Gulat at hindi siya makapaniwala sa kanyang nasaksihan ng mga oras na iyon.
Saglit niyang iniwan si VJ sa Sala para sana ikuha ito ng maiinom. Subalit pagpasok pa lang niya sa pintuan ng dining nalanghap na niya ang mabangong amoy ng nilulutong dessert.
Kaya alam na niyang nagbi-bake na nang cake si Angela. Naisip niyang silipin muna ito bago siya kumuha ng maiinom.
Pero pagpasok pa lang niya sa baking section nito iba na ang kanyang nasaksihan.
Si Joaquin habang sinusubukan nitong halikan si Angela mula sa likuran. Kailan pa ito naging bastos kumilos? Naitanong niya sa sarili. Dahil sa pagsulak ng galit bigla niya itong sinigawan.
"Joaquin?!"
Malakas na sigaw ni Liandro sa anak na si Joaquin.
Nagulat naman si Angela at napalingon sa pinanggalingan ng tinig. Agad itong nabahala at nakaramdam ng kaba pagkakita nito kay Liandro na tila galit. Lalo na nang makita si Joaquin sa kanyang likuran. Naisip niya ang posibleng mangyari.
Nang marinig naman siyang sumigaw ni Joaquin...
Saglit lang ito natinag at saglit ding lumingon sa kanya subalit tila hindi naman ito nabahala.
Lalapitan na sana ito ni Liandro subalit may iba pang nangyari...
Si Angela muntikang mawalan ng balanse ng dahil na rin sa biglang pag-iwas nito sa lalaki.
Mabuti na lang at nasalo ito agad ng binata, bago pa ito tuluyang mabuwal.
Isa na namang maling gawi nito ang lubhang nakabahala kay Liandro.
Kahit pa ang intensyon nito ay tulungan lang si Angela. Pero iba pa rin ang naging kahulugan nito sa kanya. Dahil halos nakayakap na ito ngayon sa dalaga.
Anong ibig sabihin nito at bakit niya ito ginagawa? Muli niyang naitanong sa isip...
Nitong huli napapansin na niyang may mga kakaiba itong mga ikinikilos. Pero hindi niya gustong isipin na aabot sa ganito ang lahat, nagkakagusto na rin ba ito kay Angela?
"Ano bang ginagawa mo... Joaquin?! Kailan ka pa naging bastos, hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo?"
Mariin at halatang nagpipigil lang ito ng galit.
"Papa..."
Umiiling at naguguluhan saad ni Joaquin. Tila nangangapa pa ito ng sasabihin. Hanggang sa matagpuan niya ang sariling nakatingin kay Angela upang dito ipaubaya kung ano ba ang dapat niyang gawin?
Subalit mabilis itong umiling at mabilis na bumitaw sa kanya na tila takot na takot na baka may masabi siya...
Napailing na lang si Joaquin habang pinagmamasdan ito.
Laglag ang kanyang balikat na napayuko bilang pagsuko. Para kasing nahuhulaan na niya ang gusto nito.
Dahil hindi na rin niya kayang tagalan pa na makita itong nahihirapan. Kaya naman alam na rin niya kung ano ang dapat niyang gawin.
Ano pa ba ang magagawa niya ngayon? Kung muli na naman itong naduduwag...
"I'm sorry, nagkamali ako hindi ko dapat ginawa 'yun! Papa kung gusto mo akong parusahan tatanggapin ko. Pero pwede ba kalimutan na lang natin ito. H'wag na sanang malaman pa ni kuya Joseph. A-ayoko na sanang magkaroon pa sila ng problema ng dahil sa ginawa ko, please Papa!" Nakayuko pa rin ang ulong pakiusap niya sa ama.
Kung alam lang sana nito ang sobrang sakit na nararamdaman niya ng mga oras na iyon.
"Ayoko na sanang maulit pa ito Joaquin, nakakahiya ka! H'wag ka sanang umasta na parang wala kang pinag-aralan at wala rin akong anak na bastos! Sana naiintindihan mo 'yan?"
May diin ang bawat salita nito na tila ba humihiwa sa kanyang dibdib at pilit lang niyang tinitiis ang sakit. Kung alam lang nito ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon.
