Chereads / High School Zero / Chapter 13 - Chapter Thirteen

Chapter 13 - Chapter Thirteen

[Good morning, listeners! This is your DJ Alex and here with me is the ever so lovely DJ Ashley!]

[Hahaha! Good morning, Zeroes! Today is a very sunny day! Perfect for outdoor activities! Hwag ninyong kalimutan na mag-lagay ng sunscreen.]

[Speaking of outdoor activities, excited na akong makita ang mga magaganap ngayong araw. Ngayon ang araw ng special event ng Pendleton High!]

[Yes, partner! Alam ko'ng lahat ng listeners natin ay excited na rin sa mapapanood nating matches ngayong araw.]

[Dahil ngayon ang 'King's Tournament'! Woohoo!]

*insert joyful song*

[Mapapalitan kaya ang mga Kings o mananatili sila sa mga pwesto nila?]

[Malalaman natin 'yan mamaya. Pero mas interesado ako sa mangyayari sa match ng mga first years! Sino kaya ang kanilang tatanghalin na King?]

[Oh! We have a girl contender! Yes, tama ang naririnig ninyo! A girl! This is the first time sa history ng Pendleton High, DJ Alex.]

[Siya na rin kaya ang magiging kauna-unahang King sa kasaysayan ng King's Game? Malalaman natin 'yan mamaya!]

[Excited na rin akong malaman! But in the meantime, here's a song for you guys. Requested by ApplePie, Not Today by BTS. ]

***

"What did you just say?! Excuses! Sawang sawa na ako sa mga excuses ninyo! Napaka-simple lang ng pinapagawa ko hindi ninyo pa magawa! Mga walang kwenta!" sigaw ni Hanna sa tatlong lalaki na nasa harapan niya.

"S-sorry po, boss!"

Nakatungo ang tatlong lalaki at hindi maharap ang kanilang reyna. Hindi rin nila masabi na may nangyari noong gabing sinundan nila si Tammy Pendleton.

"Lumayas kayo sa harapan ko! Hwag na hwag kayong magpapakita sa'kin ulit baka kung ano pa ang magawa ko! GO!!!"

Pinanood ni Helga na tumakbo paalis ang tatlong lalaking tauhan ni Hanna.

"My God! Mahirap ba ang pinapagawa ko? And you, Helga, ano na ang balita sa pinapagawa ko sa'yo? Don't tell me wala ka rin nakuhang ebidensya?"

Helga sighed. "I'm not one of your henchmen, Hanna. Stop acting like my boss."

"What did you just say, bitch? Sino ba ang kumaripas ng takbo sa'kin para humingi ng tulong noon? Remember Helga, ikaw ang nakisali sa plano ko. Ikaw. So don't act like you can do anything without my help."

"Sa ating dalawa ikaw ang walang ginawa. Puro ka utos as if you're better than us. Ano ba ang kaya mong gawin nang wala kami?"

"I am better than all of you. At kaya kong gawin kahit ano nang walang tulong ninyo!"

"Then just shut up and do it yourself since you're so good at it!"

Kaagad na tumalikod si Helga at naglakad paalis. Rinig parin niya ang sigaw ni Hanna Song mula sa likod niya.

"FINE! GO! I CAN SEE YOUR TAIL TUCKED IN BETWEEN YOUR LEGS, COWARD!!!"

Hinding hindi maiintindihan ni Hanna Song kung ano ang pinag-daanan nilang apat noong gabing sinundan nila si Tammy Pendleton. Maski siya ay nagulat at hindi iyon inaasahan.

Hanna was right, Tammy's a monster.

Maiintindihan lang ni Hanna kung bakit sila natatakot lumapit kay Tammy kung ito mismo ang makakakita kung hanggang saan kayang makipaglaro ng kalaban nila. Masakit man sa pride pero wala talaga siyang laban kay Tammy. She's two steps ahead of them.

But, this makes things more interesting. Sa ngayon, panonoorin nalang muna niya ang laban ng mga Alpha.

***

Nagkalat ang mga booths sa eskwelahan ng Pendleton High. May kung anu-ano'ng pagkain at inumin ang nandoon. Mukha sanang isang normal na school festival kung hindi lang sa dalawang fighting ring na nakalagay sa loob ng gymnasium.

"Hmm! Ang sarap ng popcorn!" sabi ni Cami habang hawak ang large sized popcorn box.

"Nag-eenjoy ka talaga no?" tanong ni Lizel. "Pahingi nga."

"So, there's Banri, representative ng class 1-D," turo ni Fatima sa isang mukhang siga na lalaki na may yellow na buhok. Nasa isang booth ito kasama ang mga kaibigan nitong lalaki at bumibili ng pagkain. "Ang sabi sa poll ng blacksite, siya daw ang may pinaka-malaking pag-asa na maging King natin."

