"Hindi parin ba pumapasok si King?" tanong ng isang first year na babae sa mga kasama niya. Nag-apply siya ng foundation habang nakatingin sa malaking salamin sa loob ng ladies room.
Napatigil sa pag-aapply ng lipstick ang kaibigan nito. "Narinig ko sa kabilang section na humingi ng leave si King. Pumunta rito yung Mama niya nung nakaraan."
"Ano?! Pumunta rito yung Mama ni King?! Sayang hindi ko naabutan! Gusto ko ng autograph!" singit ng isa pa nilang kaibigan. Sa gulat nito sa narinig ay namali ito sa paglalagay ng eyeliner.
"Sikat ba yung Mama ni King Tammy?"
"Duh! Oo kaya! Hindi ka ba nagbabasa ng business magazine? Nung nakaraan lang, kinover nila yung company nila."
"Hindi e. Celebrity magazine lang ang binibili ko. Ano ba ang hitsura ng Mama ni King Tammy?"
"Natural, isang Dyosa na bumaba sa langit. Alam nyo ba, sikat na sikat yung company nila. Marami silang VIP clients sa high society. Puro mga politicians at mga A-list celebrities ang lumalapit sa kanila."
"Ano ba yung company nila? Bakit ang daming lumalapit sa kanila na VIP?"
"Greywolf Royal Security - isa iyong bodyguard company. Based sa nabasa ko sa magazine, sila ang number one choice kung gusto mong mag-hire ng bodyguards. Intense yung training nila. Yung trainers doon mga retired mercenaries. Nabasa ko roon na bukod sa combat training, may survival training din sila sa isang uninhabited island. Puno ng traps, wild animals, at CCTV na papanoorin ang bawat kilos mo."
"Wow! Intense nga. Gusto kong mapanood 'yan sa TV."
"Yung mga royal guards ba rito, doon din galing?"
"Siguro? Royal guards ang tawag sa kanila e."
"Totoo ba na galing sa Perez clan, as in Perez, ang Mama ni King?"
"Oo, sabi ng Mama ko, natatandaan niya na dapat sa School Chairman natin ikakasal ang Mama ni King. Naging hush hush scandal 'yon sa high society noong hindi iyon natuloy."
"Ano'ng hush hush?"
"Bawal pag-usapan pero alam ng lahat. Ano ka ba? Bakit hindi mo alam?"
"Hehe." Hindi niya masabi na kina-classify ng iba ang pamilya nila bilang 'nouveau riche'. Outsider sila kung maituturing sa high society kahit na marami silang pera.
"Uy guys, lumabas na yung report tungkol sa slasher!" sabi ng kaibigan nila na nakatingin sa cellphone nito.
May nag-post sa forum kung sino ang slasher. Naging hot topic ito kaagad.
"Patingin!"
"Babae ba 'yan?"
"Parang..."
"Babae pala ang slasher?"
"Pfft! Hindi na ako magtataka kung bakit galit na galit sa magaganda itong slasher. Hindi naman kasi siya mukhang babae."
"More like a gorilla! Hahaha!"
"Hard."
"So, ano raw ba ang kwento? Bakit daw niya ginagawa 'yon?"
"Sabi rito, mukhang nabaliw yata yung babae after niyang malaman na niloloko siya ng boyfriend niya. And wow, captain pala siya ng volleyball team at nag-cheat sa kanya ang boyfriend niya with a freshman na member din ng volleyball team."
"Mga lalaki talaga..."
"And then after niyang sirain yung mukha ng boyfriend niya at nung freshman, bigla siyang nawala roon sa city nila. Siguro nagpagala gala siya simula noon. Nakakuha siya ng online support sa mga tao. May group pala yung slasher sa social media tapos doon ipopost kung sino ang gusto mong ipa-slash."
"Sicko. Pero mabuti nalang nahuli na siya. Sana yung mga nag-post doon sa group, mahuli rin."
"Tara na, tapos na ba kayo mag-make up?"
"Okay na. Let's go."
