Mula sa Cebu hanggang Manila, bumaba sila ng eroplano sakay ng domestic flight. Ilang sandali pa ang lumipas lulan na sila ng taxi patungong Alabang.
Dahil sa mahabang byahe nakatulog na ang dalawang taong gulang n'yang anak. Nakahiga ito at nakaunan sa kanya at tila mahimbing na natutulog. Mas pinili nilang maupo sa likurang upuan, habang nasa harap sa tabi ng driver ang kasama nilang si Yolly.
Habang pinagmamasdan n'ya ang anak hindi n'ya maiwasang hindi makaramdam ng awa dito. Napakabata pa nito para makaranas ng sama ng loob kaya gagawin n'ya ang lahat maging masaya lang ito.
"H'wag kang mag-alala anak, ngayong pareho na tayong malapit sa Daddy mo. Sisiguraduhin kong makikita at makikilala mo na rin s'ya at hindi na 'yun magtatagal anak, pangako ko 'yan sa'yo!" Bulong n'ya sa sarili, habang hinahaplos ang noo at buhok nito.
Hanggang sa makarating sila ng Alabang at huminto sa lugar na ibinigay n'yang address sa sinasakyan nilang taxi. Pinahinto n'ya ito sa harap ng isang bahay na may dalawang palapag.
Hindi man ito kalakihan na tulad ng mga ibang nadaanan nilang naglalakihang bahay dito sa Alabang. Hindi naman pahuhuli ang ganda nito dahil sa gawa ito sa pinaghalong concrete blocks at glass wall na ding ding at puno rin ng iba't ibang makabagong istraktura.
Ilang minuto rin silang nakatayo lang sa harap ng steel bars na gate. Tila ba nag-aatubili pa s'ya kung pipindutin ba n'ya ang door bell o hindi? Para kasing nag-aalangan pa s'ya kung tama ba ang kanyang gagawin. Bigla kasi s'yang nakaramdam ng hiya.
Kung pwede nga lang sana na dumeretso na sila agad sa bahay ng ama ng kanyang anak, ginawa na n'ya sana. Lalo na kung para sa kabutihan ng kanyang anak. Pero hindi pa ito posible ngayon, pero sisiguraduhin kong hindi masasayang ang lahat ng pinaplano ko. Makikilala ka rin n'ya anak at sisiguraduhin ko rin na mamahalin ka n'ya ng higit kanino man. Bulong pa n'ya sa sarili.
Hindi naman pwedeng iwan n'ya ang kanyang anak kung saan lang kapag umaalis s'ya lalo na kung dito sa Manila. Kaya naisip n'ya tama lang ang kanyang pasya at para ito sa kanyang anak.
Pipindutin na sana n'ya ang door bell subalit may gwardya nang lumapit sa gate. Minsan na rin s'yang tumira dito kaya lang matagal na iyon. Kaya hindi n'ya alam kung kilala pa rin s'ya ng mga kasambahay.
"Ano po 'yun, may kailangan ba kayo?" Tanong ng guard.
"Manong, nandito po ba si Madi?" Tanong n'ya.
"Eh' sino po ba kayo ma'am may kailangan po ba kayo sa kanya?" Tanong pa ulit nito.
"Ah, Manong dati na po akong pumupunta dito. Pwede po bang pakisabi kay Madi na nandito na kami. Alam po n'ya na darating ako ngayon!" Sabi ulit n'ya sa kausap.
"Eh' ma'am ano po bang pangalan ang sasabihin ko? Hindi ko po kasi kayo kilala kaya hindi ko po kayo basta mapapasok pasensya na po ma'am! Itatanong ko lang po muna kung kilala talaga kayo ni Madam, itatawag ko lang po muna sa loob." Sabi nito.
Nakaramdam man s'ya ng konting inis. Pero naiintindihan naman n'ya ito tama lang ang ginagawa na hindi ito basta basta nagpapasok.
"Pakisabi na lang po narito na si Pancake." Ito kasi ang pet name nito sa kanya. Para daw kasi s'yang pancake soft and floppy.
"Ah' kayo po ba 'yun pancake ma'am?" Kakamot-kamot sa ulo nitong tanong. "Ibinilin na po kayo sa amin ni Madam pasok na po kayo. Pasensya na po ma'am akala ko po kasi.." Hindi na nito Itinuloy pa ang sasabihin tila nag-atubili ito at nahiya. Bagkus niluwagan na lang nito ang bukas ng gate.
