Chereads / High School Zero / Chapter 19 - Chapter Nineteen

Chapter 19 - Chapter Nineteen

Hindi rin nagtagal at nag-umpisa na ang announcement ng laban ng mga third years. Isa-isa na silang tinawag at pinapunta sa dalawang ring.

"Ayun siya!" excited na turo ni Fatima sa kaliwang ring. "Siya ang King ng mga third years!"

"Paano mo nalaman?" tanong ni Lizel.

"Gwapo eh."

"Ugh Fatima!"

"Ano ba? Maniwala kayo, sabi kasi sa forum gwapo raw. Tsaka nakita ninyo naman ang hitsura ni Bullet diba? Gwapo din. Pero mas gwapo 'tong kuya niya. Ayyyiie! I'm in love!"

"Lahat nalang ng lalaki..."

"Hindi no! Lahat lang ng gwapo. Ahihihi!"

Tinignan ni Tammy ang lalaki sa kaliwang ring. Nakasuot ito ng gray shirt at black pants. Kitang kita niya ang mga itim na ink sa mga braso nito. Napakunot ang kanyang noo, parang pamilyar ang lalaki sa kanya. At tila ba naramdaman nito ang tingin niya, tumingin ito sa direksyon niya at bahagyang ngumiti.

"KYYAAAA!!!" ang sigawan ng ilang kababaihan sa gawi ni Tammy.

"Tinignan niya ako! OMG! KYAAA!!!"

"Ngumiti siya sa'kin! My gahd! Check my pulse! Buhay pa ba ako?!"

"Ang gwapo naman niya! Ang hot ng tats niya! Kyaaaa!!! Marry me!!!"

"Anakan mo ako please!!!"

"Che! Ang OA ninyong lahat!" sigaw ni Fatima sa mga babaeng nasa likod nila. "Sa akin siya tumingin no!"

"Sa'yo? Hahaha! So funny ah~" irap ng babae sa kanya.

"Hwag kang ilusyunada! Hindi ka naman kagandahan!" sabi ng isa pang babae sa likod.

"Huwaw! Kumpara sa mga mukha ninyo, ang ganda ganda ko!" hindi nagpapatalong sagot ni Fatima.

Hindi inalis ni Tammy ang tingin sa lalaki. Nakita na niya ito dati, sigurado siya. Pero kahit na anong gawin niya ay hindi niya maalala.

"Ano'ng pangalan niya?" tanong ni Tammy kay Lizel. Hindi niya masyadong pinansin ang mga pangalan na sinabi ng announcer dahil may isang pangalan lang siyang hinahanap. At wala iyon sa mga ito.

"Gavino Ryu."

Hindi pamilyar. Ito ang unang beses na narinig niya ang pangalan na ito. Pero bakit pamilyar ang mukha ng lalaki?

"Tammy, interesado ka rin ba sa kanya?" biglang tanong ni Fatima at hindi na pinansin ang sinasabi ng mga babae sa likod.

Umiling siya. "Hindi."

"Good. Good."

Nag-umpisa na ang labanan ng mga third years. Mula sa umpisa ay hindi na inalis ni Tammy ang tingin sa lalaki. Isa ito sa mga naging Kings sa Pendleton High. Gusto niyang malaman kung gaano ito kalakas.

Ngunit mabilis lang natapos ang laban nito. Walang pang sampung minuto. Hindi niya alam kung mahina ba ang kalaban nito o sadyang malakas lang talaga si Gavino.

Sa maiksing sampung minuto na iyon ay nalaman ni Tammy na parehas ng istilo ang mag-kapatid. Gumagamit sila ng Krav Maga. Ngunit mag-kapareho man ay mag-kaiba parin dahil ang istilo ni Gavino ay mas pino at perpekto.

Matapos ang maiksing break ay nag-umpisang muli ang laban. Ito ang final round para sa mga third years. Ang kalaban ni Gavino ay isang lalaking doble ang laki ng katawan at mas matangkad kumpara rito. Gumagamit ito ng istilong Jiu Jitsu.

Ngunit mas malaki man ito ay kinaya parin ni Gavino na pabagsakin ang lalaki.

