Malakas ang halakhak ng Chairman nang matapos ang laban nina Banri at Tammy. Pumapalakpak siyang tumayo ng kanyang silya. Nananatiling nakatayo sa tabi niya ang Vice Principal.
"As expected of his daughter," nakangiti niyang sabi habang pinapanood na lumabas ng ring si Tammy Pendleton. She reminds him so much of his best friend... and also of his first love.
"Chairman, gusto ninyo po bang ipatawag ko siya rito?"
"No need. Let her rest," ang sabi ng Chairman saka naglakad na palabas ng silid.
Kaagad na sumunod sa kanya ang Vice Principal. Naglakad sila sa hallway palabas ng gymnasium.
"Sigurado po ba kayo? Hindi po ba ninyo panonoorin ang laban bukas?"
"Yes, I have an important business meeting tomorrow. I cannot afford to delay it any longer. If anything happens, report it to me immediately."
"Masusunod po, Chairman."
Napahinto sa paglalakad ang Chairman nang mapansin ang isang binatang palapit sa kanya. Nakasuot ng hood ang lalaki at natatakpan ng itim na facemask ang kalahati ng mukha nito. Ang mga mata nito ay nananatiling nakatingin sa kanya.
"Ah, it's a good thing you're here," ang bati ng Chairman sa binata saka ngumiti. "Blue."
***
Kaagad na sinalubong si Tammy ni Willow at ng mga kasama nito nang makalabas siya mula sa nurse's office. Kinailangan tignan ang lagay ng kanyang katawan matapos ang laban nila ni Banri. Sa ngayon ay may nakalagay na cooling patch sa kanyang noo.
"Kyaaaah! Ang galing mo talaga Tammy!" ang nakakabinging sigaw ni Willow habang nakayakap sa kaibigan. "Sabi ko na nga ba ikaw ang mananalo e! Hihihi!"
"OMG! Girl, natalo mo si Banri!!!" ang sabi ni Cami.
"Hindi rin ako makapaniwala, Tammy. Gaano katigas ang ulo mo?" tanong ni Fatima.
"Akala ko talaga matatalo ka na kanina!" sabi naman ni Lizel.
"Ano yang nasa noo mo?" tanong ni Willow.
"Wala 'to," ang sagot ni Tammy saka tinakpan ang noo niya. "Pillow."
"Yes, Tammy?"
"Pwede mo ba akong gupitan ng bangs?"
"...huh?"
***
Pinanood ni Nix ang mag-ama mula sa malayo. Nakatayo ang dalawa malapit sa kotse. Maya maya ay pumasok na sa loob ng sasakyan ang Chairman at saka lumabas sa eskwelahan ang kotse nito.
Napasipol si Nix sa nasaksihan. Talagang umuwi lang ang Chairman para panoorin ang laban ng inaanak nito. Hindi man lamang ito nag-tagal ng isang araw. At ni hindi rin ito naghintay na matapos ang laban ng anak nito bukas bago umalis.
Nakita niya na palapit sa kanya si Blue dela Cruz. Ito ang nag-iisang anak ng Chairman. Isang fourth year student sa Pendleton High. Isa ito sa mga lalaban bukas para sa titulo na King ng mga seniors.
"Blue," bati ni Nix sa lalaki.
Hindi ito tumigil sa paglalakad, may ibinato lang itong bagay sa kanya at saka siya nilagpasan.
"Oi! Nice to see you, too!" sarkastikong sabi ni Nix. Tinignan niya ang pulang pouch na ihinagis sa kanya ni Blue. "Hindi mo ba ito ibibigay kay Tammy?!"
Tumigil sa paglalakad si Blue at nilingon siya.
"Ikaw ang inutusan ng Chairman, hwag mong ipasa sa'kin 'to!"
Sumenyas lang si Blue sa kanya saglit saka umalis.
"How cold, Blue! At least congratulate your fiancee!" habol na sabi ni Nix sa binata. "Hindi mo man lang ba aalamin ang lagay niya?"
