Chereads / High School Zero / Chapter 49 - Chapter Forty-Nine

Chapter 49 - Chapter Forty-Nine

Dark chocolate sa loob ng white chocolate, covered with a thin layer of candied sugar and sprinkled with caramelized almond nuts. The taste was simply heavenly.

'Damn her,' saisip ni Hanna Song habang ninanamnam ang chocolate. 'Damn Tammy, paano niya nakuha ang role na 'yon? Umalis lang siya, pagbalik niya may commercial na? Hindi pa sapat ang trophy na nakuha niya sa contest? Damn greedy brat. Sana tamaan siya ng kidlat.'

GOVIDA ang favorite brand ng chocolate ni Hanna Song. Alam niyang maglalabas sila ng anniversary edition kaya naman mabilis siyang nagpareserve. Ngunit hindi niya alam na nasa commercial pala nito si Tammy. Damn her. Para tuloy nabawasan ang pagkagusto niya sa chocolate na kinakain niya ngayon.

Simula nang bumalik si Tammy, nawala na rin ang kanyang psycho stalker. Sa wakas nagamit na niya nang maayos ang kanyang cellphone. Wala nang mas sasaya pa sa mga araw niya ngayon... hanggang sa makita niya ang commercial. Ugh. Damn show-off.

Naubos na ni Hanna Song ang chocolate sa box. Aaminin niya na ang paborito niya ay ang gold color na chocolate na huli niyang kinain. Iba talaga ang chocolate recipe ng GOVIDA.

Ininom niya ang tsaa sa kanyang tasa at tumingin sa labas.

Kumunot ang maganda niyang noo nang makita ang pamilyar na dilaw na sportscar. Damn, isa pa itong show off. Michael Villamor, anak ng mayor ng city na ito. Mabilis ang patakbo nito sa sasakyan at kaagad ding nawala sa kanyang paningin.

Huminga siya nang malalim at nag-relax sa paborito niyang pwesto sa teahouse na tinatambayan niya. Maraming idea na pumasok sa kanyang isip.

'Magtayo na lang din kaya ako ng chocolate factory?'

***

Hindi mapakali si Tammy habang naglalakad pauwi. Hindi niya maintindihan kung bakit ang bilis ng tibok ng kanyang puso. Nararamdaman niyang may hindi magandang mangyayari. Hindi ito nawala hanggang sa makapasok siya sa kanilang bahay.

"Meow~"

"Cosine, lumabas ka na naman ba?" tanong ni Tammy sa pusa na sumalubong sa kanya sa pintuan. Napansin niyang may bahid ng dumi ang tuktok ng ulo nito. "Gutom ka na ba?"

"Meow~" itinaas ng pusa ang dalawa nitong mga paa na tila nagpapabuhat.

Naningkit ang mga mata ni Tammy. "May ginawa kang kasalanan?" Binuhat niya ang pusa at pumunta sila sa kusina. Doon, nakita niya ang basag na mug ni Timmy sa sahig.

"..."

"Meow~"

Bumuntong hininga si Tammy saka ibinaba ang pusa. Maingat niyang nilinis ang basag na baso at itinapon sa basurahan.

Sakto nang matapos siyang maglinis ay tumunog ang telepono.

"Pendleton residence – Tammy speaking," sagot niya.

[Hello? Tammy na bestfriend ni Willow?] sagot ng di pamilyar na boses ng babae.

"Sino 'to?"

[Bestfriend ni Willow, nandito kami ngayon sa Estra. Sabi ni Willow humingi raw kami ng tulong sa'yo. Help us, please!]

"Nasaan si Willow? Ano'ng nangyari sa kanya?"

[Wala siyang malay ngayon. Nandito kami sa ladies room—OMG kumakatok na sila! Kailangan ko nang lumabas to buy time. Ewan ko kung bakit ikaw ang pinapatawagan niya. Girl, kanina pa siya tumatawag, bakit wala kang cellphone?]

"No. Don't come out. Stay inside, you hear me?"

