Chereads / AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1) / Chapter 26 - C-25: THE TRUTH

Chapter 26 - C-25: THE TRUTH

Tigagal at gulat na gulat s'ya sa tinamong sampal. Hindi dahil nasaktan s'ya, kun'di dahil hindi n'ya ito inaasahan. Bakit n'ya ito nagawa? Naitanong ni Joaquin sa sarili ng sandaling iyon.

Galit ba s'ya dahil naging mabilis ako? Naguguluhang tanong ng isip n'ya.

Hawak pa n'ya ang pisngi ng muli s'yang magsalita. Dahil kung hindi s'ya magtatanong wala s'yang makukuhang sagot.

"Ba-bakit mo naman ako sinampal?" Pautal n'yang tanong. Sa klase ng tingin nito sa kanya, hindi ito kababakasan ng pagsisi sa nagawa. Ano bang problema nito sa kanya? Sigurado namang nasarapan din ito sa halik n'ya.

"Dahil sinungaling ka! Mr. Joaquin Jeremy Alquiza."

Hindi pala n'ya kayang pigilan ang sariling komprontahin ito. Kahit muntik na s'yang makalimot, dahil sa masarap na halik nito. Bulong ni Angela sa sarili.

Parang namang nag-echo sa kanyang pandinig ang sinabi nito. Sunod-sunod din ang naging kanyang  paglunok. Bigla s'yang napatda at nawalan ng sasabihin.

Anong gagawin ko?

Sigaw ng kanyang utak, hindi pwedeng wala s'yang gawin at hayaan lang na magalit ito sa kanya.

"Magpapaliwanag ako!"

Sa wakas nagawa n'yang sabihin sa matatag na salita at nakikiusap na mga mata.

"Bakit ka naman kailangang magpapaliwanag? Dahil ba matagal mo nang alam ang tungkol sa'kin at pinagmumukha mo lang akong tanga na walang kaalam-alam sa'yo? Para madali mo lang akong mapaglalaruan." Galit na tanong ni Angela, mababakas sa mukha nito ang galit at kinikimkim na emosyon.

Na lalong nakadagdag sa guilt at sakit na nararamdaman ni Joaquin ng oras na iyon. Dahil parang pinipiga ang puso n'ya habang pinagmamasdan n'ya ito na nasasaktan, nang dahil sa nagawang kasinungalingan. Pero kahit anong gawin n'ya, hindi na n'ya mababawi ang lahat.

Totoo namang binalak n'ya itong saktan nu'ng una.

Noong inaakala n'yang babae ito ng kanyang ama, na isa itong gold digger na gustong magsamantala sa pamilya n'ya.

Bago pa n'ya na-realized ang kasimplehan nito at ang marami nitong magandang katangian. Habang palagi n'ya itong lihim na binabantay sa araw-araw na narito s'ya sa Hotel.

Hanggang sa unti-unti n'yang namalayan na gusto na rin pala n'ya ito. Hindi lang gusto mahal na n'ya ito, mahal na mahal.

Ilang saglit pa ang lumilipas bago s'ya nakasagot.

"Hindi 'yun ganu'n!"

"Hindi ganu'n?" Natawa ito ng mapakla.

Bago ito muling nagsalita.

"Gusto mong paniwalaan kita, sa tingin mo ganu'n ako katanga?"

"Angela.."

"H'wag mo na akong tawagin sa ganyang pangalan. Dahil alam kong alam mo na rin na hindi ako si Angela." Tumingin pa ito sa kanya ng matalim bago ito nagpatuloy sa pagsasalita.

"H'wag mo na rin akong kakausapin at pakikialaman. Dahil hindi tayo magkakilala, naiintindihan mo?!"

Bigla na itong tumalikod at nagtangkang umalis. Subalit mas naging mabilis ang pagkilos n'ya, upang hawakan ito sa braso at muling iharap sa kanya. Dahilan para muli s'ya nitong itulak palayo.

"Hindi ko ba nasabi sa'yo na h'wag mo na rin akong hahawakan?" Mariin nitong saad.

"Please, pabayaan mo muna akong magpaliwanag. Pakinggan mo muna ang sasabihin ko." Aniya, pigil ang emosyon. Subalit hindi maikakaila ang pamumula ng kanyang mga mata.

"Magpaliwanag? Maliwanag naman na naglolokohan lang tayong dalawa! Ano ba ang malabo du'n?"

