Chereads / High School Zero / Chapter 20 - Chapter Twenty

Chapter 20 - Chapter Twenty

Makalipas ang isang oras, natadtad na naman ang forum ng balita tungkol sa nangyari kaninang umaga. May nag-upload ng video doon kung saan napanood ng mga estudyante ang buong pangyayari.

Nang mag-lunchbreak ay hindi na mai-alis ng mga estudyante ang tingin sa kanilang cellphone. Lahat sila ay abala sa pagta-type ng comments sa video.

Faye Tah : This girl really has some guts! May gusto ba siyang patunayan?

Joe Libi : Lalabanan niya ulit si Banri? Eh muntik na siyang matalo non!

Mac Dough : Pero sang-ayon ako sa sinabi ng lalaki rito. Si Banri talaga ang dapat na nanalo. Kung hindi lang siya pinagbigyan ni Banri.

Ness Kapei : Mga hunghang! Sabi nga ni Tammy sa video hindi na niya kasalanan 'yon! Yabang nyo ah! Go Tammy! Talunin mo 'yang mayayabang na mga lalaki na 'yan! HAHAHA! :D

Saab Wei : Hmp! Hindi na dapat ulitin yung laban. Panalo na e. May mga tao talaga na hindi matanggap ang pagkatalo. Sore losers! Hindi matanggap na natalo sila. Che! :P

Kris Peekrim : Siguradong si Banri na ang mananalo ngayon! Kahit na babae ako mas gusto ko si Banri manalo. Kasi totoo naman na naging malambot ang laban niya kay Tammy. Wow. Gentleman niya ah~ Pero hindi ko siya type ha! Just saying! I love you Nino! <3

Chux Togo : YOU BITCHES GOT THAT RIGHT! BANRI'S GONNA WIN THIS TIME!!!!

Chux Togo : CLASS 1-D RULES MOTHERF*CKER!!!!'

Wendy Sy : LOL you sore losers section!

Wendy Sy : Class 1-D is trash!

Chux Togo : BASTARD! WHO ARE YOU AH?! MEET ME AFTER CLASS IF YOUR BRAVE!!!

Wendy Sy : It's YOU'RE stupid! Hahaha! Loser! :D LOL

Gerry Sigril : I WANT TAMMY PENDLETON TO STEP ON ME REALLY HARD!!!

Gerry Sigril : MY QUEEN! PLEASE STEP ON THIS LOWLY ME!!!

Green Nitz : F*ck! A pervert!

Ken Taki : Actually, me too!

Van Napol: *raises hand* me too

"PFFT!!!" pigil ang tawa ni Nix habang nagbabasa ng comments ng mga estudyante. Napailing siya. Tumingin siya sa papalapit sa kanyang babae. "Ikaw na naman ang laman ng forum, Tam."

Nakita ni Tammy si Nix na malapit sa back gate ng school. Nakaupo ito sa ilalim ng malaking puno. May kinakain itong sandwich habang hawak ang cellphone.

"What happened yesterday, Nix? Bakit hindi sumipot ang mga fourth years?"

"Straight forward, huh. Wala man lang hi or hello. You're really not cute Princess."

Hindi nagbago ang malamig na tingin ni Tammy sa lalaki.

"Answer me."

"Ah! Tignan mo nga naman ang oras," sabi ni Nix habang nakatingin sa silver wristwatch nito. "Patapos na ang break ko. Kailangan ko nang bumalik sa security room. So busy, so busy." Tumayo si Nix at naglakad ngunit hindi pa siya nakaka-limang hakbang nang harangin siya ni Tammy.

"Nix! Alam mo kung gaano ko na siya katagal hinahanap."

"Tam, alam mo'ng kung pwede kong sagutin ang tanong mo, sasagutin ko. Please not this one. Hindi ko pwedeng sabihin sa'yo ang lahat," ang sagot ni Nix na halatang nahihirapan.

Dumilim ang mukha ni Tammy. Kaya pala hindi niya ito makita kahapon pa ay dahil umiiwas ito sa kanya. Kilala niya si Nix, alam niyang sasabihin nito sa kanya ang gusto niyang malaman kung pwede. Pero mukhang napag-sabihan na ito na hwag mag-salita. Sino ang nag-bawal dito? Si Blue ba? Kung ganon, nandito nga ito? Isang fourth year student?

"So glad to know where your loyalty lies," ang malamig na sabi ni Tammy. "Blue is really lucky to have your loyalty."

Nalukot ang mukha ni Nix. "Tammy, don't do this to me. Hintayin mo nalang na siya mismo ang lumapit sa'yo."

"When?"

Napa-hawak sa batok si Nix. Sa totoo lang ay hindi niya mai-predikta ang mga galaw ni Blue. Hindi niya maintindihan ang ilang desisyon nito. Bakit hindi nalang ito makipag-usap kay Tammy? Hindi sana siya naiipit sa dalawa. Sila ang dapat na mag-usap. Bakit siya nasa gitna?

