Chereads / High School Zero / Chapter 22 - Chapter Twenty-Two

Chapter 22 - Chapter Twenty-Two

"Look over there! Diba si Rinka Ogura 'yon?" turo ng isang babae sa kasama nito.

Tumingin sila sa kabilang table, tatlong mesa ang layo sa kanila. Doon nakaupo ang isang babaeng naka-puting off-shoulder dress at white fedora hat. Umaalon ang waist length hair nito sa likod. Nag-iisa ito sa table at tila may hinihintay.

"Yung model? OMG oo siya nga!"

"Wow, ang ganda niya sa personal!"

"Pa-picture tayo!"

Umugong ang bulungan ng mga customers sa loob ng traditional tea house. Ang kanilang atensyon ay naka-sentro sa magandang babae.

Samantala, pinipigilan ni Rinka ang kanyang sarili na ngumiti sa mga naririnig na bulungan tungkol sa kanya. Masaya siya dahil nakilala siya ng mga ito. Simula nang pumasok siya sa pagmo-modelo, dumami na ang mga nakakakilala sa kanya. Marami ang gusto siyang gawing kaibigan, at maraming lalaki ang sumusuyo sa kanya. Siya ang number one beauty sa kanilang school, at sigurado siyang pati sa buong city! Hindi niya napigilan na mapangiti sa naisip.

Bumukas ang pintuan ng tea house at may pumasok na dalawang babae. Parehong maganda ang dalawa ngunit mas angat ang isa sa mga ito. Hindi mapigilan ng mga customers na mapa-singhap nang masilayan ang ganda ng babaeng naka-pula.

Tumingin si Willow sa loob ng traditional tea house na pinasukan nila ni Tammy. Naramdaman niyang napunta sa kanila ang atensyon ng mga customers nang pumasok sila. Nahalata niyang nagtagal ang tingin ng mga ito kay Tammy. Napuno ng pride ang kanyang puso. Sadyang napakaganda ng kaibigan niya! Pero magkaganon man, hindi naman ito pansin ni Tammy.

Abala si Tammy sa pagpili ng tea set na kanilang gagamitin. Kausap nito ang babaeng nag-aassist sa kanila sa pagpili mula sa mga naka-display. Nagtagal lang ng isang minuto ang pagpili nito. Matapos non ay pumunta na sila sa isang bakanteng table sa first floor.

"Ang busy mo nitong mga nakaraang araw, Tammy. Ano'ng ginawa mo?" tanong ni Willow.

"May inaasikaso lang ako," sagot ni Tammy.

"Mabuti nalang may time ka ngayon. Feeling ko simula noong pumasok ka sa ibang school, naging busy ka na. Lumipat na rin kaya ako ng school para magkasama na tayo? Ano sa palagay mo, Tammy?"

Hindi masagot nang direkta ni Tammy ang tanong ni Willow. Naalala niya bigla ang Lolo nito. Siguradong aatakihin ito sa puso kapag narinig ang sinabi ng apo nito. Sobrang protective nito sa paborito nitong apo.

Dumating ang lalaking servant ng tea house na dala ang isang tray ng tea-set. Isang royal rose tea set ang napili ni Tammy. Inilapag nito iyon sa mesa nila at sinimulan ang proseso ng pag-gawa ng rose tea.

Pinanood nina Tammy at Willow ang ginagawa ng lalaki. Napaka-elegante ng mga galaw nito.

"Pamilyar yung naka-pula," komento ng isang babae habang nakatingin sa bagong dating na customer.

"Parang nakita ko na nga siya. Saan ko nga ba siya nakita?"

"Tignan mo, hindi papatalo ang ganda niya kay Rinka."

"Model din kaya siya?"

"Ang kinis ng balat niya..."

"Ah! Natatandaan ko na kung saan ko siya nakita! Siya yung exclusive model ng MCM company!" sabi ng isang customer na hindi mapigilan na masabi nang malakas nang maalala ito.

Nang marinig iyon ng ibang customers, hindi nila maiwasan na muling tignan ang babae. Nakasuot lamang ito ng simpeng red plaid long-sleeves shirt. May puting shirt iyon sa loob at simpleng blue jeans lang ang pang-ibaba. Kulot ang dulo ng buhok nito na umabot lagpas sa dibdib ng dalaga. Maliit ang maamo nitong mukha na may bilugang mga mata, matangos na ilong at kulay rosas na labi.