Nawala na si Blue sa paningin niya. Napa-iling nalang si Nix. Hindi niya ito maintindihan.
***
"Bakit hindi pwede?" tanong ni Tammy kay Willow.
"Hindi pwede, basta!" ang mariing sagot ni Willow.
"Pillow."
"Hindi nga kasi pwede Tammy! Hindi pwede na pareho tayong may bangs. Baka mapagkamalan tayong kambal."
Biglang tumawa si Cami. "Hwag kang mag-alala, walang mag-aakala."
"Tama, ang ganda ni Tammy para magkaron ng kakambal na katulad mo," dugtong ni Lizel.
"OMG you guys. So mean," tumatawang sabi ni Fatima.
Nalukot ang mukha ni Willow sa narinig. "Ano'ng ibig ninyong sabihin? Pangit ako, ganon?!"
"Hmm." Nag-tinginan ang tatlong babae at ngumiti lang.
"Mga salbahe kayong tatlo!" inis na sabi ni Willow. "Tammy, you jerk! Bakit hindi mo ako pinagtatanggol sa kanila?!"
"Bakit?" ang clueless na tanong ni Tammy na mas ikinainis ni Willow.
"Girls, start na raw yung laban ng mga sophomores sabi ni Helga!" sabi ni Fatima habang nakatingin sa cellphone nito.
"OMG! Tara na!" aya ni Lizel.
"Kayo?" tanong ni Cami kina Tammy at Willow.
"Susunod nalang kami," sagot ni Tammy.
"Okay, pahinga ka muna," sabi ni Fatima.
Umalis na ang tatlong babae papunta sa gymnasium. Naglakad sina Willow at Tammy sa hallway papunta sa cafeteria.
"Lagot ako kay Mama kapag nakita niya ang noo ko. Ano'ng gagawin ko?" tanong ni Tammy.
"Masakit ba?"
"Hindi naman."
"Okay lang yan."
"Gugupitin ko nalang ang buhok ko."
"Tammy, hwag! Hindi bagay sa'yo!" pigil ni Willow.
"Hindi bagay ang alin?" tanong ng isang lalaki.
"Nix," tawag ni Tammy sa lalaki na palapit sa kanila. "May kailangan ka?"
"Hindi ba kita pwedeng lapitan kung wala akong kailangan?" nagtatakang tanong ng binata.
"Nagpapakita ka lang kung may kailangan ka," sagot ni Tammy.
Tumawa si Nix. "Ganoon ba?"
Hindi maalis ni Willow ang tingin sa lalaking dumating. Parang may pamilyar siyang pakiramdam sa binata. Hindi naman pamilyar ang mukha nito. Pero pakiramdam niya ay nakilala na niya ito noon.
"Nag-kita na ba tayo noon?" tanong ni Willow kay Nix.
"Wow. Pick up line ba 'yan?"
Jerk. Ito ang unang lumabas sa isip ni Willow habang nakatingin sa lalaking nakangiti sa kanya. Habang tumatagal ay sumasama ang kanyang pakiramdam. Para bang may nagawa itong kasalanan sa kanya noon. Naiinis siya dahil hindi niya maalala kung ano ba ang nangyari.
"Nix, hwag mong inisin si Pillow," awat ni Tammy. "May kailangan ka ba sa'kin?"
"This." Inabot ni Nix ang pouch kay Tammy. "Pinapabigay ni Chairman."
"Nasaan siya ngayon?"
"Umalis na siya."
"Hmm." Binuksan ni Tammy ang pouch at nakita ang isang baby polar bear stuffed toy. Kasing laki lamang iyon ng kanyang kamay at mukhang high quality ang pagkakagawa.
"Are you upset?" nakangising tanong ni Nix. "Pumunta lang siya rito para panoorin ang match mo. You should be happy."
"Are you done? Go away, Nix."
"AH!" Humawak si Nix sa kanyang dibdib. "Bakit kayo ganito sa'kin? Inaabuso ninyo ang pagiging busilak ng puso ko? Ikaw at si—"
Napatingin bigla si Tammy sa lalaki nang matigilan ito.