Para lang sa kapanatagan ng babaing pinakamamahal...
Hindi na baleng siya na lang ang tumanggap ng lahat ng parusa. Tutal siya naman talaga ang nagpasimula. Kung bakit kasi ang tigas ng ulo niya!
"O-opo Papa!" Nakayuko pa rin niyang sagot sa ama.
"Humingi ka ng tawad kay Angela at mangako ka na hindi mo na ito uulitin pa!" Mariin utos nito.
"I'm sorry... Umasa kang hindi na ito mauulit pa!" Saglit pa niyang itinaas ang mukha.
Kahit pa ayaw na sana niyang makita siya nito sa ganoong itsura na halos mamula na ang mukha ng dahil sa pagpipigil ng emosyon. Pero ayaw rin naman niyang magmukhang tanga sa harap ng kanyang ama o ang makahalata pa ito.
Pero mas lalo lang pala siyang masasaktan na makita ito...
Habang bumabalong ang masaganang luha nito sa mga mata. Kaya muli na lang niyang ibinaling ang tingin sa ibang direksyon.
Dahil baka hindi lang niya mapigilan ang sarili at mayakap niya itong muli.
"Excuse me, maaari na ba akong umalis? Doon na lang muna ako sa kwarto ko!" Saad ni Joaquin, hindi na nito hinintay pang sumagot ang sino man. Agad na itong tumalikod at umalis.
"Hijo...!"
"Pabayaan n'yo na po siya Papa!"
Narinig pa ni Joaquin ang pagpigil dito ni Angela.
"Pagpasensyahan mo na sana ang kagaspangan ng pag-uugali niya hija, hindi ko na alam kung anong nangyayari sa batang iyon."
"Naiintindihan ko po siya Papa, marahil gusto lang niya akong biruin. Baka namis-interpret lang natin siya kaya h'wag na po kayong mag-alala sa'kin."
"Sigurado ka ba hija na okay ka lang...?"
Narinig pa ni Joaquin ang mga huling pag-uusap ng mga ito. Habang patuloy lang siya sa paglakad. Hanggang sa makarating na siya sa kanyang kwarto.
Pagpasok ni Joaquin sa loob, naisuntok nito ang kamao sa pader na ding ding ng kwarto upang ilabas ang kanina pa pinipigilang sama ng loob. Pasalampak rin itong napaupo sa sahig at tinakpan ng braso ang mukha.
Habang pumapatak pa ang dugo sa nasugatan niyang kamay.
Nakakaramdam man siya ng hiya sa sarili subalit wala naman siyang magawa. Patuloy rin ang paglabas ng kaniyang emosyon.
Hanggang kailan ba siya nito itatanggi at bakit hindi siya nito magawang mahalin?
Ang mga naiwang tanong sa kanyang isipan.
Gusto niyang mapagod pero hindi siya maaaring sumuko. Hindi ngayon o kahit kailan...
Gusto pa niyang lumaban hanggang may nakikita siyang pagmamahal. Pero bakit ganu'n, bakit siya lang ang lumalaban? Hindi ba siya worth it na ipaglaban rin nito?
Pagmamahal ba talaga ang nakikita niya sa mga mata nito o nalalabuan lang siya at umaasa?
Pero wala naman talaga siyang dapat makita...
Gusto na niyang iwan ang lahat pero bakit parang hindi niya kayang gawin, isa na rin ba siyang masokista? Dahil mas gusto pa niyang masaktan.
H'wag lang mawala sa kanya si Angela.
________
Nang muling maiwan mag-isa si Angela saka lang nito naibuhos ang lahat ng sama ng loob. Hindi na niya nagawang pigilan pa ang umiyak. Kahit pa gusto niyang ipagtanggol si Joaquin kanina hindi niya nagawa.
Tama si Doreen duwag siya...
Naduduwag siyang aminin ang tunay niyang nararamdaman.
Hanggang kailan ba niya makakayang itago ang totoong nararamdaman? Kailan ba siya magkakalakas ng loob na aminin sa lahat na si Joaquin ang mahal niya at hindi si Joseph.
Ayaw lang naman niyang maging magulo ang pamilya ng mga taong pinagkakautangan niya ng lahat lahat sa buhay niya ngayon. Mahirap bang intindihin 'yun! Protesta ng isip niya...