'Ano?! MCM Company?!' Hindi mapigilan ni Rinka na mapatingin sa babae. 'Model siya sa MCM?! Exclusive model?!'

Naging parte si Rinka ng MCM fashion show three years ago. Iyon din ang naging dahilan kung bakit siya napansin ng ilang modeling company. Ngunit hindi madali ang maging exclusive model doon. Kahit siya ay isang beses lang kinuha ng company para gawing model. Sa pagkaka-alala niya ay nasa anim lang ang exclusive models nila. At ang anim na masu-swerteng mga modelo ay binibigyan ng mga special incentives ng kompanya.

Kahit pa alisin ang incentives na iyon, ang mga modeling classes palang na binibigay sa kanila ay sapat na upang kainggitan ng lahat ng nasa modeling business! Puro mga bigating ex-models ang nagtuturo sa mga ito!

Paanong ang isang simpleng babae na katulad nito ay naging isang exclusive model?! Hindi siya makapaniwala! Ano ang meron ito na wala siya?!

Doon niya napansin na pamilyar nga ang mukha ng babae. Mas lalo siyang hindi makapaniwala nang ma-realize niya kung sino ito!

'Siya yung... nasa magazine ng MCM!'

Sa lahat ng apat na magazine na inilalabas ng MCM Company kada taon, nandoon ito. At ang mga isinusuot nito ang may pinaka-espesyal na design sa lahat. Halata na sa lahat ng models ng kompanya ay ito ang pinaka-paborito ng may ari. Ito ang prinsesa nila.

Naikuyom ni Rinka ang kanyang kamao. Biglang naglaho ang anumang saya na nararamdaman niya kanina. Hindi niya mapigilan na mai-kompara ito sa sarili. Hindi naman ito mukhang ganoon ka-espesyal sa personal. Hmp! Ano kaya ang meron ito at ganoon nalang kung ituring ng kompanya?!

Nalipat sa kasama nitong babae ang tingin niya. Mas lalo siyang nagulat nang makilala ito. Si Willow Rosendale! Hindi niya personal na kilala ang babae pero dahil sa sikat itong pianist sa school nila ay matunog ang pangalan nito. Kaagad siyang ngumisi. Magkakilala pala ang mga ito. Isang plano ang biglang nabuo sa kanyang isip.

Nang matapos i-serve ng lalaki ang tsaa na ginawa nito, kaagad itong nagpaalam kina Tammy at Willow. Masaya ang dalawa sa kinalabasan ng tsaa na iniinom nila. Mabango ito at tama lang ang tamis.

"Tammy, ano nga pala yung pinag-kakaabalahan mo?"

"Hmm. May problema lang ako na inaayos sa school."

Tumango si Willow. Mukhang ayaw sabihin sa kanya ni Tammy ang nangyayari. Hindi niya maiwasan mag-alala para sa kaibigan. Sana ay okay lang ito at hindi nabu-bully sa school. Iniba nalang niya ang usapan at tinanong ito tungkol sa pelikula na papanoorin nila mamaya at kung saan sila kakain pagkatapos.

Hindi naman mapigilan na maalala ni Tammy ang nangyari dalawang araw na ang nakalipas. Noong pumasok siya sa loob ng music room...

"Tammy, please have a seat," sabi ni Nino sa kanya nang pumasok siya sa loob ng silid.

Napansin ni Tammy ang kakaibang atmosphere sa loob. Tila ba may bagyo at napakadilim ng paligid. Patuloy sa pagtugtog ang musika na nanggagaling sa vinyl.

Hindi nag-salita si Tammy at umupo sa single sofa bago tignan ang mga tao sa paligid. Bukod kay Nino at sa beta nito, may dalawa pang lalaki sa loob. Umupo sa mag-kabilang gilid ni Nino ang dalawang babae at natuon ang atensyon sa hawak na cellphones. Si Banri naman ay tumayo sa gilid ni Tammy habang nakahalukipkip na parang isang bodyguard.

"You see, these two were asking for my help," turo ni Nino sa dalawang nakatayong lalaki sa harap nito. "I was wondering if you'd be up for the task instead."

Tinignan ni Tammy ang dalawang lalaki, ngunit umiwas ng tingin ang mga ito sa kanya. Mga first years ang mga ito. Kung lumapit ang mga ito kay Nino imbes na sa kanya, may isa lang itong ibig sabihin.

Sa tabi ni Tammy, si Banri ang naunang nagsalita...

