Chereads / AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1) / Chapter 28 - C-27: "We are in love at the same woman."

Chapter 28 - C-27: "We are in love at the same woman."

Kasalukuyan silang bumibyahe papuntang Marco Polo Airport, nag-insist si Joaquin na ihatid na s'ya dito imbes na mag-bus o taxi.

Bigla man itong nalungkot at nadismaya, dahil sa pagkabalam ng sana masaya nilang sandali nang umagang iyon. Wala naman itong nagawa ng mag-offer s'ya na sunduin si Joseph sa Airport.

Sabagay kapatid naman n'ya ito, ngayon n'ya mas na-realized na wala itong kamalay-malay na narito rin si Joaquin sa Venice.

Bigla tuloy s'yang nalito kung sasabihin ba n'ya ito kay Joseph o hindi.

Ang tahimik ni Joaquin mula pa kaninang umalis sila sa Hotel. Hindi n'ya alam kung ano ba ang iniisip nito ngayon?

Para silang nagpapakiramdaman lang, nagtaka man s'ya na hindi ito tumabi sa kanya sa back seat dahil sa front seat ito naupo.

Naisip n'yang mas mabuti kung hindi na lang magkita ang mga ito. Sigurado naman s'yang hindi rin magtatagal dito si Joseph, dahil may naiwan itong trabaho sa Pilipinas.

Naging napaka-tahimik tuloy ng kanilang buong byahe. Makalipas lang ang mahigit isang oras nasa Airport na sila. Agad naman s'yang ipinagbukas nito ng sasakyan at hinintay s'yang makababa.

"Dito na lang ako, h'wag n'yo na akong hintayin!" Aniya. Kasabay ang hiling na sana'y hindi rin nito gustong magpakita kay Joseph.

Pero bago pa n'ya nagawang makaalis, muli hinagilap nito ang kanyang kamay.

Saglit s'yang natigilan..

"Bakit hindi na lang natin sabihin sa kanya ang tungkol sa ating dalawa? Sigurado naman ako maiintindihan n'ya 'yun! Joseph and I were close brothers. Baka nga matuwa pa 'yun kapag nalaman n'ya na magiging masaya na ako ulit at ikaw pa ang gusto kong makasama." Sabi nito na puno ng antisipasyon sa magiging sagot n'ya.

Ang hindi nito alam parang pinipiga na ang puso n'ya. Dahil kahit saang anggulo pa tingnan. Alam n'yang pareho lang n'ya itong masasaktan. Kapag ginawa n'ya iyon!

Kaya nasasaktan din s'ya ngayon, dahil parehong mahalaga ang mga ito sa kanya. Dahil pareho n'yang mahal ang magkapatid sa magkaibang paraan. Pigil n'ya ang emosyon habang pilit din s'yang nagpapakatatag dahil ito ang kailangan.

Ano ba itong nagawa n'ya?

"Pwede bang ako na lang muna ang makipag-usap sa kanya ngayon? Mag-usap na lang tayo mamaya pagbalik ko sa Hotel." Pakiusap na lang n'ya dito.

"Kung inaalala mo ang sasabihin nila, ako na ang bahala. Ako ang magsasabi at magpapaliwanag." Sabi nito habang hawak pa nito ang dalawa n'yang kamay at tila kinukumbisi pa s'ya nito.

"Please, hayaan mo munang makausap ko s'ya, mag-usap na lang tayo pagbalik ko. Sige na ako ang bahala sa kanya. Bumalik na kayo sa Hotel." Pagtataboy n'ya, tiningnan n'ya ng makahulugan si Russel na agad rin namang nakaunawa. Tumango naman ito bilang sagot.

"Boss, tayo na!" Sabi nito, tinapik pa nito ang balikat ni Joaquin.

"Sige na!" Tuloy-tuloy na s'yang tumalikod at deretsong pumasok sa loob ng Airport at hindi na muli pang lumingon. Dahil hindi na n'ya gustong dagdagan pa ang kasinungalingan n'ya dito.