"Paano naman nila nasabi?" tanong ni Lizel.

"His Dad is a boxing coach. Sinanay si Banri ng Tatay niya para maging isang boxing champion. His Mom is a Physician kaya palaging nasa perfect condition ang katawan niya. May ari ang pamilya nila ng ilang gym dito sa Luzon," sagot ni Fatima.

"OMG. Hwag sana silang mag-laban ni Tammy. Hindi ko kayang manood. Mukha pa naman umiinom ng dugo ng kalaban niya si Banri. Nakakatakot ang mukha niya," sabi ni Cami na patuloy ang pag-subo ng popcorn.

"Paano naman yung classmate natin? Si..." sabi ni Lizel saka inisip ang pangalan na nakalimutan niya. "Yung nakapasa sa second test."

"Si Sid," sagot ni Fatima.

"Sisid?" tanong ni Cami.

"Sid! Yung kaklase nating nakapasok sa tournament," sabi ni Fatima.

"Ahh. Si Sid. Sino nga ulit 'yon? Di ko siya matandaan," sabi ni Cami.

"Mukha naman siyang normal pero... Wait. Nasaan si Tammy?" tanong ni Lizel.

"Nasa waiting area na siya," sagot ni Fatima. "Malapit na mag-simula yung laban. Siguro kinakabahan na 'yon."

"Kawawa naman siya. Puntahan natin, baka may kailangan siya," sabi ni Lizel.

"Wow, ang bait naman," puri ni Cami.

"Ano ka ba? Baka maging King siya tapos tayo yung magiging ano niya diba?" sagot ni Lizel saka tumingin kay Fatima. "Diba?"

"Ewan ko sa'yo. Milagro yata yang hinihingi mo," umiiling na sabi ni Fatima. "Mas may pag-asa pa si Sid na manalo e."

Tumango si Cami. "Si Sid ang pag-asa ng section natin."

"Edi dapat siya ang puntahan natin."

"Ayokong lumapit kay Sid. Medyo creepy siya e."

"Kung sabagay."

***

Nakaupo si Tammy sa bench sa waiting area ng gymnasium. Kasama niya ang mga first years na nakapasa sa endurance test. Isa na rin ang bagong pasok na si Sid – ang kanyang kaklase.

Ngayong araw gaganapin ang tournament ng mga first at second years. Bukas naman ang sa mga third at fourth years.

Habang nagmamasid si Tammy sa kanyang paligid, isang bagay ang kanyang napansin. Imbes na balutin ng tensyon ang buong silid, kabaligtaran ang kanyang nakikita. Mukhang komportable ang mga kasama niya sa kinauupuan nila. Ang iba pa sa kanila ay naglalaro ng baraha.

Siguro nga ay normal na ito para sa kanila. Normal ang pakikipaglaban para sa mga estudyante ng Pendleton High. Kaya naman imbes na kabahan ay mukhang excited pa ang mga ito. Isa lamang itong laro para sa kanila.

Nilingon niya si Sid. Nararamdaman niyang kanina pa ito nakatingin sa kanya. Bigla naman itong nag-iwas ng tingin nang tignan niya.

"HAHAHAHAHA!!"

Bumukas ang pinto at pumasok ang tatlong nagtatawanan na mga lalaki.

"Mga gago, asa pa kayo. Ako ang mananalo mamaya. Hahahaha!" sabi ng lalaking may yellow na buhok. "Papakainin ko kayo ng alikabok!"

"Lul. Ikaw ang ilalampaso ko mamaya, Banri! Maghanda ka nang labahan yang damit mo!"

"Maghanda ka nang pinturahan ng pink yang buhok mo kapag ako ang nanalo, Banri," nakangiting sabi ng isa sa kanila.

Ayon sa pagkakaunawa ni Tammy, si Banri ang may yellow na buhok. Ang tingkad ng buhok nito na parang hinugot mula sa box ng mga krayola. Napaka-dali nitong makakuha ng atensyon. Mukha itong naglalakad na araw.

"Hahaha! Dapat sa inyong dalawa maging komedyante! Mga gag—" Napaubo bigla si Banri nang mapatingin sa direksyon ni Tammy. "Bakit may babae rito?"

"Uy, si Pendleton." Tango kay Tammy ng lalaking kasama ni Banri.

"Di ka nag-backout?" tanong ng isa pa.

"Bakit naman ako magba-backout?" tanong ni Tammy.

"Nak ng..." Napakamot sa batok nito si Banri at saka tumingin sa paligid. "Hindi ito ang lugar para sa mga babae."

Hindi sumagot si Tammy at tinignan lang si Banri. Sa lahat ng kalahahok sa tournament, kay Banri siya pinag-iingat ni Nix.

