Chereads / Fallacious Romance / Chapter 24 - Chapter 24

Chapter 24 - Chapter 24

"What happened to Ai? Hindi na nagpaparamdam sa 'yo?" tanong niya kay Chase habang kumakain sila ng tanghalian.

Pinuntahan niya pa ito sa eskuwelahan kung saan ito nagtuturo para lang siguradong makakasabay niya 'tong kumain. Kahapon kasi, sa sobrang abala sa trabaho, nalimutan na nitong magtanghalian. Masyado itong workaholic, kapag nagkasakit, sinong kawawa? Malamang, siya. Siya naman panigurado ang mas mag-aalala.

Mabuti na lang at nagkataong half-day lang din pala ito ngayon sa pagtuturo. Sumama raw sa retreat ang mga estudyante nito kaya imbes na kumain sa labas, sa bahay nina Chase na lang sila pumunta at magkatulong pa silang nagluto.

"Hindi. I changed my number, right?"

"So, you're not even friends now?"

Umiling ito. "I don't think we can still be friends."

Oh, so friendship over it is. Palihim siyang napangiti. "Anyway, tingin mo, magtatapat talaga si Lynne?"

"I don't know. Why?" Uminom ito ng tubig nang hindi inaalis ang paningin sa kanya.

"Kasi po, magdadalawang linggo na naming napag-usapan 'yon. Hindi pa rin nangyayari." Sumubo siya ng kapirasong lettuce. "May doubts pa rin ba si Lynne? I mean, about your father—"

"Tingin ko, hindi na mawawala 'yon kay Lynne. But she's trying, right? Handa siyang mag-take ng risk para kay Pao. Saka malay mo, ngayon na pala siya magtatapat." Ngumiti ito.

Nag-angat siya ng isang kilay. "May alam ka bang hindi ko alam?"

"Wala, sinasabi ko lang na posible lahat, Hera. The love each other so…"

Tumango siya. E, ikaw, do you love me? Gusto niyang itanong. Ayaw niyang sirain ang kung ano mang meron sila ngayon, pero hindi naman maiwasang maghangad siya na maging malinaw na para sa kanila kung ano ba sila.

Are they lovers? Of course, she'd love to think that. Umamin naman sila sa isa't isa. They both like each other. Key word: like. They talk on the phone everyday, they text each other, they hang out during his free time (free kasi siya palagi so…), they shared sweet moments together, heck they even kissed once and this time, he initiated the kiss! Pero minsan, pakiramdam niya hindi pa rin sila.

Maybe because they skip the formalities and just go into acting like a couple? Or maybe because the words she wanted to hear were still unspoken?

Sa mga naging karelasyon niya noon, halos araw-araw ilitanya ng mga ito ang mga salitang 'mahal kita'. Pero kay Chase, hanggang I do too lang ang natanggap niya. Ni hindi man lang I like you, too.

Am I being petty? Bumuntong-hininga siya. Or maybe he was just waiting for me to say it first?

Tumikhim siya at napainom ng tubig. "Chase?"

Nag-angat ito ng tingin sa kanya ngunit hindi nagsalita.

"U-uhm…" Napakurap siya.

"What's the matter?"

"Wala lang, I love you." Sinadya niyang bilisan ang pagsasalita. Humalakhak pa siya para itago ang kabang nararamdaman.

Bahagya namang umawang ang labi ni Chase. Ngumiti ito at tumango sa kanya.

"Thank you, Hera.."

Nalaglag ang panga niya.

—x—

"Bakit ka ba kasi galit?" tanong ni Chase nang matapos silang magtanghalian.

Pinigilan niya ang pagngiti. Alam na alam niyang kung ano ang dahilan ng galit nito, pero mas gusto niyang magpanggap na walang alam. Natutuwa kasi siya sa reaksyon ng dalaga. Namumula ang ilong nito at nanlilisik ang mga mata.

"Wala. Do'n ka na nga sa sala, maghuhugas ako ng pinggan!"

Hinawakan niya ang braso nito. "Ako na d'yan. Mamaya, magalit pa ang kapatid mo, sabihin, inaalila kita."

"Umalis ka na. Nasisira ang diskarte ko sa 'yo, e!"

Kinagat niya ang kanyang labi. "Diskarte?"

"Sa paghuhugas!" Tumapat ito sa lababo at sinimulang pabulain ang sponge.

"Hera, dalawang plato, dalawang kutsara't tinidor at isang baso lang 'yan, anong diskarte ang kailangan mo?" Pumwesto siya sa gilid nito.

