Chereads / AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1) / Chapter 32 - C-31: "Nakaw na sandali"

Chapter 32 - C-31: "Nakaw na sandali"

Lumipas ang mga araw na para s'yang nakatungtong sa de-numero. Kailangan pa n'yang piliin ang kanyang mga kilos at galaw.

Ano ba talaga ang gustong mangyari ng lalaking ito? Bulong pa n'ya sa sarili, habang pasimple n'ya itong tiningnan. Halos magkaharap lang kasi sila ni Joaquin sa pagkakaupo habang kumakain.

Kasalukuyan silang kumakain ng dinner ng sabay-sabay. Ito rin ang unang araw na nagkasabay sabay sila sa pagkain. Bukod pa sa pagkakataong s'ya ulit ang nagluto para sa pamilya n'ya.

But this time, mukhang nadagdagan na ang ipinagluto n'ya. Hindi na yata maiiwasan na palagi na n'yang makakaharap ang lalaking ito na pinaka-iiwasan n'ya nitong huling dalawang araw.

Kung mayroon mang natutuwa sa pagkakataong ito? Yun ay ang kanilang Papa Liandro. Naging sobrang sigla nito mula ng dumating sila. Hindi lang n'ya alam kung dahil sa kanya o sa anak nito. Isa lang ang alam niyang sigurado. Higit na sumigla ito dahil bumalik na si Joaquin.

Masaya s'ya para kay Liandro kahit ang katumbas nito ay kawalan n'ya ng kapanatagan. Halos dalawang araw pa lang silang nagsasama nito sa iisang bubong pero parang hindi na yata n'ya kakayanin ang ikatlo.

Hindi lang ilang beses n'ya itong nahuling nakatingin sa kanya. Tingin na tila naglalabas ng apoy na nakakapaso sa kanya. Dahilan tuloy para makaramdam s'ya ng guilt.

Pero ang nakapagtataka hindi lang ito ang nahuhuli n'yang nakamasid sa kanya. Mayroon pang isa si Maru'. Ang hindi n'ya maintindihan kung ano ba ang problema nito sa kanya?

Napansin din n'ya na palagi itong umiiwas sa kanya. Parang pakiramdam n'ya ayaw nitong maging close sila.

Pakiramdam n'ya palagi na lang itong nakatitig sa kanya sa tuwing nakatalikod s'ya. Hindi naman paghanga ang nakikita n'ya sa mga mata nito. Hindi naman n'ya ito magawang sitahin baka sabihin pa nito napapraning lang s'ya.

Hindi na tuloy n'ya alintana na kanina pa pala n'ya hindi nababawasan ang kanyang kinakain.

"Iha, okay ka lang ba? Hindi mo pa yata nababawasan ang kinakain mo? May problema ba, ano bang iniisip mo?" Nagulat pa s'ya ng biglang magtanong si Liandro. Ang akala n'ya hindi s'ya mapapansin ng mga ito. Dahil kanina pa abala ang mga ito sa pakikipag-usap sa isa't-isa.

Nakaupo ito sa adelenterang upuan, habang sa kaliwang gilid nito magkasunod na nakaupo si Joaquin at Maru' at sa kanan nito silang tatlo ni Joseph. Habang sa kanilang pagitan naman nakaupo si VJ.

"Hindi po okay lang ako, sige lang h'wag n'yo akong pansinin." Sabi n'ya na sinabayan ng pilit na ngiti.

"Mama kain ka na kasi ang sarap talaga ng luto mo, Mama! Gusto mo subuan na lang kita?" Natawa na lang s'ya sa sinabi nito. Buti na lang lagi na lang itong nasa timing sa pagrelieved ng stress n'ya. Hindi katulad ng ama nito. Saglit pa s'yang napatingin sa gawi ni Joaquin na nakatingin din pala sa kanila.

