa harap niya habang pinaglalaruan ang mga daliri.
"You like Pao?" Bahagya siyang natawa. "Ano 'yung sinasabi mong wala kang balak magmahal? Ano 'yung litanya mong natatakot ka? Kasinungalingan lahat? Pakulo lang?"
"No!" tumaas ang boses nito. "Lahat ng sinabi ko, totoo. Walang kasinungalingan. Ang kasalanan ko lang, I omitted some important details. If Kuya is here, he will agree that it was just a fallacy of omission, not a whole case of deceit and fraud."
Hinilot niya ang kanyang sentidong bigla na lang kumirot. Wala na siyang maintindihan. Sana nga, nandito si Chase. Para may makapitan siya sa panahong hindi tumatakbo nang matino ang utak niya. Kung bakit ba naman kasi inuna pa nitong kausapin si Pao bago ang sariling kapatid.
Tumingin siya sa labas ng kotse. Nakatayo ang dalawang lalaki ilang metro ang layo mula sa kung saan nakaparada ang sasakyan niya. Seryosong nag-uusap ang mga ito. Gusto niyang pumunta ro'n at makinig. But that won't be possible. Lalo na't alam niyang mas mahalaga marinig niya muna ang mga sasabihin ng matalik niyang kaibigan kaysa kay Paolo.
Ibinalik niya ang atensyon kay Lynne. She had this sad look on her face. Parang isang pitik na lang ay iiyak na.
"Hera, sinabi ko na 'to kanina pero uulitin ko ulit. Hindi kami ni Pao. Wala kaming relasyon."
Tumango siya, hindi pa rin makapaniwala sa lahat ng nangyayari. "But you like each other, right? And the only reason you couldn't be together was me?" may pait niyang tanong.
"Hindi gano'n." Bumuntong-hininga si Lynne.
"E, ano? Nasabi mo na kanina, Lynne. Nakilala mo siya dahil sa 'kin, sa bar… noong gabing kasama kita at iniiyakan ko siya nang sobra-sobra pagkatapos naming magkita. Professor siya sa isang eskuwelahan malapit sa kung saan ka nagre-review noon kaya hindi sinasadyang nagkita ulit kayo. Nag-usap kayo. Nagbarahan. Nagkapikunan. Pero nagkita pa ulit kayo. At nagkita pa ulit. Nang maraming beses. Nang hindi mo man lang sinasabi sa 'kin." Lumunok siya.
Ngayong siya na ang nagsasalita, naramdaman niyang mas bumabaon ang pinaghalong sakit at pait sa kanyang sistema. Hera felt betrayed. Hindi niya matanggap na noong mga panahong nasasaktan pa siya, noong mga panahong gabi-gabi niyang iniiyakan at gabi-gabi siyang nagpapakalasing para sa dati niyang kasintahan, palihim pala itong nakikipagkita sa kaibigan niya.
"Kung sinabi ko sa 'yo, you'd hate me," bulong nito.
"Definitely! Lynne naman, alam mong mahal na mahal ko noon si Pao. Pero eventually, naka-move on ako. Naging kami pa ni Lucas. Bakit hindi mo pa rin sinabi?!"
"Tingin mo talaga naniniwala akong naka-move on ka? Hera, you didn't even love Lucas!"
"And who are you to say that? Ikaw ba ang nakakaramdam? No, Lynne, wala kang alam!" Pumikit siya nang maramdaman ang biglaang pag-ikot ng kanyang paningin. "Wala kang alam."
"Panakip butas mo lang si Lucas," Lynne murmured. "And I am gambling now by pushing you to my brother kahit alam kong may hang-ups ka pa! Do you even know yourself?"
What did she just say? Gambling? Hang-ups? Kilala ba niya ang sarili niya? Gusto niyang matawa! Hate was consuming her kahit ayaw niya. Huminga siya nang malalim at pinigilan ang panginginig ng kanyang kamay.
"Really, Lynne? I don't even know myself? Sinong mas nakakakilala sa 'kin kung gano'n? Ikaw? Mas kilala mo pa 'ko kaysa sa sarili ko?" sarkastiko niyang sabi.
Hindi siya makapaniwala sa mga lumalabas sa bibig nito. Si Lynne ba talaga ang kausap niya? Pansamantala silang natahimik. Panay ang hilot niya sa kanyang sentido habang mabigat naman ang paghinga ni Lynne.
"Let's stop talking now," bulong niya.
Kinagat ni Lynne ang labi saka marahas na umiling. "H-Hera, I'm sorry…" nabasag ang boses nito. Mas kalmado na ito ngayon, tila biglang natauhan.
"Saka na tayo mag-usap," aniya.
Hinawakan nito ang kanyang braso. "S-sorry, hindi ko sinasadya. Noong una, hindi ko sinabi dahil alam kong magagalit ka. Noong kayo na ni Lucas, hindi ko pa rin sinabi dahil tingin ko, hindi na 'yon mahalaga."