Hindi rin n'ya napigilan ang paglabas ng kanyang emosyon.

Nanlalabo pa ang kanyang mga mata sa luha. Nang bahagya na n'yang naaninag ang bulto ng isang lalaki na naglalakad patungo sa kanyang harapan.

Saglit n'yang pinahiran ang kanyang mga mata upang malinaw n'yang makita si Joseph, habang nakangiti ito sa kanya.

Nginitian din n'ya ito, habang lumalapit. Dahil na-miss din talaga n'ya ito ng sobra.

Sinalubong s'ya nito ng yakap na ginantihan n'ya ng yakap din. Subalit laking gulat n'ya ng bigla na lang s'ya nitong halikan sa labi at hindi n'ya ito inasahan.

he gave her a sudden smack kiss on her lips.

But she was start to panic when she seeing, Joaquin's gaze startled while stared at them.

"Oh my God!" Hindi pa pala ito nakakaalis.

"What?" Mabuti na lang inakala ni Joseph na nagulat lang s'ya sa halik nito kaya n'ya nasabi iyon.

Muli lang s'ya nitong niyakap ng mahigpit at hinalikan sa noo.

Kasabay ng pagpatak ng kanyang luha ang sakit na nadarama. Alam n'yang sa pagkakataong ito alam na nito na nagsinungaling s'ya.

"You know how much, I miss you sweetheart? Sobrang na miss kita!" Sabi nito habang yakap pa rin s'ya. Kung alam lang nito ang nangyayari sa kanya ngayon.

Habang si Joaquin ng mga oras na iyon. Gustong gusto nitong sugurin sila.. Kung hindi lang ito mabilis na napigilan ni Russel.

"Boss, kapatid mo s'ya alalahanin mo. Halika na umalis na lang tayo dito, sige na Boss tayo na!" Labis ang pagpigil ni Russel dito, galit na galit ito at puno ng sama ng loob. Pilit hinila ito ni Russel at sinikap na isakay sa sasakyan.

Nang makapasok ito sa sasakyan saka nito inilabas ang lahat ng emosyon. Pinagbuntunan nito ang dashboard, habang si Russel na nagmadaling makapasok sa driver seat.

Pagpasok n'ya ng sasakyan, kahit paano hupa na ang galit nito. Pero sira na ang ilang bahagi ng dashboard, nakasandal na rin si Joaquin sa upuan habang nakatakip ng braso ang mukha. 

Bigla tuloy s'yang nakaramdam ng awa para dito, alam n'yang umiiyak ito. Kahit kailan hindi ito nagpakita ng kahinaan, kahit na noong masaktan ito kay Miss Liscel. Ngayon lang n'ya ito nakitang ganito, kaya sigurado s'yang mas higit itong nasasaktan ngayon.

After 5 years na nakamove-on na ito sa past relationships nito kay Miss Liscel. Ngayon lang ulit ito nagmahal at naging seryoso, subalit tila yata nagkamali na naman ito ng pagpili ng babaing mamahalin.

Napailing na lang si Russel at sinimulan ng i-start ang sasakyan pabalik na sila ng Hotel.

Pagdating nila sa Hotel deretso itong sumakay ng elevator, mabuti na lang alerto at mabilis itong nasusundan ni Russel. Pagdating sa 8th floor demeretso itong pumasok sa loob ng kanilang suite at kumuha ng alak sa mini bar at dere-deretso nitong tinungga. Bahagya ito napangiwi dahil sa biglang daloy ng alak sa lalamunan at pait nito sa bibig. Pero balewala lang ito sa pait at sakit na nararamdaman n'ya ngayon.

"Boss, wala pang laman ang t'yan mo! Kung gusto mo uminom tayo buong araw, sige! Pero kumain ka mu.." Hindi na nito naituloy ang sasabihin, dahil sa bigla n'yang pagsagot.

"Put***ina! H'wag mo nga akong pakialaman." Dahil nabigla rin s'ya sa kanyang nasabi, saglit s'yang natigilan. Alam naman n'yang nag-aalala lang ito sa kanya. "Sige na pabayaan mo na lang muna ako ngayon." Sabi n'ya sa mababa ng tono.

