"Are you serious, Helga?" tanong ni Cami sa kaibigan niya. "Gusto mo talagang gawin 'to?"
"Helga, pag-isipan mo muna kung itutuloy mo," sabi ni Fatima.
"Tama sila, hindi madali ang binabalak mo," sabi ni Lizel. "Si Tammy Pendleton ang pinag-uusapan natin dito. Ayokong ma-kickout."
"She's right. Last chance na 'to na binigay ng parents ko sa'kin. Ayokong pumunta ng states para lumipat ng school," sabi ni Cami.
"At kung totoo nga ang sinasabi mo, mahirap patunayan 'yan," sabi ni Fatima.
"Ano'ng gusto ninyong gawin ko? Hayaan siya na paglaruan tayo? And why are you guys so against this plan? Hindi ba at ayaw nyo rin naman sa kanya?" inis na tanong ni Helga sa tatlo. "Look, I just want you to help me. Are you in or not because if not then stop wasting my time."
"Err... It's not like ayaw ka naming tulungan, Helga. It's just that..."
Nagtinginan ang tatlong babae. Hindi sila sigurado sa pina-plano ni Helga. Totoo na noong umpisa ay wala silang plano na makipag-lapit kay Tammy. Balak talaga nila itong layuan noon. Pero ang Tammy na kilala nila ay matulungin at masarap kasama. Ang hirap paniwalaan na niloloko lang sila nito.
"Ugh! Forget it. Bahala kayong magpaka-tanga sa kanya. Stupid!" ani ni Helga saka mabilis na umalis.
Naiwan sa music room ang tatlong babae.
"Totoo ba talaga ang sinasabi ni Helga?" tanong ni Cami.
"Nakita ko siya kasama si Hanna Song kahapon. Sa tingin ninyo naimpluwensyahan lang siya?" tanong ni Lizel.
"Nabasa ko nga ang mga tweets ni Hanna, mukhang may pinapatamaan," sabi ni Cami.
"Halata naman kung kanino 'yon..."
"Maybe she's bitter kasi hindi na siya number one school idol."
"Sa ngayon, tignan nalang natin kung ano ang mangyayari," sabi ni Fatima.
"Pero hindi ko maintindihan si Helga."
"Parang ang laki ng galit niya kay Tammy."
"True. Ano kaya ang nangyari?"
"Who knows?"
***
"Settle down, settle down," ang sabi ng babaeng instructor nang pumasok sa loob ng classroom. "May mahalaga akong announcement sa inyo. Sigurado ako na aware kayo na sa sabado na ang start ng tournament. At isa sa mga kaklase ninyo ang nakapasok."
Nagtinginan ang mga estudyante kay Tammy.
"Pero may isa rin sa inyo na pwede pang sumali kung nanaisin ninyo."
Nagkaroon ng bulungan sa klase. Hindi nila inaasahan ang sinabi ng guro.
"Ano po'ng ibig ninyong sabihin?" tanong ng isang lalaki.
"Sa bawat klase, kinakailangan ng isang beta. At sa naganap na meeting ng mga faculty kahapon, napag-desisyunan na bigyan ng isa pang pagkakataon ang klase ninyo para makapasok ang isa pa. Ito rin ang unang beses na babae ang nakapasok para mag-represent ng isang klase." Tumingin ang babaeng guro kay Tammy. "I'm sorry, Ms Pendleton. Hindi maiiwasan na mag-alala ang faculty. Kailangan mong labanan ang isa mong kaklase sa tournament."
"I understand," sagot ni Tammy.
Natahimik sandali ang klase dahil sa naging anunsyo. Isa sa mga lalaki ang mabibigyan ng pagkakataon na makasali sa tournament. Isa sa kanila ang may pag-asa na maging Alpha at King ng mga first years.
Naramdaman ni Tammy ang tingin sa kanya ng mga kaklase niya. Hindi niya inaasahan ito. Pero magkaganon man ay hindi magbabago ang mga plano niya.
***
Nauwi sa self-study ang klase ng 1-D pagsapit ng hapon. Lahat ng mga lalaking estudyante roon ay pinapunta sa gym para sa special test. Nagtangka ang mga babae na manood pero pinagbawalan sila ng mga instructors nila.
"Ang boring naman..." buntong hininga ni Cami.
"Pero mas gusto ko ng self-study kaysa mag-klase," sabi ni Lizel.
"True. Sino kaya ang makakapasok sa tournament?" tanong ni Fatima.
