Chereads / High School Zero / Chapter 52 - Chapter Fifty-Two

Chapter 52 - Chapter Fifty-Two

"Ito yung sinasabi ko sa iyo na gym, Tammy."

Pumasok sa loob ng gym sina Willow at Tammy. Ipinakita ni Willow ang kanyang membership card sa receptionist. "Kumuha ka na rin ng membership card Tammy para sabay tayo rito mag-exercise. "

"Meron po kaming three months, six months, and one year membership card. Alin po roon ang pipiliin ninyo?" tanong ng babaeng receptionist.

"I'll just get the three month membership card," sagot ni Tammy. Kung gusto niyang mag-exercise, pwede naman siyang pumunta sa HQ ng Greywolf. Sasamahan niya lang muna si Willow dito at titignan kung maayos ang facility. Kung hindi niya gusto ang atmosphere sa loob, pwede naman niyang bitbitin si Willow sa Greywolf.

"Okay po, pa-fill up po ng form na ito. Kailangan ko rin po ng isang valid ID."

Kinuha ni Tammy ang kanyang wallet at inalis ang kanyang student ID card. Ibinigay niya iyon sa babae na tumalikod para i-photocopy. Sinimulan ni Tammy na sagutan ang form.

May tatlong palapag ang gym. First floor ay shower room, dressing/locker room, at receiving area. Sa second floor makikita ang mga machines at heavy equipments, mayroon ding ring doon for boxing. Ang third floor naman ay para sa mga gustong mag-yoga.

Pumunta sina Tammy at Willow sa second floor. Matapos mag-stretching, lumapit sila sa threadmill at nag-umpisang mag-jogging bilang warm up.

Pumasok sa gym si Tatang, dala nito ang mainit na lugaw na kanyang paboritong kainin tuwing umaga. Palagi siyang bumibili nito sa Lugaw Empress na malapit sa kanilang building.

"Boss, may tatlong bagong members po," sabi ng receptionist kay Tatang.

"Good, good." Maganda ang mood ni Tatang dahil sa palago nitong negosyo. Sila talaga ang number one gym sa Pilipinas. Kwakhakhak! Malapit na ring matapos ang renovation ng building nila sa kabilang city.

Pumunta siya sa second floor at balak panoorin ang mga nag-eexercise. Karamihan sa kanila ay athletes. Nagbibigay siya ng pointers para sa mga ito paminsan-minsan. Ngunit ang focus niya kadalasan ay nasa anak niyang si Banri. Bilang future boxing world champion, kailangan nito ng masinsinang training.

Umupo si Tatang sa gilid ng gym at gumala ang mga mata sa mga gumagamit ng equipments pati na rin sa mga empleyado niyang trainers. Sinimulan nitong kumain ng lugaw.

"Tammy, timeout. Pagod na ako," sabi ni Willow saka umalis sa threadmill.

Tumigil na rin si Tammy sa pag-jog. Umabot sila ng thirty-minutes. Gumalaw ang ilong ni Tammy nang may maamoy. Napatingin siya sa direksyon ni Tatang na kumakain ng lugaw.

"Pillow, gusto mo ba'ng kumain? Hindi pa tayo nag-almusal."

"Ghh... Hindi pa tayo tapos Tammy. Pupunta pa tayo sa third floor, doon ang totoong start ng exercise natin."

"Ehh." Akala ni Tammy ay suko na si Willow at mahihigit na niya ito sa pagkain.

Kinuha nila ang kanilang dalang water bottle at pumunta sa third floor.

Nang tumingin si Tammy kay Tatang, nakita rin siya ni Tatang at kaagad itong napaubo sa kinakain na lugaw. Bigla niyang nalunon ang karne na hindi pa niya nangunguya. Tinakpan niya ang kanyang mukha at mabilis na umalis. Bumaba siya sa first floor at nilapitan ang receptionist.

"Yung bagong members, pakikuha ng forms nila."

"Yes, Boss." Hininap saglit ng receptionist ang forms at ibinigay kay Tatang.

Tinignan ni Tatang ang forms at napahinto sa isa.

"Pendleton. Tammy Pendleton. Isa nga siyang Pendleton. Haaah..." bumuntong hininga si Tatang.

"Tang!" bati ni Banri sa ama. "Dumating na po ba yung bago kong boxing gloves?"

"Banri, labas!"

"Ah?"

"Walang training ngayon."

Tumawa si Banri. "Tinetest mo na naman ba ako Tatang? Diba po kayo ang may sabi na dapat ako'ng bumawi sa mga nawalang araw noong na-ospital ako?"

"Sinabi ko nang walang training! Umuwi ka na. O tulungan mo ang ate mo sa restaurant nila. Basta hindi ka pwedeng gumamit ng gym ngayon."

Takang tinignan ni Banri ang kanyang ama. Ano ba ang nakain nito ngayon at parang kakaiba ang kilos?

"Chee~?" maging ang sisiw sa ulo ni Banri ay nagtataka rin.

***

"Planking ng fifteen seconds, at crunching ng thirty minutes. Ginawa ko iyon lahat para lang dalhin mo ako sa lugar na ito, Tammy? Joke lang ba para sa iyo ang paghihirap ko?" tanong ni Willow sa walang konsensya niyang kaibigan. Hanggang ngayon ay masakit parin ang katawan niya dahil sa exercise.

"Well done, Pillow. Treat ko 'to sa'yo. Bakit parang hindi ka masaya?" clueless na tanong ni Tammy.

Hindi alam ni Willow kung totoong clueless nga ang kaibigan. Pero hindi niya talaga matagalan. Bakit ba palagi siyang pinapakain ng kaibigan niya? Parang gusto siya nitong patabain?

"Sa tingin mo sasaya ako kainin 'to matapos ko'ng mag-gym?! Para saan ang paghihirap ko? Huhuhu..."