Ngumiti si Nix. "Nevermind. I'm going now." Tumingin ito kay Willow. "Bye, Ms Outsider."
Sumimangot si Willow. Paano nito nalaman na outsider siya? May sign ba sa noo niya na nagsasabing outsider siya?
"Sino yung suspicious person na 'yon, Tammy?"
"Si Nix, part ng security team ng school."
Napaisip si Willow. "Ang weird. Para talagang pamilyar siya e. Lalo na yung boses niya. Naiinis ako bigla. Bakit ba ako naiinis? Hmm."
"Hindi mo ba talaga ako gugupitan?" tanong ni Tammy.
"Stop it, Tammy. May binabagayan ang bangs, okay?"
"Hindi ba pwede sa'kin?"
"Oo. Hindi bagay sa'yo," iling ni Willow.
"Lagot ako kay Mama."
"Sabihin mo nalang nauntog ka. Totoo naman e. Inuntog mo sarili mo—ahh!"
Kinurot ni Tammy si Willow sa pisngi.
"Ang cute cute mo talaga, Pillow. Pero mas cute ka parin dati. Gusto mo ba ng cupcake?"
"Tammy, you jerk! Alam mong nagda-diet ako!"
***
Matapos ang saglit na pag-kain nina Tammy at Willow sa canteen, kaagad silang nag-tungo sa gymnasium para manood ng laban. Kaagad nilang nakita ang grupo nina Helga at doon sila tumabi ng upo.
"Takpan mo ang mga mata mo Pillow," sabi ni Cami. "Hindi mo kakayanin ang makikita mo rito."
"My name is Willow Rosendale! How dare you call me that!" ang sagot ni Willow.
"Psh! Ganon din 'yon," singit ni Fatima.
"Mag-kaiba 'yon! Si Tammy lang ang hinahayaan kong tawagin ako nyan," paliwanag ni Willow. "Call me Willow, you peasants."
"Uy, Tammy ano ba ang nakain ng kaibigan mo? Bakit ganyan 'yan?" tanong ni Lizel.
"Normal lang niya 'yan," ang sagot ni Tammy. "Sino ang maglalaban?"
"Ah. Yung Alpha ng class 2-C, si Bullet at yung Alpha ng class 2-B, si Alex. Sa kabila naman, Alpha ng class 2-A na si Reo at class 2-D na si Nino."
Magkalaban sina Reo at Nino. Pamilyar si Alex kay Tammy, nakita na niya ito noong unang araw ng pasukan. Pero ang Alpha ng class 2-C ay estranghero sa kanya. Hindi pa niya ito nakikita.
"Ang malas ng ni Alex, si Bullet ang kalaban niya," ang sabi ni Fatima.
"Ang balita ko nakulong na naman daw siya kaya siya nawala."
"Mabuti hindi pa siya pinapaalis dito."
"Malapit na 'yan."
"Pero grabe talaga yung laban nila ni Nino last year. Kung hindi lang nauwi sa foul 'yon, malamang si Bullet na ang King ng mga sophomores," sabi ni Lizel.
"Tama. Kahit sa video ko lang napanood 'yon, kinikilabutan parin ako. Muntik nang mabulag si Nino sa huling tira sa kanya ni Bullet," sabi ni Cami.
"Isipin ko palang na nagalusan ang mukha ni Nino, gusto ko nang umiyak. Sobrang gwapo niya pa naman, sayang naman kung masisira. Ang dapat don pine-preserve sa museum," sabi ni Fatima.
"Kaloka ka. Ang sabihin mo yung genes niya dapat kinakalat."
"Hihihi! Bruha ka. Landi mo talaga."
"Hihihi! Ikaw rin naman, nagturo ka pa."
Unti-unting umingay ang buong gymnasium nang pumasok na isa-isa ang mga kalahok sa kani-kanilang ring. May mga pangalan na isinisigaw ang mga estudyante, naka-suporta sila sa kanilang mga Alpha. At lahat sila ay naghintay sa hudyat na simula ng laban.