[OMG! OMG! Sinisipa nila yung pinto! Ano'ng gagawin--]

Mas lumakas ang tibok ng puso ni Tammy. Bigla nalang nag-end ang call. Walang sinayang na oras si Tammy. Mabilis niyang tinawagan si Nix at pinapunta sa Estra, hindi na niya sinagot pa ang mga tanong nito at tinapos ang tawag. Muli siyang lumabas ng bahay habang pinapanood siya ni Cosine na nagmamadali.

***

'Shit, ano kaya ang nangyari?' tanong ni Nix sa sarili habang tumatakbo papunta sa kanyang nakaparadang motorbike. Sa tono ni Tammy parang may masamang nangyari. Akala pa naman niya makakapag-relax siya ngayong araw. Ano na naman kayang gulo ang nangyari? Mapapa-face the wall na naman ba siya ni Madam Boss?

Estra – nasa twenty minutes din ang layo non mula rito kung patatakbuhin niya nang matulin ang kanyang motor.

Sa gilid ng kanyang mga mata, may nahagip siya. "ASUL!" tawag niya ngunit di siya nilingon ng lalaki. "Nak ng bingi!" Kapag gwapo ka talaga dapat may kulang sa'yo, eh. Katulad niya, napatingin siya saglit sa salamin ng motorsiklo, sobrang gwapo pero walang lovelife.

Pinaandar niya ang kanyang motor palapit sa lalaki. "Blue, sumama ka sa'kin!" hatak niya sa braso nito.

Nilingon siya ng binata na kunot ang noo.

"Bilis! Nagmamadali ako!" Desperado at nagmamadaling hinila ni Nix si Blue sa kanyang motor at mabilis na pinaandar. 'Wala akong panahon sa pagiging cold at mysterious character mo. Ayokong mag-face the wall!'

Hindi alam ni Nix kung ano'ng kamalasan ang dumikit sa kanya, puro red lights ang inaabutan niya. magkanon man, wala siyang panahon na sumunod sa batas trapiko ngayon. Hindi niya alam kung ano ang nasa Estra. Ang alam lang niya, nasa boses ni Tammy ang takot at pagmamadali.

Mas natatakot siya sa mangyayari sa alaga niya kaysa sa mahuli ng pulis.

"Shit!" mura ni Nix nang makitang may motor ng traffic officer na sumusunod sa kanya. Wala siyang choice kundi ang itigil ang motor.

"Boss," bati niya sa lalaking lumapit sa kanya.

"Beating the red light ka, hijo. Over speeding na nga wala ka pang helmet. Tsk tsk. Hindi mo ba alam na delikado ang ginagawa mo? Kaninang umaga lang..." ani ng lalaki saka nag-umpisang ikwento ang aksidente na nangyari kaninang umaga.

'Shit,' muling mura ni Nix. Mahaba habang kwento pa yata 'to.

"Blue, pumunta ka sa Estra. Kailangan ni Tammy ng tulong mo. Takbuhin mo na!" Itinulak niya si Blue paalis. Sa pagpapasalamat naman niya, sumunod ang binata sa sinabi niya. Mabilis nga itong tumakbo papunta sa direksyon ng bar.

'Sana umabot siya,' saisip ni Nix saka humarap sa traffic enforcer na patuloy parin sa pagkwento at pangaral.

***

Hindi mapakali si Giselle habang sinasandalan ang pinto ng banyo upang hindi ito magiba. Patuloy sa pagsipa ang lalaking kasama ni Michael.

Dapat talaga hindi na sila pumunta pa rito sa party. Hindi sila mapupunta ni Willow sa lugar na ito kung hindi sila hinarang sa school gate ni Jasmine. Nahiya naman siya na sabihing hindi sila pupunta sa mismong mukha nito.

Nang makarating sila sa Estra, akala ni Giselle ay sila lang tatlo ang laman ng private room. Laking gulat niya nang may pumasok na tatlong lalaki. Ang isa rito ay ipinakilalang Michael Villamor - anak ng city mayor. College students at graduating na ang tatlo.