"Tammy, kinakabahan ka ba? Kailangan mong talunin ang kaklase natin para maging Alpha ka."
"Eh, kaya mo bang lumaban Tammy? Ang liit ng katawan mo."
"True. Natatakot yata akong manood sa laban mo. Baka mabugbog ka. My gosh!"
"Sayang naman ang face mo kung nagkataon. Magpanggap ka nalang na na-heatstroke kunwari para di ka na mapalaban."
"Oo nga, magpa-alaga ka nalang doon sa cutie na nurse natin!"
"May girlfriend na kaya siya? Hihihi!"
Sa bilis magsalita ng mga kasama niya, hindi na nagawang makasagot ni Tammy. Tanging ngiti nalang ang naibigay niya sa tatlo. Nag-focus nalang siya sa librong binabasa niya.
"Teka, nasaan si Helga?"
"Dunno. Baka bumibili ng pagkain."
"Nagugutom na rin ako."
"Pwede kaya tayong pumunta sa canteen?"
"Nakakatakot mahuli ng mga instructors. Dito nalang tayo, malapit na rin naman mag-bell."
"Kung sabagay..."
"Nacu-curious ako sa mangyayari sa tournament. Gusto kong makita ang mga seniors na mag-laban."
"Gusto ninyo mag-sneak in tayo sa kabilang building?"
"Mahuhuli tayo. Nakita ninyo ba, tadtad ng CCTV 'tong school natin."
"Tsaka may guards na nagbabantay sa exit at entrance non."
"Speaking of guards, ang gwapo nila."
"I know right! Ang gwapo nga nila. May pictures sa black site."
"Hihihi! I like older men pa naman!"
"Me too. Iba ang charm nila compared sa mga boys."
"I know right?"
***
Sa isang tagong bahagi malapit sa gate, nakatayo ang limang estudyante. Bakas ang tensyon sa paligid nila dahil sa kanilang pinag-uusapan.
"You know what to do," ang sabi ni Hanna sa tatlong lalaki.
"Yes, Queen," ang sagot ng mga ito. Myembro ang tatlong lalaki ng loyal fanclub ni Hanna Song. Handa ang mga ito na gawin ang kahit na ano para sa babae.
Tumingin si Helga kay Hanna. "Sigurado ka ba sa gagawin natin?"
Tumaas ang isang kilay ni Hanna. "Why? Natatakot ka?"
"I'm not," ang matigas na sabi ni Helga.
"Good. Ang ayoko sa lahat, yung duwag."
Napuno ng inis si Helga. Bakit ba siya sumusunod sa mga plano ni Hanna? Pero hindi rin naman niya magawang umalis dahil interesado siya sa mangyayari. Gusto niyang malaman ang sagot sa tanong niya tungkol kay Tammy Pendleton.
Hindi nagtagal ay tumunog na ang bell ng school. Hudyat na tapos na ang klase at oras na para umuwi.
Tumunog ang cellphone ni Hanna at lumayo ito para sagutin iyon. Nakita ni Helga na palabas na ng school building si Tammy. Kasama nito sina Lizel, Cami at Fatima.
"Helga," tawag ni Hanna matapos ang tawag sa cellphone. "Sumama ka sa kanila. Make sure na may makukuha kang ebidensya."
"What?! Iiwan mo ko sa kanila?"
"Yes. Bakit, hindi mo ba kayang gawin ang simpleng task na 'yon?"
"Hindi ito ang napag-usapan natin Hanna!"
"My God! Are you serious? Wala ka namang ibang gagawin kundi ang i-record ang mangyayari at ipost 'yon sa site. Gaano ba kahirap ang ipinapagawa ko? Kahit bata kayang gawin 'yon!"
"Saan ka ba pupunta?"
"May pupuntahan akong mas importante kaysa dito." Tumingin si Hanna sa tatlong lalaki. "Nakita nyo na ang susundan ninyo. Alis na."
Nagpaalam ang tatlong lalaki at mabilis na umalis. Sinundan ng mga ito si Tammy na kalalabas lang ng school gate.
"Helga, do not disappoint me. Ako na ang gumawa ng lahat. Atleast make yourself useful," sabi ni Hanna bago umalis. May sumundong kotse dito at tuluyan nang nawala sa paningin ni Helga.
"That bitch," ang inis na bulong ni Helga. Kung hindi lang sana niya kailangan ang tulong nito...