"Hindi ko rin alam."

"Fine then." Tumalikod si Tammy at naglakad palayo.

"O-Oi, Tammy saan ka pupunta?" habol ni Nix. May masama siyang kutob dito.

"Sa building nila."

"ANO?!" Kaagad na humarang si Nix sa daan ni Tammy. "Hindi ka pwedeng pumunta ron! Mahigpit na ipinagbabawal 'yan!"

"Then answer my questions, Nix!" ang mariing sabi ni Tammy.

Muli na naman naging komplikado ang expression sa mukha ni Nix. Ilang minuto pa ang lumipas na hindi ito sumasagot. Nainip sa paghihintay si Tammy kaya naman tinulungan na niya ito na mag-desisyon. Nakita niyang malapit na itong mag-salita at kaunting tulak nalang ang kailangan.

"HELP!!! THERE'S A PERVERT HERE!!!" sigaw ni Tammy sa walang emosyon na boses.

Biglang nagising ang diwa ni Nix at tumingin sa paligid. Hinahanap ang sinomang tao na biglang umabuso kay Tammy. Ang lakas ng loob non ah! Pero wala siyang nakitang ibang lalaki roon kundi siya lamang. Silang dalawa lang ang nandoon. Huh?! Napaturo siya sa kanyang sarili.

"THIS PERVERT FLIPPED UP MY SKIRT!!! AHHHH!!! HE'S HOLDING A PINK PANTY!!! HE'S A PANTY SNIFFER!!! HELP!!! THERE'S A SERIAL PANTY SNIFFER HERE!!!"

Panty... sniffer?!!!

Halos umubo ng dugo si Nix sa narinig. Kaagad nitong tinakpan ang bibig ni Tammy. Ah! Saan natutunan ni Tammy ang ganitong technique?! Ni hindi man lang namula ang mukha nito sa mga sinabi. Samantalang ang mukha ni Nix ay pulang pula na.

"OO NA! SASABIHIN KO NA!" malakas na sabi ni Nix. Nang tumahimik na si Tammy ay saka niya ito pinakawalan.

Humarap si Tammy kay Nix na kalmado, na tila ba wala itong kinalaman sa babaeng sumigaw kanina ng tulong. Halos bumuhos ang luha ni Nix sa nangyari ngunit wala siyang mailuluha. Laha ay napunta sa pawis niya. Sadyang pinagpagawisan siya sa kaba! Paano kung may nakarinig at matawag siyang pervert?

"I'm listenning."

Gusto talagang umiyak ni Nix. Gusto talaga niya...

Bumuntong hininga si Nix. Napakamot ito sa ulo at tumingin sa langit. Ah. Bahala na nga. Mas nakakatakot naman magalit si Tammy kaysa kay Blue. Pero paano ang pangako niya? Isa siyang taong walang salita? Pero nakataya rito ang dignidad niya. Hindi niya gustong matawag na panty sniffer! Hindi lang yon, isang serial panty sniffer! Parang tumanda siya ng sampung taon sa narinig. Maaga yata siyang magkakaroon ng puting buhok.

Mas gusto niyang matawag na taong walang isang salita, kaysa ang matawag na panty sniffer. Kahit kailan ay hindi inakala ni Nix na darating ang araw na tatalikuran niya ang naging pangako niya. Tuso. Masyadong tuso si Tammy.

"It happened a week ago..." umpisa ni Nix. Bumalik ito sa pagkaka-upo sa ilalim ng malaking puno. "Bago pa man mag-umpisa ang King's Tournament, nagkaroon na ng sariling laban ang mga fourth years sa ibang lugar."

Umupo sa damuhan si Tammy at nakinig sa kwento ni Nix.

"Noong sabado ko lang din natuklasan." Ngayon ay alam na ni Nix kung bakit hindi nag-tagal ang pananatili ng Chairman. Malamang ay alam na rin nito ang naging laban ni Blue.

"Saang lugar?"

"Ngayon palang ay sasabihin ko na sa'yo Tammy. Kahit na ano'ng mangyari, hindi ka dapat pumunta sa lugar na iyon. Masyadong delikado roon."

Hindi umimik si Tammy. Hindi niya maipapangako. At wala siyang balak na mangako. Kung nandoon si Blue, kailangan niyang bisitahin 'yon.

"Tinatawag ang lugar na iyon na Blackridge Hill. May isang abandonadong mansion sa tuktok ng burol na naging tambayan ng iba't-ibang klase ng tao. Isang malaking pasugalan iyon at black market. Doon ginanap ang laban ng mga fourth years."

"Marami bang estudyante na galing dito ang napunta roon?"

Kumunot ang noo ni Nix. "Hindi iyon lugar na madaling puntahan. Kailangan mo ng imbitasyon para makapasok."