Napabuntong hininga na lang ito, pagkatapos umupo rin ito sa isang stool at nagsalin ng alak sa isang baso. Sinimulan na nitong lagukin ang mapait na likido, habang tinatantya nito ang kaharap na tuloy-tuloy lang sa pag-inom. Hanggang sa hindi rin ito nakatiis ito rin ang unang nagsalita.

"Boss, kung umuwi na lang tayo ulit ng Australia? Para marelax ka, bumalik na lang tayo dito kapag okay ka na ulit." Lakas loob na mungkahi nito.

"Ayoko!" Deretso at matatag niyang sagot.

Muling napabuntong hininga na lang si Russel, dahil sa naging sagot n'ya.

"Boss, gusto ko lang naman na.."

"Gusto mo bang tumakbo ako ulit, na tila isang asong bahag ang buntot? Nagawa ko na 'yun dati at hindi ko na 'yun gagawin ulit, naiintindihan mo ba? Tumakbo ako noon dahil ayokong makapatay ng tao."

Saglit muna s'yang huminto at uminom ng alak bago muling nagpatuloy.

"And I feel the same way again. Gusto ko s'yang lapitan at saktan, suntukin, gusto ko rin s'yang sipain at bugbugin. Pero hindi ko 'yun magagawa, kasi magkapatid kami. In fact, I know that's he will do the same to me. Once he knows the truth that's we are in love at the same woman. But indeed, after all she had done to us. I still love her so much. At hindi ko s'ya pwedeng basta iwan lang, naiintindihan mo ba?"

"Kaya nga gusto ko magpalamig muna tayo, bumalik tayo kapag okay ka na. Boss, sige na?" Pangungumbinsi pa ni Russel sa kanya.

"Ayoko! Hindi ako aalis hangga't hindi kami nag-uusap. Marami pa akong gustong sabihin sa kanya. Gusto ko s'yang tanungin kung bakit s'ya nagsinungaling? Kung gumaganti ba s'ya o kung ano ba ang gusto n'yang gawin? Binabalak ba n'yang pagsabayin kaming magkapatid?"

"Boss, hindi naman siguro ganu'n? Maaaring may dahilan lang s'ya kung bakit hindi n'ya nasabi agad sa'yo. Hindi ka naman siguro sinadyang lokohin ni Miss Angela. Besides, noong isang araw ka lang n'ya nakilala."

Bigla tuloy s'yang natigilan dahil sa sinabi nito. Dahil tama ito hindi n'ya masisisi si Angela kung nagawa man nitong magsinungaling sa kanya. Bukod pa sa s'ya ang unang naglihim dito at nagtago ng tunay niyang pagkatao.

Sobra lang ba talaga s'yang padalos-dalos mag-isip? Kahit wala naman talaga s'yang karapatan dito. Dahil ang totoo wala naman silang relasyon at ang tanging basehan lang n'ya, nang sabihin nitong mahal s'ya. Subalit kahit kailan hindi ito magiging kanya.

Kaya ba nasabi n'ya ang bagay na iyon? Dahil ang totoo s'ya ang panggulo sa relasyon nito sa sarili n'yang kapatid. Pero mahal ko s'ya at hindi ako papayag na mawala s'ya sa akin.

Hanggang sa lumipas ang mga sandali na wala itong ginawa kun'di tumungga ng alak.

Hanggang sa..

"Sandali Boss, saan ka pupunta?" Nagulat na lang si Russel ng bigla s'yang tumayo at lumabas.

Tuloy-tuloy s'ya sa pasilyo at bumaba sa 2nd floor, nasa lobby na s'ya ng abutan s'ya ni Russel.

"Boss, ano ka ba lasing ka na ba? Saan ka ba pupunta?" Tanong nito habang humihingal dahil sa pagmamadali.

"Pabayaan mo nga ako, gusto ko lang silang makita." Aniya.

Siguro nga nababaliw na s'ya at daig pa n'ya ang masokista. Gusto pa talaga n'yang masaktan.

