Nagsimula sa pagkalabit ng gitara sa kabila ng katahimikan ng paligid. Hanggang sa isang awitin ang pumailanlang. Mula sa isang tao na bagama't biniyayaan ito ng magandang boses. Nanatiling simple at nakatago lang sa isang dampa sa gitna ng kabukiran.
Habang nakaupo ito sa isang upuang yari sa kawayan at naliliman ng isang malaking puno at patuloy sa pagkalabit ng kwerdas ng luma na nitong gitara.
Hanggang sa simulan na nito ang pag-awit sa napakalamyos na tinig..
"Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig na sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag"
"At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa.."
Isang pamilyar na kanta na sa pakiramdam n'ya dati na n'yang naririnig. Hindi lang dahil kanta ito ng isang kilalang singer, kung hindi mula sa mismong umaawit nito ngayon. Habang sinasabayan ng pagtugtog ng gitara. Napakaganda ng tinig nito tila ba tumatagos sa loob ng kanyang puso. Hanggang sa panibagong tinig na naman ang kanyang narinig..
"Oh, Papang! Sabi ko na nga ba at ikaw 'yan e.. akala ko naligaw na dito si manong Freddie Aguilar, magpapa- autograph pa naman sana ako!"
Napahinto naman ang lalaki sa pagkanta at natawa na lang ito sa sinabi ng anak na babae na labing dalawang taong gulang pa lamang.. Katabi nito ang kapatid na pitong taong gulang, na nakatakip pa ang kamay sa bibig habang tumatawa.
"Kayo talaga! Dumating na pala kayo, kanina pa kayo hinihintay ng Mamang n'yo."
Saglit na nagmano muna ang mga batang babae sa kanilang ama. Bago nagsiupo at pinagitnaan ang lalaki. Masaya itong nagsiupo kung saan nakaupo rin ang kanilang ama. Mabuti na lamang at naliliman ang kinauupuan nito ng isang malaking puno ng mangga at bukod pa sa malapit na ring magdapit hapon. Malapit lang ito sa harap ng kanilang bakuran.
Nakasuot pa ang mga batang babae ng kanilang uniporme, dahil kauuwi lang galing sa eskwela. Nagpatuloy naman ang kanilang ama sa pagkalabit sa kwerdas ng gitarang hawak nito. Pero saglit muna ulit itong tumigil upang muling magsalita.
"Hindi ba muna kayo magpapakita sa inyong mamang? Siguradong hinihintay na kayo niyon."
"Maya maya na lang Papang kanta ka muna ulit sige na!"
"Oo nga Papang sige na!"
Pangungulit pa ng mga ito sa kanilang ama.
"Ano kaya kung haranahin na lang natin si Mamang?"
"Tama Papang kantahin n'yo 'yung kantang paborito ni Mamang." Nagkakasundong mungkahi ng mga ito.
"Naku kayo talaga, ang aga-aga pa harana na?"
"Hay naku! Ang Papang talaga, may tamang oras pa ba para sa taong nagmamahal?"
"Sandali nga! Ang bata bata mo pa, bakit alam mo na ang mga salitang 'yan? H'wag mong sabihing..? Hindi, napakabata mo pa Amanda!"
Gulat na salita nito sa kanyang panganay na anak.
"Hindi po Papang!"
"Ay naku, sure ako narinig na naman 'yan ni ate kay Aling Coring na tsismosa. Puro kasi lovelife na lang pinag-uusapan n'un!"
"Isa ka pa, anong love life ka d'yan?"
"Papang kumanta na lang tayo, okay? H'wag ka nang high blood d'yan para masaya."
"Tama Papang kanta na tayo!"
"O s'ya sige na nga kumanta na lang tayo."
"Yes!" magkasabay pang sigaw ng kanyang mga anak.
Nagsimula na nga itong muling tumipa sa hawak na gitara at kumanta.
"Tan.. tan.. tan.. tararan.."
"Imagine me and you, I do
I think about you day and night, it's only right
To think about the girl you love and hold her tight
So happy together"
"If I should call you up, invest a dime
And you say you belong to me and ease my mind
Imagine how the world could be, so very fine
So happy together"
Noong una mataman lang silang nakikinig sa kanilang ama. Pikit mata pa nilang ninanamnam ang tinig nito na gustong-gusto nilang naririnig sa tuwina.
Nang magtagal unti-unti sinasabayan na nila ito sa pagkanta.
"I can't see me lovin' nobody but you
For all my life
When you're with me, baby the skies'll be blue
For all my life"
Hanggang sa hindi lang pagkanta, sinasabayan na rin nila ito ng pagsayaw. Magkahawak kamay silang magkapatid habang sabay-sabay silang kumakanta.