Nakakaramdam na siya ng guilt dahil sa mga pagsisinungaling niya at hindi pagsasabi ng totoo. Pero ano ba ang magagawa niya? Nangyari na ang lahat at hindi na niya mababago pa...
Maliban na lang kung magkakaroon siya ng lakas ng loob na ipagtapat kay Liandro ang totoo at pagkatapos ay aalis na siya sa bahay na ito.
Dahil 'yun naman talaga ang dapat niyang gawin. Kung may natitira pa siyang kahihiyan. Dahil sa mga idudulot niyang kaguluhan sa pamilyang ito.
Kapag may lakas na siya ng loob magagawa rin niyang aminin ang totoo. Hindi pa lang ngayon, pero pangako maayos ko rin ang lahat lahat...
Pangako niya sa sarili.
"Ah' hija... Tapos mo na bang?" Hindi na naituloy ni Nanay Sol ang sasabihin ng bigla itong matigilan ng makita nito ang ayos niya.
Mabilis naman niyang pinahiran ang kanyang mga luha upang itago ang sarili kahit huli na.
"Bakit ka umiiyak may problema ba anak?" Tanong nito. Mabuti na lang hindi pa nito alam ang nangyari kanina. Hindi naman talaga nito maririnig sa kusina lalo nasa sulok na bahagi sila at malayo sa pwesto nito.
"Wala po, h'wag n'yo na lang po ako pansinin. Nalulungkot lang po ako sa nangyayari sa akin. Naiisip ko lang po kapag umalis na ako dito."
"Bakit mo naman iniisip 'yan at bakit ka naman aalis, may problema ka ba dito hija?"
Naguguluhang tanong ulit nito.
"Hindi, wala po... Iniisip ko lang kapag bumalik na ang alaala ko. Hindi po ba dapat lang na umalis na ako talaga dito?"
"Ano ka ba anak... Bakit ka naman aalis? Kahit pa bumalik na ang alaala mo hindi ka dapat umalis. H'wag mong sabihin o gawin 'yan! Sila na ang pamilya mo ngayon kaya hindi mo sila dapat iwan." Saad ng matanda.
"Paano po kung may nagawa akong p'wedeng makagulo sa pamilya nila?"
"Ano bang ibig mong sabihin?"
Curious na tanong nito.
"Wala po Nay... Hindi ko pa masabi sa ngayon pero sigurado namang malalaman n'yo rin."
Napabuntong hininga na lang ang matanda bago muling nagsalita.
"Ikaw ang bahala Anak, kung ano man 'yang gumugulo sa isip mo... H'wag mo sanang sarilinin baka makasama pa iyan sa'yo. Isipin mong narito lang kami kung hindi man sa'kin nariyan ang Papa n'yo. Siguradong namang maiintindihan ka nu'n." Sabi na lang nito.
"Salamat po Nay!" Niyakap pa niya ito para humugot dito ng lakas ng loob.
"Okay lang 'yan... Mabuti pa ihanda na natin ang mesa. Nakaluto na kami, tapos mo na ba ang ginagawa mo hija? Mabuti pa tulungan na kita." Mungkahi na nito.
"Okay na rin po ito aayusin ko na lang... Tutulungan ko na kayong maghanda ng mesa."
Matapos niyang ligpitin at ilagay sa lababo ang mga ginamit niya naghugas lang siya ng kamay at ipinasok sa ref ang ginawang cake. Sumabay na siya kay Nanay Sol na bumalik ng kusina.
Pinagtulungan na nila ang pagprepare ng table. Matapos lang ang ilang sandali naihanda at naiayos na nila ang lahat.
Naging napakatahimik ng mga sumunod na sandali, tila walang ibig magsalita. Hindi na rin bumaba pa Joaquin mula ng pumanhik kanina. Pinapanhikan na lang niya ito ng pagkain sa kwarto nito sa itaas.
Hindi naman na kumibo ang kanilang Papa hinayaan lang siya nito. Marahil ramdam din nito ang pag-iwas ng anak. Dahil sa pagkapahiya nito kanina.