Tinignan niya ang mga nakahain na pagkain sa mesa. Spaghetti, carbonara, chicken, rice, pizza, pancake, at clubhouse sandwich. Sa tingin ba ni Tammy, mauubos nilang dalawa lahat nang ito? Hindi pa kasama ang desserts dito! Brunch daw? Brunch my butt!

Patuloy sa pagkain si Tammy at hindi na siya pinansin pa.

"Tammy, you jerk!"

Pinanood niya si Tammy na kumain. Naiinggit talaga siya rito dahil hindi ito tumataba kahit na ang daming kinakain. Saan ba napupunta ang mga iyon?

Hindi alam ni Willow na pumupunta si Tammy sa Greywolf HQ tuwing wala itong ginagawa. Doon ito dumadaan sa pagsasanay. Bukod doon, mayroon din itong teacher na nagtuturo rito ng martial arts.

"KING!" tawag ng isang lalaki. Lumapit ito sa lamesa nila.

"Kilala mo Tammy?" tanong ni Willow. Parang namumukhaan niya ang mga ito.

Tinignan ni Tammy ang palapit na mga lalaki. Kilala niya ang mga ito. Natatandaan niyang kaibigan ni Banri ang dalawa. Nakita niya rin si Banri na nakasunod sa likod ng dalawang lalaki.

"King, nandito ka rin pala," bati ni Bo.

"Uy, King, pwede ba kaming maki-share ng lamesa?" tanong ni Gun.

"Sige," payag ni Tammy.

"Ayos! Ah?" napatingin si Gun sa lamesa. Puno ng pagkain. "King, may iba ka pa bang kasama?"

"Wala! Wala! Since, hindi namin mauubos 'to, hwag na kayong um-order. Libre 'to lahat ni Tammy," masayang sabi ni Willow. Kahit na ayaw niyang may abala sa kanila ni Tammy pero nakakahinayang talaga ang mga pagkain na in-order ng kaibigan niya.

***

"Kumusta ang sugat mo?" tanong ni Tammy kay Banri habang naglalakad sila sa shopping district.

"Magaling na ang sugat ko, King. Nag-umpisa na ulit ako sa training ko."

Tumango si Tammy at nanatili ang katahimikan sa kanilang dalawa. Sa likod naman ay masayang nag-uusap ang tatlo. Nakakagulat dahil mabenta ang jokes ng dalawang lalaking kaibigan ni Banri kay Willow. Kanina pa niya ito naririnig na tumatawa.

Pinagpapawisan si Banri habang nag-iisip. May gusto sana siyang ipagtapat kay Tammy ngunit hindi niya magawang sabihin. Naalala niya ang sabi ng kanyang Tatang, bawal siyang ma-inlove kay Tammy. Kahit sino ay pwede, hwag lang sa kanya. Hindi niya maintindihan ang paliwanag ng kanyang Tatang basta pinagbawalan siya nito.

Ngunit nang marinig niya kay Tatang iyon, saka niya narealize na nahulog pala siya sa King ng mga freshmen. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Ito ang Unang beses na nagkagusto siya.

"King, may sasalihan akong tournament. Kapag nanalo ako, may sasabihin ako sa'yo."

Kumurap si Tammy sa narinig. Bakit kapag nanalo pa? Pero hindi na niya itinanong ito.

Tumango siya. "Sige, hihintayin ko. Sana manalo ka."

Ngumiti nang malapad si Banri. Napuno ng motivation ang kanyang puso at isip. Dapat ay manalo siya. Tiyak na sisiguraduhin niyang mananalo siya!

***

Linggo, araw ng festival. Ito ang araw na pinakahihintay ng lahat. Muling nagbukas ang school ng Pendleton High para sa mga taga-labas upang makilahok sa kanilang pagdiriwang.

Ipinagdiriwang nila ang kauna-unahang pagkapanalo ng kanilang school sa Quiz Bee. Mailalagay ito sa wakas sa history ng Pendleton High.

Ang main attraction ng festival ay ang mga sikat na banda na mag-uumpisang tumugtog mamayang six pm.

Sa ngayon, masayang naglilibot ang mga tao sa booths. Karamihan ay booths ng mga pagkain na galing sa iba't ibang bansa ang recipes. May mga picture booths at ibang booths na pwedeng maglaro upang makakuha ng iba't ibang prizes.

"Doon tayo, Tammy!" turo ni Willow sa picture booth habang may hawak na rainbow ice cream. "Pakuha tayo ng picture!"

"Okay," payag ni Tammy at hinayaan niya ang sarili niyang matangay ng kaibigan. Masaya siya dahil napakain niya ng ice cream si Willow.

Marami silang pinuntahang mga booths. Pinapanood ni Tammy si Willow na may hawak na dart at ibinabato sa balloons na target.

"Ack! Bakit ayaw tumama?" tanong ni Willow. "Tammy, try natin yung iba pa."

"Okay," hindi mabilang na ulit ni Tammy.

Naglakad sila paikot sa Pendleton High. Tanghali na at parami nang parami ang mga tao na pumapasok sa school nila. Maraming tao ang naging curious sa Pendleton High dahil sa malaking ingay na nangyari online. Ang iba sa mga bisita ay galing pa sa mga malalayong lugar.

"Tammy punta tayo ron!" turo ni Willow sa nagbebenta ng inihaw na mais. Ngunit wala siyang narinig na sagot. Lumingon siya sa pwesto ni Tammy. Nagulat siya nang hindi na niya ito makita sa paligid.

"Tammy?"

Samantala, mabilis ang takbo ni Tammy habang may sinusundang lalaki. Naka-red hoodie at itim na mask. Hindi siya maaaring magkamali, si Blue iyon.