"Gusto kong mag-cut, ayokong pumasok sa class mamayang hapon."
"Gaga, magkaka-record ka."
"Ugghh..."
Nawala ang boses ng mga babae at natahimik sa loob ng ladies room. Bumukas ang isang cubicle at mula roon ay lumabas si Hanna. Namumutla ang mukha niya.
Simula nang mabalitaan niya ang nangyari kina Banri at Tammy, kaagad niyang binura ang fake account na ginawa niya pati na rin ang post niya sa group ng slasher.
Abot langit ang kaba niya dahil sa nangyari. Dumaan ang mga araw at wala namang nangyari. Sigurado siya na walang nakakaalam. Wala rin siyang pinagsabihan tungkol sa ginawa niya. Nawala unti-unti ang takot niya at bumalik siya sa dati na parang walang nangyari.
Ngunit hindi nagtagal, isang araw ay bigla siyang nakatanggap ng magkakasunod na text messages.
[Do you feel remorse?]
[Do you want me to relieve your conscience?]
[Or do you still have one?]
[*sent a picture*]
[I guess it was already eaten by a dog.]
Nanginig ang kamay ni Hanna nang makita niya ang picture niya habang tumatawa kasama ang mga kaibigan niya. Pinagpawisan siya nang malamig dahil alam niya ang ibig sabihin ng mga text messages na iyon. Alam nito ang ginawa niya. Ngunit paano?!
Naging umpisa iyon ng araw araw na pangha-harass sa kanya ng misteryosong sender – X. Walang phone number. Tanging letter X lang ang nakalagay bilang sender. Hindi gumagana ang block rito. At pati sa mga social media accounts niya ay binubulabog siya ni X.
May dark humor pa ito at pinapadalhan siya ng mga nakakabulabog na meme.
Alam ni X kung sino siya, kung ano ang ginawa niya, kung nasaan siya, kung sino ang kausap niya. Alam nito ang lahat ng ginagawa niya. Palagi itong nakamatyag sa bawat kilos niya. Hindi siya makahinga sa kaba.
Hindi natagalan ni Hanna ang ginagawa sa kanya ng stalker niya. In-off niya lahat ng gadgets niya. Ang laptop, tablet, pati ang mga cellphones niya.
Nagkaroon siya ng sandaling katahimikan. Nakahinga rin siya nang maluwag.
Ngunit nang gabing iyon, pagdako ng eksaktong hatinggabi, biglang tumunog ang kanyang cellphone sa isang nakakatakot na bersyon ng kanta.
Every move you make
Every vow you break
Every smile you fake
Every claim you stake
I'll be watching you~
Nakita ni Hanna ang mata na nakamasid sa kanya sa cellphone. Isa iyong mata na galing sa isang kilalang horror movie.
Sumigaw si Hanna sa takot at ibinato sa labas ng bintana ang kanyang cellphone. Simula noong ay hindi na siya makatulog, hindi na siya makalabas ng bahay dahil sa takot. Dala ng sobrang stress, hindi siya makakain at lumalim ang kanyang mga mata dahil sa puyat.
Gusto niyang malaman kung sino ba ang taong iyon. Sino ba ang huma-harass sa kanya na pati ang TV niya ay kaya nitong i-hack?
Pero iisa lang ang sigurado siya, may kinalaman dito si Tammy. Siguradong si Tammy ang may pakana ng lahat ng ito! Kaya naman naghintay siya sa school. Hinintay niya ang pagbabalik ni Tammy. Ngunit nabigo siya nang malaman na nag-file ng leave ang Mama nito.
Hindi niya alam kung kailan ito babalik. Natatakot siya at hindi niya alam ang gagawin niya. Malapit na siyang mabaliw.
Naisip niya na hangga't hindi siya gumagamit ng cellphone, hindi siya magugulo ng stalker. Iyon lang ang tanging koneksyon ng stalker niya sa kanya. Hangga't hindi niya nakakausap si Tammy, hindi niya gagamitin ang anumang gadgets niya.
