Chereads / AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1) / Chapter 25 - C-24: THE DINNER DATE

Chapter 25 - C-24: THE DINNER DATE

"Boss, kawawa naman nitong mga karne, kailan mo ba sila titigilan?" Tanong ni Russel sa kanya. Kasalukuyang kasi s'yang nakikipaglaban sa lutuan.

"Hanggang hindi sila nakikisama sa akin." Aniya, pinangatawanan na talaga niya ang pagluluto gaya ng sabi niya kanina.

"Patay tayo d'yan Boss, ang alam ko sa steak pinalalambot hindi pinatitigas pero tinusta mo na ito" hinawakan nito ang isang piraso ng karne. "Order na lang kaya tayo ng steak sa ibaba? O kaya baligtarin na lang natin ang sitwasyon? Tayo na lang ang magrequest kay Miss Angela, na ipagluto tayo mamaya. Para sumarap naman ang hapunan natin, ano sa tingin mo Boss?" Tanong nito.

"Overtime ba? Kaya ko nga s'ya gustong ipagluto para ma-relax  s'ya at ma-feel niya na s'ya naman ang ipinagluluto ko. Tapos may request ka pang nalalaman." Aniya.

"Eh, Boss hindi ka naman marunong magluto. Nakikita mo ba ang itsura mo ngayon, baka wala ng chicks na magkagusto sa'yo n'yan. Malamang ako na ang ligawan nila ngayon." Biglang napataas ang gilid ng labi n'ya sa sinabi nito.

"Basta ba hindi ang ma'am Angela mo ang susulutin mo sa'kin wala tayong problema, d'yan!" Birong totoo n'ya.

"Boss, tawagin ko kaya si ma'am at sabihin kong tulungan ka?"

"Isuklob ko kaya sa'yo itong kawali?" Banta niya at tiningnan ito ng masama.

Nakangisi pa itong humarap sa kanya.

"H'wag kang mag-alala hindi naman ito masasayang, dahil ito ang magiging hapunan mo mamaya." Sabi n'ya dito.

"Boss naman?" Reklamo nito. "Bakit kasi ang lakas ng loob." Bulong nito

Muli naman n'ya itong nilingon.

"May sinasabi ka ba?"

"Sabi ko galingan mo pa Boss, kaya mo 'yan." Kahit alam ni Russel na nahihirapan na talaga ito. Hindi naman ito nagluto sa buong buhay nito. Vegetables salad nga lang ang alam nitong kainin nang madalas. Pero alam n'yang nageeffort  talaga ito ngayon. Para kay Miss Angela, tinamaan na nga yata ito talaga? Sana lang h'wag nang maulit 'yun dati? Piping hiling nito para sa amo.

Matapos pa ang ilang sandali, kusa na itong napagod at sumuko. Malungkot nitong itinigil na ang ginagawa, nagtaka pa si Russel ng tawagin s'ya nito at ipaligpit na ang mga ginamit nito.

"Boss?"  

"Sige na iligpit mo na 'yan, omorder ka na lang ng pagkain sa ibaba." Sabi nito sa malungkot na salita.

"Boss okay lang 'yan! Pwede mo namang gawin kung ano lang ang kaya mo? Sigurado ko hindi 'yan makakabawas sa pogi points mo sa kahit kaninong babae."

"Wala akong pakialam sa kahit kaninong babae, ang gusto ko lang mapagsilbihan ko s'ya. Makagawa ako ng bagay na alam kong ikatutuwa n'ya sa'kin."

"Maraming bagay ang ikatutuwa n'ya sa'yo, hindi lang ang pagluto ng pagkain. Makikita din n'ya ang pagmamahal mo, kahit hindi mo s'ya ipagluto ngayon. Pwede mo pa s'yang ipagluto sa ibang pagkakataon, kapag marunong ka na Boss." Parang nawawala yata ang kompiyansa nito sa sarili. Sobra itong apektado, kaya ito madaling masaktan eh kasi sobra itong kung magmahal. Bulong pa ni Russel sa sarili.