"Kung ganon, paano'ng lahat ng fourth years nakapasok?"

Bumuntong hininga si Nix. "Hindi ko na 'yan pwedeng sagutin. Kung anuman ang kinasangkutan ng mga seniors mo, hindi mo na 'yon kailangan pang malaman. Basta sinagot ko na ang tanong mo. Kaya sila hindi sumipot ay dahil may King na sila. Ipinapakita lang nito kung gaano nila nire-respeto si Blue. Tsk."

Tumayo na si Nix at pinagpagan ang pantalon. "Tapos na ang break ko. Kailangan ko nang bumalik sa trabaho."

"May isa pa akong tanong." Tumayo si Tammy at hinarap si Nix. "Kaninong anak si Ryu?"

Namilog ang mga mata ni Nix. "Ryu..."

"Ang sabi ng kaklase ko, parte ng isang gang ang tatay ng mag-kapatid na sina Bullet at Gavino. Sino ang tatay nila? Kakilala ba ni Papa?"

Hinawakan ni Nix ang magkabilang balikat ni Tammy. Sa nag-aalalang boses ay tinanong siya nito. "Tammy, nilapitan ka ba nila? May ginawa ba silang dalawa sa'yo?"

Natigilan si Tammy sa ginawa ni Nix. "Kung ganon... naging magkalaban ba ang mga gangs nila noon?"

"Ah!" Nasapo ng binata ang noo. "Paano ko ba ipapaliwanag? Sa madaling salita, ang tatay nilang dalawa ay ang dating leader ng ten commandments. Noon, bago pa man mabuo ang gang ng tatay mo, naging parte muna ng gang ni Uno ang mga myembro ng Lucky 13. Nagkaroon ng malaking gulo noon at nabuwag ang gang ni Uno. Pumasok sina Chairman at ang Tatay mo sa gang at tinawag iyon na Lucky 13. Ang pangalan ni Uno ay Gin Ryu."

"Gin Ryu..."

"Makinig kang mabuti Tammy. Kahit na ano'ng mangyari, hwag kang makikisalamuha sa dalawang 'yon. Gulo lang ang dala nila lalo na si Bullet. Hindi mo alam kung gaano kabigat ang gulo na ginawa nila sa buhay ng mga magulang mo. Delikado si Uno. Hindi ko alam kung bakit dito pa niya pinapasok ang mga anak niya, pero sigurado ako na may binabalak 'yon na hindi maganda."

Tumango si Tammy. Kung ganito ang reaksyon ni Nix, siguro ay malala nga ang nangyari noon. Gusto niyang malaman.

"Tammy, kung sakali man na hindi kita mapipigilan at balak mo parin na pumunta sa Blackridge, ipangako mo na isasama mo ako. Hindi ko pwedeng ilagay ka sa kapahamakan dahil sa mga sinabi ko. Ipangako mo."

Nag-isip si Tammy sandali. "Tapos na ang laban ng mga seniors kaya wala na akong balak na pumunta. Pero kung—"

"Walang pero, Tammy. AHH! Kung si Blue lang ang gusto mong makausap, tutulungan kita na makapasok sa kabilang building. Kahit na balakin mo pa siyang kidnapin, hindi kita pipigilan!"

Lumiwanag ang mga mata ni Tammy. "Talaga?"

Nanlaki ang mga mata ni Nix. "Kikidnapin mo talaga siya? K-kailangan ko na rin bang maghanda ng sasakyan at sako?"

"..."

Umubo si Nix at muling nag-seryoso. "Mas delikado kung pupunta ka sa Blackridge. Atleat kung sa kabilang building lang, hindi ka mapapahamak."

"Hindi ba at sabi mo hindi ako pwede roon dahil delikado?"

Napahawak sa batok si Nix. "Uhh. Kumpara sa Blackridge... at ang isa pa, may mga CCTV camera rito. Mas safe at mas bantay."

"Hmm."

"Nix!" Isang lalaki ang biglang lumapit. Nakasuot ito ng uniform na katulad ng kay Nix. Black suit and tie. "Kanina ka pa hinahanap sa loob." Tumingin ang lalaki sa direksyon ni Tammy. Nasa twenties ang edad nito at may mukha na parang kinuha sa fashion magazine. "Miss Pendleton," bati nito.

Tumango si Tammy. Tumingin siya sa kanyang wristwatch at nakitang malapit nang mag-umpisa ang klase kaya naman bumalik na siya sa classroom.

Hindi niya pinansin ang mga matang nakatingin sa kanya pati na rin ang mga bulungan ng mga estudyante tungkol sa kanya. Ang isip niya ay umiikot tungkol sa napag-usapan nila ni Nix. Blackridge Hill. Ten Commandments. Mukhang kailangan niya ulit hingiin ang tulong ng kapatid niya sa pag-iimbestiga.