"Boss, ano bang ginagawa mo?"

"Wala akong gagawin kaya h'wag kang mag-alala, okay?"

Tuloy-tuloy lang s'yang naglakad, hanggang sa makarating s'ya sa dining area.

Hanggang sa kusa s'yang huminto sa paghakbang. Dahil ang dalawang tao gusto n'yang makita, ngayon ay abot-tanaw na n'ya habang masaya nag-uusap sa hindi kalayuan.

Pinagmasdan na lang n'ya ang mga ito mula sa kanyang kinatatayuan. Kahit pa parang libo libong karayom na ang tumutusok sa kanyang dibdib ng sandaling iyon.

Dahil ang pagkaunawa sa  katotohanan na ang  presensya n'ya ay kaguluhan lang ang idudulot sa dalawang taong parehong mahalaga sa kanya.

Pero ano ba ang tama at dapat n'yang gawin? Hindi ba nagmamahal lang naman s'ya at kung ang puso lang n'ya ang masusunod. Susugurin n'ya ang mga ito at ilalayo n'ya ang babaing mahal n'ya.

Pero anak ng punyeta naman, kapatid ko ang aagawan ko! Sigaw ng kanyang utak.

Habang si Angela at Joseph ay kasalukuyang nag-uusap sa dining area.

"Masaya ka ba habang nandito ka?" Tanong ni Joseph kay Angela.

"Oo naman masaya dito marami ako natututunan, teka bakit mo naman naitanong?" Balik tanong naman nito kay Joseph.

"Dahil kung hindi, isasama na lang kita pabalik ng Pilipinas." Kunwari'y biro nito.

"Sira! Masaya ako dito ah.." sagot n'ya na sinabayan pa n'ya ng pekeng ngiti.

"Kanina ko pa kasi napapansin parang kakaiba ka ngayon, may problema ba tayo d'yan?"

"Wala nga!" Bigla n'yang sagot.

"Nami-miss mo na si VJ no?"

"S'yempre naman, hindi mo kasi isinama eh!" Biro din n'ya.

"Kung pwede nga lang sana, tinakasan ko nga lang sila nasa Manila na ako ng sabihin ko kay Papa na isu-sopresa kita."

"Ibig sabihin si Papa at si VJ lang ang naiwan sa bahay?"

"Nadu'n din si Maru' kaya hindi ako gaanong nag-aalala kasi magkasundo naman sila ni VJ kaya nalilibang 'yun bata."

"Mas lalo yata akong nagiging interesadong makilala s'ya ah! Sana magkasundo rin kami?" Aniya. Natutuwa s'ya sa na may ibang nagpapasaya sa kanyang anak kahit wala s'ya sa bahay. Kaya lang bukod dito may iba s'yang pakiramdam na hindi n'ya maunawaan. Pero dagli rin n'ya itong inalis sa kanyang isipan.

"Sigurado magkakasundo rin kayo nu'n pag-uwi mo!" Sabi nito.

"Well, tingnan natin?" Sabay pa silang nagkatawanan nito.

Ang sandaling hindi na natagalan pa ni Joaquin na makita. Kung gaano kasaya ang mga ito ngayon? Habang s'ya ay bigla na lang nabalewala. Tiyak ang kanyang naging kilos, kalabisan na ang manatili pa s'ya dito. Agad s'yang nagpasya na bumalik na lang sa kanilang kwarto sa itaas.

Napalingon naman si Angela sa direksyon ni Joaquin, nahagip pa n'ya ng tanaw ng bigla itong tumalikod at lumakad palayo. Hindi s'ya maaaring magkamali si Joaquin ang nakikita n'ya kahit na nakatalikod na ito. Kanina pa ba ito doon, anong ginagawa n'ya? Tanong ng isip n'ya..

"Sino bang tinitingnan mo?" Tanong ni Joseph na lumingon pa sa direksyon kung saan s'ya nakatingin.