Huminga s'ya ng malalim, siguro nga hindi talaga para sa kanya ang pagluluto. Na-realized din n'ya, ang pagluluto para sa kanya ay para ding si Angela. Ang hirap makuha, marahil kailangan pa n'ya ng maraming panahon upang matutunan ito.

Tama si Russel sa ngayon gagawin na lang muna n'ya kung ano 'yun kaya n'ya. Hindi naman n'ya pwedeng ipilit ang isang bagay kung hindi naman nito magugustuhan.

Pag-aaralan talaga n'ya ang magluto, hanggang sa matutunan n'ya ito. Kapag marunong na s'ya, sisiguraduhin n'yang darating ang araw na maipagluluto n'ya rin si Angela.

Ngayon igagawa na lang muna n'ya ito ng veggie salad at saka sandwiches.  

"Sige na, ayusin na natin ito. Pagkatapos bumaba ka na at omorder ng pagkain, 'yun masarap ha? Gagawa na lang ako ng salad at sandwiches. Magmadali ka na at gahol na tayo sa oras."

"Okay Boss, areglado ako na ang bahala. Okay lang 'yun Boss, ang gawin mo magpapogi ka at magtoothbrush. Siguradong kikiligin pa 'yun sa'yo."

"Bwisit ka!" Lumayas ka na nga magpatawag ka na lang ng isang staff na maglilinis dito." Ang totoo gusto n'yang matawa sa sinabi nito, naalala n'ya tuloy 'yun sinabi n'ya kay Angela kanina.

Totoo namang hindi s'ya nakapag-toothbrush kanina nagmadali silang umalis ng ospital nalimutan yata s'yang dalhan ng toothbrush ni Russel. Pero s'yempre gumamit naman s'ya ng mouthwash.

"Okay sige Boss, pahinga ka lang muna d'yan bago ka maligo. Baka mapasma ka, ayoko ko pang mawalan ng trabaho." Kunwari'y sabi pa nito, kahit alam naman n'yang nag-aalala ito sa kanya. Ganu'n s'ya nito kamahal.

"Okay po sige na magpapahinga ako bago maligo." Tumalikod na ito para umalis ng muli n'ya itong tawagin. "Russel, salamat! Buti na lang nariyan ka palagi."

"Mamaya na tayo magdramahan Boss, naiiyak ako sa'yo." Sabi pa nito saka tumawa.

"Gago!" Natawa na rin s'ya dito, nahawa na tuloy s'ya sa kasiyahan nito. Kahit ang totoo para pagtakpan lang ang ibang emosyon. Dahil ang totoo mahal nila ang isa't-isa na parang tunay na magkapatid. Lagi kayang sila ang magkasama.    

Matuling lumilipas pa ang mga oras, hanggang sa naihanda na nila ang lahat.

Mula sa ayos nito, na kahit sinong babae siguradong mabibighani sa napakagandang pagkakaayos nito. Kahit round table ang ginamit nilang mesa, ayon sa instructions ni Joaquin. Hindi kasi s'ya pabor sa magkalayo ang magkadate, kalokohan 'yun para sa kanya. Gusto nga nilang magkalapit hindi ba? Kaya round table ang pinalagay n'ya mas malapit mas maganda.

Itinuloy rin n'ya ang paggawa ng salad at masarap na sandwiches, bukod pa sa mga pagkaing sekretong ipinaluto nila sa Kitchen sa ibaba. Mismong si Chef Nico pa ang nagluto nito.

Hindi rin n'ya alam kung anong kalokohan ang naisip ni Russel. Para daw mas romantic kumuha pa ito ng taga-tugtug ng violin at Jazz. Para sa akin ayos na ang maraming bulaklak sa paligid. Alam kong magugustuhan na n'ya ang magagandang bulaklak.

Ilang sandali na lang ang ipaghihintay nila, bago mag-off si Angela sa duty nito ngayong araw. Hinihintay na rin ito ni Russel sa ibaba. Naiinip na s'ya, pero excited na s'ya na makita ito. Ilang sandali mula ngayon.

