Chereads / High School Zero / Chapter 51 - Chapter Fifty-One

Chapter 51 - Chapter Fifty-One

Pinanood ni Nix na umalis ang mga pulis saka siya naglakad papasok sa restaubar ngunit may nakasalubong siyang lalaki na nagmamadali sa paglalakad. Kung titignan ay para itong daga na may pusang tinatakbuhan. Hindi na sana niya ito papansinin kung hindi lang pamilyar ang suot nitong damit.

"Hoy Asul!" tawag niya sa nakatalikod na binata. "Saan ka pupunta?!"

Hindi siya nito pinansin. Mabilis ang lakad ni Blue at kaagad na nakatawid sa kalsada. Nawala na ito sa paningin ni Nix makalipas ang ilang segundo.

"Nangyari ron?" takang tanong ni Nix sa sarili bago pumasok na sa Estra upang alamin kung ano ba talaga ang nangyari. Hindi rin niya nakalimutan na kaladkarin pabalik sa loob ang kaninang sumisigaw na lalaki.

***

*SLAP!*

Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Jasmine. Sa lakas nito, natumba siya sa sofa. Hawak niya ang kanyang pisngi at hindi makapaniwalang tinignan si Giselle.

"Paano mo nagawa sa amin 'to, Jasmine?! Ano ba ang nagawa naming kasalanan sa'yo at gusto mo kaming mapahamak?!" galit na tanong ni Giselle sa dating kaeskwela.

"Hindi ko alam na gagawin iyon ni Michael!" tanggi ni Jasmine.

"Sinungaling! Kahit ano pa ang sabihin mo, hindi na ako maniniwala sa iyon ulit!" matiim na sabi ni Giselle. "Sayang ka Jasmine, sinira mo ang sarili mo. Hindi ko alam kung ano ba ang tumatakbo sa isip mo at naging ganyan ka."

Pakiramdam ni Jasmine ay natapakan siya sa narinig. "Wala kang alam Giselle. Ang mga katulad mo—ninyo ni Willow na lumaki sa masayang pamilya, kailanman ay hindi ako maiintindihan!"

"Hindi pa rin iyon sapat na dahilan para gawan mo kami ng mali. Ano ba ang naging kasalanan namin sa'yo? Kailan ka namin ginawan ng masama?"

"Kailan?" tumawa si Jasmine na parang iyon ang pinakanakakatawang salita na kanyang narinig. "Noong kailangan ko ng tulong ninyo, ano ang ginawa ninyo? Hindi ba at nilayuan ninyo ako na para akong may nakakahawang sakit?"

Naalala ni Giselle ang kalagayan ng pamilya ni Jasmine. Napag-usapan na nila iyon ni Willow. Ngunit ang usaping pera at negosyo ay sensitibo kaya naman umiiwas sila. Hindi nila hawak iyon at sa totoo lang ay ayaw nilang makialam sa desisyon ng kanilang pamilya. Itinuturing nila iyong taboo sa school kahit na pumapasok sila sa St Celestine High para magkaroon ng koneksyon.

"Bakit hindi ka makapagsalita? Totoo hindi ba?" naghahamon na tanong ni Jasmine. Tuluyan nang nawalan siya ng pakialam sa mangyayari.

Malalaman ng kanyang mga magulang at mga magulang ni Michael ang nangyari rito. Siguradong masisira na ang pamilya nila pati na rin sina Greg at Raffy. Muli siyang tumawa. Gusto niyang hatakin pababa ang mga ito. Sayang lang at hindi niya nahatak si Willow sa impyerno niya. Gusto pa naman niyang madungisan ito kahit mantsa lang sa malinis nitong pagkatao.

Gusto niyang malaman at maintindihan ng mga nakapaligid sa kanya kung ano ang kanyang pinagdaraanan ngayon. Gusto niyang magkaroon ng karamay, kahati sa sakit. Sayang at hindi siya nagtagumpay.

Unti unting umagos ang luha sa mga mata ni Jasmine. Nakaramdam siya ng sobrang pagod sa mga nangyari sa kanyang nitong mga nakaraang araw. Suko na siya. Masasabi parin niya na ginawa niya ang lahat ng makakaya niya.

***

Nang malaman ni Nix ang buong pangyayari, kaagad siyang tumawag sa headquarters ng Greywolf upang humingi ng tulong. Ang nangyari rito ay masyadong sensitibo, hindi ito maaaring kumalat upang maprotektahan ang pangalan ng mga biktima.

Hindi nagtagal ay dumating ang tatlong lalaki, puro mga nakauniporme na itim na suit and tie. Sila ang maglilinis sa nangyaring gulo. Dinakip rin nila ang tatlong binata; sina Michael, Greg at Raffy.

Hindi parin naawat sa pagsisigaw si Michael ng 'I am the Mayor's son!' Kaya naman pinuno nila ng kanin ang bibig nito upang tumahimik. Hawak nila sa likod ng mga ito ang mga braso at dinala sa nakaparadang itim na van sa backdoor ng Estra.