***
Sinusundan ni Helga ang tatlong lalaki na sumusunod kay Tammy. Simple lang ang gagawin niya. Lalapitan ng tatlong lalaki si Tammy kapag mag-isa na ito. Ire-record naman niya ang mangyayari. Gusto niyang makita kung ano ang mangyayari.
Kasama parin ni Tammy ngayon ang tatlong kaklase. Pumasok sila sa loob ng pizza hub. Naghintay si Helga at ang mga kasama niyang lalaki sa labas di kalayuan doon.
Makalipas ang halos isang oras, lumabas din ang mga babae. Nakita ni Helga sina Fatima, Cami at Lizel ngunit di na nila kasama si Tammy. Kaagad na tumakbo papasok ang tatlong lalaki.
Hinintay naman ni Helga na makaalis ang tatlong babae bago siya sumilip sa loob ng kainan. Wala roon ang hinahanap niya. Wala rin ang mga lalaking inutusan ni Hanna. Naglakad siya papunta sa dulo at nakitang may isa pang exit doon.
Mabilis siyang lumabas at napunta sa isang back alley. Wala siyang nakitang tao sa paligid. Puro pusa na nakabantay sa basurahan. Hindi niya alam kung saan siyang direksyon dapat na pumunta.
Napamura siya sa isip. Tinungo nalang niya ang direksyon na pinili niya. Hindi nagtagal ay bigla siyang nakarinig ng ingay. Tumakbo siya at lumiko. Doon ay napatigil siya sa nakita.
Nakita niya ang apat na anino ng mga tao. Dumidilim na ang paligid at walang bukas na ilaw roon.
Nandoon ang tatlong tauhan ni Hanna, nakatumba ang mga ito at umuungol sa sakit ng katawan. Sa gitna ng mga ito nakatayo si Tammy at nakatalikod sa direksyon niya.
Saglit na nablanko ang isip ni Helga. Ngunit kaagad din siyang nakabawi. Mabilis niyang kinuha ang cellphone sa bulsa. Ito ang kailangan niya. Ito ang sagot sa tanong niya! Kung ganon ay tama nga sila ni Hanna.
"Iniisip ko kung bakit mo kami sinusundan kanina pa, Helga. So this is your plan? Ikaw ba ang nagpadala sa mga ito?" tanong ni Tammy habang kinukuha ang bag na nasa semento. Pinagpagan nito iyon bago humarap kay Helga. "What do you want from me, Helga?"
"The truth. Sino ka ba talaga, Tammy?"
"Are you recording this?" tanong ni Tammy nang mapansin ang hawak na cellphone ni Helga na nakatutok sa direksyon nito.
"Yes."
"Hmm. How troublesome. Ito ba ang plano ninyo ni Hanna Song?"
Napasinghap si Helga. "Paano mo nalaman na kasama ko si Hanna?"
Ngumiti si Tammy at naglakad palapit kay Helga. "Helga, we're friends, aren't we?"
"You're not my friend. Don't play me for a fool, Tammy. I'm not stupid. Niloloko mo kaming lahat. Masarap ba sa pakiramdam na may napaglalaruan ka?"
Napahawak sa batok si Tammy. "Ahh. This is a problem. What to do? Hmm. I could break your arm and snatch your phone."
"I'm not scared of you, Tammy," sagot ni Helga na napahakbang paatras.
Hindi iyon nakawala sa mga mata ni Tammy.
"Don't worry, wala ako sa mood para gawin 'yon. Actually, as much as possible ayokong manakit ng babae."
"So this is what you really are. Ano kaya ang sasabihin ng mga fans mo kapag nalaman nila ang totoo?" nakangiting sabi ni Helga.
"Let's make a deal. Itatago mo ang sikreto ko, itatago ko ang sikreto mo."
Tumawa si Helga. "Like I said, I'm not stupid. Wala akong sikreto. Hwag ka nang magtangka pa na makipag-deal sa'kin dahil mapapagod ka lang."
"Oh c'mon Helga. Lahat ng tao may sikreto," ngumiti nang bahagya si Tammy.
Iba ang ngiting ibinigay ni Tammy kay Helga. Nanindig ang balahibo ni Helga nang makita iyon. Hindi katulad ng normal na ngiti na ipinapakita ni Tammy tuwing nasa school.
"Paano kung sabihin ko sa'yo na alam kung bakit ka napunta sa Pendleton High?" tanong ni Tammy.
Ngumiti si Helga. "Yeah, I stabbed a teacher. Big deal. Sa tingin mo sikreto 'yan? May ibang estudyante na mas malala pa ang nagawa kaysa sa akin. You're so naive, Tammy. I am quite disappointed."