Ganito pala ang pakiramdam?

Samantala sa ibaba..

Palabas na si Angela ng locker room ng makita n'ya si Russel na naghihintay na sa labas. Masaya itong humarap sa kanya, subalit hindi n'ya nagawang sabayan ang kaligayahan nito.

Ayaw n'yang maging ipokrita, o maging plastic sa kabila ng kanyang nararamdaman, paano n'ya magagawang ngumiti dito kung naiinis s'ya sa amo nito. Hindi man n'ya ito gustong idamay. Pero sino ba maiisip n'ya kapag nakita ito?

Humugot muna s'ya ng malalim na hininga, bago hinarap ito.

"Good evening po ma'am." Pagbigay galang nito sa kanya.

"Pinasusundo po kayo ni Sir, sumama daw po muna kayo sa akin bago po kayo umuwi. Nagpahanda po kasi ng dinner si Sir sa itaas." Sabi ulit nito.

Dinner pala ha?

"Sige saan ba? Gusto ko rin s'yang makausap." Tipid n'yang sagot kasabay ng pekeng ngiti.

"Sasamahan ko po kayo ma'am, tayo na po!" Sabi nito na ngiting ngiti, nagpatiuna pa ito sa paglakad. Pero sinisiguro nitong nakaagapay pa rin sa kanya.

Hanggang sa makasakay sila ng elevator. Nang pinindot nito ang button pataas at makita n'yang hindi ang 8th floor ang pinindot nito. Nakaramdam siya ng konting kaba, hindi n'ya naiwasang itanong sa sarili. Saan ba kami pupunta? Hindi ba sa 8th floor ang room nila?

Kalma lang Angela, kailangan ihanda mo ang sarili mo. Mamaya pa ang tunay na g'yera.

After a few minutes, nasa huling floor na sila. Ang rooftop, bakit dito sila pumunta? Nagtataka man nagpatianod lang s'ya dito.

"Tayo na ma'am, nasa loob na si Sir." Anyaya nito sa kanya.

Sumunod lang s'ya dito..

"Deretso lang po kayo sa loob ma'am, hinihintay na po kayo ni Sir. Dito na lang po ako." Sabi nito na nangingiti na tila excited.

Napahinga s'ya ulit bago nagpatuloy sa paglakad. Ang totoo gusto n'yang mamangha sa mga nakikita. Kakaiba ang paligid.

Mula sa kanyang nilalakaran may mga nagkalat na petals ng bulaklak. Na sadyang ginawang trace path upang kanyang sundan.

Kaya naman sinundan lang n'ya ito. Hanggang sa makarating s'ya sa dulo. Unang bumungad sa kanya ang magandang pagkakaayos ng lugar na talaga namang kahanga-hanga. Siguro kung wala s'yang kinikimkim na sama ng loob.

Baka magkahalong kilig at excitement ang kanyang nararamdaman ngayon. Baka sobrang natuwa na s'ya sa effort nito. Alam n'yang kahit sinong babae matutuwa, kapag binigyan ng ganitong importansya.

Pero hindi ito ang pakay n'ya sa pagpunta dito. Pero bakit ba para s'yang natitigilan? Lalo na ng matanaw na n'ya ang lalaki sa di-kalayuan.

Napagwapo nito ngayon sa simple nitong suot. Nakagray shirt ito na hakab sa maganda nitong pangangatawan na tinernuhan ng black slash denim jeans at pinatungan ng light brown bomber jacket. Para itong teenager sa ayos nito. Nakita tuloy ang tunay nitong idad. Kumpara sa business suit na palagi nitong suot na nagbibigay dito ng maturity look.

Habang palapit ito sa kanyang kinatatayuan. Hindi n'ya naiwasang isipin ang itsura nito, na walang bigote at balbas. Paano ba nito naitanggi ang pagiging ama nito kay VJ?