"Kung ano man ang problema ninyo, hindi nyo na dapat idinamay pa ang senior," sagot ni Banri na may magka-salubong na mga kilay. Hindi siya sang-ayon sa ginawa ng dalawa. "Hindi nyo ba alam ang patakaran dito?"

"Alam namin pero..." Hindi naituloy ng lalaki ang sasabihin. Napatingin ito saglit kay Tammy saka umiwas.

"That's alright, I understand," ang malamig na sabi ni Tammy. Naiintindihan niya ang iniisip ng mga ito. "But I am still your King. Kung hindi ko kayang solusyunan ang problema, then let me ask for help from the other Kings instead."

Sa Pendleton High, kung ang problema ng isang estudyante ay hindi kayang ayusin ng King, maaaring humingi ng tulong ang King sa iba. Ang nangyari ngayon kung saan ang mga estudyante mismo ang humingi ng tulong sa ibang King ay masasabing... bihira mangyari.

Pinanood ni Tammy ang dalawang lalaki sa kanyang harapan. Nakita niya kung paano ang mga ito hindi makatingin sa kanya at tila gustong manliit. Lumipas ang ilang minuto na hindi siya nag-salita, nang mapansin niyang hindi na kaya ng dalawa ang kanyang pagtitig, saka niya binasag ang katahimikan.

"Tell me, start from the very beginning."

Nagpalitan ng tingin sina Lodi at Cam saglit bago ikwento ang nangyari.

Ang problema ng dalawa ay masasabing hindi ganoon kabigat ngunit hindi rin ganoon kasimple. Sa madaling salita, sila ay naging biktima sa larong sugal at malaking pera ang nawala sa kanila. Kung ganoon lang sana kasimple ang nangyari, ngunit narinig nila mula sa iba ang istilo ng grupo.

May isang grupo mula sa Blackridge Hill na nanghihikayat ng mga mayayamang estudyante na maglaro ng sugal. Kalimitan ay tumatambay ang grupo sa mga bilyaran at mga clubs at naghahanap ng mga mabibiktima. Kasama na rito sina Cam at Lodi na nagkataon na naglalaro ng sugal sa bilyaran.

Nilapitan sila ng mga ito at hinikayat na maglaro ng sugal sa Blackridge Hill kung saan mas malaki ang pwedeng mapanalunan. Dahil sa magagandang salita ng mga ito, nahikayat na pumunta ang dalawa. Sa una ay nanalo sila ng malaking pera ngunit hindi rin iyon nagtagal, naging sunud-sunod din ang kanilang pagkatalo. At dahil sa gusto nilang makuha ang nawala sa kanila, pumusta sila nang pumusta hanggang sa walang natira.

Huli na nang malaman nilang naging biktima sila ng isang modus operandi. Sa isang gabi, nakuha ng mga ito sa kanila ang one hundred and fifty thousand cash at dalawang kotse.

Nang sabihin nila ang nangyari sa class 1-C Alpha, doon ito nag-imbestiga. Lumabas sa imbestigasyon na gumagamit ng pandaraya sa sugal ang grupo. Nang subukan nilang komprotahin ang grupo, hindi naging maganda ang kinalabasan. Ang kanilang alpha ang nagtamo ng pinaka-malaking pinsala at hanggang ngayon ay nasa ospital parin.

'Blackridge Hill.'

"Ano'ng klase ng sugal ang nilaro ninyo?" tanong ni Tammy. Mas naging interesado siya sa naririnig.

"Billiard."

"Cards."

"Bukod doon, may iba pa ba silang nilalaro?"

"Roulette."

"Dice."

May isang maliit na ngiti na lumabas sa mga labi ni Tammy, mabilis rin iyong naglaho. Sumandal siya sa sofa.

"Kung gugustuhin ninyo, makakabalik pa ba kayo sa Blackridge Hill?" Sa pagkakaalala ni Tammy, kailangan ng imbitasyon doon bago makapasok sa loob.

Umiling ang dalawa.

"Kinukuha nila ang black card pagpasok namin sa loob."

Tumango si Tammy. 'Makes sense.'

"Do you have a plan?" tanong ni Nino na kanina pa naghihintay ng reaksyon mula kay Tammy.

"Yes."

Ngumiti si Nino. Alam nitong matalino si Tammy at mabilis mag-isip ng solusyon. Halata iyon sa mga mata nito at sa kalmado nitong kilos.