Nanunuod ang manager ng restaubar sa buong pangyayari. Basa na ang kanyang panyo kakapunas sa pawis sa kanyang noo. Pinagbawalan siyang magsalita tungkol sa nangyari at kaagad naman siyang sumangayon. Ayaw niyang madawit sa gulo lalo na at anak pala ng mayor ang sangkot rito.

***

Lulan ng kotse sina Tammy at Willow. Ang nagmamaneho ay bodyguard ng kanyang Mama. Nalaman nito ang lahat dahil kay Nix nang humingi ito ng tulong. Naalala pa niya ang mukha ni Nix habang tumatawag, para itong kumain ng panis na pagkain. Halata na ayaw nitong gawin iyon ngunit masyadong malaki ang gulo at hindi nito iyon kayang takpan ng siya lamang.

Ang mahalaga para kay Tammy ay ligtas ang kanyang kaibigan.

Naalala niya si Blue. Kailangan niyang pasalamatan ito ngunit bigla na naman itong nawala. Ilang taon na rin itong tumatakas sa kanya. Gusto na talaga niya itong palagyan ng tracker kay Nix upang malaman niya kung saan ito pumupunta tuwing pinagtataguan siya.

Napabuntong hininga siya. Hindi rin magtatagal, maghaharap din sila nito. Alam niyang malapit na itong mangyari.

***

Pinagmasdan ni Blue ang papalayong kotse na sinasakyan ni Tammy. Papadilim na ang paligid at nagumpisa nang ilawan ang mga lampost. Huminga siya nang malalim saka tumalikod at naglakad.

Huminto siya saglit sa isang eskinita at kinuha ang maliit na pill container sa kanyang bulsa. Mula roon ay kumuha siya ng isang pill at kaagad na nilunok.

Makalipas ang ilang minuto, unti unti niyang naramdaman ang pagkalma ng sarili. Nagpatuloy na siya sa paglalakad pauwi.

***

'Are you really friends with that fatty?'

'Don't even mention her, makes me wanna puke.'

'Then why are you always hanging out with her?'

'I don't. She's the one who follows me around. Disgusting.'

'Then just tell her to back off.'

'Can't. She has lots of money and she's useful to me. She helps me with my assignments and projects. My grades went up thanks to her. My parents are giving me some extra cash because of that.'

'So not only is her body big but her brain is too?'

'Lucky bitch. Ask her to finish my homework too.'

'Sure. It's not like she's busy doing anything anyway.'

'Seriously, how can she live with that body? Doesn't she look in the mirror?'

'Maybe she can't see herself in the mirror since she's too big to fit.'

'Oh my god, that's so funny.'

'I'd kill myself if I was her. She looks really disgusting.'

'Anyway I'm thirsty, your errand girl is so slow.'

'She should run.'

'Hahaha! You want that pig to run? Aren't you afraid of earthquake?'

'Hahaha! Poor floor.'

'Hahaha!'

'...piggy...'

'...fatty...'

'...disgusting...'

'...makes me wanna puke.'

"Ugh..."

"Willow!"

"Hrmm..."

"Willow!"

Narinig ni Willow ang kanyang pangalan at kaagad siyang nagising. Una niyang nakita ang mukha ng kanyang bestfriend na si Tammy.

"Wammy!!! Huk! Huhu! Wammy!" kaagad niyang niyakap ang kaibigan saka umiyak.

Nagulat si Tammy sa pag-iyak ni Willow. Siguro ay dala ito ng trauma na nangyari kanina. Hinagot niya ang likod nito.

"You're safe, Pillow."

"Huk...Huhuhu Tammy... Hwag mo akong iiwan..."

"Saan naman ako pupunta? Bahay namin 'to," sagot niya.

"Tammy... huk...you jerk...huhuhu..."

Dumaan ang labing limang minuto bago huminto sa pag-iyak si Willow.

"Gusto mo bang mag-shower?"

Tumingin si Willow sa orasan, nine ng gabi. Tumango siya saka kinuha ang mga extra niyang damit sa bahay ni Tammy. Dumiretso siya sa bathroom at nag-umpisang maglinis ng katawan.

Bumaba si Tammy sa kusina para maghanda ng pagkain at mainit na gatas para sa kaibigan. Kumuha siya ng tinapay at inilagay sa toaster. Nang makuha na niya iyon, pinalamanan niya ito ng peanut butter jelly. Kumuha rin siya ng macarons na paborito ni Willow.

Kumuha siya ng serving tray at nilagay roon ang mga platito ng pagkain at baso ng gatas. Buhat iyon, umakyat siya sa kwarto at inilagay iyon sa lamesa. Makalipas ang limang minuto, lumabas sa banyo si Willow at dumiretso ng upo sa vanity table ni Tammy.

May mga inilagay itong skincare products sa mukha bago pinansin ang pagkain sa tray. Kaagad niyang kinain ang toasted bread.

"Tammy, samahan mo ako sa gym bukas."

Gusto sanang tumanggi ni Tammy dahil ayaw niyang pumayat si Willow ngunit naramdaman niyang parang may mali sa kaibigan niya.

"Okay."

"Thank you, Tammy."