Naging napakalungkot tuloy ng kanilang hapunan. Nagkataon pa na wala rin si Joseph at si Maru' ngayon sa bahay. Inaasahan pa naman niya na kahit paano magiging special ang gabing ito at magiging masaya ang kanilang hapunan.
Kung meron mang maganang kumain ng mga oras na iyon ay walang iba kundi ang kanyang anak, si VJ. Mabuti na lang at wala itong kamalay-malay sa nangyayari sa paligid. Lihim niya itong ipinagpasalamat, magana kasi itong kumakain at tila nag-eenjoy sa pagsubo.
Napangiti na lang siya kasunod ng buntong hininga. Hindi rin niya napigilan ang sarili na haplusin ang buhok nito. Saglit ding sumalit sa isip niya ang itsura ni Joaquin habang kumakain. Parehong-pareho ang mag-ama kapag nasisiyahan sa pagkain.
"Masarap ang pagkakaluto ng hapunan sayang lang at hindi tayo kumpleto ngayon mas masarap sanang kumain."
Komento ni Liandro na biglang ikinaangat ng kanyang mukha. Napatingin na lang siya dito.
"I'm sorry po, Papa!" Bigla na lang niyang nasabi, pakiramdam kasi niya siya ang may kasalanan.
"Bakit ka humihingi ng sorry hija? Wala ka namang kasalanan, hindi mo naman kasalanan ang nangyaring ito. Ako nga ang nahihiya sa'yo dahil sa inasal ni Joaquin kanina. Pero nagawa mo pa rin siyang alalahanin. Salamat hija sa iyong pang-unawa."
Kung alam lang nito ang totoong nangyayari sa kanila ni Joaquin? Ganito pa rin kaya ang sasabihin nito sa kanya ngayon? Tanong niya sa isip.
"Kalimutan na po natin 'yun Papa a-ayoko ko rin naman po na maging dahilan pa iyon ng problema. Wala na po sa akin 'yun okay lang naman po kami ni Joaquin." Sabi na lang niya kahit sa pakiramdam niya lalo lang nadaragdagan ang kasalanan niya sa pamilya.
"Salamat... Anak!" Dugtong pa nito na lalong lang nagpasikip ng kanyang dibdib.
Pero kailangan muna niyang magpakatatag...
Kailangan niyang pangatawanan ang mga nasabi at nangyari na at hindi na niya kayang baguhin pa.
Kahit alam niyang maaaring ikagalit sa kanya ni Liandro ang lahat ng ginagawa niya at nang mga paglilihim niya. Hindi man niya gustong lokohin ito pero nagawa na niya, ito lang kasi alam niyang makabubuti sa ngayon.
"Ah' Papa may sasabihin nga po pala si VJ sa atin..." Pag-iiba na lang niya ng usapan.
"Hmmm... Talaga, ano 'yun Apo sige nga sabihin mo?" Curious na nitong tanong.
"Sige na anak, ikwento mo na kay Lolo 'yun nangyari sa school. Ang sinabi ni teacher."
Nakangiting kulit niya sa anak, napangiti din naman si VJ. Saglit muna itong tumigil at nagpalipat lipat ng tingin sa kanila na tila nag-iisip pa...
Maya maya bigla na lang itong nagtanong.
"Hindi na ba natin hihintayin muna si Daddy na bumaba?"
"Huh!"
Tama ba ang kanyang narinig? Hinihintay nitong bumaba si Joaquin. Kaya pala maya't maya itong tumitingin sa pintuan ng dining. Kahit patuloy lang sa pagsubo at pagkain. Kaya rin pala pabulong din nitong tinanong si Manang Sol kung nasaan ang Daddy nito.
Nitong huli tila nga napapansin niya ang apeksyong ipinakikita nito kay Joaquin. Tulad na lang kanina sa Resort marunong na ito magselos sa atensyong ibinibigay ng ama nito sa iba.
Tila ba nagkakaroon na ito ng amor kay Joaquin. Nakukuha na ba ni Joaquin ang pagtitiwala at pagmamahal ng anak?
Pero ano itong nararamdaman niya? Bakit parang may takot siyang nararamdaman, hindi ba dapat matuwa pa siya?
Pero bakit ganito na lang ang kanyang pakiramdam?
*****
By: LadyGem25