"Hindi mo kasi naiintindihan, kung pakikinggan mo lang.." Hindi na s'ya nito pinatapos pang magsalita.

"Pwede ba tama na! Ayoko nang makinig sa'yo, kung nagpakilala ka lang sa'kin agad nu'ng una baka maintindihan ko pa. Pero hindi mo ginawa, kahit marami kang pagkakataon na gawin 'yun! Ano bang iniisip mo na sinasamantala ko ang pamilya mo? Dahil isa akong oportunista at manlolokong tao. Niloko mo rin ako, pinagmukhang tanga at ipinahiya sa sarili ko."

"I'm sorry! Pero sana pakinggan mo rin ako, please?"

"Para ano pa, dapat ba akong maniwala sa'yo? Sabagay bakit kailangan kong magsinungaling. Magsaya ka na! Dahil sa ginawa mo, nadala ako ng karisma mo, nasarapan din ako sa mga halik mo, kaya nga mahal na kita ngayon! Ano masaya ka na? Pero h'wag kang mag-alala, wala akong planong habulin ka! Dahil hindi naman ako dakilang tanga!" Mariin at galit nitong bigkas sa bawat salita na tila tumatarak din sa kanyang dibdib.

Nararamdaman rin n'ya ang sakit sa bawat salita nito na puno ng galit sa kanya. Dapat nga maging masaya s'ya, dahil alam n'ya na mahal s'ya nito.

Pero hindi pwedeng kausapin, hindi pwedeng yakapin o kahit ang hawakan. Higit sa lahat hindi pwedeng maging boyfriend?

Hindi rin ako pwedeng sumuko ngayon. Dahil nagsisimula pa lang naman akong magmahal.

"Makinig ka muna sa'kin, please?" Muli n'yang tinangka hawakan ang kamay nito, pero muli lang itong lumayo.

"Itigil na natin ito, kung hindi mo ako maintindihan. Makikiusap na lang ako sa'yo. Kung pwede sana hayaan na lang natin na maging tahimik ang buhay ng isa't-isa. Malapit na akong bumalik ng Pilipinas, 3 weeks from now hindi mo na ako magiging problema. Sigurado naman ako, hindi mo rin gustong malaman ng pamilya mo ang tungkol sa atin hindi ba? Hindi ko man gustong maging sinungaling. Pero mas mabuti na hindi na lang muna nila malaman. Siguro naman pagkatapos nito, hindi na tayo magkikita. Kaya kalimutan na lang natin na nagkita tayo at nagkakilala."

Napailing na lang s'ya sa narinig, dahil ang totoo hindi n'ya alam kung saan s'ya ulit magsisimula?

Hanggang sa tumalikod na ito, gustong-gusto n'ya itong pigilan, pero paano ba n'ya gagawin?

Kung tahasan s'ya nitong tinatanggihan. Nang bigla itong huminto pagkatapos ng dalawang hakbang ng hindi man lang s'ya nilingon..

"Muntik ko nang makalimutan, si Cloe nga pala ang nagsabi sa akin ng tungkol sa'yo. Mukhang kilalang-kilala ka n'ya kahit kagabi lang kayo nagkita. Sabi n'ya ipatatanggal n'ya ako sa trabaho ko sa Hotel. Sinabihan din n'ya akong h'wag ng pumasok, kaya kailangan ko na rin pa lang mag-resign." Matapos nitong sabihin ang lahat, tuloy tuloy na itong umalis.

Kaya naiwan s'yang natitigilan.. Sa isip n'ya, hindi ito maaari! Ang babaing yun ang may kasalanan ng lahat.

Ilang segundo na ang lumilipas bago pa s'ya nakakilos at muling nakapag-isip. Tumakbo s'ya para habulin ito, hindi s'ya dapat sumuko ngayon.

Kung talagang mahal s'ya nito mas dapat na hindi s'ya tumigil. Mahal n'ya ito at patutunayan n'yang nagkakamali ito sa paratang sa kanya.

Ngayon pa ba ako hihinto? Kung kailan nakahakbang na ako palapit sa'yo. Kaya hindi na ako papayag na makalayo ka sa'kin.

"Boss, saan ka pupunta ano bang nangyayari?" Nasalubong n'ya si Russel na palabas ng penthouse. Pero nilagpasan n'ya lang ito at lalo pang binilisan ang pagtakbo.

