Chereads / AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1) / Chapter 22 - C-21: ONE METER'S AWAY

Chapter 22 - C-21: ONE METER'S AWAY

Maaga pa kaya paikot-ikot lang si Angela sa loob ng Hotel. Hindi pa naman oras ng shift n'ya, may 15 minutes pa s'ya para magtanong.

Maaari pa s'yang mag-ikot at makibalita sa nangyari kahapon. Sinimulan n'yang magtanong sa mga guards kung dumating na si Mr. Dawson. Pero iisa lang ang sagot ng mga ito, hindi pa ito bumabalik. May isang nagsabi na nasa ospital pa ito.

Subalit walang nakakaalam kung ano na nangyari dito. Nahihiya naman s'yang magtanong sa mga head opisyals.

Ngayon n'ya na-realized na napaka-pribado ng buhay nito. Tila ingat na ingat ang lahat na pag-usapan ang lalaki. Kahit pa marahil may alam ang mga ito.

Ngayon lang din n'ya naisip na wala pa talaga s'yang gaanong Alam tungkol sa lalaki. Maliban sa pangalan nito na Jeremy Dawson at bilang co-founder ng Hotel. Hindi pa n'ya ito kilala ng husto, hindi rin s'ya nagkaroon ng pagkakataon na tanungin ito.

Hanggang sa naisip n'yang..

"Ano kaya kung magtanong ako sa mga room assistant o bellboy? Tama sa kanila ko susubukang magtanong." Bulong ng kanyang isip.

Binilisan pa n'ya ang paglalakad ng makabuo ng pasya.

Naglalakad na s'ya sa hallway ng bigla s'yang napahinto..

Nagulat man pero lubos ang kaligayahang nadarama n'ya ng sandaling iyon. Bigla ring napawi ang takot at pag-aalala sa kanyang dibdib. Higit kailan man sigurado na s'ya sa kanyang nararamdaman para sa lalaking ito na laging laman ng kanyang isip.

Matapos ang ilang saglit nilang tinginan. Halata naman na nagulat din ito ng makita s'ya at kahit nakasuot ito ng sunglasses at may bandage sa kanang noo. Mababakas pa rin sa mga labi nito ang tuwa na nakita s'ya.

Bigla ang kanyang naging pagkilos. Bigla na lang n'yang naramdaman ang pananabik na mayakap ito.

Habang sa isip n'ya..

Bakit pa ba ako mag-iisip ito naman talaga ang gusto ng puso ko. Saka ko na lang iisipin ang mali, saka ko na lang pananagutan kung kasalanan man ang magmahal ako ng iba.

This day I realized one thing.. How much away the distance of one meter's to the one who love?

It's only equivalent of none second!

Nararamdaman ko na pati ang pagtibok ng kanyang puso, na parang musika na sa aking pandinig. Ganito pala ang nagmamahal?

Ang buong akala ko si Joseph na ang pag-ibig para sa akin. Iba nga pala ang love sa gusto mo lang, hindi rin pwedeng dayain ang puso. Dahil ito ang kanyang nararamdaman ngayong yakap n'ya ito. Ang malamang maayos na ang kalagayan nito at walang masamang nangyari.

Parang pain reliever na biglang pumawi ng lahat ng bigat at sama ng kanyang pakiramdam. Ang makitang okay na ito, okay na rin s'ya. Habang ramdam din n'ya ang pagganti nito ng mas mahigpit na yakap sa kanya. At ang marahang paghalik nito sa kanyang buhok. Ang sarap sa kanyang pakiramdam.

Saglit pa n'yang ninamnam ang yakap nito. Bago pa n'ya ginising ang sarili sa katotohanan.

Nagulat pa ito ng bigla s'yang kumalas ng yakap..

"Hey, what's wrong? Galit ka pa rin ba sa akin?" Tanong nito, tinanggal pa nito ang suot na sunglasses at inilagay sa bulsa.

"No, sir! Baka lang kasi makita tayo ng girlfriend mo at saka baka pinagtitinginan na tayo. Natuwa lang kasi ako na makitang okay ka na, pasensya na sir!" Aniya.

Nagulat pa s'ya ng bigla na lang itong natawa sa sinabi n'ya.

