Hera couldn't believe it. Everything felt surreal. Everything felt perfect. Even the view of the sunset was spectacular. And the violinist who was playing good music caused her an intense eargasm. To top it all, she was standing in a heart-shaped platform, wearing a silver dress. She was the center of attraction, the star of the night.
Hindi talaga siya makapaniwala. Parang kanina lang, sobrang awkward pa nila ni Chase pagkatapos ng halik. Hindi iyon ang unang beses pero pareho pa rin ang epekto sa kanilang dalawa—para silang nawawala sa sarili. Pinagbihis nga siya nito nang hindi siya tinitingnan. Nagmaneho ito nang hindi sila nagkikibuan. Hanggang sa marating nila ang lugar na kinaroroonan nila ngayon.
Kinagat niya ang kanyang labi. Malinaw na sa kanya kung ano'ng ibig sabihin ni Chase nang sabihin nitong 'malay mo, ngayon pala magtatapat.' Hindi si Lynne ang tinutukoy nito kundi ang sarili.
"I hated you before."
Napangiti siya. "I know." Hindi niya alam kung gaano katagal ito magsasalita sa harap niya pero wala siyang pakialam kahit abutin pa ito ng siyam-siyam. Gusto niyang marinig ang lahat. Even the most redundant phrases or the most cliché thoughts.
"You are irrational, your way of reasoning is almost always absurd, and you crack jokes that aren't even funny, you are childish…"
Umismid siya. Nagtatapat ba 'to o nilalait siya?
"But you fell for her! My God, Kuya, just go straight to the point!" sigaw ni Lynne.
Napahagikhik siya. Nainip na yata ito sa tagal ng monologue ni Chase. "Don't mind her," bulong niya. "Inggit lang 'yan."
"Hoy, narinig ko 'yon!"
Pinandilatan niya ito ng mata. Nakita niyang hinawakan ito ni Pao sa braso at inilingan. Natahimik ang kaibigan niya. 'Yon lang pala ang makakapagpatahimik dito. Hindi niya alam kung ano ang real score sa pagitan ng dalawa pero naniniwala siyang, sooner or later, magkakatuluyan din ang mga ito. Kung ayaw umamin ni Lynne, sigurado siyang si Paolo ang gagawa ng paraan.
Tumikhim si Chase. Tinitigan niya ito at nginitian.
"I love you, Hera Tadea," seryosong sabi nito.
Her heart swelled in both joy and restlessness. The words she longed to hear were music to her ears. Iba ang nararamdaman niya ngayon sa naramdaman niya noon para kay Pao. Iba rin sa naramdaman niya kay Lucas. O kung kanino man sa mga dating nakarelasyon niya.
This was the first time she felt unsure. Parang kahit nasa harap niya si Chase at pinalalapit siya, natatakot siya dahil babasaging sahig ang tatapakan niya. Masasaktan siya kapag nabasag ang sahig; masasaktan siya kapag lumayo si Chase bago pa man siya makalapit. But she couldn't help it. Gusto pa rin niyang maglakad… kahit hindi sigurado, kahit nakakatakot.
"I love you, too," sagot niya rito.
Nakarinig siya ng masigabong palakpakan. Gusto niyang pahintuin ang lahat dahil sigurado siyang may sasabihin pa si Chase. Pero kahit kusa nang huminto ang palakpak ay wala na siyang narinig mula sa lalaki. Pinatakan lang siya nito ng halik sa noo saka niyakap nang mahigpit.
"Bakit tapos na? Hindi mo ba sasabihin kung bakit mo 'ko mahal?" Unti-unti niyang ginantihan ang yakap nito.
"They don't even want to hear it. Sa amin ka na lang matulog mamaya, sasabihin ko sa 'yo."
Pinamulahan siya ng pisngi. "Nand'yan sina Mommy."
Kahit hindi niya nakikita, alam niyang nakangiti ito. Kumalas ito sa pagkakayakap. Hinawakan nito ang pisngi niya at bahagyang kinurot iyon. Napanganga siya nang dahan-dahan itong lumuhod sa harap niya at naglabas ng singisng.
"Chase!"
"Don't worry, this is not a wedding proposal."
Ngumiti ito nang nakakaloko. Itinuro nito ang paligid. Nilingon niya iyon at natawa nang makita ang placard kung saan nakasulat ang mga katagang: Hera, will you be my girlfriend?
Nakangiti ang mga taong nakahawak sa bawat placard—ang kapatid niya, ang mommy at daddy niya, si Ate Mica, si Lynne, at si Pao.
"We may have started out as enemies and everything seems so fast. But please, be my girl… officially. Sabi nila, masyadong OA 'tong gagawin ko but this is the first time that I'm doing this and I know you will also be the last that's why I want to make it special. And I'm sorry if I just answered thank you when you said I love you a while ago. But please know that I really am thankful."
Namuo ang mga luha sa mga mata ni Hera. Agad siyang tumingala at nagpaypay gamit ang kamay.
"I will marry you, Hera. In time, I know I will marry you. But for now, I want you to be my girlfriend. I want to save for the future. Alam kong nasanay ka sa marangyang buhay. Alam kong marami kang manliligaw na kayang ibigay ang lahat sa 'yo. But thank you for still choosing me. I love you."
"Why do you love me?"
Chase growled. "Hindi ka talaga matatahimik hangga't hindi ko sinasagot 'yan, 'no?"
Natatawang tumango siya.
"I just came to appreciate everything about you. The good side and the bad. Your strengths and your flaws. I love you because you are you. Ikaw, why do you love me?"
"Because I hate logic." Nakagat niya ang kanyang labi nang sumimangot si Chase.
"What? That's non-sequitur, Hera, it does not follow the original argument."
Natawa siya nang makarinig na siya ng reklamo. "Ano na? Bakit inuna n'yo pa 'yang logic na 'yan?"
"Puwedeng pakibilisan? May date pa kami ni Mica! Sige kayo, wala na kayong masasabi sa wedding vows balang-araw," biro ng Kuya Louie niya.
Pabiro niyang inirapan ang mga ito. Ibinalik niya ang tingin sa nakaluhod na si Chase. Nginitian niya ito nang matamis.
"I'm kidding. I love you because you taught me what it really means to love and be loved. All this time, akala ko, si Pao ang greatest love ko. I was wrong, you proved me wrong. Ikaw ang greatest love ko, Chase. Even the thought of you being away is enough to make me tremble, hindi ko kakayanin. So yes, Chase Gabriel Domingo, my Logic freak, for all its worth, I will be your girlfriend."
Umalingawngaw ang masigabong palakpakan. Tumayo si Chase nang tuwid. Napatili siya nang hapitin nito ang kanyang baiwang at agad siyang siniil ng halik. A tear escaped from her eye.
No more words, just pure bliss.
-THE END-