"Me and you and you and me
No matter how they toss the dice, it had to be
The only one for me is you, and you for me
So happy together"
Nang bigla na lang lumabas ang kanilang ina. Dahil sa ingay na narinig..
"Ano bang ingay...? Aba narito na pala kayo! Kanina pa ba kayo dumating?" Dahan-dahan itong bumaba sa tatlong baitang na hagdanan ng kanilang bahay. Medyo hirap na kasi itong humakbang dahil sa lumalaki na rin ang tiyan, magwawalong buwan na kasi itong buntis.
"Mahal.. mag-iingat ka!" Biglang sigaw ng kanilang ama. Nang makita nito na pababa na ang asawa.
"Uy! Ang sweet naman ng Papang... Mamang sali ka sa aming kumanta!" Tumayo ito para magmano, subalit naunahan ito ng nakababatang kapatid sa paglapit at pagmano sa kanilang ina.
"Sige na Mamang kanta na tayo." Lambing nito sa ina habang akay nila itong magkapatid.
"Hay naku! Amanda anak kayo na lang ng Papang mo. Alam mo naman ako anak, nagmana sa'yo hindi marunong kumanta."
"Oh, hayan Ate.. hindi na ako ang nagsabi n'yan si Mamang na!" Saka ito tumawa na sinabayan pa ng kanyang ama. Napatingin pa s'ya sa kanyang ina na pigil rin ang pagtawa.
"Ang Mamang talaga KJ na judgemental pa, at least nagmana talaga ako sa'yo. Kasi pareho tayong maganda." Bulong pa nito sa ina.
"Ay, naku! Balang araw mas magiging maganda ako sa'yo ate, dadaigin pa kita. Nagmana yata ako sa kagwapuhan ng Papang ko!" sabay yakap nito sa braso ng ama.
"Naku, paano ba yan mahal? Siguradong hindi na naman titigil ang mga dalaga natin."
"Ano pa nga ba?"
"Mabuti pa kumanta na lang tayo!" Nagkasabay-sabay pa nilang saad at sabay-sabay ring nagtawanan.
Tila ba larawan sila ng isang napakasayang pamilya at walang problema. Nagkakatawanan pang muli ng sabay-sabay nga silang kumanta..
"I can't see me lovin' nobody but you
For all my life
When you're with me, baby the skies'll be blue
For all my life"
Sabay-sabay nilang pagkanta..
"Me and you and you and me
No matter how they toss the dice, it had to be
The only one for me is you, and you for me
So happy together"
Habang paikot-ikot rin silang sumasayaw..
Ba-ba-ba-ba ba-ba-ba-ba ba-ba-ba ba-ba-ba-ba
Ba-ba-ba-ba ba-ba-ba-ba ba-ba-ba ba-ba-ba-ba
Habang ang kanilang ama walang tigil rin sa pagtipa ng hawak nitong gitara at sa masiglang pagkanta..
"Me and you and you and me
No matter how they toss the dice, it had to be
The only one for me is you, and you for me
So happy together"
Masayang-masaya sila ng araw na iyon. Walang pagsidlan ang kaligayahan nilang nadarama tulad ng kanilang inaawit.
"They're happy together."
"So happy together
How is the weather
So happy together
We're happy together
So happy together
Happy together
So happy together
So happy together"
Mariin hinawakan n'ya ang kamay ng kanyang kapatid at sumabay sa pag-ikot nito. Saglit s'yang napapikit upang namnamin ang kaligayahang nadarama ng mga sandaling iyon, kasama ang kanyang pamilya.
(ba-ba-ba-ba ba-ba-ba-ba)
Habang nakapikit narinig pa n'ya ang huling tinig ng kanyang ama at ang pagsigaw nito sa kanyang pangalan..
"Amandaaa.. Anak!
Pero bakit ganu'n, tila ba parang palayo ito ng palayo sa kanyang pandinig?
Agad s'yang napadilat at saglit na natigilan..
"Huh! Nasaan ako, anong ginagawa ko dito?" Bulong n'ya sa kanyang sarili.
Awtomatikong umikot ang tingin n'ya sa paligid. Tila nasa tuktok s'ya ng isang burol at wala s'yang nakikitang kahit ano? Maliban lang sa mga tumutubong damo sa paligid nito.
Pero bakit s'ya napunta rito? Bulong ng kanyang isip na puno ng pagtataka. Saka bakit ako lang ang narito nasaan na sila?
Nagsimula na s'yang makaramdam ng kaba at takot kasabay ng paghahanap ng kanyang mga mata..
Subalit ano mang biling ang kanyang gawin, tila umiikot lang.. Wala talaga s'yang makita na kahit ano man sa lugar na ito.
