Tanaw ni Nix ang training ground mula sa floor to ceiling na bintana ng opisina ng kanilang boss. Mga babae at lalaking trainees ang nasa gitna ng ulan ngayon – tumatakbo paikot sa field, gumagapang sa putikan, at umaakyat sa pader gamit lamang ang lubid.
Ang mga taong hindi makakapasa sa test na ito ay hindi makakakuha ng final exam sa isla kung saan mas mataas ang requirements. Hindi lang physical kundi pati mental endurance ang sinusukat doon. Doon makikita ang bilis mo sa decision making at adaptability sa mga biglaang pagbabago.
May tatlong ranks ang mga bodyguards dito; B-class, A-class at S-class.
Kahit na masasabing pinaka-mababa ang B-class, hindi ibig sabihin non ay kinulang sila. Nakapasa sila sa devil training at isa na iyong malaking achievement. Ang A-class ay leader type, hindi lang sila outstanding sa training kundi kaya nilang makapag-provide ng inspiration sa kanilang subordinates upang mas maging maayos ang kontrol nila sa mga ito. Sila ang paboritong kunin ng mga babaeng clients dahil pati sila ay naaapektuhan ng kanilang karisma.
Ang S-class ay mga taong masasabing halimaw. Bukod sa pagkapasa sa tests, ang kanilang IQ ay higit na mas mataas kaysa sa mga normal na tao. Mula sa mga miniscule clues, kaya nilang ipredict ang mga mangyayari o mga nangyari. May iilan lang na myembro ng S-class at karamihan ay nasa ibang bansa. Ang kanilang salary ay umaabot ng ilang milyon kada taon.
Ang Greywolf Royal Security Company ay nananatiling low-key ngunit ang kanilang clients ay puro galing sa high society. Malinis ang mga pinipiling kliyente ng kompanya at iniiwasan ang mga taong may shady business. Maliban nalang sa mga S-class bodyguards na may kalayaan na pumili ng kahit na sinong clients.
Ang mga taong kayang mag-hire sa mga S-class ay kalimitang nasa gray area ng tama o mali. Sila lang ang may kakayahan na magbayad ng astronomical amount na salary.
Sa kompanyang ito nanggaling si Nix. Isa siya sa mga nakapasa sa pagsusulit dito. Na-train siya sa physical at mental endurance.
Ngunit kahit na ano'ng klase ng devil training pa ang pinagdaanan niya hindi parin niya maiwasan na matakot kapag ipinapatawag na siya sa opisina. Sa tuwing mga Pendleton na ang involved, hindi talaga niya maiwasan na maging isang pobreng nilalang sa harap ng mga ito.
Bumukas ang pintuan ng opisina at pumasok ang kanilang Madam Boss – ang Mama ni Tammy. Kasunod nito ang secretary nitong si Frances – isa ring ice cold beauty – personal secretary, personal bodyguard. Ilang trainees din ang ibinalibag nito sa mat at isa na roon si Nix.
"Niklaus," bati ni Samantha kay Nix matapos nitong umupo sa swivel chair.
May mga inilapag na documento si Frances sa mesa, sandali iyong binasa ni Samantha bago pirmahan. Matapos non ay lumabas na si Frances ng opisina. Ni isang tingin ay hindi nito tinapunan si Nix.
"Ipinatawag nyo raw po ako, Ma'am."
"Hmm." Sumandal sa upuan si Samantha at tinitigan si Nix.
Hindi maiwasan ni Nix na pagpawisan. May trauma siya sa ganitong klase ng tingin. Isa itong sign na may ginawa siyang hindi nito nagustuhan. Ramdam ni Nix ang takot sa kaibuturan ng kanyang puso.
"Alam mo ba kung bakit kita ipinatawag dito?" ang malamig na tanong ni Samantha habang hindi inaalis ang tingin sa kanya.
"..." 'Paano ko sasagutin ito?!' Napalunok si Nix at iniwasan na punasan ang pawis sa noo. Nanatili siya sa kanyang kinatatayuan, ni hindi siya nagbalak na umupo sa sofa.