"Ang bait naman talaga ng baby ko okay lang ako anak, sige na kumain ka na kakain na rin ako." Nakangiti n'yang saad.

"Sige na VJ kumain ka na ako na lang ang magsusubo kay Mama mo." Biglang singit naman Joseph.

"Ayan Mama si Daddy Joseph na daw ang magsusubo sa'yo. Ayiie kakain na yan!" Tuwang sabi ni VJ na pumapalakpak pa. Dahilan para mapalakas ang kanilang pagtawa. Hindi lang sa paraan ng pagbibiro nito, pati na rin ang pagtawag nito ng Daddy kay Joseph. Na labis rin nitong ikinatuwa at ng Lolo Liandro nito.

Kung pagmamasdan, sila tila ba isang masayang pamilya.

Ngunit ang hindi nila namalayan may dalawang taong hindi magawang magsaya. Dahil parehong nasasaktan ng mga oras na iyon.

Si Joaquin na hindi na nakatiis, bigla na lang itong tumayo sa kabila ng kasiyahan na ikinagulat ng lahat.

"Ah! May kailangan pala akong gawin, please excuse me!" Bigla na itong tumalikod kahit may sinasabi pa si Liandro.

"Iho, hindi ka pa tapos kumain ah? Hindi ba pwedeng.." Bigla itong napatigil ng tuloy-tuloy nang umalis si Joaquin. Inisip na lang nito na marahil hindi nito nagustuhan ang biro ng bata. Dahil hindi pa rin nito tanggap ang presensya nito.

"Papa, anong nangyari du'n?" Si Joseph na nagtataka rin sa ikinilos nito. Nagkibit balikat lang ang kanilang Papa Liandro bilang tugon sa tanong nito.

Habang si Angela na napabuntong hininga na lang at sinundan na lang ng tingin ang biglang pag-alis na iyon ni Joaquin.

Paglingon naman n'ya kay Maru' parang mas dumoble ang talim ng tingin nito sa kanya na agad rin naman nitong binawi ang tingin ng mabatid nitong nakatingin na s'ya.

Ah! talagang naii-stress ako sa dalawang ito. Muling bulong n'ya sa sarili. Isang desisyon tuloy ang pumasok sa isip n'ya.

Gusto na ulit n'yang magtrabaho sa resort. Tutal ilang units na lang naman ang kailangan n'yang kuhanin sa school. Marami pa s'yang libreng oras. Kailangan n'yang maging abala upang makaiwas s'ya sa problema.

"Pa, magtrabaho na kaya ulit ako sa resort bukas."

"Ano?" Nagkasabay pang tanong ng mag-amang Joseph at Liandro.

"Naisip ko kasi wala din naman akong gagawin sa mga libre kong oras. Siguradong ma-tao sa resort ngayong holiday season. Pwede akong makatulong du'n hindi pa ako maiinip ng walang ginagawa." Paliwanag n'ya.

"Walang ginagawa? Dito lang sa bahay ang dami mo nang ginagawa. Hindi talaga uso sa'yo ang pahinga no? Baka naman masobrahan ka na n'yan, hindi ka ba napapagod?" Tugon ni Joseph na halatang tumututol.

Sasagutin na sana n'ya ito ng maunahan s'ya ni Liandro sa pagsasalita.

"Tama si Joseph anak, bakit hindi ka na lang muna mag-focus sa pag-aaral mo. Pagka-graduated mo siguradong tapos na rin ang magiging shop mo. Kaya magiging busy ka na rin by that time. Kaya mas maganda kung magrerelax ka muna tutal magbabakasyon na rin si VJ sa school. Magbonding na lang muna kayong mag-ina. Naiinip ka na ba iha?" Tanong pa nito.

"Nasanay na lang po siguro talaga ako na laging may ginagawa. Hindi ko naman po aabusuhin ang sarili ko Pa, ang gusto ko lang naman gamitin ang mga libre kong oras. Para kahit paano may magawa naman ako. Hindi rin naman ako magpu-fulItime papasyal pasyal lang ako. Sige na po pumayag na kayo, please?" Pakiusap pa n'ya na sinabayan pa ng pagsalikop ng mga kamay.