Ngunit kahit anong bilis ang ginawa n'ya, hindi na n'ya ito inabutan. Nakaalis na ito, nang makarating s'ya sa ibaba ng Hotel pasakay na rin ito ng taxi pauwe. Wala na s'yang nagawa kun'di habulin ito ng tanaw.

Humihingal pa s'ya ng marinig n'ya si Russel na bigla na lang nagsalita sa kanyang tabi at mukhang galing din sa pagtakbo.

"Boss! Bakit ka ba tumakbo, ano bang nangyari sa'yo? Nasaan na si ma'am Angela?" Tanong nito.

"Nakita mo ng wala hindi ba? Ayun tinakbuhan na ako!" Aniya.

"Ha! Bakit Boss, ano bang ginawa mo?" Gulat na tanong nito.

"Alam na n'ya ang lahat tungkol sa'kin!"

"Ha, pero paano naman n'ya malalaman yun? Okay naman kayo kanina ah?" Naguguluhang tanong nito.

"Alam na n'ya bago pa s'ya pumanhik sa rooftop, nagpanggap lang s'ya na walang alam. Sinabi sa kanya ni Cloe ang totoo. Ang hindi ko maintindihan kung paano ako nakilala ng babaing 'yun? Ang masama pa ang lakas ng loob n'yang paalisin si Angela sa Hotel. Ano bang karapatan n'ya? Pumunta ka sa admin office bukas, tiyakin mong hindi mapapaalis si Angela sa Hotel. Ikaw ang mananagot sa'kin kapag nangyari 'yun, nagkakaintindihan ba tayo?"

"Yes Boss, ako na ang bahala okay? Maimpluwensya ang pamilya ni Miss Cloe Boss, maaaring napa-imbestigahan ka na n'ya bago pa s'ya lumapit sa'yo? Dahil interesado s'ya sa'yo at nakita n'yang malapit ka kay ma'am Angela kaya marahil ginugulo n'ya ito."

"Bwisit s'ya!" Aniya at inis nang lumakad ng mabilis, pabalik sa loob ng Hotel. Kasunod si Russel.

_______

Patakbo s'yang umalis sa lugar na iyon. Dere-deretso lang s'ya sa pagbaba ng elevator, hanggang sa makalabas s'ya ng Hotel at makasakay ng taxi ng walang lingon likod.

Pagdating sa apartment saka n'ya inilabas ang lahat ng kanyang emosyon. Nagawa na n'ya! Ang buong akala n'ya, hindi s'ya magkakaroon ng lakas ng loob na komprontahin ito.

Dahil naiipit s'ya sa pagitan ng kahibangan at hiya sa pamilya nito. Pero nagawa n'ya at nasabi ang lahat ng gusto n'yang sabihin nagawa pa nga n'ya itong sampalin. Ang totoo natatakot din s'ya, pero nagawa na n'ya.

Lalo pa tuloy napahigpit ang pagkakayakap n'ya sa kanyang mga tuhod. Upang kahit paano humugot ng lakas.. Dahil sa pagkaunawa n'ya ng kanyang nagawa.

Paano kung bigla na lang nitong kunin ang lahat sa kanya? Ang lahat ng mayroon s'ya ngayon, ang pamilya nito at higit sa lahat si VJ. Pero hindi pa naman ito naging ama sa bata kahit kailan. Kaya anong karapatan nito sa kanyang anak?

Wala nga ba itong karapatan, hindi ba ito ang ama? Kaya magdamag na naman s'yang umiyak hanggang sa makatulog.

Kinabukasan, nagpadala na lang s'ya ng message sa messenger ni Joseph at VJ.

"Hello guys! Kumusta na kayo, pagpasensyahan n'yo na ako kung nakakaligtaang kong  tumawag ha? Busy lang talaga ako dito, babawi ako pag-uwi ko d'yan. Malapit na tayong magkita-kita, miss na miss ko na kayo d'yan."

Sandaling pinutol n'ya ang mensahe, dahil sa biglang bugso ng kanyang emosyon. Kahit na  nagi-guilty s'ya kailangan n'yang magsinungaling. Para wala ng maging problema. Isang araw sasabihin din n'ya ang lahat, kapag handa na s'ya. Muli n'yang ipinagpatuloy ang pagtype ng message para naman kay VJ.

