Matapos umalis ni Tammy para sa head-to-head round, nagmamadaling tumakbo si Willow sa washroom. Kanina pa siya nagpipigil, hindi lang niya maiwan ang kaibigan na gusto niyang i-cheer.
Nang makalabas siya ay may nadaanan siyang vending machine. Bumili siya ng dalawang strawberry milk. Nang kunin niya ito ay napansin niyang may isa pang inumin na nandoon, isang bote ng mineral water.
"Hey," tawag ni Willow sa palapit na babae—ang teammate ni Tammy. "May extra drink dito. Gusto mo?" alok niya sa hawak bote.
"Ah. Oo, thank you."
Bumalik na ulit sila sa backstage at pinanood ang laban sa isang screen na nandoon.
"Is that for me?" tanong ni Jasmine kay Willow habang nakatingin sa isa pang drink carton.
Napatigil sa pag-inom ng strawberry milk si Willow at umiling. Hindi inaalis ang mga mata sa screen siyang sumagot. "Para 'to kay Tammy. Kung gusto mo, meron pa naman sa vending machine."
"Ahh... Okay." Pumunta si Jasmine sa vending machine. May tinignan siya saglit at saka muling bumalik sa tabi ni Willow.
"Go Tammy!" cheer ni Willow sa kaibigan na hindi siya naririnig.
"Sixteen is forty percent of what number?"
*BZZT!*
"Pendleton?"
"Forty."
"Forty is correct! The sum of N consecutive integer numbers is 2090. The smallest number is 101. Find N."
"Charleston?"
*BZZT!*
"Nineteen."
"Correct. A password consists of five digits, zero to nine. How many passwords are there that read the same backwards as forwards?"
*BZZT!*
"Pendleton?"
"One thousand."
"Correct. Give the full name—"
*BRIIIING~*
"Time's up. At dito na nagtatapos ang ating head to head round. We will have a short five-minute break and then we will proceed to the last round."
"Hwaa~ Ang galing ni Tammy!" Nang makita ni Willow si Tammy na pumunta sa backstage kaagad siyang lumapit dito. Inabot niya ang hawak na strawberry milk carton. "Tammy! Ang galing galing mo!"
"Eh ako Willow? Hindi mo ba ako pupurihin?" singit ni Giselle na napadaan.
"Ah? Nakasagot ka ba?" clueless na tanong ni Willow.
"Guh!" Muling natikman ni Giselle ang pagiging heartless ng kanyang teammate. Gusto niyang itanong kung may nagawa ba siyang masama kay Willow. Bakit langit at lupa ang trato nito sa kanila ng kaibigan nito.
Kahit papaano ay teammate parin naman sila. Wala man lang siyang narinig na encouraging words mula rito. Minsan ay hinihiling niya na kasing plastic ng iba si Willow. Atleast may maririnig siya mula rito. Huhu.
Isang sigaw ang pumutol sa kanilang pag-uusap.
"AAHHHH!!!"
Nakita nilang natumba sa sahig ang teammate ni Tammy na si Jessica.
"Jessi! Jessi!" natatarantang nilapitan ito ni James.
"Ang sakit... AHHH!" muling sigaw ni Jessica habang hawak ang tyan.
"Ano'ng nangyari?" tanong ni Tammy nang malapitan ang teammate. Hinawakan niya ang noo nito at nakitang pinagpapawisan ito ng malamig. "Willow, tumawag ka ng staff!"
"Okay!"
Mabilis na bumalik si Willow kasama ang isang staff at kaagad nilang inalalayan si Jessica patungo sa isang silid.
Lahat ng contestants ay nakatingin sa saradong pinto. Napupuno sila ng tensyon dahil sa nangyari. Hindi biro ang sigaw na narinig nila.
Sa loob ng silid, inaalalayan ng babaeng organizer ang nagsusukang estudyante.
"May nakain ka ba kanina?" Biglang naalala ng lalaking organizer na sa hotel sila kumain lahat ng breakfast. "May binili ka ba na pagkain dito?"
Hindi makasagot si Jessica kaya naman si Tammy ang sumagot para rito.
"May kinain kaming sandwich kanina na galing sa hotel."
"Mukhang food poisoning ang nangyari sa kanya. Pero hindi dahil sa pagkain na galing sa hotel dahil siya lang ang nalason. May iba pa ba siyang kinain o ininom?"
"May hawak siyang mineral water kanina," sagot ni James.
"Mineral water? Galing saan?"
"Galing po sa vending machine," namumutla na sabi ni Willow. "Kanina nang bumili ako, may nakita akong extra na mineral water kaya inalok ko sa kanya... Pero hindi ko alam!" Tumingin si Willow kay Tammy na puno ng takot ang mga mata. "Hindi ko alam na may problema 'yon."
"Hindi pa natin alam kung may problema nga ang mineral water na 'yon," sagot ni Tammy saka tumingin kay James. "Kunin mo ang mineral water, James."