"Ha? Ah, wala.. Sino naman ang titingnan ko?" Aniya, kabado man ngunit kailangan n'yang magsinungaling dito. Para sa ikabubuti ng lahat, kahit batid n'yang alam na ni Joaquin ang lahat lalo tuloy sumikip ang dibdib n'ya.

Pagtingin n'ya kay Joseph parang ang lalim ng iniisip nito? Nagulat pa s'ya nang bigla na lang itong magkwento.

"Alam mo dati madalas dito ang kapatid ko." Sabi nito na biglang lumamlam ang mga mata.

Bigla s'yang nakaramdam ng kaba dahil sa sinabi nito. Dahil alam n'yang si Joaquin ang tinutukoy nito. Subalit mas pinili na lang n'yang h'wag kumibo at muli naman itong nagpatuloy.

"Pero noon 'yun, noong sila pa ni Liscel ang biological mother ni VJ mas madalas na dito sila nagkikita. Noong bago pa n'ya sirain ang buhay ng kapatid ko."

Saglit itong bumuntong hininga.

"Mula noon hindi pa s'ya umuuwi ng Pilipinas. Sobra kasi s'yang nasaktan dahil sa pangyayaring 'yun! Sabagay kahit naman ako masasaktan din, kapag nawala sa akin ang babaing mahal ko. Kapag Nalaman ko na niloloko nila ako, baka nga napatay ko pa ang lalaking 'yun! Kaya nga bilib ako kay Joaquin, nagawa pa n'yang pigilan ang kanyang sarili. Dahil kung ako hinding-hindi ko sila mapapatawad." Nahigit ni Angela ang kanyang paghinga. Lalo na ng hawakan pa nito ang kanyang kamay.

"Naisip ko, baka hindi pa rin sapat ang panahon nila sa isa't-isa kaya nangyari ang ganu'n? Kaya nga ako gusto ko sana masiguro ko na nabibigyan ko ng sapat na panahon ang mga taong mahalaga sa'kin." Saglit ulit itong huminga ng malalim bago muling nagpatuloy.

"Kaya kung may pagkukulang man ako gusto kong makabawi. Bigla rin kasi kitang na-miss kaya nandito ako ngayon. Sumama ka na kaya sa aking umuwi?"

"Grabe ka malapit naman na akong umuwi 3 weeks na lang ako dito uwian na!" Sabi na lang niya hindi rin kasi n'ya alam kung ano ang sasabihin n'ya dito.

Dahil sa mga sinabi nito lalo lang s'yang nawalan ng lakas ng loob na sabihin dito ang totoo.

Lalo na at hantaran na itong nagpaparamdam ng tunay na damdamin sa kanya. Paano pa n'ya sasabihin dito ang lahat, kung alam n'ya na masasaktan n'ya ito. Bukod sa kanilang Papa Liandro, ito ang naging lakas at sandalan n'ya sa loob ng limang taong lumipas. Kaya paano ba n'ya ito magagawang saktan.

"Buti pa magpahinga ka muna tapos sabay na lang tayong maglunch mamaya pagkatapos mong magpahinga. Mag-iin lang muna ako, okay?" Suhestyon n'ya dito.

"Sige pero pwede bang samahan mo muna akong pumanhik sa room ko?" Hiling pa nito sa kanya.

"Okay sige, saang room ka nga pala napunta?" Dahil sa labis na kalituhan kanina hindi na n'ya nagawang alamin pa kung saang room ito nakapag check in. Ito rin kasi ang nakipag-usap sa front desk. Hinayaan lang n'ya ito mas siniguro n'ya na hindi nito makikita si Joaquin sa lobby, kanina pagdating nila sa Hotel.

Tumayo na ito bago pa sinagot ang tanong n'ya..

"Halika na sa 8th floor tayo sa room 804." Nakangiti pa nitong saad.

"A-ano?" Gulat n'yang tanong.

Nagtaka naman ito sa naging reaksyon n'ya at sa biglang pagbabago ng kanyang kulay.

"Okay ka lang ba, may problema ba sa 8th floor?"

Nagtatakang tanong nito.

* * *

By: LadyGem25