Na-estatwa si Jasmine sa kanyang kinatatayuan habang hindi maalis ang tingin sa bagong dating na binata. Hindi niya napansin ang manager ng restaurant na nasa likod nito.
Napapunas ng panyo ang manager sa kanyang pinagpapawisang noo. Bigla nalang dumating ang binatilyo at pwersahang binuksan ang lahat ng VIP rooms sa restaurant nila. Mabuti nalang at walang malakihang meeting na ginaganap sa mga nabuksang silid. Hindi naman niya ito mapalabas dahil sa nakita niyang mga branded na suot ng binata lalo na ang limited edition nitong wristwatch. Hindi niya gustong maka-offend ng malaking tao.
Napansin ng grupo ni Michael ang pagpasok ng dalawang lalaki.
"What are you doing here? Didn't I tell you not to disturb us?" inis na tanong ni Michael sa manager.
"Sorry po, Sir Michael, maling bukas lang. Lalabas na po kami," paumanhin ng manager. Hindi magandang subukan ang pasensya nito. Hihilahin na sana niya ang binatilyo palabas ngunit mabilis itong lumapit sa tatlong lalaki at tinignan ang saradong pinto sa harap ng mga ito.
"Hey, what the f*ck?" asik ni Raffy saka hinawakan sa balikat ang estranghero. "Get the f*ck—"
Napatili si Jasmine nang biglang tumumba sa sahig si Raffy. Ang bilis ng nangyari, nakita nalang niyang duguan na ang bibig nito.
Napaawang naman ang bibig ng manager sa nangyari. Kaagad siyang namutla dahil sa mga bigatin na customers nila. Siguradong mapapatalsik siya sa trabaho kapag hindi niya ito inawat.
"Sir!" inawat ng manager ang binata ngunit mabilis siya nitong itinulak palayo. Muntik na siyang matumba sa lakas.
"Bastard!" sigaw ni Greg saka inumbayan ng suntok ang lalaki. Ngunit mabilis itong nakailag at nagbigay ng malakas na tadyak sa tyan. "Urgh." Sapo ni Greg ang tiyan saka napaluhod sa sahig.
"F*CK YOU!" Kumuha ng bote ng wine si Michael saka ipinukpok sa ulo ng estranghero.
Nabasag ang bote sa ulo ng lalaki. Tumulo ang pulang likido na di malaman kung alak o dugo.
Tinignan si Michael ng binata at mabilis siyang nahawakan nito sa ulo.
*BAM!*
Tumama ang mukha ni Michael sa saradong pinto. Hindi maalis ni Michael ang sarili sa hawak nito. Parang bakal sa tigas ang kamay ng lalaki.
*BAM!*
***
*BAM!*
Napapitlag si Giselle sa kabilang side ng pinto. Kanina ay biglang tumahimik, ang akala niya ay ligtas na sila ngunit ngayon ay may muli na namang tumama sa pinto nila.
*BAM!*
Huli na para pigilan niya ang pagbukas ng pintuan. Gulat siya nang bumagsak si Michael sa sahig at nakita pa niyang duguan ang mukha nito. Kaagad siyang napalunok at napaatras.
'Teka, ano'ng nangyayari?! Sino 'to?'
May pumasok na binatilyo sa loob ng washroom. May takip na face mask ang kalahati ng mukha nito.
"A-Ano'ng kailangan mo?" tanong ni Giselle.
Hindi siya pinansin ng binata at naglakad papunta sa walang malay na si Willow. Nakayuko ang ulo nito at natatakpan ng gulong buhok ang mukha.
Tumayo ng ilang segundo ang lalaki sa harap ni Willow na parang nag-iisip. Lumuhod ito at hinila ang balikat ng dalaga, hinawi nito ang buhok na tumatakip sa mukha.
"Erm... cake..." bulong ng natutulog na si Willow at mukhang ngumunguya pa. "Hehe...he... Tammy..."
Kumunot ang noo ng lalaki saka mabilis na binitawan si Willow. Ang kawawang si Willow naman ay napasandal muli sa pader at dumausdos ng higa sa malamig na sahig. Nauntog ang ulo nito na ikina-kunot ng noo ngunit agad ding nawala at nagpatuloy sa pananaginip.
"F*ck you... Do you know who my Father is? You bastard, you're gonna pay for this. Shit!" sabi ni Michael habang nakatingin nang masama sa lalaki. "Just you wait, motherf*cker! AH!"
Binigyan siya ng sipa sa tiyan ng binata at di mapigilan na mapasigaw.
"WILLOW!" sigaw ng isang babae na humahangos ng takbo papasok sa VIP room.