Tumango si James at lumabas ng silid.
"Tammy..." naiiyak na bulong ni Willow.
Hinawakan ni Tammy sa balikat ang kaibigan. "Alam kong wala kang kasalanan."
Bumalik si James na dala ang bote at iniabot kay Tammy.
Kinuha ni Tammy 'yon at tinignan nang mabuti. "May seal pa ba ito kanina?"
"Oo. Nakasarado nang mahigpit 'yan kanina. Sa akin ipinabukas ni Jessi," sagot ni James.
Ibinigay ni Tammy ang bote sa organizer upang ipa-test sa lab.
Ang five minute break ay naging fifteen minute break. Isang ambulansya ang dumating at kaagad na isinugod sa ospital si Jessica. Kasamang umalis ang ibang organizers.
Hindi alam nina Tammy kung paano nalaman ng mga kalahok ang nangyaring food poisoning at kung paano nila nalaman na may kinalaman dito si Willow.
Nakarinig sila ng mahinang bulungan sa backstage. Ilang matatalas na tingin ang ipinukol sa inosenteng dalaga.
"Inosente si Willow! Wala siyang kinalaman sa nangyari kaya tigilan nyo na ang mga sinasabi ninyo!" galit na sabi ni Jasmine sa mga kalahok. Tumingin ito sa teammate. "Hindi ba Willow? Hindi mo naman alam na may lason ang ibinigay mo na tubig, hindi ba?"
Kumunot ang noo ni Tammy. Sa mga sinabi ng teammate ni Willow, naniniwala ito na inosente ang kaibigan niya pero bakit parang mas pinapaypayan nito ang apoy para mas lalong lumaki?
"Ano'ng nangyari?" tanong ni Giselle na bumalik matapos nitong kumain ng siomai. "Nawala lang ako nagkaroon na ng issue?"
"Pinagbibintangan nila na nilason ni Willow ang isang member ng Pendleton High. Kahit naman mas lamang sila ng ilang puntos sa atin, hindi naman iyon sapat para gawin iyon ni Willow," paliwanag ni Jasmine.
"Eh? Nalason siya? Ang akala ko najejebs lang siya e. Goodness! Ganon pala ang nangyari." Tumingin si Giselle kay Willow. "Hwag kang mag-alala, Willow. I believe in you kahit na you don't believe in me."
"Inosente o hindi, kailangan parin niyang maimbestigahan," kunot noong sabi ni James.
"Inosente siya, hindi niya kailangan maimbestigahan!" kontra ni Jasmine saka hinila sa braso si Willow.
Biglang nahati sa dalawa ang grupo. Tinignan ni Jasmine sina James at Tammy na tila mga kaaway.
"Dahil lang teammate ninyo ang nalason, pwede na kayong mambintang?" sarkastikong tanong ni Jasmine sa dalawa.
"King," sambit ni James kay Tammy. Hindi siya naniniwala na hindi ito sinadya. Siguradong may naglagay ng lason sa inumin ni Jessica kahit na hindi niya alam kung paano. At sa ngayon, ang pinakamalaking suspect ay ang kaibigan ni Tammy.
"I assure you James, hindi si Willow ang gumawa nito. Isa lang din siyang biktima," mahinang sabi ni Tammy. "Ipapaliwanag ko mamaya. Mag-focus ka sa contest. Kailangan nating i-uwi ang tropeyo para kay Jessica at para sa school natin."
Tumango si James at hindi na umimik.
Lumapit si Tammy kay Willow.
"Ano'ng gagawin mo?!" tarantang tanong ni Jasmine saka itinago sa likod si Willow. Tumingin ito kay Tammy na parang nakakita ng halimaw. "Hi-hindi mo pwedeng saktan si Willow!"
Nagulat ang mga nakarinig. Naalala nilang galing sa Pendleton High ang team na nalason. Alam nilang bayolente ang mga estudyante roon. Mananakit nga kaya ang teammate nito bilang ganti?
Ngunit kabaliktaran ng inaasahan nila, si Willow ang unang gumalaw. Itinulak nito sa gilid ang nakaharang na si Jasmine saka tumingin kay Tammy.
"Ah! Willow?!" gulat na sabi ni Jasmine.
"Jasmine, can you chill? Kanina ka pa praning," puna ni Giselle. Kanina pa niya hindi maintindihan ang teammate niyang ito.
"Willow, makinig kang mabuti. Hindi ka guilty kaya hindi ka dapat mag-alala. Mag-focus ka sa contest. Pagkatapos nito, iimbestigahan natin ang nangyari at hahanapin natin ang tunay na may kasalanan. Okay?"
Nakagat ni Willow ang kanyang ibabang labi saka tumango. "Okay."
Natapos na ang break at muli silang tinawag sa stage. Nag-umpisa ang last round ng contest.