Bagama't maliwanag ang paligid subalit walang bahay, walang puno o halaman, maliban lang sa puro damo at parang kapag tinalunton n'ya ang bawat paligid nito mahuhulog lang s'ya pababa.
Natatakot na s'ya..
Nasaan na ba sila?
Nauna na ba silang nahulog? Inosenteng tanong ng isip n'ya.
"Mamang.. Nasaan na kayo?"
"Natatakot na ako magpakita na kayo!"
"Bakit n'yo ba ako iniwan?" Hindi na n'ya napigilan ang pag-iyak at takot na takot na rin s'ya. Punong-puno rin s'ya ng pagkalito sa nangyayari.
"Papa-aang!" Malakas na n'yang sigaw.. Subalit tila wala sa kanyang nakaririnig.
"Papang?!"
Pabiling-biling ang kanyang ulo, gusto n'yang sumigaw at gusto rin n'yang gumalaw. Pero bakit hindi n'ya magawa?
Nararamdaman n'ya ang pag-agos ng luha sa kanyang mga mata at nakaririnig rin s'ya ng mga boses.
May naririnig rin s'yang tumatawag sa kanyang pangalan. Subalit hindi ito ang pangalang gusto n'yang marinig.
"Angela.. Angela!"
May hinahanap s'yang mga pamilyar na boses pero bakit nawala? Iba ang gusto n'yang marinig, kaya hindi pa n'ya gustong dumilat.
Nasaan na ang mga tinig na iyon?
Bakit bigla silang nawala?
"Angela.. okay ka lang ba?"
"Nars! Tumawag na kayo ng Doctor, bilisan n'yo!"
Naririnig n'ya na tila nagpapanic na ang mga nasa paligid n'ya. Pero patuloy lang s'yang nakapikit at tuloy rin sa pagdaloy ang kanyang luha.
"Sandali na lang baka bumalik rin ang mga tinig na iyon. Pakiusap h'wag n'yo muna akong gisingin, sandali na lang.."
Bulong ng kanyang isip.
"Doc, anong nangyayari, kanina ko pa s'ya ginigising. Pero bakit hindi s'ya magising umiiyak lang s'ya at umuungol."
"No need to worry, okay naman s'ya normal naman ang vital signs n'ya wala na rin s'yang lagnat. I think it's a normal. Maaaring nanaginip lang s'ya kanina, kaya wala na kayong dapat ipag-alala."
"Sigurado ka ba Doc?" Tanong pa ni Joseph sa kaharap na doctor.
"Definitely iho, Alam naman natin na hindi ganu'n kadali ang pinagdadaanan n'ya. I think she need to understand every moment in time. Don't let her to be stressed, for the meantime she need a totally rest."
"Siguro nga medyo nai-stress s'ya lately, kumpadre. Hindi yata tama na pinayagan ko s'yang bumalik agad sa resort. Dapat nagpapahinga pa s'ya, kung kailan lang naman s'ya dumating."
"Wala naman akong nakikitang problema du'n pare, kung saan s'ya magiging komportable at masaya mas mabuti?" Saglit pa itong tumingin kay Angela bago muling nagpatuloy.
"Meron sana akong gustong hilingin.. Maaari bang iwanan n'yo muna kami ng pasyente ko? Gusto ko pa sana s'yang masuring mabuti, sandali lang naman kung pwede sana kaming dalawa lang lumabas muna kayong lahat. After ten to fifteen minutes, pwede na ulit kayong pumasok. Okay lang ba?" sabi nito na may kasama pang pakiusap.
"Bakit po Doc may problema po ba sa kanya? Akala ko ba okay na s'ya?" Nag-aalala tanong ni Joseph.
Tumingin muna ito kay Liandro bago ito sumagot.
"Yes Iho, she's okay now." sagot naman ng Doctor.
Sasagot pa sana si Joseph at magtatanong pero pinigilan na ito at inakbayan na ni Liandro at iginiya palabas. Kaya wala na rin itong nagawa kun'di sumunod na lamang sa kabila ng pagtataka nito.
"Ah, Iho sundin na lang natin si Doc tayo na.. Doon na muna tayo sa labas, si Dr. Ramirez na ang bahala sa kanya."
Dahil malaki ang tiwala nila sa Doctor sumunod na rin s'ya sa hiling nito.
Paglabas ng mag-ama isinara na ng doctor ang pinto..
"Pwede ka nang dumilat wala na sila, alam kong gising ka na.." Sabi nito, pagkatapos lumakad ito at dumeretso ng upo sa silyang katabi ng hospital bed na gamit n'ya at prenteng naupo.