[Hit by hit ang tinatanggap ni Djanggo mula kay Gavino! DOOOWN!!! Bumagsak si Djanggo matapos ang sunud-sunod na pagtanggap ng atake!!!]

Nag-sigawan ang mga manonood nang makitang bumagsak sa sahig ang malaking lalaki. Kahit na mas malaki ang katawan nito nang dalawang beses kaysa sa kalaban, hindi parin ito ang nanalo.

Itinaas ng referee ang kamay ni Gavino bilang hudyat ng pagkapanalo.

"Woah! Kaya naman pala siya ang King ng mga third years. Magaling pala siya talaga! Akala ko mananalo yung mas malaki. Grabe! Kinabahan ako!" ang sabi ni Cami.

"KYAAAA! Ang hot talaga niya!" sabi ni Fatima.

"Lahat ba ng nananalong Kings gwapo?" tanong ni Cami.

"Si Tammy maganda. Si Nino gwapo. Si Gavino din gwapo. Wow! Ano kaya ang hitsura ng King ng mga fourth years? Labanan ng visuals ito!" sabi ni Lizel.

"Mas gusto ko si Gavino kaysa kay Nino," sabi ni Fatima.

"Bakit naman?" tanong ni Cami.

"Gusto ko yung mga katulad niya, mukhang bad boy. Mukhang maangas. Mukhang wild. Wild sa..." sabi ni Fatima saka humagikgik.

"Hahaha! Ang bad mo Fatima! Sa'kin nalang si Nino kung ayaw mo."

"Che! Akin sila pareho!"

Nag-inat si Tammy habang naghihintay ng susunod na laban. Pero matapos ang thirty minute break ay nagulat ang lahat sa announcement na narinig.

Dahil wala ni isa sa mga fourth years ang nagpakita para lumaban. At dahil sa pangyayari ay nanatili sa pwesto ang dating hari ng mga ito.

Ang pangyayaring ito ay nagdala ng maraming reaksyon sa mga estudyante. Gaano ba kalakas ang hari ng mga fourth years para wala ni isa man ang gustong lumaban dito?

***

Kinabukasan ay maagang pumasok si Tammy sa School. Hindi parin nawawala sa isip niya ang nangyari kahapon. Gusto sana niyang kausapin si Nix at itanong kung ano ang nangyari at bakit walang nagpakitang fourth year sa laban. Pero masyado itong mailap at magaling magtago. Nagpapakita lamang ito kung gusto nitong magpakita. Para itong multo na gumagala sa hallway ng school.

Walang nagawa si Tammy kung hindi ang pumunta nalang sa classroom nila. Pero hindi niya inaasahan ang makikita sa tapat nito.

"Bawiin mo ang sinabi mo!"

"At bakit?! Totoo naman ah! Hindi siya ang dapat na naging King! Si Banri dapat!" ang malakas na sabi ng isang malaking lalaki. At sinang-ayunan ito ng mga lalaki sa likod nito.

"Tapos na ang laban! Tanggapin nyo nalang na natalo kayo!" ang sabi ng isa sa mga kaklase ni Tammy. At sinang-ayunan din ito ng iba.

"Kung hindi lang siya pinagbigyan ni Banri, si Banri dapat ang nanalo!!!"

"Hindi ako susunod sa isang King na katulad niya!"

"Oo nga! Hindi siya dapat na manatiling King! Hindi siya ganoon kalakas!"

"Kung may kahihiyan siya, isauli niya ang title kay Banri!"

"Si Banri ang dapat na nanalo, hindi siya!"

"O baka naman natatakot lang siya kay Banri na lumaban? Ah?!"

"Kailan pa naging hari ang isang babae?! Pwe!"

"Si Banri lang ang susunurin namin! Hindi namin siya tatanggapin!"

"Kung natatakot siyang lumaban kay Banri, isuko nalang niya ang title!"

"Oo nga! Isuko niya ang title! Hindi siya karapat-dapat!"

Saglit na dumilim ang mukha ni Tammy. Alam niya na may ilang estudyante na hindi siya kayang tanggapin bilang King at may planong mag-protesta, pero hindi niya alam na ganito pala kaaga. Bumuntong hininga siya.