Natigilan ang misteryosong lalaki nang marinig ang boses nito. Pumunta ito sa gilid ng pintuan at nagkunwaring estatwa.
"Willow!"
"Bestfriend ni Willow!" excited na tawag ni Giselle. "Nandito kami."
Nagulat si Tammy sa nakitang nakahigang mga lalaki sa loob ng VIP room. Halatang may laban na naganap. 'Dumating na ba si Nix?'
Narinig niya ang pagtawag sa kanyang pangalan, napatingin siya at nakita ang teammate ni Willow sa quiz bee contest.
"Nandito sa loob si Willow!"
Mabilis siyang pumasok sa washroom at hinanap ang kanyang kaibigan. Doon niya nahagilap ang walang malay na si Willow, nakasalampak sa sahig at walang malay.
Malalaking hakbang ang ginawa niya, kaagad niyang nilapitan ang kaibigan.
"Willow," tawag niya saka tinapik tapik ang pisngi nito.
"Ermm... chicken!"
"Ano'ng nangyari sa kanya?" tanong ni Tammy sa babaeng tumawag sa kanya.
"Ah, nakainom yata ng beer? Hindi ko rin alam. Baka may inihalo silang pampatulog?" takang sabi ni Giselle. Hindi rin niya sigurado kung bakit ang bilis tumumba ni Willow sa juice na ininom nito.
"Dalhin natin siya sa hospital. Nix," tawag ni Tammy saka lumingon sa likod ngunit gulat siya nang makitang wala si Nix doon.
"Sino'ng Nix?" tanong ni Giselle. "Siya ba yung lalaking naka-facemask?"
"Lalaking naka-facemask?"
"Oo, yung bumugbog kay Michael?" turo ni Giselle sa duguang si Michael na umuungol sa sakit na natamo. "Umalis na yata si Kuya. Mabuti nalang talaga dumating siya kung hindi baka kung ano na ang nangyari sa amin. Kahit na nakakatakot siya kung tumingin, akala ko talaga pati ako..."
Napaisip saglit si Tammy saka napatingin kay Willow. Sa huli, pinili niyang manatili. 'Ano'ng ginagawa ni Blue rito?'
***
Nang makarating si Nix sa Estra bar & restaurant, narinig niya ang paparating na police car. Lumingon siya at nakita ang dalawang kotse.
"Shit, ano 'to? Sino'ng tumawag ng pulis?" pabulong na tanong niya sa sarili. Mukhang mapapa-face the wall na naman talaga siya.
"Boss, may problema ba?" tanong niya nang bumaba ang apat na pulis mula sa dalawang kotse.
"Sa loob, sir!" Biglang lumabas mula sa restaurant ang isang binatang iika-ika at hawak ang tiyan. "He's inside! Arrest him! He's crazy! He tried to kill us! Michael is still inside!"
'Anak ka ng ama mo, Asul! Bakit hinayaan mo'ng makalabas 'to?'
"Men, let's go!" sabi ng leader ng mga pulis.
"Boss!" tawag ni Nix saka humarang sa daraanan ng mga pulis. Ngumiti siya. "Mga boss, kung ako sa inyo hindi ako papasok sa loob."
Hindi siya pinansin ng mga ito at nilagpasan siya. Mabilis na humabol si Nix at muling humarang.
"Maniwala kayo mga Boss, pagsisisihan ninyo talaga kapag pumasok kayo sa loob. Hindi ko ito ginagawa para sa kanila, para ito sa ikabubuti ninyo. Kung hindi ninyo naitatanong e, ginusto ko rin na maging pulis noon. Kaya malapit kayo sa puso ko. Hahaha!"
Inis siyang tinignan ng apat na pulis.
"Tumabi ka sa daraanan namin hijo, baka makasuhan ka ng obstruction of justice!" panakot ng isa sa kanya.
Napamura si Nix sa isip. May aarestuhin ba sila sa loob? Sigurado ba sila na gusto nilang arestuhin ang mga nandoon?
"Sige Boss, pero hwag ninyong sabihin na minalas kayo dahil hindi kayo nakinig sa akin. Kapag nalaman ninyo kung sino ang nasa loob... Tsk tsk... Mapapa-aga ang retirement ninyo." Bumuntong hininga si Nix saka gumawa ng 'I warned you but you did not listen'. Puno ng awa ang tingin niya sa apat na pulis.
Napakunot naman ang noo ng apat na lalaki. Nagtinginan sila saglit. Ang alam lang nila, anak ng mayor ang nasa loob at may isang lalaking nagwawala sa loob. Hindi nila alam ang ibang detalye. Ngayong narinig nila ang sinabi ng lalaki sa harap nila, mukhang hindi ito ganoon kasimpleng kaso.