Siya si Dr. Darren Ramirez isa s'yang surgeon at isa ring Neuropsychologist. Limang taon na ring s'ya, ang personal na doctor ni Angela. Kasama rin s'ya sa nagsagawa operasyon dito, noong halos wala na itong buhay ng dalhin ito sa ospital.
Noong unang makita n'ya ito sa kaawa-awang kagayan, hindi na s'ya nag-aksaya ng oras upang iligtas ito sa tiyak na kamatayan.
Tulad ng kaibigan n'yang si Liandro isa lang ang hinangad nila ng mga oras iyon, ang madugtungan pa sana ang buhay nito. Hindi naman sila nabigo.
Dahil naging matagumpay ang operasyon at sa loob ng limang taon, nasubaybayan n'ya kung paano ito nabuhay ng normal. Maliban lang sa nawalan ito ng alaala.
Ang totoo magaan na agad ang loob n'ya sa babae sa una pa lamang n'ya itong makita, at maging ang kanyang pamilya ay malapit ang loob dito. Lalo na ang kanyang mga anak. Kung hindi ito kinupkop ni Liandro marahil s'ya ang kumupkop sa babae.
Dahil sa loob ng limang taon na nasubaybayan n'ya ito. Kahit pa hindi na nito kilala ang sarili, masasabi n'yang mabuti itong tao. Kaya naniniwala siyang galing ito sa mabuting pamilya.
At kahit walang kasiguruhan isa s'ya sa matutuwa na gumaling ito ng tuluyan. Dahil sigurado s'yang maaaring hinahanap na rin ito ng sarili nitong pamilya.
Kahit hindi pa ito pumabor sa kaibigan n'ya, mas hahangarin pa rin n'ya na bumalik na ang alaala nito at nang makabalik na sa totoong pamilya nito.
Dahil alam na alam n'ya ang pakiramdam ng nawalan ng isang miyembro ng pamilya.
Dahil naniniwala siyang tulad din ng pamilya niya. Hanggang ngayon maaaring naghahanap pa rin ang mga ito. Sadyang mahirap lang talagang maghanap ng taong hindi mo alam kung saan mo sisimulang hanapin.
Bilang isang doctor hangad n'ya ang tuluyan nitong paggaling. Bukod doon ang pagbalik ng nawawala nitong alaala ang mas makakabuti para dito. At sisiguraduhin n'yang gagawin n'ya ang lahat para matulungan ito..
"Iha, gumising ka na.. pati ba ako gusto mo ring iwasan?" Sabi nito sa malumanay na tinig.
Dahan-dahan s'yang dumilat at ang kaninang walang tunog na pag-iyak ngayon ay naging hagulgol.
Talagang kilalang-kilala na s'ya ng doctor. Bukod kasi sa kanilang Papa Liandro isa rin ito sa pinagkakatiwalaan niya.
Hindi lang ito isang doctor para
sa kanya, para na rin n'ya itong ama at ramdam n'ya na anak rin ang turing nito sa kanya. Bukod pa sa ito rin ang Papa ni Doreen ang kanyang bestfriend.
"May dinaramdam ka ba iha? Sabi nila nakita ka nila kahapon na lumusong sa dagat, totoo ba 'yun?" Pangunahing tanong nito kanya.
Tango lang ang isinagot n'ya sa doctor at dahil sa biglang bugso ng kanyang emosyon, napabangon s'yang bigla at napayakap na lang s'ya dito. Hindi n'ya alam pero hindi na s'ya nahihiyang umiyak sa balikat nito. Alam kasi n'yang pamilya na ang turing nito sa kanya.
Matalik na kaibigan rin ito ng kanilang Papa at kapag umaalis ng bahay si Liandro at wala rin sa bahay si Joseph. Madalas na sa bahay nito sila natutulog ni VJ, hinahatid sila ni Liandro sa bahay nito o kaya sinusundo o pinasusundo sila nito sa bahay.
Kaya naman nasanay na sila sa ganitong routine palagi, kaya palagay na rin ang loob n'ya sa doctor at maging sa pamilya nito, lalo na kay Doreen.
"Tahan na anak, sige ka papangit ka n'yan! Ang ganda-ganda mo pa naman.."
Bigla s'yang napabitaw sa pagkakayakap sa doctor at napatitig dito. Hindi s'ya maaaring magkamali, narinig na n'ya ang sinabi nito at meron na ring nagsabi nito sa kanya. Ganoong ganu'n din, para pa nga n'yang naririnig ito sa kanyang mga tainga..
At.. at katulad ito ng boses sa panaginip n'ya, tama!
"Ah, Iha bakit?" Nagtatakang tanong ng doctor.
"Pa-papang?!"
"Ano?!"
* * *
By: LadyGem25