Tokyo, Japan
Sa isang high rise building, sa loob ng opisina na may moderno at malamig na disenyo...
"Dead?" tanong ng lalaki na nasa early forties ang edad ngunit mukhang mas bata ng sampung taon ang hitsura. Tinitignan niya ang file na nakapatong sa kanyang lamesa. Nandoon ang impormasyon tungkol sa dalawang lalaki na natagpuang walang buhay sa isang abandoned factory. Binuklat ng lalaki ang pahina ngunit wala nang iba pang impormasyon na kadugtong. "Any information on who did it?"
Sa totoo lang ay wala siyang pakialam sa nangyari ngunit nandoon ang maliit na kuryosidad. Bahagi ng isang maliit na organisasyon ang dalawang taong pinatay. Isang maliit na business lang iyon para sa kanya at hindi niya binibigyan ng masyadong importansya. Ngunit magkaganon man, nasa ilalim parin iyon ng kanyang proteksyon. Sino ang magtatangka na kalabanin siya?
"No evidence was left in the area, Otou-sama. As if nothing really happened there. But..." sagot ng babae na nasa early twenties ang edad.
"But what?"
"The CCTV captured a very distinctive car leaving the city. I investigated the plate number and I came across the name of Cecil Bellini. Most information about that person was highly confidential. I didn't get anything useful."
"Bellini." Saglit na nag-isip ang lalaki at saka kumunot ang noo. "Ahh. Must be Bellini, the old fox."
"Hai?"
Bellini, the Italian mafia. The old fox. 'Cecil? Is he the bastard child of that old fox?'
"Otou-sama, do you want me to investigate—"
"Do you know why some people live longer, Ayumi?"
"Hai?"
"It's because they are smart enough not to provoke people who they cannot afford to provoke." And those two imbeciles probably tugged the tiger's tail.
'So, that's a negative then,' isip ni Ayumi habang nakatingin sa ama.
"You did well, send regards to your brother."
"Hai, wakarimashita."
Lumabas ng opisina si Ayumi at nakahinga nang maluwag. Hindi niya alam kung bakit nakiusap ang kapatid niya na takpan ang ilang impormasyon mula sa ama nila.
'Tammy Pendleton, who exactly are you?'
***
X City General Hospital
"Aray! Araaay!!! Ate!!!" inis na sigaw ni Banri habang inaalis ang kapit ng kapatid niya sa kanyang tenga.
"Masakit? Masakit?! Gabing gabi na nasa layasan ka pa, tignan mo ang nangyari sa'yo ngayon! Nakuu! Binibigyan mo ng problema si Mama! Alam mo naman na stress 'yon ngayon! Dadagdag ka pa!" pagalit na sabi ng Ate ni Banri.
"Tama na 'yan, Marin," awat ng Tatang nila sa kanila nang pumasok ito na may dalang mga pagkain. "Dapat ay inaalagaan mo ang kapatid mo. Hindi mo ba alam na sinagip nyan ang mamanugangin ko? Kwakhakhak! Good job, anak! Manang mana ka talaga sa akin."
"Tang, ano'ng sinasabi mo na manugang? Walang ganon!" tanggi ni Banri na namumula ang magkabilang tenga.
"Wala pa! Kwakhakhakhak!" masayang tawa ng Tatang nila.
Napa-buntong hininga si Marin sa dalawa at nasapo ang noo. 'Kung si Mama lang ang nandito ngayon, siguradong nabugbog na ang dalawang ito.'
"Excuse me." Bumukas ang pinto at pumasok ang isang magandang babae na animo'y lumabas mula sa isang business magazine. Makinis ang balat nito na tila kasing kinis ng nilagang itlog. Ang mga labi nito ay may kulay pulang lipstick.
Nakasuot ang babae ng pormal na office attire, black long sleeves top na lace ang collar at cuffs, tinernohan ito ng puting asymmetrically cut na pencil skirt. Ang pinaka-napansin ni Marin ay ang nakakatakot nitong 6-inch killer heels.
"I'm sorry for suddenly coming in. My name is Samantha Pendleton, I would like to express my deepest gratitude to you for saving daughter's life," sabi ng babaeng may maamong mukha ngunit hindi kakikitaan ng kahit na ano'ng emosyon. "I will never forget what you have done. Please, tell me if there's anything I can do for you."
Dumaan ang tatlong segundo bago naintindihan ni Marin ang sinasabi ng babae. Anak? Sino'ng anak? Tinignan niyang mabuti ang babae. Parang wala pa ito sa edad na thirty. Sino'ng anak?
"No—no need po. Gi—ginawa ko lang po ang dapat... haha..." nauutal na sabi ni Banri saka napalunok. Pasimple nitong ipinunas sa kumot ang pinagpapawisan na mga palad.
