Chereads / Fallacious Romance / Chapter 23 - Chapter 23

Chapter 23 - Chapter 23

Kinagat ni Hera ang kanyang labi. Alas sais na. Hinintay niyang may kumatok sa kanyang kuwarto. After exactly five minutes, the knock came. Hindi na kailangang magsalita ng kumatok. Awtomatiko niyang binuksan ang pinto. Napaatras siya ng sunggaban siya nito ng yakap.

"Lynne, let me go, ang hirap huminga," pabirong sabi niya.

She called her. Sinabi niyang magkita sila ng alas sais. And now, she's here, halatang miss na miss na siya. Nagulat siya nang makitang dala nito ang maleta at iba pa niyang mga gamit. Dahil sa dami ng nangyari, nawala na rin sa isip niyang hindi niya pa nakuha ang mga iyon.

"I'm sorry," bulong nito. "Sa lahat ng nasabi ko at sa lahat ng hindi ko nasabi. I brought your things." Kumalas ito sa pagkakayakap.

"I really appreciate it, Lynne, pero umupo muna tayo."

Naglakad sila papasok ng kuwarto. Lynne sat on the vanity chair. Habang siya, umupo sa sahig habang nakasandal ang kanyang likod sa kama. Ilang minuto rin silang nanahimik, nagpakiramdaman. Nauna siyang magbuka ng bibig matapos ang ilang saglit ngunit si Lynne ang unang nakapagsalita.

"Nahihiya ako sa mga nasabi ko that night," bulong nito, hindi makatingin sa kanya. "I'm sorry. Noong sinabi kong sugal ang ginagawa kong pagtulak sa 'yo kay Kuya Chase, that was true. Pakiramdam ko talaga noon, hindi ka pa rin naka-move on kay Pao."

"What made you think that?"

"S-si Lucas. Sorry, Hera. Alam kong mali pero nag-break kayo ni Lucas nang parang wala lang sa 'yo. Naisip ko, hindi mo talaga siya minahal. Kung hindi mo siya minahal, malamang si Pao pa rin…"

Wrong. Matapos ang malalim na pag-iisip at pagtimbang sa mga kaganapan at sariling nararamdaman, halos alam na niya ang sagot sa lahat. Minahal niya si Lucas. Hindi man kasing intense ng naramdaman niya para kay Pao, minahal pa rin niya ito. Bakit hindi siya gaanong naapektuhan matapos ang break up? Dahil kay Chase. Natuon ang atensyon niya rito, sa bangayan nila, sa walang humpay na pagkikita nang hindi sinasadya. She was too curious about him. Hanggang sa tuluyan nang nawala sa utak niya si Lucas.

Sinabi niya ang naiisip niya sa kaibigan. Panay lang ang tango nito habang nakikinig sa kanya. Nang matapos siyang magpaliwanag ay ngumiti ito.

"You like my brother."

She sighed. "I do."

"I knew it! But I feel like you are jealous of Ate Ai. Don't worry about her, hindi 'yon gusto ni Kuya."

"You think so?" She licked her lips, pinipigilan ang pagngiti. Alam ko na. At hinding-hindi na 'ko magpapaloko sa witch na 'yon.

Chase even deleted Ai's number yesterday. Galit na galit ito. Nagkita lang pala sila dahil gusto nang hindian ni Chase ang offer na maging co-author sa libro ng abogada. Date her face!

"Oo kaya! He's crazy about you. Ayaw pang ipadala rito 'yung gamit mo, umaasa yatang uuwi ka pa rin sa 'min balang-araw."

That was actually a good idea. But nah, my brother might kill me.

Tumikhim siya at iniba ang usapan. "Do you like Pao? Be honest."

Kumurap-kurap si Lynne bago sumagot, "Y-yes. Kaya palagi kong sinasabi na wala akong planong magmahal dahil si Pao lang sana… kung mabibigyan ng pagkakataon, si Pao lang ang gusto ko, sa kanya lang ako handang sumugal, pero alam kong hindi puwede. Noong nakita kong kasali siya sa listahan ng mga balak n'yong ipakilala sa 'kin, nabuhayan ako ng loob. Akala ko, alam mong kasali si Pao sa listahan. I don't know, wala na akong ibang maisip no'n kundi tuwa dahil baka may pag-asa pa."

"Hindi ko tiningnan ang listahan dahil ang nasa isip ko, wala naman akong kilala sa inilista niya so why bother?"

"Yeah. Nito ko lang na-realize," sagot nito.

Tumango siya. "Alam mong nagkita kami noong nakaraan?"

"Yes, he texted me."

Oh, kaya pala busy ito sa kati-text noong una niya itong makita. Tumayo siya saka humiga sa kanyang kama.

"Kayo na ba?" tanong niya.

"No."

Ngumuso siya. Kinuha niya ang unan at niyakap iyon. Tiningnan niya ang kanyang cellphone at hindi siya nabigo nang makitang may text message galing kay Chase.

'I miss you. Should we meet now?'

Tumipa siya ng sagot dito. 'Can't. Lynne is here.'