Hindi naging maganda ang kutob ni Giselle, pero hindi siya makapag-salita dahil wala namang ginagawang masama ang tatlo. Hindi lang niya matagalan ang tingin ng tatlo na para bang may inside jokes sila na sila lang ang nakakaalam.

Sinubukan niyang magpaalam kay Jasmine ngunit patuloy ang order nito ng pagkain para sa kanila.

Huli na nang mapansin niya ang walang imik na si Willow sa kanyang tabi. Nabitawan nito ang baso ng juice saka ito nagsabing nahihilo at nasusuka.

Tinignan ni Giselle ang braso niyang may pulang hand print. Napaka-higpit ng kapit sa kanya ni Willow kanina habang nagpapasama sa ladies room na nasa loob lang din ng private room.

Muling kumalabog ang pinto at pinagpawisan ng malamig sa kaba si Giselle. Gusto na sana niyang tumawag sa pulis ngunit sa kamalasan, dahil sa gulat ay nalaglag niya ang smart phone ni Willow sa toilet bowl at hindi niya magawang kunin. No way na aabutin niya 'yon! Kung nasa kanya lang sana ang bag niya ngayon...

***

Kagat ni Jasmine ang kanyang kuko habang pinapanood sina Raffy at Greg na pilit na binubuksan ang pinto. Puno ng kaba ang kanyang dibdib. Hindi siya makapaniwala na aabot siya sa ganitong sitwasyon.

Upang makuha ng kanyang mga magulang ang suporta ng Mayor, ipinakilala siya ng mga ito kay Michael. Ginawa niya ang lahat upang makuha ang pabor ng binata. Nang hingiin nito ang kanyang katawan, hindi siya kaagad pumayag. Alam niyang wala nang atrasan pa kung gagawin niya iyon. Ngunit ang pressure ng kanyang mga magulang sa kanya ang naging dahilan upang ibigay kay Michael ang gusto nito.

Diring-diri siya sa kanyang sarili, maging ang tingin niya sa kanyang mga magulang ay nag-iba rin. Para sa negosyo, isinakripisyo nila ang kanilang anak. Ilang beses niyang tinanong sa kanyang sarili kung saan ba sya nagkamali? Bilang anak, ginusto lang naman niyang mapasaya ang kanyang mga magulang. Paano siya humantong sa ganito?

Kaya naman... isang plano ang nabuo sa kanyang isipan.

Gusto niyang sirain ang mga taong nanakit sa kanya. Gusto niyang makawala. Gusto niyang lumaya. Gusto niyang gumanti.

Hindi tanga si Jasmine, alam niyang hindi niya pwedeng gawan ng masama si Michael. Kung gagawin niya iyon, siguradong mapapahamak na naman siya. Kaya naman naisip niya ang planong ito.

Pwede niyang saktan si Michael habang nagtatago sa dilim.

Apo ng isang maimpluwensyang tao si Willow. Kung may mangyayaring masama rito, siguradong may magbabayad.

Si Willow ang gagamitin niya upang makapaghiganti... sa mga magulang niya at kay Michael.

Ilang beses niyang pinuri si Willow sa harap ni Michael. Gaano kaganda ang balat nito, gaano ito kasikat sa kanilang school – sinabi rin niyang scholar lang ito at wala nang mga magulang.

Nakuha nito ang atensyon ng binata. Kaagad nitong sinabi na imibatahin sa Estra.

Napangisi siya sa naalala. Isa talagang basura si Michael.

Napansin ni Jasmine na malapit nang masira ang pinto kaya naman nagpasya siyang lumabas na. Kailangan ay wala siya rito sa loob kung gusto niyang maging ligtas.

Magbibigay siya ng anonymous call sa mga pulis. Sa oras na dumating sila, siguradong natapos na ang lahat.

Ngumiti si Jasmine sa kanyang plano.

Ngunit bago pa niya mahawakan ang seradura ng pinto, mabilis na itong bumukas. Isang binata na may itim na face mask ang pumasok.

Nanigas si Jasmine nang masalubong niya ang matalim nitong tingin.