Chereads / High School Zero / Chapter 18 - Chapter Eighteen

Chapter 18 - Chapter Eighteen

"F*ck! F*ck! F*ck!" ang sigaw ni Bullet habang sinusuntok ang puno sa likod ng building ng Pendleton High. "F*ck that Nino! Sinira niya lahat ng plano ko!"

"Boss, paano na?" ang tanong ng isang lalaki na nasa likod nito.

"Nakapag-practice siguro si Nino. Pinaghandaang mabuti ang laban ninyo, Boss. Hindi naman siya ganoon kalakas last year."

"SHUT UP!!!" ang nanggagalaiti sa galit na sigaw ni Bullet sa dalawang lalaki. Hindi na niya kaya pang makinig sa sinasabi ng mga ito. Sira na ang lahat ng plano niya at kasalanan iyon ni Nino! Naisahan siya nito.

"Gusto mo ba Boss, tirahin na natin habang may pagkakataon pa."

"Oo, nga. Siguradong nakababa pa ang depensa non ngayon."

Naakit si Bullet sa suhestyon ng mga kasama niya. Tama ang mga ito. Kung may plano silang pabagsakin si Nino, bakit hindi nalang ngayon? Tutal ay may natamo rin itong pinsala sa laban nila kanina.

Naalala niya ang pagtama ng sipa niya sa ribcage nito. Siguradong nabalian ito roon kanina. Kung aabangan nila si Nino, siguradong magugulpi nila ito nang walang hirap.

Napangiti si Bullet sa naisip. Gusto talaga niyang makaganti. Hindi niya makayanan ang kahihiyan na natanggap sa laban nila kanina. Pinagtatawanan siya ng lahat!

Hinarap niya ang dalawang kasama nang may ngiti sa mga labi. Balak niyang sabihin sa mga ito ang plano niya. Ngunit agad na napawi ang ngiti niya nang makita ang lalaking tahimik na nakatayo sa likod ng mga kasama niya. Hindi nila ito napansin.

"Ano na Boss? Tirahin na natin si Nino habang may pagkakataon pa!" ang masayang sabi ng kasama niya.

"Nakita ko siyang pumasok sa Nurse's office. Siguradong hindi pa nakakalabas 'yon, Boss. Puntiryahin na natin."

'F*CK! Tumahimik kayong dalawa!' ang sigaw ni Bullet sa kanyang isip habang pinagpapawisan. F*ck! F*ck! Hindi niya maalis ang tingin sa lalaking nakatayo sa harap niya. Kanina pa ba ito nakikinig sa kanila?!

Ang tunog ng pag-sindi ng lighter nito ang nakakuha sa atensyon ng dalawang lalaki. Mabilis na napalingon ang mga ito.

Nag-sindi ang lalaki ng sigarilyo at humithit saka mabagal na binuga ang usok. Nakalagay sa bulsa ng pantalon nito ang isang kamay. Pinagmasdan sila nito. Sa suot nitong itim na tshirt, kitang kita nila ang mga tato nito sa magkabilang braso.

Napalunok ang dalawang tauhan ni Bullet. Kaagad na pinagpawisan ang mga ito at napamura sa isip. Sa lahat ng makakarinig sa kanila, bakit ito pa? Ang King ng mga third years!

"Why did you stop talking?" ang tanong nito. Naglakad ito at lumapit sa dalawang lalaki saka umakbay sa mga ito. "Go on. Don't mind me. Talk. It was getting interesting."

"K-king..." ang nauutal na sabi ng isa sa mga lalaki. Malapit ang sigarilyo sa mukha nito. Kaagad itong napalunok at pilit na iniiwas ang mukha sa sindi ng sigarilyo.

Inalis ng lalaki ang akbay sa dalawa at tila sa nagbabantang boses ay nag-bigay ito ng utos.

"Leave."

Agad na kumaripas ng takbo ang dalawang lalaki. Hindi na inalam kung ano ang mangyayari sa naiwang si Bullet.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" ang mariing tanong ni Bullet sa kaharap.

"I saw someone who was throwing a tantrum."

"F*ck off!" sabi ni Bullet saka naglakad paalis. Nilagpasan niya ang lalaki.

"Follow the rules, Bullet. Follow the goddamn rules."

***

"Napanood ko ang laban mo kanina, ate," ang sabi ni Timmy nang pumasok siya sa kwarto ni Tammy. Umupo ito sa kama ng kapatid dala ang laptop nito. "Kumusta ang noo mo?"

Napangiti si Tammy. "Halata ba?"

Umiling si Timmy sa kanya. "Kanina..."

"Hmm?"

"May sumusunod na lalaki sa amin ni Mama kanina."

Agad na kinabahan si Tammy. "Ano'ng nangyari?"

"Sa supermarket. Napansin kong sinusundan niya si Mama kaya kinausap ko."

Nagulat si Tammy sa narinig at hindi napigilan na mag-alala. Matalino ang kapatid niya. Alam nitong hindi ito dapat na nakikipag-usap sa mga hindi kilala. Lalo pa at kahina-hinala ang taong sinasabi nito.

"Timmy!"

"Pero nang lumapit si Mama, mabilis siyang tumakbo."

"Ano'ng hitsura niya?"

"Matangkad. Naka-suot ng suit. Kasing tanda ng Papa ni Vee. Mukha siyang pamilyar. Hindi naman siya mukhang masamang tao. Mukha siyang artista."

Nakahinga nang maluwag si Tammy. Kilala na niya kung sino ito.

"Lumuhod siya sa harap ko na para akong isang bata sa paningin niya."

"Si Ninong Jared. Best friend ni Papa. Matagal ka na niyang hindi nakikita. Siguro bata ka parin sa mga mata niya." O baka nakita niya si Papa kay Timmy noong bata pa sila. Kamukha ni Timmy ang Papa nila noong bata pa ito.