"Paano ba yan Joseph anak, mukhang hindi nanaman tayo mananalo nito?" Birong tanong pa ni Liandro.

"Ano pa nga ba Pa, sigurado namang hindi yan mapipigilan. But make sure na hindi ka magpapakapagud, okay. Dahil kapag napagod ka, kahit buhatin pa kita pauwi ng bahay talagang gagawin ko 'yun! Maliwanag ba?" Paniniguro pa nito sa kanya.

"Opo Sir! Super bait talaga ng darling ko. Alam ko namang papayag din kayo. Pero s'yempre kayo pa rin naman ang priority ko no!" Bukod sa endearment na ginamit n'ya, hindi rin n'ya napigilan ang sariling pindutin ang ilong nito bilang paglalambing pa dito.

Hindi na n'ya alintana na naroon pa rin si Maru' na labis ang inis na nararamdaman sa kanya.

Katibayan ang durog ng karne ng beef steak na kanina pa nito tinutusok ng tinidor. Nawalan na rin kasi ito ng gana, kaya bigla rin ang ginawa nitong pagtayo.

Pero bago 'yun nagawa pa nitong pasimpleng ilipat ang luray na karne sa platong iniwan ni Joaquin, upang pagtakpan ang sarili.

"Excuse me po! Tapos na akong kumain p'wede bang mauna na rin ako sa itaas? Medyo sumasakit po kasi ang ulo ko." Paalam na nito.

"Ah, ganu'n ba iha? Uminom ka agad ng gamot at kung gusto mo ng magpapahinga sige okay lang iha, mauna ka ng magpahinga!" Si Liandro na biglang nag-alala sa kalagayan nito.

"Sige po Sir!" paalam na nito, bago pa lumingon sa kanila.

Tinangoan lang n'ya ito, habang si Joseph na naka-plaster na ang ngiti.

"Okay ka lang ba Maru'? Uminom ka na agad ng gamot ha! Sige pahinga ka na bukas na lang ulit. Good night, Bro!" Sabi nito na umakbay pa kay Angela. Pero bakas din ang pag-aalala nito kay Maru'.

"Okay lang po ako Sir, pahinga lang po ito."

"VJ anak, say good night na to Tito Maru'." Utos naman n'ya kay VJ.

"Good night po Tito Maru'!"

"Good night, buddy!" sagot naman nito.

Lumipas pa ilang sandali sila naman ang nagpaalam sa isa't-isa upang magpahinga.

"Mabuti pa magpahinga na rin tayo, pare-pareho tayong may trabaho pa bukas. Sigurado ka na ba talaga iha na gusto mo ng bumalik sa resort bukas." Tanong pa ni Liandro sa kanya.

"Opo Pa, ihahatid ko lang po si VJ sa school nila bukas tuloy na ako sa resort." aniya.

"O sige iha, tutal narito ka na ikaw na ulit ang magmanage at mag-organize ng Christmas party ng mga empleyado natin ha?" Sabi pa nito ulit sabay akbay sa kanya at halik sa noo.

"Grabe ka Pa, ayaw magtrabaho pero binigyan mo agad ng assignment ah?" komento naman ni Joseph.

"Yun naman talaga ang plano ko kaya okay nga 'yun, Pa!" Agap n'yang sagot baka kasi magbago pa ang isip nito.

"Oo iha, nandito ka na ulit kaya sa'yo ko na ipagkakatiwala ulit ang bagay na yan ha? Nasanay na kasi ako na ikaw ang gumagawa n'yan iha." Sabi pa ulit nito.

H'wag na kayong mag-alala Papa, ako na ang bahala du'n." Nakangiti pa n'yang saad.