"Ano'ng ibig mo'ng sabihin?" tanong ng isang pulis kay Nix.
"The hell! Don't listen to this guy's bullshit!" sigaw ng kaibigan ni Michael. "Arrest this guy! He's an accomplice!"
"Boss, kilala ninyo naman si Jared Dela Cruz hindi ba?" pamisteryosong tanong ni Nix. "Ang may ari ng Green Leaf Hotel at Chairman ng Pendleton High School?"
Tumango ang mga pulis.
"Oo, kilala namin siya."
"Nag-iisa niyang anak ang gusto ninyong arestuhin."
Nanlaki ang mga mata ng apat na pulis. Kung totoo nga ito, malaking kaso ito. Isa ay anak ng city mayor at isa naman ay isang bigating negosyante. Ngunit hindi ito sapat para hindi sila makialam.
"Hijo, tapat kami sa aming tungkulin. Salamat sa warning pero nandito kami para gawin ang trabaho namin," sagot ng pulis na mukhang lider ng grupo. Tumango naman ang tatlo sa likod nito.
Ngumisi ang kaibigan ni Michael. "Hah! F*cker, nice try!" Tumingin ito sa mga pulis. "What are you all waiting for? My friend, the Mayor's son, is getting beaten inside!"
'Anak ng Mayor?' saisip ni Nix saka inalala lahat ng impormasyon tungkol sa mayor.
"Umalis ka sa daan hijo."
"Boss, hindi pa ako tapos. Kilala ninyo ba kung sino pa ang na nasa loob?" tanong muli ni Nix. "Boss, hindi naman siguro sikreto na mahilig sa babae ang anak ng Mayor, hindi ba? Sigurado na hindi lang ito ang unang beses na nasangkot siya sa gulo."
"Ikaw—" napatingin sa paligid ang mga pulis.
Mayroon ngang ilang kaso ng harassment ang anak ng city mayor kaya naman ang balita nila ay ipinatapon na ito sa ibang syudad upang mag-tino. Ang mga kaso na ito ay nauuwi lang din sa wala dahil binabayaran ng malaking halaga ang mga biktima. Bilang mga pulis, wala rin silang magawa kung mismong ang biktima ang umaatras.
"Mga boss, kilala ninyo ba ang may ari ng Greywolf Royal Security?"
Natigilan ang apat na pulis. Alam nila ang kompanyang iyon dahil lahat ng nagtatrabaho roon ay elite—cream of the crop. Mga elite bodyguards na hindi lang dito sa Pilipinas kung hindi sa ibang bansa ipinapadala. Maraming gustong pumasok dahil sa mataas na sweldo, ngunit ang mga tunay na talentado lamang ang natatanggap.
Malawak ang sakop nito—hindi lang sa politics kung hindi pati na rin sa military!
"Ano'ng kinalaman ng kompanyang iyon dito?" napalunok na tanong ng isang pulis.
"Nag-iisang anak na babae ng may-ari ng kompanyang iyon ang nasa loob," pabulong na sabi ni Nix na para itong isang malaking sikreto. "Kaya naman mga boss, mas maganda kung hindi ninyo ito ilalagay sa record. Hayaan nyo na po na kami ang umayos nito, okay po ba?"
Kinuha ni Nix ang kanyang wallet at ipinakita ang ID.
"N-Nagtatrabaho ka sa Greywolf?!" hindi makapaniwalang tanong ng pulis.
Kung titignan ang binata, mukhang kakagraduate lang nito sa kolehiyo. Ngunit kaagad na huminahon ang mga pulis. Isa siguro ito sa mga henyong natanggap doon.
"Naiintindihan ko." Tumango ang lider. "Iiwan na namin ang kasong ito sa inyo."
"Salamat po, boss," nakangiting sabi ni Nix.
"Where are you going?!" tanong ng kaibigan ni Michael. Wala itong naintindihan sa mga narinig. "What greywolf bullshit?!"
Hindi na nagtagal pa ang apat na pulis, kaagad silang sumakay sa sasakyan at humarurot paalis. Mas mabuti kung hindi nila pakikialaman ang kasong ito. Magkukunwari silang walang nakita o narinig.
At tungkol naman sa mangyayari sa anak ng mayor, wala na silang magagawa pa. Masyadong malaki ang kinalaban nila. Mukhang mapapalitan pa ang mayor nila ngayon.
Mukhang mapapalitan pa ang mayor nila ngayon