"Hwag nyo siyang lapitan!" sabi ng kaklase ni Tammy na biglang humarang sa tatlong lalaki.

"Sino ka naman?" kunot noong tanong ni Banri.

"Teka, hindi kita nakita noong test a."

"Ah. Siya yung nakapasa sa pangalawang test."

"Pangalawang test?"

"May nadagdag na dalawang estudyante dahil kinulang ng beta. Isa siya ron."

"Kaya pala parang dumami tayo."

"Tsk. Wala akong pakialam." Tumingin ulit si Banri kay Tammy. "Kung matalino ka, aatras ka na bago ka pa masaktan."

Sinalubong ni Tammy ang tingin ni Banri. Makalipas ang ilang segundo ay tumalikod na si Banri at naglakad sa kabilang bench kasama ang dalawa nitong kasama.

Sabay sabay silang naghintay ng hudyat na mag-uumpisa na ang laban.

***

Suot ang malaking sunglasses, pumasok si Willow sa loob ng gymnasium ng Pendleton High at naghanap ng mauupuan. Hinding hindi niya palalagpasin ang tournament. Kahit na hindi man lang siya inimbita ni Tammy na manood – stupid Tammy. May binayaran siyang estudyante para ipagamit sa kanya ang school ID nito – stupid school security.

Dahil special day ito ng school at sabado, hindi naka-uniform ang mga estudyante. Mas madali makapasok ang mga katulad niyang hindi talaga nag-aaral sa Pendleton High.

Nakakita siya ng isang bakanteng upuan sa third row sa may unahan. Nakangiti siyang nag-masid. Bigla niyang naramdaman ang kanyang cellphone na kanina pa nagva-vibrate. Kinuha niya ito at nakita ang pangalan ng kanyang Lolo, agad niya itong in-off. Marahil ay alam na nitong tumakas siya sa kanyang piano lesson – stupid piano lesson.

As if palalampasin niya ang araw na makita niya si Tammy na nakatayo sa arena.

Nakita ni Willow ang malaking screen sa itaas. May countdown doon at isang minuto nalang ang natitira. Nang limang segundo nalang ang natitira, sinabayan iyon sa pagbilang ng mga estudyante.

5

4

3

2

1

Isang malakas na tunog ang namayani sa loob ng gym. May sumabog sa apat na sulok ng court at nagpaulan iyon ng mga confetti. Nagsigawan ang mga estudyante dala ng kanilang kasiyahan. Umpisa na sa wakas ng pinakahihintay nilang tournament.

[Welcome students of Pendleton High! I'm your Dj Alex at kasama ko parin ang napaka-gandang si DJ Ashley!]

[This is your DJ Ashley! Hello and welcome to the 'Kings Game'!]

[Pero hindi lang kami ni DJ Ashley ang makakasama ninyo. Nandito rin ang ating sports commentator na si Sir Gregorio. Sir Gregorio, ano po ang masasabi ninyo sa mga contestants nating ngayong taon? May nakikita na po ba kayong kampyon sa kanila?]

Nakatingin ang lahat sa screen. At doon ay lumabas ang walong larawan at pangalan ng mga kalahok.

[Mahirap masabi pero may nahuhulaan na ako kung sino sa kanila ang mananalo. Nakakagulat din dahil ngayong taon may babaeng nakapasok. Ito ang kauna unahang beses na nagkaroon tayo ng babaeng kalahok.]

[Yes. Yes. Si Tammy Pendleton.]

[Sa totoo lang ay kinakabahan ako na mapanood ang laban niya. Pero gusto ko ring malaman kung kaya ba niyang tapatan ang mga kalaban niya.]

[Maging kami rin ay gustong malaman.]

[At sigurado ako na pati ang mga manonood ay gusto na rin siyang makita na lumaban. Kaya hwag na nating patagalin! Let the games begin!!!]

Lumabas ang mga puting bola na may letra na A, B C at D sa screen. Ihinulog ang mga maliliit na bola sa isang itim na box. Inalog iyon at may kamay na dumukot sa loob. Dalawang bola ang kinuha nito at lumabas ang letrang A at C.

[Ang unang dalawang pares ng mga kalahok natin ay mula sa class A at class C!]

"OMG. Una si Tammy," ang bulong ni Willow habang nakatingin sa screen.

Sabay na maglalaban ang dalawang pares sa dalawang fighting ring na nasa court. Ipinaliwanag ng commentator ang mga rules sa game. Ang kung sino man na mahulog sa ring, at matumba ng tatlong beses ay awtomatikong talo. Maaari ring sumuko ang isang kalahok kung itataas nito ang kaliwa nitong kamay o gagawa ng tatlong tap sa sahig. Disqualified ang below the belt na pagtira. Maaari ring pigilan ng referee ang laban kung nakikita nitong hindi na kayang lumaban ng isang kalahok o kung nagtamo ito ng malaking pinsala sa katawan.