"T-Talaga?! Matutulungan mo kaming mabawi ang mga nawala sa'min?!" hindi makapaniwalang tanong ni Lodi.

Kumislap ang mga mata ng dalawang lalaki. Nakatingin ang mga ito kay Tammy na puno ng pag-asa.

Inosenteng tinignan ni Tammy ang dalawa. "Mabawi? Why should I do that? Hindi ba at kasalanan nyo rin naman kung bakit nyo iyon nawala?"

Nagulat at dalawang lalaki. Biglang nawala ang kislap sa mga mata ng mga ito.

"How old are you, nine? No. Even nine year olds are smarter than you two. Wala bang nag-sabi sa inyo na hwag basta sasama sa taong hindi ninyo lubos na kilala? At kung mahalaga sa inyo ang mga bagay na nawala sa inyo, bakit ninyo ipinusta?" walang emosyon na sabi ni Tammy.

Walang maisagot ang dalawang lalaki. Naghari ang katahimikan sa loob ng silid. Lahat ay nakatingin kay Tammy, maging ang dalawang babae na abala kanina pa sa mga cellphones nila. Tahimik na nakamasid si Nino, hindi niya mapigilan na purihin ang babae. Ngayon ay alam na niya kung paano magalit si Tammy Pendleton. Siguradong napikon ito sa ginawa ng dalawang lalaki sa paglapit sa kanya imbes na kay Tammy.

Sa gilid ni Tammy ay tumatango si Banri. Halata na sang-ayon ito sa narinig. Magpasalamat ang dalawang ito at wala silang Tatang na katulad ng kanya. Kung nalaman ng Tatang niya na nag-sugal siya at nawalan ng pera at sasakyan, siguradong bugbog ang aabutin niya sa ring. Hindi lang tatlong araw, siguradong isang buwan siya sa kama niya.

"Wala ka ba talagang magagawa para sa amin?!" hindi sumusukong tanong ni Cam. Importante sa kanya ang sasakyan niya!

"Again, why should I? Hindi ba at pinagbawalan kayo ng school na sumali sa anumang ipinagbabawal na gawain? Kasama na roon ang pagsusugal," kalmadong sagot ni Tammy.

Desperadong tumingin si Lodi kay Nino. "King Nino—"

Umiling si Nino. "This matter, I'll leave this to your King. If she personally asks for my help then..."

"Thank you but that won't be necessary," sagot ni Tammy.

Ang ano mang pag-asa nina Lodi at Cam ay biglang naglaho. Hindi sila matutulungan ng dalawang Hari. Kapag nalaman ng pamilya nila na nawala nila ang sasakyan dahil sa sugal, siguradong...

"KING!" sabay na sabi ng dalawang lalaki. Biglang lumuhod ang dalawang lalaki sa harap ni Tammy. Desperado na talaga sila. Wala na silang iba pang mahihingian ng tulong. "Tulungan mo kami, King!"

"Hmm. Why should I?"

"Tulungan mo lang kami ngayon, gagawin namin kahit ano pang ang iutos mo!" sabi ni Lodi.

"Pagsisilbihan ka namin, kahit ano'ng gusto mong ipagawa sa amin sa hinaharap gagawin namin! Please tulungan mo kami kahit ngayon lang!" pakiusap ni Cam.

Matagal na tinignan ni Tammy ang dalawang lalaki na nakaluhod parin sa harap niya. Hindi naman niya balak na pahirapan ang dalawa. Gusto lang niyang matuto ng leksyon ang mga ito upang hindi na umulit sa hinaharap.

Pero nag-alok na ang dalawa, kung sakaling kailanganin nga niya ng tulong magagamit niya ang mga ito.

"Banri," tawag ni Tammy sa lalaking nasa gilid niya.

"Y-Yes, Ma'am!" Napa-ubo si Banri. Bigla siyang nakaramdam ng kaba ng mapunta sa kanya ang atensyon ni Tammy. Tila ba hahatulan siya nito.

Ngumiti bigla si Tammy. "Ano'ng sugal ang alam mong laruin?"

"...Ah?"

Dahil sa ngiti na iyon ni Tammy kay Banri, tila ba hindi kaagad nakapag-isip ang lalaki. Dumaan ang isang buong minuto bago naintindihan ni Banri ang tanong sa kanya nito. Bigla siyang nakaramdam ng pangamba. Tila ba hindi nalalayo ang muling pagpasok niya sa ring kasama ang tatang niya.