Biglang lumakas ang kanyang kaba, nang halos nasa harapan na n'ya ito. Hindi n'ya alam, kung ano ba ang dapat n'yang gawin? Bigla s'yang nalito at nangapa ng sasabihin.

Dapat ba komprontahin na n'ya ito ngayon? Piping tanong n'ya sa sarili.

Hindi s'ya makapag-isip, lalo na at nanunuot sa kanyang pandinig ang tugtog na nagmumula sa malamyos na tunog ng isang violin na sinabayan pa ng tunog ng jazz. Ngayon lang talaga n'ya na-appreciate ang ganitong klaseng tunog. Ang sarap palang pakinggan.

Para s'yang idinuduyan..

Sobrang nag-effort naman pala ito, para ano? Para siguraduhin na sobra s'yang masasaktan. Kapag inibig n'ya ito ng sobra.

Ang totoo ngayon palang dapat na itong magsaya.

Dahil nagtagumpay na ito sa pagpapa-ibig sa kanya. Dahil ngayon sobra s'yang nasasaktan sa isiping pinasasakay lang s'ya nito at hindi totoo ang lahat ng naririnig at nakikita n'ya.

Pwede bang magpanggap na lang  din s'yang walang alam? Kahit ngayon lang para makasama n'ya ito sa isang napaka-romantikong dinner date na ito. Kahit alam n'yang masasaktan din s'ya kinabukasan.

"Hi! Good evening.." Sabay abot nito sa kanya ng pumpon ng bulaklak at banayad s'yang hinalikan sa pisngi. Bahagya pa s'yang nagulat ng marinig ito at sa ginawa nitong paghalik sa kanya. Kusa ring inabot ng kanyang kamay ang mga bulaklak.

"Hey! What wrong, are you okay? Come, let seat first." Naging sunod sunuran lang s'ya sa bawat sasabihin nito. Hindi n'ya nagawang tumanggi, lalo na nang hawakan s'ya nito sa braso at iginiya palapit sa mesa.

Pinaghatak pa s'ya nito ng silya at pinaupo. Bago ito umupo rin sa katapat n'yang silya.

"Kanina ka pa walang kibo, okay ka lang ba talaga? Hindi mo ba nagustuhan itong lugar?" Tanong nito. Inaasahan ba nitong bibigyan n'ya ng magandang compliment ang ginawa nito?

"Nagustuhan naman, pero okay lang naman sa akin kahit sa ibaba na lang tayo mag-dinner. Hindi ka na sana nag-abala ng ganito." Aniya, nakita n'yang medyo nalungkot ito sa naging sagot n'ya, marahil hindi ito inaasahan nitong isasagot n'ya. Dahil sadyang hindi n'ya ipinahalata dito ang tunay n'yang nararamdaman.

Sige lang gusto mo ng laro, bakit nga ba hindi? Makikipaglaro na lang muna ako sa'yo? Tutal ikaw naman ang nagsimula nito. Malapit na akong bumalik ng Pilipinas. Tingnan ko lang, kung masundan mo ako ng Pilipinas. Para lang sundan ako at paghigantihan? Ni hindi mo nga magawang umuwi para kay VJ. Bulong n'ya sa kanyang sarili. Isang desisyon ang nabuo sa kanyang utak, sasakyan n'ya lang ito at pagkatapos sasabayan n'ya ang pambubulaga nito sa kanya.

"Akala ko kasi magugustuhan mo ang ganito, pero okay lang alam ko na sa susunod. Kumain na tayo?" Sabi na lang nito, ngunit kakikitaan ng lungkot sa mga mata.

Bakit ba bigla nakaramdam s'ya ng awa dito.

Tinawag na nito ang waiter na mag-seserve sa kanila ng pagkain. Nagsimula na silang kumain, nang walang imikan na tila alanganin basagin ang katahimikan ng bawat isa.