Lumabas ang apat na kalahok at umakyat sa kani-kanilang ring. Mga naka-suot ang mga ito ng itim na jogging pants at jersey – PE uniform ng Pendleton High. Sa laban na ito malalaman kung sino ang hihirangin na Alpha at Beta ng bawat klase.

Humarap si Tammy sa kalaban nitong si Sid. Nasa loob sila ng ring na nasa kaliwang bahagi ng court. Ang class C representatives naman ay nasa kabilang ring sa kanan ng court.

Kinakabahan na pinanood ni Willow ang nangyayari sa ring ni Tammy. Nilapitan ito ng referee at mukhang inuulit ang rules ng laban.

"Hay! Sayang si Tammy. Sana hwag masira ang mukha niya."

"Malay mo manalo."

"Haha! Lul. Walang babaeng mananalo rito."

"Shut up! Mananalo si Tammy!" sigaw ni Willow sa mga nasa likod niya. "Hmph! Si Tammy ang mananalo!"

Muling tinignan ni Willow ang ring nina Tammy. Nag-taas ng isang kamay ang referee at nang ibaba nito iyon, nag-umpisa na ang laban.

"GO TAMMY!!!!" sigaw ni Willow sa napakalakas na boses.

***

"It's not too late, Tammy. Pwede ka pang umatras. Pwede kang mag-backout," sabi ni Sid.

"Thank you sa paalala pero wala akong balak na umatras."

"G-gusto kong maging King. Hindi ako pwedeng matalo rito. Pakiusap Tammy, umatras ka na. Ayokong saktan ka," pakiusap nito.

Hmm. Namukhaan ni Tammy si Sid na myembro ng kanyang protection squad. Kaya ba ito nag-aalinlangan na labanan siya?

Ngumiti si Tammy. "Don't worry, you won't be able to."

May ilang layo sa pagitan nila Sid at Tammy. Tumigil na sila sa pag-uusap. Si Sid ay naghanda na sumugod. Si Tammy naman ay nananatiling nakatayo lang, ang kanyang mga kamay ay nasa kanyang likod.

"HYAAAAAA!!!!" sigaw ni Sid bago sumugod ng suntok kay Tammy.

Napahiyaw ang mga manonood nang mag-umpisa na silang dalawa. Maging ang class 1-C sa kabilang ring ay napatingin sa ring nina Tammy.

Napansin ni Tammy na halos buong manonood sa gym ay sa kanyang laban nakatingin. Naghihintay ng magandang mangyayari. Ngunit balak niyang biguin ang mga ito.

Nang malapit na si Sid sa kanya, kaagad siyang umikot at kumuha ng momentum. Pinalipad niya ang kanyang isang paa, ang dulo nito ay tumama sa ulo ni Sid.

Naputol bigla ang hiyawan ng mga tao sa bilis ng pangyayari.

Bumagsak si Sid sa sahig. Siguro ay dala na rin ng pagka-gulat, dumaan ang limang segundo bago lumapit ang referee kay Sid. Hindi ito gumagalaw at nawalan ito ng malay.

Humudyat ang referee na isang KO ang laban. At doon muling nag-sigawan ang mga tao. Nagtayuan ang mga ito at nagpalakpakan. Napuno ng ingay ang buong gymnasium.

[ONE HIT!!! Mga kaibigan, isang KO ang unang panalo ni Tammy Pendleton!]

[Isang napakabilis na pagkapanalo para kay Tammy Pendleton!!!]

[ISANG BABAE ANG ALPHA NG CLASS 1-A!!!]

[Sa kasaysayan ng Pendleton High, ngayon lang nangyari ito!]

[Oh what a good day to be alive!!! History maker ang ating kampyon!!!]

[Isang napakagandang pagkapanalo para sa Alpha ng class 1-A!!!]

[At si Tammy Pendleton po mga kaibigan ang unang nakapasok sa King's Game! Siya ang lalaban sa round 2!]

[Siya na rin kaya ang kauna-unahang babae na magiging King?]

[Malalaman natin yan mamaya. Hindi na rin ako makapag-hintay.]

[Panoorin natin ang replay sa ating screen.]

Lumabas sa screen ang slow motion replay ng laban nina Sid at Tammy. Lahat ay doon nakatingin. Nakalimutan na ng mga ito ang laban ng class 1-C sa kabilang ring.

"YESSS!!! TAMMY!!!!" sigaw ni Willow sa kanayng kinauupuan! Lumingon siya sa kanyang likod. "Sabi ko sa inyo siya ang mananalo e! Hahaha!"