"Do you know what you did wrong?"
"Ma'am..."
Dumaan ang ilang segundo na para kay Nix ay ilang oras ng prelude para sa kanyang paghihirap.
"I know what you did, Niklaus," sa wakas ay basag nito sa katahimikan.
"..."
"Go, face the wall."
"...Yes, Ma'am." Mukhang aso na itinakwil ng amo si Nix na lumapit sa pader.
"Sometimes I wonder, am I her mother or are you her mother? You're spoiling her way too much," buntong hininga ni Samantha saka hinarap ang computer at nagpatuloy sa trabaho.
Gustong umiyak ni Nix. Saan siya nagkamali? May iniwan ba siyang bakas? Ang akala niya ay malinis na ang kanyang trabaho. Paano nakarating sa tenga ng kanyang Boss ang ginagawa niyang pag-sabutahe sa contest?
Hindi alam ni Nix, sa isip ng kanyang Madam Boss, wala namang ibang gagawa non kung hindi siya lamang. May bakas man o wala, malinis man o hindi, siya lang ang nag-iisang suspect.
Pumasok si Frances sa opisina na may dalang tea cup. Sa pagkakataon na ito ay naramdaman ni Nix ang tingin mula sa kanyang likod. Namula ang mukha niya habang nakaharap sa pader. Kita niya ang mukha ni Frances sa reflection ng painting na nasa harap niya.
Nadagdag ang eksenang ito sa listahan niya na nakapagpa-trauma sa kanya. 'Boss, nagkamali ako! Patawarin nyo na ako! Hindi na ako uulit! Huhu...'
Lumipas ang ilang oras, may tatlong tao na ang pumasok at lumabas mula sa opisina. Ramdam ni Banri ang mga nagtataka nilang tingin lalo pa at hindi siya gumagalaw mula sa kanyang kinatatayuan. Para siyang estatwa na nakadisplay doon.
Nagtataka man ang mga taong iyon, wala ni isa sa kanila ang naglakas-loob na magtanong kung ano ang ginagawa niya.
Gusto na ni Nix na maging usok at lumabas dito.
Tumunog ang telepono at sinagot iyon ni Samantha.
"Hello, Michie?... Yes... What is it?... And?... Just get to the point. I'm busy... Yes... Chocolate?... What do you mean?... Michelle, stop wasting my time..."
Nanginig si Nix dahil naramdaman niya ang biglaang pagbaba ng temperatura sa opisina. Bago pa siya maka-ilag, tinamaan na siya ng sonic boom na sigaw ng kanilang Madam Boss.
"YOU DID WHAT TO MY DAUGHTER?!"
***
Lutang ang isip ni Banri nitong mga nakaraang araw. Simula nang makalabas siya sa ospital – na ipinagpapasalamat niya dahil hindi niya matagalan ang tingin sa kanya ng kanyang Tatang – sobrang inip siya sa buhay na hindi niya alam kung bakit.
Ang mga bagay na ikinasisiya niyang gawin noon, ngayon ay parang kinasasawaan na niya. May kulang sa kanyang bawat araw at hindi niya alam kung ano iyon. Para siyang kumain ng mami na walang sabaw, palabok na walang hipon, champorado na walang sago. Palaging may kulang sa bawat araw niya.
Nagtataka na rin sa kanya ang mga kaibigan niya. Sequelae ba ito ng kanyang injury?
Nang madaanan ni Banri ang playground, sandali siyang umupo sa bench para panoorin ang mga batang naglalaro sa sandbox. Dati ay grupo niya ang naghahari-harian sa lugar na ito. Bigla niyang naalala ang mga kalaro niya noong bata pa siya. Bumuntong hininga siya. Ngayon ay magkakalayo na sila at hindi na nag-uusap pa.
"Iuwi mo nalang kaya?"
"Hindi pwede, magagalit si Mama. May baby sa bahay namin."
"Eh, sa inyo Timmy, hindi ba pwede?"
"Kakainin siya ni Cosine."
"Oww. Paano na 'yan?"