Bumuntong hininga si Tammy at napa-iling. "I'm not talking about that."
"Fine. Let's play this game. What do you know about me?"
Tinitigan ni Tammy si Helga.
"I know the real reason why you stabbed your teacher, Helga."
Namilog ang mga mata ni Helga. Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Pinilit niya iyong itago.
"Y-you're lying."
"But I'm not." Tinitigan nang mabuti ni Tammy si Helga. "It's funny you know. Naniwala ang ibang tao na kaya mo nagawa iyon ay dahil sa grades. But I know, Helga. I know the truth. I know everything... Pero naiintindihan ko naman kung bakit tinakpan 'yon ng pamilya mo. Pinalabas na isa kang delinquent para matakpan ang totoong nangyari."
"Lies! You're f*cking full of lies, Tammy Pendleton!" sigaw ni Helga. Halata ang panic sa mga mata nito.
"Am I? Fine. Pwede mong i-post yan sa site. I don't really care. Malalaman din naman nilang lahat ang totoo once na mag-umpisa na ang tournament. As much as possible, gusto ko lang maging normal na student habang wala pa 'yon. I just want to be friends with everyone." Huminga nang malalim si Tammy. "Pero paano yung sikreto mo, Helga? Sigurado ka bang gusto mong malaman ng lahat iyon?"
"Stop it! You don't know anything!" galit na sigaw ni Helga.
"But I do." Humakbang palapit si Tammy kay Helga.
Kaagad na napaatras si Helga. Hindi niya gusto ang tingin sa kanya ni Tammy.
"That day... that one rainy afternoon. Sa music room. With your music teacher..."
Nanindig ang balahibo ni Helga. Umakyat sa ulo niya ang kanyang dugo. Ramdam na ramdam niya ang kanyang puso na pabilis nang pabilis sa pagtibok. Isang imahe ang nabuo sa kanyang isip. Ang imahe na ibinaon niya noon pa.
"That teacher... did something unspeakable to you—"
"STOP IT!!!" Nabitawan ni Helga ang cellphone at itinulak si Tammy sa pader. "STOP IT, YOU BITCH!!! STOP IT! STOP IT!!! WALA AKONG KASALANAN! HE MADE ME DO IT! THAT F*CKING PERVERT! HE F*CKING MADE ME DO IT! HE DESERVED IT! HE F*CKING DESERVED IT!"
Nanginginig si Helga habang hawak ang kwelyo ng uniform ni Tammy. Umiiyak ito at paulit ulit ang sinasabi.
"He ruined everything! He f*cking ruined everything!!! I want to kill him! I want to f*cking kill him!!!"
Tahimik si Tammy na naghintay para kumalma si Helga. Nalaman niya ang totoo nang mag-imbestiga sila ng kapatid na si Timmy. Nahalungkat nila ang ilang dokumento na itinatago ng school. Binayaran ng school ang pamilya ni Helga para itago ang nangyari. Pumayag ang mga magulang ni Helga. May kaya ang pamilya ni Helga at papaangat ang kompanya ng mga ito. Dahilan na rin siguro kung bakit mas gusto ng mga ito na matakpan ang insidente.
Humiwalay si Helga kay Tammy. Tahimik nitong pinulot ang nahulog na cellphone.
"Do we have a deal?" tanong ni Tammy.
"This never happened," walang lakas na sagot ni Helga. Umalis na ito pagkatapos.
Inihatid ni Tammy ng tingin si Helga hanggang sa tuluyan na itong mawala. Huminga siya nang malalim at tumingin sa itaas. May ilang bituin na sa langit.
"Listen, I know you guys are awake," sabi ni Tammy. Tumingin siya sa tatlong lalaki na unti-unting tumatayo. "Sa oras na may marinig ako bukas tungkol dito, maghanda na kayong lumipat ng school."
Naglakad na si Tammy at iniwan ang tatlong lalaki. Nag-iwan ng pait sa bibig niya ang mga sinabi niya kay Helga. Nang malaman niya kung ano ang totoong nangyari, nakaramdam siya ng matinding galit. Pero wala naman siyang magagawa pa. The feeling of helplessness made her angry. She's still weak and powerless.
And that is why, kahit na ano pa man ang maging kapalit, kailangan niyang maging malakas. Kailangan niyang umangat. Dahil iyon lang ang paraan para maprotektahan niya ang mga taong gusto niyang ipagtanggol.