"Hay! salamat iha, iba talaga kapag nandito ka." niyakap pa s'ya nito at muling hinalikan sa noo. " Bueno magpahinga na tayo. Nilapitan nito si VJ at hinalikan. Sabay tapik nito sa balikat ni Joseph.

"Good night, Pa!"

"Good night, Paps!" Si VJ na mukhang inaantok na rin kaya nagpatiuna pa ito sa paglakad at pagpanhik.

"Nanay Sol, kayo na po bahala dito mukhang inaantok na yun Boss ko?" aniya saka tumawa.

"Sige na iha, kami na ang bahala dito magpahinga ka na rin. good night anak." Sabi pa nito.

"Salamat po nanay, good night po!" aniya, habang si Joseph na hinintay pa pala s'ya sa puno ng hagdan.

______

Tulog na tulog na si VJ sa tabi n'ya pero hindi pa rin s'ya dalawin ng antok. Marahil tulog na rin ang lahat maliban lang sa kanya. Isa lang naman ang gumugulo sa isip n'ya mula ng dumating s'ya. Kung paano ba n'ya maiiwasan ang problema?

Hindi tuloy matapos ang kanyang pagbuntong-hininga. Naisip n'yang bumaba na lang muna at uminom ng gatas. Baka sakaling makatulog s'ya?

Lumalakad s'ya sa pasilyo ng magulat s'ya ng bigla na lang may humawak sa kanyang braso. Muntik pa s'yang mapasigaw kung hindi lang maagap nitong natakpan ang kanyang bibig.

"H'wag kang sumigaw ako ito!" Bulong nito na kahit nakatalikod pa s'ya dito at nasa madilim na bahagi pa sila. Kilalang-kilala n'ya ang boses nito, maging ang amoy nito na memoryado na yata ng kanyang ilong at pandama. Dahil aminin man n'ya o hindi labis pa rin n'ya itong kinasasabikan. Lalo na nitong mga huling araw.

Saglit muna s'yang pumikit at pinakiramdaman itong mabuti.

Bago s'ya dahan-dahang humarap nang maramdaman n'yang unti-unti ring niluwagan nito ang kamay na nakahawak sa kanyang bibig.

Pagharap n'ya hindi na s'ya nagulat ng hawakan nito ng dalawang kamay ang kanyang mukha.

Pagkatapos ay sabik s'ya nitong kinuyumos ng halik, na tila ba ayaw nitong bigyan pa s'ya ng pagkakataon na makatutol.

Hinayaan lang n'ya ito sa paghalik sa kanya. Dahil ang totoo naman gusto rin n'ya ang ginagawa nito.

Kahit pa isang nakaw na sandali lang ang kanilang pinagsasaluhan. Kahit pa muli s'yang magkamali wala na s'yang pakialam.

Dahil sa mga oras na ito, wala s'yang gustong sundin kun'di ang isinisigaw ng kanyang puso. Iyon ay walang iba kun'di ang lalaking ito na ilang araw at gabi rin n'yang kinasabikang mayakap at mahagkan.

Ilang segundo pa ang lumilipas, kusa na rin s'yang tumutugon sa mga halik nito.

Ang hindi nila namalayan, isang anino sa dilim. Ang biglang napahinto ng maaninag sila sa dilim. Galing ito sa veranda at nagulat ito sa nakita. Dahil sa mahinang ilaw na tumatanglaw sa pasilyo.

Kahit pa nakakubli sila sa dilim. Malinaw pa rin nitong nakilala ang kanilang mga aura sa dilim. Labis man ang pagkagulat nito mas pinili pa rin nito na h'wag gumawa ng kahit anong ingay na maaaring makagulo sa kanila.

Subalit hindi maikakaila ang biglang pagtalim ng tingin nito sa kanila kahit pa sa dilim. Mababakas rin ang matinding poot sa mukha nito ng mga oras na iyon.

* * *

By: LadyGem25