"Akala mo bakla? Hindi po ako bakla Manong, babae po ako!" S'ya na ang nagtuloy ng dapat sana'y gustong sabihin nito.
"Tayo na po sa loob ma'am, kanina pa po kayo hinihintay ni Madam hindi po s'ya tumuloy sa lakad n'ya. Dahil nga po alam n'ya na darating kayo." Nang mapansin nito ang mga dalahin nila nag-insist pa itong tulungan sila tila ba bumabawi naman ito sa maling pagtanggap nito sa kanila kani-kanina lang.
"Ako na po d'yan ma'am, deretso na po tayo sa loob." Sabi pa nito sabay hila nito sa maleta nilang dala at sa isang may kalakihang nilang bag.
"Salamat!" Natuwa naman s'ya dito dahil kahit pa hirap ito sa pagdala pinilit pa rin nitong bitbitin ang mga gamit nila. Marahil hindi nito gustong mawalan agad ng trabaho dahil takot na baka isumbong nila.
"Ay, baklaaaa! Narito ka na pala bakit ngayon ka lang bruha ka?!" Malakas na sigaw at salubong sa kanya ng kaibigang si Armando Soliven aka Madi. Isa itong trans gender at base sa itsura nito halos hindi muna mahahalata na dati pala itong ipinanganak na lalaki. Ang ganda kasi nito ngayon, lalo pa nitong naalagaan ang sarili.
Palibhasa may pera at magandang trabaho. Isa itong kilalang Fashion designer hindi lang dito sa bansa, maging sa labas ng Pilipinas.
Hindi rin ito magkandatuto sa pagsalubong sa kanya. Nang makita s'ya nitong papasok sa loob ng bahay at tila galing naman ito sa kusina. Pagkatapos magbeso-beso nagyakap pa sila. Masaya s'ya na walang nagbago sa kanila, hindi ito nagbago sa kanya.
Like the same Madi nothing had changed. after what happened and she had done before. He still the same. Kahit halos tatlong taon na rin ang nakalipas. Noong bigla s'yang umalis sa poder nito nang walang paalam.
After a year pa ng muli s'yang makipag communicate ulit dito. Nasa Cebu na s'ya noon at kapapanganak lang inilihim n'ya dito ang tungkol sa kanyang anak. Madalas itong mag-insist na pupuntahan s'ya nito sa Cebu at susunduin. Pero nagpaka tanggi-tanggi s'ya dito.
Nang mga panahong iyon kasi, ayaw muna n'yang pag-usapan s'ya ng mga kakilala at mga kaibigan n'ya. Bukod sa hindi n'ya alam kung paano n'ya ipaliliwanag ang biglaan n'yang pagbubuntis na walang kikilalaning ama ang bata.
Kahit kay Madi mismo hindi n'ya ipinaalam. Siguradong kukulitin kasi s'ya nito at paaminin kung sino ang ama ng anak. Yun ang hindi n'ya maaaring sabihin dito. Dahil kilalang-kilala nito ang ama ng kanyang anak.
Nang panahong iyon hindi pa s'ya handang sabihin dito ang totoo. Bukod sa paano ba n'ya sasabihin dito na nabuntis s'ya ng dahil sa isang one night stand relationship? Dahil sa isang gabi ng kabaliwan, isipin pa na napaka bata pa n'ya noon.
Kasalukuyan s'yang nag-aaral sa kolehiyo noon at si Madi ang tumutulong sa kanya para lang makapag-aral. Pero ano ba itong ginawa n'ya?
After all malalaman nito na buntis s'ya at sa lalaki pang ni hindi n'ya naging boyfriend. Kaya patakas s'yang umalis ng bahay nito at mula noon halos tatlong taon din silang hindi nagkita ng kaibigan.
Habang palalim ang kanyang iniisip, paikot-ikot naman s'ya nitong pinagmamasdan. Tila ba sinusuri s'ya nitong mabuti.
"Grabe, bakla sigurado ka ba talagang nanganak ka? Saan mo ba dinala ang batang ito, sa'yo ba talaga s'ya nanggaling? Wala man lang bakas na nanganak ka, parang hindi ka nanganak!" Tumingin pa ito sa kanyang anak na buhat ni ate yolly ang tagapag-alaga nito.
"Pero napakagandang bata, halika nga anak!" Kinuha nito ang bata na sa una nag-aalangan pa ito pero sa huli sumama rin ito. "Naku h'wag ka lang anak magmamana sa ina mo. Sigurado magkakasundo tayo." Sabay tingin at irap nito sa kanya.
"Sorry na!" Sabi n'ya alam n'yang matagal nang nagtatampo ito sa kanya.