"Hello Anak, kailangan munang pumasok ni Mama ngayon ha? Mamaya na lang tayo mag-usap,  magvi-videocall ako mamaya okay, promise 'yan ha? Ikumusta mo ako kay Lolo, okay I love you baby ko."

Ayaw na sana n'yang pumasok ng araw na iyon. Pero kailangan n'yang maayos ang lahat bago pa s'ya bumalik ng Pilipinas.

Kailangan din n'yang makuha ang Certification ng training n'ya. Yun ang pinakamahalaga sa kanya sa ngayon.

Kaya pumasok pa rin s'ya kahit ano pa ang mangyari? Bahala na!

Pagdating n'ya sa Hotel wala naman s'yang naging problema, normal lang naman ang lahat. Natapos din ang maghapon na walang Cloe na nagpakita, para paalisin s'ya sa Hotel. Nagbago na kaya ang isip nito o bigla na lang s'ya nitong gugulatin?

Ang hindi n'ya alam, lihim na itong kinausap ni Russel bago pa s'ya dumating. Hindi na rin s'ya nito magagawang guluhin pa. Dahil wala na ito sa Hotel, nagcheck-out na rin kasi ito.

Baka tinatakot lang ako ng babaing 'yun, pero hindi naman talaga n'ya kayang gawin. Bulong n'ya sa sarili. Habang patuloy lang s'ya sa paglakad palabas ng Hotel. Tapos na rin ang shift n'ya ngayong araw kaya deretso na s'yang uwi.

Paglabas n'ya ng employee's entrance/exit, naramdaman n'ya agad na parang may kakaiba sa paligid. Marami ang nakatayo sa paligid sa mismong lugar kung saan muntik na s'yang mabundol kung hindi nasagip ni Joaquin. Bigla tuloy n'yang naalala, pero bakit ba n'ya alalahanin pa yun? Bulong n'ya sa sarili.

Tuloy-tuloy pa rin s'yang naglakad, nang bigla na lang gumawa ng linya ang mga tao sa paligid. Hindi na lang n'ya ito binigyan ng pansin. Nagpatuloy pa rin s'ya, kaya nagtaka s'ya ng umurong ang mga ito. Naitanong ng isip n'ya..

Anong nangyayari?

Napansin din n'ya na may mga hawak itong mga placard na may nakasulat na letra, in bold and capital letters. Nang bigla na lang itong magformation sa mismong harap n'ya.

Awtomatikong napalingon s'ya sa magkabilang side, maging sa kanyang likuran.

Subalit wala s'yang nakitang ibang tao na malapit sa kanya. Pagharap n'ya ulit buo na ang word na..

S. O. R. R. Y.

Napailing na lang s'ya..

Pero muli gumalaw ang mga ito upang baligtarin ang placard..

PLEASE, GIVE, ME, A, CHANCE.

Huminga s'ya ng malalim, may kalituhan pa rin sa kanyang isip. Subalit alam naman n'yang isa lang ang pwedeng gumawa nito.

Pero ano ba itong ginagawa n'ya?

Isa-isang umalis ang mga may hawak na placard. Hanggang isang taong may hawak na placard na lang ang naiwan. Dito nakasulat ang mga salitang..

PLEASE FORGIVE ME..

Unti-unting binaba ng may hawak nito ang kanyang placard.

"I'm sorry, sana pakinggan mo na ako this time." Si Joaquin sa nakikiusap na tono.

"Sa tingin mo ba sapat na ang ginawa mo? Para maniwala akong hindi mo ako niloloko. Sana hindi ka na lang nag-aksaya ng panahon." Aniya sa mariing salita at tinalikuran na ito.

Narinig pa n'yang muli itong nagsalita..

"Please?!" Pakiusap pa nito,

But still she never look back..

"If you want me to cook? I'll try to cook your food, even if I never cooked in my whole life. But I'm willing to learn, if you want. I'll try to drink coffee, with you. To prove that I never intent to fooled you. Or be the one to hurt you. Pakinggan mo naman ako!"

Huminto ito sa pagsasalita at huminga ng malalim.

Saglit din s'yang napahinto pero hindi pa rin s'ya lumingon..

"Because, I've never been so desperate in my entire life, just now. Only now!"

Natigilan s'yang bigla dahil sa narinig. Hindi na rin n'ya napigilan ang sariling muling lumingon..

*  *  *

@LadyGem25