"Kawawa naman siya kung iiwan natin siya rito?"
Na-curious si Banri sa isang grupo ng mga elementary students na parang nagpupulong. Nakaupo sila paikot at nakatingin sa gitna – kung anuman ang nandoon.
Tumayo si Banri at nakiusyoso.
"Ano'ng pinag-uusapan ninyo?" tanong niya.
Biglang napalingon sa kanya ang mga bata.
"WAAAAAHHH HALIMAW!!!"
"TAKBO!!!"
"STRANGER DANGER!!!"
"MOMMY!!!"
"Wala po kaming pera! Huhuhu!"
"Pulis ang Ninong ko! Waaaah!!!"
Tinamaan ng ilang matutulis na sibat ang babasaging puso ni Banri at nagtamo siya ng 999 critical hit. Napahawak siya sa kanyang dibdib. Kapag mga kalaban niya ang natatakot sa kanya, sobrang proud siya. Ngunit kapag mga inosenteng bata ang tumatakbo palayo sa sobrang takot sa kanya hindi niya maiwasan na masaktan. Pakiramdam niya ay siya na ang pinaka-masamang nilalang sa mundo.
Sa pitong bata, tatlong bata lang ang natira sa harapan niya. Isang bishoujo, bishounen at... isang batang kamukha ni Nobita.
Tumayo ang tatlong bata at sa wakas ay nakita na ni Banri ang pinagkakaguluhan nila. Isa iyong dilaw na sisiw na nakalagay sa palad ng batang lalaki.
"Kuya, interesado ka ba na mag-alaga ng sisiw?"
Akala ni Banri ay aalukin siya nito na mag-networking. Bakit ang pormal ni Nobita magsalita?
"Wait a minute! Paano tayo nakakasigurado na hindi niya sasaktan si Yoki?" tanong ni Bishoujo. "At bakit siya?!"
"Mukha naman siyang katiwa-tiwala."
Maraming salamat, Nobita.
"What? Gaano ba kalabo ang mga mata mo? Magpa-check ka nga ulit."
*Bishoujo used poison tongue and landed a critical hit*
"Pumapasok ka ba sa Pendleton High?" tanong ni Bishounen.
Umayos ng tayo ang nalalantang halaman na si Banri. "Tsk. Hindi ba kayo tinuruan na gumalang? Bakit hindi kayo gumagamit ng 'po'?"
"Pumapasok ka ba sa Pendleton High, po?"
"...oo"
"May asawa ka ba, baby, girlfriend, o pusa?" tanong ng batang babae.
"Wala."
"Wala ka bang criminal record? Ano'ng hobbies mo?"
"Isa akong boxer. Bakit mo ba tinatanong?"
"So, athlete ka. Okay, you pass. Pwede mo nang i-uwi si Yoki."
"...teka wala naman akong sinabi na..."
Bago pa siya makatanggi ay ibinigay na sa kanya ang umiiyak na sisiw. At hindi niya alam kung coincidence o hindi, bigla itong tumigil sa pag-iyak. Inilapit niya ito sa kanyang mukha upang tignan nang mabuti. Nagulat siya nang bigla itong tumalon sa kanyang ulo.
"Oi!"
"Hahahaha! Magkakulay kayo ni Yoki! Akala siguro niya Nanay ka niya! Hahahaha!" tawa ng batang babae.
Kahit ang seryosong mukha ng bishounen ay hindi mapigilan na ngumiti.
Inayos ni Nobita ang kanyang salamin habang nakatingin sa dilaw na sisiw na nakapatong sa dilaw na buhok ni Banri. Nagbigay ito ng thumbs up.
Hindi maalis ni Banri ang sisiw sa kanyang ulo. Napakahigpit ng kapit nito sa buhok niya gamit ang mga paa nito. Tuwing pupwersahin niya ito ay bigla itong iiyak. Hindi niya alam kung ano'ng gagawin!
"Bye, kuya! Hahaha!"
Tumakbo paalis ang tatlong bata.
"Hoy! Bumalik kayo rito, kunin nyo 'tong sisiw! Hoooy!"