"Why do I need to do that?" ang malamig na tanong niya.

Biglang tumahimik sa corridor. Napatingin sa kanya ang mga nagtatalong estudyante. Nasa sampung lalaki ang nagpoprotesta sa tapat ng classroom nila. Mukhang maaangas ang mga ito.

"Nandito ka na pala! Mabuti. Isaoli mo na kay Banri ang pwesto mo!" ang sabi ng leader ng mga nagpo-prostesta. "Para matapos na 'to!"

"Isaoli? Bakit, may kinuha ba ako sa kanya?" inosenteng tanong ni Tammy.

"A-Alam mong hindi 'yan sa'yo! Pinagbigyan ka lang naman ni Banri kaya ka nanalo! Naawa lang siya sa'yo dahil babae ka!"

"Tama, hindi niya sineryoso ang laban ninyo kaya ikaw ang nanalo!"

Tumaas ang isang kilay ni Tammy. "And that's my fault because..?"

Saglit na natigilan ang mga lalaki sa naging sagot niya.

"Ikaw... Halata naman na pinagbigyan ka lang niya—"

Bumuntong hininga si Tammy. Hindi maintindihan ni Tammy ang logic ng mga lalaking ito. Maiintindihan pa niya kung dahil sa pagiging babae niya kaya hindi siya matanggap. Nakakababa nga naman ng pagkalalaki para sa iba kung ituturing siyang hari ng mga ito. Ang Pendleton High ay binubuo ng mga estudyanteng may pagka-rebelde. Kaya naman handa siya sa mga magpo-protesta laban sa kanya. Lalo na at ito ang unang beses na naging hari ang isang babae. Pero ang sinasabi ng mga lalaki sa harapan niya ay isang bagay na hindi niya matanggap.

"So in other words, kasalanan niya kaya siya natalo. There is no greater danger than underestimating your opponent. I think this is something we can all agree on," ang kalmadong sabi ni Tammy.

Kahit na magkakaiba sila ng pag-iisip, alam niyang naiintindihan ito ng karamihan. May pagka-rebelde man ang mga estudyante rito, alam naman nila ang halaga nito sa pakikipag-laban. They should never underestimate their opponents. Isa itong unspoken rule.

Hindi na umimik ang mga lalaki sa harap niya. Alam niyang tama ang kanyang sinabi at naintindihan ng mga ito ang salita niya. Pero puno parin ng pakikipag-talo ang mga mukha ng mga ito. Hindi parin sumusuko ang mga ito.

Muling bumuntong hininga si Tammy. Kung hindi niya aayusin ang gulo ngayon, maaring lumaki ito sa hinaharap. Kaya mas mabuti kung puputulin na niya ngayon ang anumang sama ng loob na nararamdaman ng mga ito sa kanya.

"One month from now, tell Banri to meet me in the ring."

Sa kanyang sinabi ay gulat na tumingin sa kanya ang mga lalaki. Maging ang kanyang mga kaklase ay nagulat sa narinig. Magka-salungat ang reaksyon ng dalawang grupo.

Matapos sabihin iyon ay pumasok na siya sa loob ng classroom. Mabilis naman na umalis ang mga lalaki at tila hindi makapag-hintay na sabihin ang balita sa kanilang piniling hari.

"Hoy Tammy, ano yon?! Bakit ka makikipaglaban ulit kay Banri?!" ang tanong ni Fatima.

"Oo nga, kahit naman hindi mo na gawin 'yon, wala naman silang magagawa kundi ang tanggapin ka," sabi ni Cami.

Nagkibit balikat si Tammy. "It's alright."

Hindi man niya aminin, hindi rin masaya si Tammy sa naging laban nila ni Banri. Doon niya napatunayan kung gaano siya kahina. Isang first year student lang si Banri ngunit muntik na siyang matalo rito. Gusto niyang burahin sa isip at damdamin niya ang pakiramdam ng pagiging mahina sa harap nito. Kailangan niyang labanan ulit si Banri at muling talunin ito. Para malabanan niya ang iba pang mas malakas dito sa hinaharap.

Samantala, si Banri na walang alam sa nangyari ay naipit sa isang sitwasyon na hindi niya inaasahan.