"Girlfriend, kaya ba dalawang beses mo akong tinawag na sir? At kaya ka bumitaw sa akin, dahil iniisip mo ang girlfriend ko? Sino si Cloe ba, 'yung babaing nakita mong kasama ko kagabi? Hindi ko s'ya girlfriend, okay! At alam mo kung sino ang gusto kong maging nobya?" Paliwanag nito at tumingin ng matiim sa kanya. Bigla naman s'yang umiwas ng tingin dito. Naalala n'ya ang ginawa nito kagabi. Kaya gumana ang kamalditahan ng kanyang utak.

"Kaya pala sarap na sarap ka sa pakikipaghalikan kagabi, ano masarap ba Sir?" Tanong n'ya na pinakadiinan pa ang salitang sir, at hindi rin n'ya naitago ang nadaramang inis ng maalala n'ya ang nangyari kagabi, na lalo namang ikinatuwa nito.

"Hmmm, pwede na.. Pero mas masarap 'yung.." Pang-aasar pa nito sa kanya na sinabayan ng nakakalokong ngiti.

"Yun naman pala, d'yan ka na nga!" Aniya at padabog na tinalikuran ito.

Pero muli s'ya nitong hinatak palapit. Tumama pa ang likod n'ya sa dibdib nito.

"Nagseselos ka ba?" Tanong nito, kaya bigla s'yang napaharap dito.

"Hi-hindi ah! Bakit naman ako magseselos?" Aniya, subalit mukhang hindi naman ito kumbinsido. Dahil lalo pa itong lumapit sa kanya, na tila binabasa ang kanyang mukha.

Napakalapit nito sa kanya, ewan kung bakit hindi n'ya magawang kumilos para makalayo dito. Ano ba itong nangyayari sa kanya, tanong sa isip n'ya.

Para bang sa maling kilos n'ya may gagawin itong hindi n'ya magugustuhan, hindi nga ba? Lalo na ngayong hantaran itong nakatingin sa labi n'ya na tila gusto s'yang halikan.. Hindi n'ya namalayan, marahan na pala s'yang napapikit dahil sa sobrang lapit nito. Nang bigla na lang itong magsalita..

"Gusto sana kitang halikan kaya lang naalala ko, nakalimutan ko pa lang magtoothbrush!" Bigla s'yang napadilat.

"What?" Pagdilat n'ya, nakita n'yang hindi man lang ito nabahala abot-tenga pa rin ang ngiti nito.

"Alam mo bang kahit saan ako magpunta? Hindi lang sampong babae ang gustong humalik sa akin. Si Cloe isa lang sa kanila, kagabi ko lang s'ya nakilala. Nalasing ako at ganu'n din s'ya, when I realized, what I did was wrong, I did it already. I think it's too late to explain now. Just I want you to know. Isa lang naman ang gusto kong paulit-ulit na halikan. 'Yung babaing handa kong ibigay pati ang buhay ko, masiguro ko lang na hindi s'ya masasaktan. I'm happy to know that she's okay now. Okay na rin ako." Mahabang paliwanag nito na hindi inaalis ang tingin sa kanya. Nang wala pa rin s'yang nasabi, muli itong nagpatuloy.

"Time is up! I think you may go now, male-late ka na! Magkita tayo ulit mamaya." Sabi nito na napaka-kalmado, tumingin pa sa wrist watch nitong suot.

Pagkatapos hinalikan s'ya nito sa pisngi, na bahagya pa n'yang ikinagulat. Subalit hindi pa rin s'ya nakaimik. Para s'yang nabato-balani sa harap nito.

Hanggang sa ito na ang unang kumilos, marahang s'yang iniikot nito patalikod at iginiya paharap sa hallway pabalik ng kitchen.

"Go, honey! Bago ko pa maisip na pigilan ka at isama sa kwarto ko sa itaas. Pinipigilan ko lang ang sarili ko, kanina pa kita gustong bitbitin." Napahinga s'ya ng malalim, gusto sana n'ya itong lingunin ulit pero..

"Don't look back, just go you're late!" Paalala pa nito.

Dahil naisip n'yang kailangan na talaga n'yang mag-in. Tama magkikita pa naman sila mamaya, napangiti na lang s'ya sa isiping iyon. Magaan na ang pakiramdam na nagpatuloy na lang s'ya sa paglakad.