"May diskarte ako sa paghuhugas. Kapag 'di ka tumigil d'yan, malilitikan ka na sa 'kin, Chase!"

Ngumuso siya. "Now you're appealing to force. Argumentum ad baculum."

Nagbuga ito ng hangin. Nang hindi na ito sumagot ay huminto na rin siya sa pang-aasar. Seryoso ang mukha nito habang naghuhugas. Napangiti siya.

Hera is wearing a pony tail. May mga takas na buhok sa mukha nito kaya inabot niya iyon at inipit sa tainga nito. Pinabayaan siya nitong gawin iyon. Ni hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin.

Naglakad siya patungo sa likuran nito saka niyakap ang dalaga. "Sorry na," bulong niya.

"Chase, naghuhugas ako," mahinahong sabi nito.

"'Wag ka nang magalit."

"Oo na. Hindi naman kita kayang tiisin." Bumuntong-hininga ito. "Movie marathon na lang tayo after kong maghugas. Dahil may kasalanan ka sa 'kin, ako ang pipili ng panonoorin!"

Tumango na lang siya. Kumalas siya sa pagkakayakap dito saka naghintay sa sala. Ilang minuto lang at naglalakad na ito palapit sa kanya. Umupo si Hera sa tabi niya.

"Flash drive, may mga movies d'yan," sabi nito sabay turo sa flatscreen TV sa harapan.

Isinaksak niya roon ang flash drive. Hawak na agad nito ang remote control kaya wala na siyang nagawa kundi sumang-ayon sa kung ano man ang gusto nitong panoorin. Bumalik siya sa pagkakaupo sa sofa. Nang magsimula ang palabas ay napalunok siya.

Friends with benefits. Parang bigla siyang nilamig. Pero mas lalo siyang nanlamig nang maglagay ng isang unan si Hera sa binti niya at humiga roon.

"Hindi ba puwedeng umupo ka na lang nang maayos sa sofa?" bulong niya. Hindi siya nito pinansin kaya napabuntong-hininga na lang siya.

—x—

Nasa kalagitnaan pa lang ng palabas pero inaantok na si Hera. Ilang ulit na kasi niyang napanood ang pelikulang 'yon kasama ang matalik niyang kaibigan. They both loved this film, halos memoryado na nila ni Lynne ang mga linya roon.

"Ba't ba ito ang pinanonood natin?" bulong ni Chase sa ikalabing-apat na pagkakataon. Talagang binibilang niya.

"Favorite ko," sagot niya.

Totoo naman, pero mas tamang dahilan ang 'gusto niya lang asarin si Chase. Alam kasi niyang hindi ito mahilig sa ganitong klaseng pelikula. He loves action, sci-fi, thriller or investigative, not romance.

Kaya naman nagtaka si Hera nang makalipas ang ilang minuto, napansin niyang wala nang nagrereklamo. Iniangat niya ang tingin para makita ang lalaki. Napangiti siya nang mapagtantong tutok na tutok na pala ito sa panonood—hindi tulad kanina na wala itong ibang ginawa kundi paalisin siya sa pagkakahiga sa binti nito. Baka nagsawa na sa kasasaway sa kanya. Wala rin naman talaga siyang balak tumayo.

Ipinikit niya ang mga mata niya at nagpasyang umidlip na lang. Ngunit muli siyang napadilat nang marinig ang mahinang pagtawag sa kanya ni Chase.

Nagulat na lang siya nang iangat nito ang baba niya at walang sabi-sabi itong yumuko para maabot ang kanyang labi. Nanlaki ang mga mata niya habang tinitingnan ang nakapikit na si Chase. What the?

Hindi na siya makapag-isip nang matino. Her head was spinning like crazy and her heart was thumping so loud. Ilang saglit pa'y napapikit na rin siya at napakapit sa batok nito dala ng matinding sensayong dulot ng halik. They tasted each others lips… long, but they couldn't have enough.

Napasinghap siya nang kagatin nito ang pang-ibabang labi niya. Nagsimulang lumalim ang halik. She answered it with the same intensity while his hand is slowly caressing her back. Para siyang nalulunod sa bawat haplos at halik ng binata. Ayaw niyang tumigil, ayaw na niyang kumalas. Ngunit kusang nahinto ang pagkalunod na iyon nang lumayo si Chase at umayos ng upo.

Napadilat siya at agad na napakagat sa kanyang labi.

Tumikhim naman si Chase saka nag-iwas ng tingin. "Magbihis ka, may pupuntahan nga pala tayo." Naglakad na ito palayo bago pa man siya makasagot.

Latest chapters

Related Books

Popular novel hashtag