Isa na namang pagkakamali sa kanyang kalkulasyon.
"Hanna, pumunta pala kayo nina Rosemarie sa dog's cafe kahapon?"
"Oo, sinabi ba niya sa'yo?"
"Hindi. Nakita ko sa post mo sa insta."
"Huh?"
Kaagad niyang hinablot ang cellphone ng kaklase niya at tinignan ang account niya. Nakita niya na may tatlong pictures roon na hindi siya ang nag-upload.
Anumang gawin ni Hanna na pagtatago, hindi niya magawang putulin ang koneksyon ng stalker niya sa kanya. Hawak nito ang lahat ng social media accounts niya.
Ngayon lang naramdaman ni Hanna kung gaano siya ka-powerless. Mas matindi pa itong kalaban kaysa kay Tammy. Sino ba talaga ang taong ito?!
Dali-dali siyang umuwi nang araw na iyon at binuksan ang cellphone niya. Nag-reply siya kay X at nagmakaawa siya na tigilan na siya nito.
[I'm still having fun. Aren't you? :D]
'Fun?! FUN?! This person is a f*cking sicko!'
***
Ngiting-ngiti si Nix habang pinapanood ang isang babaeng estudyante sa screen. Halata ang pagka-paranoid sa mga kilos nito.
Hindi niya naisip kailanman na baka sobra na ang ginagawa niya, sa opinyon niya, magaan na parusa lamang ito.
Isa siyang mabuting tao – ito ang masasabi ni Nix tungkol sa kanyang sarili. May maganda siyang trabaho, pinoprotektahan niya ang mga estudyante. Nagbabayad siya ng tamang tax. Sumusunod siya sa batas trapiko. Iniiwasan din niya na mang-hack ng bangko sa tuwing malapit na ang anime convention. Isa siyang huwarang mamamayan.
Ngunit ang mga mabubuting taong katulad niya na minsan lang magalit ay hindi dapat sinusubukan ang kanyang pasensya.
Sa oras na malagay ang pangalan mo sa kanyang black list, sisiguraduhin niya na makukuha mo ang nararapat na parusa para sa iyo. Iilan lang ang mga taong naisulat doon, at isa si Hanna sa mga masu-swerteng napili.
***
Hindi alam ng mga organizers ng National Quiz Bee kung ano'ng uri ng kamalasan ang dumapo sa kanila. Delayed na sila ng dalawang linggo dahil sa mga nangyayari nitong nagdaan na mga araw.
Una, isang matinding bagyo ang biglang dumating sa Pilipinas. Umapaw ang tubig sa ilog at nagkaroon ng baha sa kalsada. Walang mga makapag-byaheng sasakyan.
Pangalawa, biglang sumabog ang equipment na gagamitin para sa contest. Hindi nila alam kung paano iyon nangyari dahil na-check naman nilang mabuti ang mga iyon bago kunin sa pinag-rentahan. Sila ngayon ang magbabayad sa nasirang mga gamit. Bigla silang nagkaroon ng emergency meeting at inasikaso ang donation box sa bawat schools.
At pangatlo, nitong nakaraan lang, nag-leak ang mga questionnaires na gagamitin sana sa quiz bee. Kaagad na nagtulong-tulong ang mga teachers upang gumawa ng bago at siguraduhin na hindi ito muling kakalat.
Hindi nila alam kung sadyang malas sila o magpapatawag na ba sila ng pari para magpa-bless.
Nang sa wakas, nakita nila ang liwanag at malapit nang malagpasan ang madilim na tunnel, isang tawag ang natanggap nila.
[Sir, nakuha po ng xxx company ang venue natin! Sabi po sa reception, wala naman tayong record ng booking sa kanila! Sir, ano po ang gagawin natin?!]
Organizer: ...
Kinabukasan ay nagkaroon ulit sila ng emergency meeting at magkakasama silang pumunta sa simbahan upang magdasal at humingi ng gabay.
Sa mga ganitong uri ng kamalasan, tanging ang Maykapal lamang ang makakatulong sa kanila.