"Sorry ka d'yan! Marami kang dapat sabihin at ipaliwanag sa akin. Baka akala mo nakalimutan ko na!" Sabi nito.
Napahinga s'ya ng malalim alam n'yang hindi nito palalagpasin ang pagkakataon na masabi n'ya dito ang lahat nangyari sa kanya.
"Alam ko naman 'yun promise sasabihin ko sa'yo ang lahat.." Hindi pa sana s'ya tapos pero muli na itong nagsalita.
"Oh, s'ya mabuti pa magbihis na muna kayo, pinalinis ko na 'yun dating kwarto mo sa itaas. Pagkatapos n'yong magbihis bumaba kayo agad at nagpaluto ako ng pagkain. Kakain tayo at siguradong nagutom kayo sa byahe, sige na hihintayin ko na lang kayo sa dining. Okay?" Tuloy tuloy na salita nito. Pagkatapos ipinasa na ulit nito ang bata sa yaya nito.
"Thank you!" Tanging naisagot n'ya.
"Thank you ka d'yan, baka naman mahiya ka pa bruha ka! Dito ka nakatira!" Paalala pa nito.
"The best ka talaga!" Hindi na n'ya natiis na yakapin ito ulit sa kabila ng lahat ng ginawa n'ya. Hindi pa rin ito nagbago sa kanya kahit alam n'yang nasaktan n'ya ito sa biglaan n'yang pag-alis noon.
"Oh, sige na magbihis na kayo naiiyak din tuloy ako sa'yo nakakainis ka!" Taboy na nito sa kanya. "Pero na-miss kita!"
"Na-miss kita!" Nagkasabay pa nilang saad sa isa't-isa at sabay ding nagtawanan. Maya-maya tuluyan na silang itinaboy nito upang magbihis. Para naman s'yang nabunutan ng tinik, dahil ngayon hindi na s'ya mag-aalala sa anak may titingin na dito sa tuwing aalis s'ya.
Napakabait talaga nito, ito ang tumayong ate, kuya, Nanay at Tatay sa kanya mula ng mapunta s'ya ng Manila. Nangungupahan pa lang ito noon hanggang sa nakapagtayo na ng sariling bahay.
_____
Pagkatapos ng insidenteng iyon ilang araw na rin ang lumipas. Hindi na n'ya muli pang nakita ang babaing nagngangalang Amanda. Hanggang ngayon hindi pa rin n'ya maintindihan ang sarili kung bakit n'ya nagawang lapitan ito. Kahit wala s'yang maisip na dahilan maliban sa pangalan nito. Samantalang ang dami namang may ganoong pangalan.
Bakit ba n'ya nagawa ang bagay na iyon, nakakahiya! Mabuti na lang kasama n'ya noon si Doreen. Dahil ito ang nagsalba sa kanya sa nakakahiyang pangyayaring iyon.
Naisip n'yang maglakad-lakad muna sila ni VJ sa tabing dagat habang hinihintay nila ang driver na susundo sa kanila pauwi ng bahay. Kanina pa n'ya kasama si VJ s'ya na rin ang sumundo dito kanina sa school. Dahil wala na itong klase sa hapon ngayong araw, kaya isinama na lang n'ya ito sa Resort.
Dahil out of town din si Joseph ngayong araw kaya silang dalawa lang ni VJ ang magkasama. Nakipagmeeting kasi ito sa mga kliyente para sa bago nitong project para sa susunod na buwan.
Tamang-tama naman na patapos na rin ang pinapagawa nilang Bakeshop. Excited na talaga s'ya dito, dahil makapagsisimula na s'ya ng sarili n'yang negosyo.
Mahigit sa isang buwan na lang naman ang ipapasok n'ya sa eskwela. Naghahanda na nga ang University para sa Graduation at two weeks from now malalaman na nila kung sino ang mapalad na mangunguna sa klase.
Mapalad s'ya na kasama sa top at ang hinihintay lang naman n'ya ang ma-secure n'ya ang pagiging cum laude. Hindi man s'ya ang mapalad na nanguna sa klase.
But she still proud to be the second or third honor. Hindi na nakakahiya para sa kanyang anak, na ngayon ay nangunguna sa klase. Kanina lang ito sinabi sa kanya ng teacher nito. Kahit na nasa Kinder pa lang ang kanyang anak makikita na ang galing nito sa academic. Kaya naman proud Mommy ang pakiramdam n'ya kanina.