'Pauwiin mo na lang.'

Gumulong-gulong siya sa kama at nagpigil ng tili, parang teenager na first time magka-crush. Natigil lang siya sa ginagawa nang marinig niyang nagsalita ang kaibigan.

"Pinapatawad mo na ba ako?"

Oh? Hindi pa ba? Ngumisi siya. "Pag-iisipan ko pa."

"Sasabihin ko sa 'yo lahat ng sikreto ni Kuya Chase, patawarin mo lang ako!" hirit nito.

Agad siyang napaupo sa kama. Unti-unting naglaro ang ngiti sa labi niya. "Oh my God, Lynne my best friend, hindi naman tayo magkaaway. Halika nga, payakap."

Naghagikhikan sila.

—x—

"Wala siyang naging girlfriend kahit isa?" hindi makapaniwalang tanong ni Hera. Inabot niya ang baso ng tubig sa gawing kanan niya bago sinaid ang laman noon.

Sumubo si Lynne ng kanin at tumango. Nang matapos ngumuya ay saka ito nagsalita, "Wala talaga."

"Baka hindi mo lang alam. Si Kuya Louie, wala ring inuwing ibang babae maliban kay Ate Mica. But guess what? Nakalagpas isangdaan na girlfriend 'yan!" Nabilaukan siya nang makitang sumilip sa kusina ang kapatid niya.

"Lagpas isangdaan? Ninety-nine lang, Hera."

Humagikhik si Lynne. Narinig din niya ang paghagikhik ng asawa ng kapatid niya mula sa kung saan. Inirapan niya si Louie. Ngumisi lang ito bago umalis sa kinatatayuan at nawala sa kanyang paningin.

"Wala talagang naging girlfriend si Kuya," muling sabi ng matalik niyang kaibigan.

Interesting. Bakit nga ba hindi niya natanong si Chase noon tungkol sa bagay na 'yon? Kung alam lang sana niya, ipang-aasar niya 'yon sa lalaki. Puro law at logic kasi ang nasa utak, NGSB tuloy. But on a second thought, malamang babanatan na naman siya nito ng logic kapag sinabi niya 'yon, kaya 'wag na lang. Napahagikhik siya sa sarili.

"Ano 'yan, kilig na kilig ka sa kapatid ko, ha," ani Lynne. Tapos na itong kumain kaya nasa kanya na ang buong atensyon nito.

"Hindi, a." Tinapos na rin niya ang pagkain.

Kusang kumilos ang katawan niya para kunin ang pinagkainan nila ni Lynne. Nagulat na lang siya nang agawin iyon ng kasambahay at sabihing ito na raw ang bahala roon. Napanguso siya saka dahan-dahang tumango.

"Siya ang pinag-uusapan natin tapos humagikhik ka bigla. 'Wag ka nang mag-deny, huli ka na," natatawang sabi ni Lynne.

Kinagat niya ang kanyang labi. "Fallacy 'yan!"

"Ows? Anong fallacy? Sige nga?"

Napakamot si Hera sa ulo. Alam niyang fallacy 'yon, hindi niya lang matandaan kung ano. Tawagan niya kaya si Chase?

"I-Google mo nga, kapag meron, pipitikin mo 'ko sa kamay."

Umirap siya. Ano kami, grade 1? "Kapag meron, magtatapat ka na kay Pao."

Lumunok ito at umiling. "No way."

"Why? Matagal mong sinaktan 'yung tao. Maawa ka naman."

Pumalatak ito saka tumahimik, parang may pinag-iisipang mabuti.

"Google ko na?" inip na tanong niya.

"Pa'no mo naman malalaman? Alangan namang i-Google mo ang siya-ang-pinag-uusapan-natin-tapos-humagikhik-ka-bigla-kinikilig-ka-kay-kuya fallacy?

"Sira, hindi, 'yung premise lang s'yempre." Kinuha niya ang cellphone sa kanyang bulsa. Hindi niya namalayang nakalapit na pala si Lynne at nakadungaw sa hawak niya. Ibinaba niya ang cellphone.

Pabiro siya nitong tinapik sa balikat. "Nakita ko na, 'wag mo nang itago. One new message from Chase with heart emoji."

Mabilis na nag-init ang kanyang pisngi.

"Sige na, i-Google mo na! Mamaya ka na mag-blush."

"Oo na, ito naman, kinikilig pa 'ko rito, e. Panira." Sinunod niya ang gustong mangyari ng kaibigan niya. Mas excited pa yata ito kaysa sa kanya. Sudden change of mind, huh?

Hindi naman siya nahirapan. Naalala kasi niya ang unang salita sa fallacy na hinahanap niya—post.

Post hoc, ergo propter hoc. After this, therefore because of this. Ipinabasa niya kay Lynne ang unang article na lumabas matapos niyang mag-search.

"See? Hindi por que humagikhik ako pagkatapos nating pag-usapan si Chase, siya na agad ang dahilan. That can be true but that can also be false." Tumaas ang sulok ng labi niya. "So ano, magtatapat ka na kay Pao?"

Napangisi siya nang tumango ito.