Nalipat ang tingin ni Marin sa kanilang Tatang na mukhang naging estatwa. Hindi ito nagsasalita at tila napatitig lang sa magandang babae. 'Tang, kapag nakita ka ni Mama siguradong hihiwalayan ka non.'
***
[Switzerland?! Ano'ng ibig mo'ng sabihin na pupunta ka sa Switzerland, Tammy?!] gulat na reaksyon ni Willow nang marinig ang sinabi ni Tammy.
"Doon daw muna ako kina Lola, sabi ni Mama," sagot ni Tammy habang nakahiga sa kama at nilalaro ang buntot ng natutulog na pusa.
[Gaano ka katagal doon?]
"Babalik ako pagkatapos ng one month."
[Isang bwan kang mawawala?! Paano na yung contest?! Hindi ka aabot!]
Dumaan ang limang segundo bago nakasagot si Tammy.
"Hmm. Galingan mo, Pillow."
[Tammy! Kakausapin ko si Tita! Sasabihin ko sa kanya na paiksiin ang bakasyon mo!]
"Hindi iyon bakasyon, Pillow."
[Tammy... wala na ba talagang paraan?]
"Hindi magbabago ang desisyon ni Mama."
[...]
"Good night, Pillow." Hindi na hinintay pa ni Tammy ang sagot ng kaibigan at ibinaba na ang telepono. Binitawan niya ang wireless phone at nalaglag ito sa carpeted na sahig.
Niyakap niya ang natutulog na si Cosine. Muli niyang naalala ang pinag-usapan nila ng Mama niya kahapon.
"Do you know where you're wrong?" seryosong tanong ng Mama niya sa kanya. "Alam mo ba kung saan ka nagkamali, Natasha? Na-realize mo ba kung gaano ka-delikado ang ginawa mo?"
Hindi nakaimik si Tammy at nanatiling nakayuko habang nakatayo. Alam niyang walang salita ang makakaalis sa galit ng kanyang Mama ngayon. Dumaan ang ilang minuto na walang nagsasalita. Tanging tunog ng wall clock lang ang maririnig sa loob ng opisina.
"You've grown too arrogant, Natasha," bulong ng Mama niya na puno ng disappointment. Sumandal ito sa swivel chair nito. "Hindi kita pinayagan na mag-aral ng self-defense para lang ipahamak mo ang sarili mo."
"I'm sorry po, Mama."
"You should be. You broke my trust, Natasha. You've given me no choice," mariin nitong sabi. "Kinausap ko na sina Mama at Papa, two days from now, doon ka muna sa kanila. Samahan mo sila sa bakasyon nila sa Switzerland."
Nakagat ni Tammy ang ibabang labi niya. "Yes po, Mama."
"You'll stay there for a month."
Nang marinig iyon ni Tammy ay agad siyang napaangat ng tingin. One month. Napuno ng panic ang kanyang mga mata. Hindi siya aabot sa contest!
"Ma—Mama..."
Malamig siyang tinignan ng ina. "May gusto ka pang idagdag?" Ang tono nito ay tila naghahamon na kontrahin siya.
Napalunok si Tammy. Hindi niya kinaya ang lamig sa mga mata ng ina. Muli niyang kinagat ang ibabang labi at kinuyom ang mga kamao. Umiling siya at yumuko.
"Good. Now, start packing your bags."
***
Pansin ni Banri na kanina pa tulala ang Tatang niya. Parang may malalim itong iniisip. Kanina pa ito tahimik.
"Tang," tawang niya ngunit hindi ito kumibo. "TATANG!"
Biglang bumalik ang diwa ng Tatang niya at napatingin sa kanya. Mukha parin itong wala sa sarili.
"Problema nyo, Tang?" tanong niya rito. Matamlay ito at parang tinakasan ng kaluluwa.
"Banri, anak..."
Biglang tinaasan ng balahibo si Banri. Nagtataka niyang tinignan ang Tatang niya. Bakit ang lungkot nito bigla? Tatawa tawa pa ito kanina. Bigla lang itong nawala sa sarili nang pumasok ang Mama ni Tammy.
"May nagawang kasalanan si Tatang noong kabataan niya. Natatandaan mo ba yung mga kwento ni Tatang noon tungkol sa karibal niya? Ang totoo niyan..."
"Ano 'yon, Tang?"
"Yung... babae... hindi ko naman alam... tapos laro lang naman 'yon... alam mo na... bata pa kasi si Tatang noon... kaya 'yon nagawa ni Tatang... tapos anak pala nila..."
"Tang, wala akong maintindihan."
"Banri, pasensya na." Bigla siya nitong hinawakan sa magkabilang balikat. "Magmahal ka nalang ng iba. Patawarin mo si Tatang, huhuhu... Kalimutan mo na siya..."
Nagulat si Banri nang biglang umiyak ang ama niya. Teka, ano'ng nangyayari?! Wala siyang naintindihan sa sinabi nito!