Mamaya magluluto sila ng special na hapunan bilang advance celebration. Kaya mamaya na lang din n'ya balak sabihin sa lahat ang tungkol dito.
"Mama! Kailan uuwi si Tito Joseph?" Malambing na tanong ni VJ.
"Baka sa Sunday pa anak, bakit nami-miss mo na ba si Tito Joseph mo?" Tanong n'ya sa anak, ngunit tanong lang din ang isinagot nito.
"Ikaw po Mama nami-miss mo na ba s'ya?"
Saglit s'yang natigilan sa tanong nito kasabay ng pagtataka kung bakit nito naitanong iyon?
"Ah, oo naman, sandali nga bakit mo naman naitanong ha?"
Ngumiti at umiling lang ito subalit ilang saglit lang ang lumipas muli itong nagtanong..
"Mama, kapag ba sinabi ko kay Tito Joseph na love ko na si Papa magagalit din ba sa akin si Tito Joseph?"
"Ha! S'yempre hindi, bakit mo naman nasabi 'yan?" Nagtataka n'yang tanong.
"Bakit ikaw Mama? Narinig ko kasi sabi ni Yaya Didang kay ate Berta. Kapag nalaman ni Tito Joseph na love mo rin si Papa magagalit s'ya sa'yo. Mama totoo bang love mo si Papa?"
"Ha! Anak, bakit mo iniisip 'yan? Hindi ka dapat nakikinig sa usapan ng matatanda. Hindi 'yun ganu'n anak, love ko sila pareho kasi hindi ba family tayo. Kaya dapat pareho natin silang love, okay?" Paliwanag na lang n'ya sa anak, 'yun lang kasi ang naiisip n'yang sabihin dito.
Ang totoo hindi n'ya alam kung kanino s'ya unang magagalit sa Yaya ba nito o sa sarili n'ya. Tila nahahati ang damdamin ng kanyang anak dahil sa sitwasyon nito sa pagitan ng tiyuhin at ama. Katulad rin ng damdamin n'ya ngayon.
Matagal-tagal na rin silang naglalakad ng makarating sila sa tabing dagat. Palubog na ang araw kaya hindi na ito masakit sa balat. Dahil sa malayo na naman ang narating ng kanyang isip.
Kaya nagulat pa s'ya ng biglang hilahin ni VJ ang kanyang kamay at ituro nito si Joaquin sa hindi kalayuan.
"Mama look, si Papa 'yun oh? Halika Mama lapitan natin." Hila s'ya nito at hindi na n'ya nagawang pigilan.
"Teka sandali lang anak!"
Habang palapit sila napansin n'ya na hindi pala ito nag-iisa may kasama ito malapit sa dalampasigan. Kaya bigla s'yang napahinto at natigilan. Napahinto rin si VJ at nagtatakang tumingin sa kanya, subalit saglit lang muli nitong ibinaling ang tingin sa ama. Mahigit isang metro lang naman ang layo mula sa kanilang kinatatayuan.
Kahit pa patalikod sa kanilang direksyon ang babaing kasama nito. Sa tingin n'ya maganda ito base sa pigura ng katawan at kinis ng balat. Bigla na naman tuloy n'ya itong naipagkumpara sa kanyang sarili at bigla na naman s'yang nakaramdam ng panliliit.
"Mama bakit ka sad?" Hindi tuloy n'ya napansin na pinagmamasdan na pala s'ya ng anak.
"Ha! Hindi naman ah?" Gulat at lito n'yang sagot sa mahina at mababang tono. Dahil nag-aalala s'ya na baka magambala nila ang ama nito.
"Mama ayaw mo ba na may kasamang iba si Papa?" Biglang tanong ulit nito.
"Ah, hindi naman anak!" Natataranta na s'ya sa mga tanong nito. Napansin din n'ya na parang naging madaldal ito ngayon.
"Ako ayoko ng may ibang love si Papa, gusto ko tayo lang ang love n'ya Mama!" Mariin na saad nito na tila ba may pagbabanta sa tono, nakasimangot at bahagyang talim ang mga mata.
"Papaaa!" Malakas na nitong sigaw at pagtawag kay Joaquin.
Hindi na n'ya ito nagawang pigilan pa, naagaw na nito ang atensyon ni Joaquin at nang babaing kasama nito.
Hindi!
Sigaw ng isip n'ya, kung nagulat s'ya sa biglang pagsigaw ng kanyang anak sa ama nito..
Mas ikinagulat n'ya ng malaman kung sino ang babaing kasama nito ngayon!
"A-Amanda?"
* * *
By: LadyGem25