"Hindi mahalaga? Niligawan ka niya. Paanong naging hindi mahalaga 'yon? You should've told me! Kahit hindi na lang bilang ex ni Pao, kahit bilang matalik na kaibigan na lang." Huminga siya nang malalim. Pilit niyang pinakakalma ang sarili pero hindi niya tuluyang magawa.
Umagos ang luha sa mga mata ni Lynne. Nag-iwas siya ng tingin.
"I'm sorry, Hera." Humagulhol ng iyak ang kaibigan niya. "I like him. That's the truth. Gustong-gusto ko siya. He understands me; he respects me; he knows I am hurting because of the past. Sinabi mo noon, 'wag akong magsalita nang tapos. Na kahit takot ako, wala na 'kong masasabi kapag dumating 'yung araw na nagmahal na ako. Hera, that is Pao… si Pao 'yung dahilan kung bakit hindi ako dapat magsalita nang tapos."
Unti-unting dumaloy ang mga luha sa pisngi ni Hera. Nahihirapan siyang huminga. Idagdag pa ang walang humpay na pagkirot ng kanyang ulo. She couldn't think straight.
"Uuwi muna ako sa 'min," bulong niya nang mapagtantong hindi sila makakapag-usap nang matino kung ganito sila. "Sa ibang araw na lang tayo ulit mag-usap. I will take a cab, let Chase drive my car." Umamba siyang lalabas ng kotse nang pigilan siya nito.
"Hera, please, 'wag namang ganito." Suminghot si Lynne at umiling-iling. "Irrelevant na ang lahat noong naka-move ka na dahil hindi na rin ako nakipagkita kay Pao noon. Hindi ko siya sinagot. Iniwasan ko pa siya! Noong nakaraang linggo na lang kami ulit nagkita, I swear to God, we're just friends now."
"Gusto ko talaga munang magpahinga. I am tired, Lynne. We'll talk, just not now." Muli niyang binuksan ang pinto ng kotse. Tila nawalan na ng lakas si Lynne para pigilan si Hera.
Napapikit siya nang salubungin siya ng malakas na hangin. She shivered. Niyakap niya ang kanyang sarili. Huminga siya nang malalim bago hinawakan ang ulo niyang hindi pa rin humihinto sa pagkirot. Dahan-dahan siyang naglakad, hindi malaman kung saang direksyon siya patungo.
Napapitlag siya nang maramdamang may humawak sa kamay niya.
"Saan ka pupunta?" Chase… he looked worried.
Nginitian niya lang ito. "I am so tired. Uuwi muna ako sa 'min."
Umigting ang panga ng lalaki. "Sa amin ka uuwi." Bahagyang humigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang kaliwang kamay.
"No, Chase, sa bahay muna ni Kuya Louie. I'm sorry." Kumalas siya sa pagkakahawak nito.
Muli siyang bumalik sa paglalakad hanggang sa makasalubong niya ang lalaking ilang buwan na ang nakalipas nang huli niyang makita. He was mad. Kunot ang noo at igting ang panga. Agad siyang yumuko at nilagpasan ito.
Napabuntong-hininga siya. Nakailang malalaking hakbang na siya nang maramdaman niya ang malamig na palad ni Chase na nakahawak na naman sa kamay niya. Nilingon niya ito. Seryoso ang mukha nito habang pilit sinasabayan ang bawat paghakbang niya.
"What are you doing?" bulong niya.
"Ihahatid kita."
—x—
"Paano si Lynne?" tanong ni Hera sa kanya.
Inayos niya ang nakalaylay na kumot nito at itinabon iyon sa dalaga. "She's with Pao." Inilapat niya ang kanyang palad sa noo nito. Tama ang hinala niya, nilalagnat ito. Umigting ang kanyang panga nang makitang ngumiti pa ito sa kanya.
"Bigla na nga lang sumakit ang ulo ko kanina," bulong nito.
"Saan ang medicine kit n'yo?"
Itinuro nito ang isang hanging cabinet malapit sa pinto. Nilapitan niya iyon. Kumuha siya ng isang paracetamol. "Bababa ako para kumuha ng tubig."
"May mini-fridge sa tabi ng bookshelves ko. May baso rin d'yan sa gilid."
Sinunod niya ang sinabi nito. Makalipas lang ang dalawang minuto ay napainom na niya ng gamot si Hera. Inalalayan niya ito sa muling paghiga. Kinuha niya ang upuang nasa tapat ng vanity table nito at ipinuwesto iyon sa tabi ng kama.
Pinagmasdan niya si Hera. Her eyes were closed but she still looked troubled. Halatang may inaalala.
"Anong oras ka uuwi?" Nakapikit pa rin ito nang magsalita.
"Matulog ka na," tanging sagot niya.
"Anong oras?"
Huminga siya nang malalim. Hindi talaga ito titigil hangga't hindi nasasagot. "Hindi ako uuwi. Matulog ka na."