Makalipas ang ilang sandali, napansin n'yang nangingiti ito. Habang pinanonood s'yang kumain. Bigla tuloy s'yang nailang, talagang napasarap kasi ang kain n'ya. Ginutom yata s'ya mula pa kanina, nasarapan pa s'ya sa salad at sandwich na pinahanda nito. Bukod kasi sa mahilig talaga s'ya sa kahit anong tinapay. Masarap talaga ang pagkakagawa ng salad at sandwich nito.

Matapos silang kumain nag-aya pa itong magsayaw. Napansin din n'yang biglang sumigla ito matapos nilang kumain.

Nakakahawa ang kasiglahan nito kaya hindi na n'ya namalayan na, nakalimutan na n'ya ang tunay nilang sitwasyon.

Namalayan na lang n'ya na sumasabay na s'ya sa tugtog, habang nakayakap dito. Tumatalab na ba 'yun wine na ininom n'ya kanina? Pero konti lang naman ang nainom n'ya. O baka naman nalalasing lang s'ya sa amoy ng lalaking ito, ang bango n'ya kasi.

Hindi sinasadyang napatingin s'ya sa mga labi nito. Bigla parang nanuyo ang kanyang lalamunan, napalunok s'yang bigla. Na ikinangiti naman nito, sinasadya ba nito iyon?

Naitanong n'ya sa sarili. Bigla tuloy s'yang nainis dito. Bigla s'yang napaiwas at gusto na sana n'ya itong bitawan, subalit..

Bigla nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. Hinawakan pa nito ang kanyang batok, kaya s'ya napaharap dito.

Magsasalita pa sana s'ya pero hindi na n'ya nagawa.

Dahil bigla na lang s'ya nitong hinalikan. Gusto sana n'yang magprotesta at itulak ito. Pero hindi s'ya makakilos, mariin nitong pigil ang kanyang batok.

Habang tila marahan nitong minamasahe ang kanyang labi, gamit ang sarili nitong labi.

Nagulat man s'ya sa ginawa nito wala na s'yang nagawa. Kahit pilit pa n'yang itulak ito, hindi man lang ito natinag. Lalo pa yata nitong ginalingan ang paghalik, dahil parang ayaw na n'yang bitawan pa s'ya nito.

Namalayan na lang n'ya na kusa na s'yang sumasabay sa mga halik nito. Ginagaya ang bawat galaw nito sa kanyang bibig. Ang kamay nito kanina lang ay pumipigil sa kanyang batok.

Ngayon ay humahaplos na sa kanyang likod. Habang ang isang kamay nito ay humahaplos naman sa kanyang braso.

Kahit pa naka 3/4 blouse s'ya, dahil nanatiling suot pa rin n'ya ang kanyang uniform, ramdam pa rin n'ya ang ibinibigay na init ng mga haplos nito. Na lalo yatang nagpatindi ng kasabikan nila sa isa't-isa.

Kun'di nga lang kinailangan ng hangin ng kanilang katawan. Hindi pa sana nila gustong bumitaw, nang natatant'ya nitong nasa limit na sila. Saglit nitong binitiwan ang kanyang labi, pero nanatiling magkalapit ang kanilang mukha. Idinikit pa nito ang noo sa kanyang noo. Habang kapwa habol nila ang paghinga.

Nang marinig n'yang bigla itong nagsalita..

"I.. LOVE-YOU!" Bulong nito sa pagitan ng paghinga.

Tatlong salita na biglang gumising sa nahihibang n'yang diwa..

I love you? Ulit na tanong sa kanyang isipan.

Bigla ang pagsulak ng galit at riyalisasyon sa kanyang utak. Dahilan para hindi na rin s'ya makapag-isip pa..

"Sinungaling!"

Awtomatikong naglanding ang kamay n'ya sa pisngi nito.

"Whoa!" Biglang napahawak ito sa pisnging tinamaan ng kanyang kamay. Tigagal itong napatingin sa kanya, gulat na gulat ang mukha.

Habang nagtatanong naman ang kanyang isip..

Dapat ko ba s'yang paniwalaan?!

*  *  *

@LadyGem25