Pagdating n'ya sa kitchen nagkakatuwaan na ang lahat. Nalaman niya na magkakaroon pala sila ng insentives. Dahil sa magandang performance na ipinamalas nila kahapon.

Nasiyahan ang Prime Minister at ang pamilya nito. Kaya naman tuwang-tuwa ang mga opisyals at ang buong admin office.

S'yempre natutuwa din ang lahat ng head chef at ang lahat ng staff. Kasama na rin sila dito.

Ang saya saya n'ya sa araw na ito, mukhang magiging maganda ang buo n'yang maghapon?

Bigla n'yang naalala ang nangyari kani-kanina lang, nagsimula ang umaga n'ya ng maganda. Para tuloy gusto na n'yang habulin ang oras. Parang hindi na n'ya mahintay na matapos ang maghapon. Naiinip na s'ya kahit isang oras pa lang naman s'yang nanatili dito.

Lumilipas pa ang mga oras, may isang grupo ng mga guests na nagrequest ng gusto nilang putahe. Dahil karamihan sa mga chefs nag-off ng araw na iyon. Dahil sa nagdaang okasyon kagabi. Kaya kulang ang mga chefs para mag-accommodate ng mga special request ng mga guests.

Dahil si Chef Nico ang incharge ngayon sa kitchen. S'ya ang napili nito na mag-assist at magluto ng mga inirerequest ng grupo. Kaya ano pa nga ba magagawa n'ya, kun'di ang gawin ito. Hay naku! Mukhang mapapasabak na naman ako nito. Buti na lang recharge pa rin ako ngayon. Napangiti na lang s'ya sa isiping iyon. At sinimulan na n'ya ang dapat gawin.

Ang dami naman kasing request na ito. Grabe naman isang grupo sila pero iba-iba ng gusto, magkakagalit ba sila? Puttanesca, Italian veggie salad, bruschetta, cannoli, risotto? Paano ko ba ito gagawin ng mabilis?

Mapapalaban na naman ako nito. Buti na lang may lakas pa ako.. Bago pa maglunch natapos din n'ya sa wakas. Tapos na lahat maliban lang sa risotto, bakit ba naman kasi kung titingnan parang lugaw lang naman ito, pero bakit kailangan lutuin ng matagal? Bulong n'ya sa sarili.

After a few minutes, okay na ang lahat. Ang mga crew na ang bahalang magserve nito. Saka lang s'ya nakahinga ng maluwag. Bigla s'yang ginutom, kaya nagpaalam muna s'ya para magbreaktime. Saglit lang naman s'yang kumain at bumalik na rin agad s'ya sa kitchen.

Dahil wala pa naman s'yang assignment, tumulong muna s'ya sa pagseserve ng pagkain sa dining hall.

Kasalukuyang kumukuha s'ya ng mga kasangkapan gamit ang isang cart. Nang agawin nito ang kanyang atensyon.

"Hey, I know you! So, you're here?" Nagulat pa s'ya ng magsalita ito at tiningnan s'ya mula ulo hanggang paa. nakaramdam s'ya ng pagka-dismaya sa ginawa nito.

"Hmmm! Dito ka pala nagtatrabaho ang akala ko pa naman, isa kang sosyalerang frog. Yun pala, isa ka lang palang ambisyosa at cheap na babae." Mapanuyang salita nito na agad nagpainit ng kanyang ulo. Humugot s'ya ng malalim na hininga upang paglabanan ang matinding inis.

"Hindi ko po kayo maintindihan Miss, ano po bang sinasabi ninyo?" Sabi n'ya na pilit pa ring nagpakahinahon.

"Alam mo kung anong sinasabi ko tanga! Hindi ba ikaw yung babae kagabi na hinabol ni Joaquin kaya s'ya nasa ospital ngayon?" Nagpakatimpi pa rin s'ya sa sinabi nito. Napansin din n'yang hindi pa nito alam na nakalabas na si.. sandali ano nga yung pangalang nabanggit n'ya?

Joaquin? Teka sinong Joaquin? Pero sigurado naman s'yang si Jeremy ang tinutukoy nito at wala ng iba.

Pero bakit n'ya ito tinawag na Joaquin?

Bigla s'yang kinabahan, ano ba talagang pangalan n'ya?

* * *

By: LadyGem25