"Pero bakit siya tumakbo nang lumapit si Mama?" ang inosenteng tanong nito.

"Hmm. Medyo... weird lang talaga siya."

"Ahh..."

Napatingin si Tammy sa maliit na polar bear na naka-display sa study table niya. Hindi alam ni Timmy ang kwento tungkol sa pamilya nila. At mas gusto niyang hindi nalang nito malaman pa.

***

"AAAAAAAAAHHH!!!"

Walang nagawa si Jack kundi ang panoorin si Jared na isigaw ang problema. Nakatungo ito sa mesa at ginugulo ng dalawang kamay ang buhok. Nakasakay sila sa isang cruise ship at nagpapakalasing.

Ang cruise ship ay pagmamay-ari ng pamilya Maunnick. Isang family business na ipinasa sa bawat henerasyon. Ang kanilang sinasakyan ay kasalukuyang pinapatakbo ni Jack bilang kapitan.

"Bakit siya parin?" ang paulit ulit na tanong nito saka nito inuntog untog ang ulo sa mesa. "Bakit ako tumakbo? Shit! Mukha akong tanga kanina."

Bumuntong hininga si Jack at inubos ang laman ng kanyang baso. Sumenyas siya sa bartender na bigyan siya ng isa pang baso ng whiskey.

"Bakit hindi mo siya hinarap?" usisa niya.

Inangat ni Jared ang ulo nito at tumingin sa kanya. Namumula na ang mukha nito. Sunud-sunod ang inom nito sa baso ng alak kanina kaya mabilis na nalasing.

"Kinabahan ako. Natakot ako," sagot nito saka ininom ang alak sa baso nito.

Napansin ni Jack ang suot nitong wedding ring. Napailing siya. Ilang taon na ang nakakaraan pero paatras ang edad ng kaibigan niya. Mukha itong teenager na na-in love sa unang pagkakataon. Totoo nga siguro ang kasabihan na hindi namamatay ang unang pag-ibig.

"May plano ka ba ulit na magpakasal?" tanong niya.

Umiling si Jared. Tatlong taon na rin ang nakalipas noong mamatay ang asawa nito. Nagkaroon ito ng malubhang sakit. Kasal sila sa loob lamang ng isa at kalahating taon.

Tila ba may sumpa ito na sino mang babae na mapadikit dito ay mamamatay. Namatay din ang unang asawa nito pitong taon na ang nakalipas. Idagdag pa ang nanay ng anak nitong si Blue.

Maraming babae ang naghahangad na mapangasawa ang kaibigan niya. Kung titignan mabuti, hindi naman ito mukhang malapit nang mag-kwarenta. Mukha itong mas bata ng sampung taon.

"Why not? Maybe third time's a charm. Give it a try."

"I am f*cking cursed!" sagot nito saka idinikit muli ang noo sa mesa at hindi na gumalaw.

Napatawa nalang si Jack. "Maybe you should become a monk."

Hindi sumagot ang kabigan niya at napansin niyang nakatulog na pala ito. Inubos niya ang laman ng baso saka inalalayan si Jared na tumayo at ihatid sa kwarto nito.

***

Linggo. Katulad kahapon ay maraming estudyante ang pumunta sa Pendleton High upang panoorin ang laban ng mga seniors nila. Buhay na buhay ang usapan ng mga estudyante sa forum kung sino ang nanalo kahapon at ang mananalo ngayong araw.

Nananatili sa pinakasikat na topic ang pagkapanalo ni Tammy Pendleton. Ang kauna-unahang babae na nanalo sa King's Tournament ng Pendleton High at kinikilalang school idol.

Dahil unang beses ng mga first years, wala silang masyadong alam tungkol sa mga third at fourth years. Dahil din sa hiwalay ang building ng mga ito at mahigpit na hindi pinapapasok sa loob ang mga first at second years sa loob, nananatiling misteryoso sa kanila ang katauhan ng mga ito.

"Excited na akong makita ang King nila!" ang masayang sabi ni Fatima.

"Ano kayang hitsura nila?" kumikislap ang mga matang tanong ni Cami.

Maging si Tammy ay kinakabahan at excited din. Makikita niya kaya ngayon ang taong hinahanap niya?

"Nabasa ko sa forum na ang King ng mga third years ay half brother ni Bullet!" sabi ni Lizel.

"Really?! Ano'ng hitsura niya?" tanong ni Cami.

"Hmm. Walang nag-post sa forum e. Kaya hindi ko rin alam."

"Half brother sa father side o mother side?"

"Pareho raw sila ng ama. Japanese. Tapos ang sabi pa ng iba, medyo kontrobersyal ang pamilya nila kasi maraming silang kapatid sa ama na magkakaiba ang nanay."

"Oh... Playboy. Tsk tsk."

"May gang din daw dati dito yung tatay nila e. Nakalimutan ko ang pangalan pero sikat din daw 'yon noon. Parang gang din ng tatay mo Tammy."

Nakuha non ang atensyon ni Tammy. Napatingin siya kay Lizel.

"Hahaha! Coincidence naman, Tammy. Baka magkalaban pala mga tatay ninyo dati. Ingat ka," biro ni Fatima.

"Ano'ng pangalan ng grupo nila?" tanong ni Tammy.

"Nakalimutan ko talaga Tammy e. Pero may number din 'yon katulad ng sa Lucky 13."

Kumunot ang noo ni Tammy sa narinig. Isang grupo noon na may numero rin. Sa kwento sa kanya noon ni Nix marami itong nabanggit na mga gang na nakalaban ng grupo ng Papa niya. Marami din doon ay may numero. Alin kaya roon?