Halos tatlong Linggo na ang nakakalipas magmula ng bumalik sila dito sa Australia. Ang buong akala n'ya babalik ang lahat sa normal, pati na ang kanyang pakiramdam. Pero bigo s'yang gawing normal ang buhay n'ya na parang walang nangyari.
Bakit ganu'n nasaktan s'ya noon sa ginawa sa kanya ni Liscel at sa panloloko nito.
Pero pakiramdam n'ya mas higit ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Kahit noon gumuho rin ang mundo n'ya. Kaya nga kahit ang batang sinasabi nilang anak n'ya, hindi man lang n'ya nagawang tingnan.
Ang ariin pa kaya itong anak?
Paano ba n'ya iyon gagawin kung palagi na lang sa isip n'ya ang kataksilang ginawa sa kanya ni Liscel noon?
Ang isipin na pagkatapos n'ya itong sipingan ito at ang kalaguyo naman nito ang nagtatampisaw sa kama.
Kagaya ng mahuli n'ya ito sa akto noon na kasama ang kalaguyo nito. Hindi naman s'ya tanga para hindi isipin na posible ring makabuo ang mga ito.
Malinaw na niloko lang s'ya ni Liscel at ang masakit, katatapos lang sana nilang pag-usapan ang tungkol sa kanilang kasal noong araw na iyon.
Kaya hindi s'ya agad naniwala na anak n'ya ang bata. Kahit na sinasabi ng isip n'ya na mahirap lokohin ang kanyang ama. Sigurado s'yang gagawa at gagawa ito ng paraan upang malaman ang totoo.
Inignora lang n'ya ang lahat ng paliwanag nito. Kahit pa sinabi nila ang resulta ng DNA test nito, hindi pa rin s'ya naniwala.
Kahit pa lagi itong laman ng kwento ng kanyang Papa sa tuwing makakausap n'ya ito sa telepono. Palaging kinukwento ng kanyang ama na habang lumalaki ito nagiging kamukha n'ya ang bata.
Ang nakalulungkot lang kung kailan lang n'ya nakompirma ang totoo. Noong araw na makita n'ya ang larawan nito sa mismong cellphone ni Angela. Aminin man n'ya o hindi noon lang din n'ya naramdaman ang pagiging ama.
Kaya nga nang minsang bumalik sila ng Australia, agad s'yang nagtungo sa rest house upang tingnan ang mga pictures nito na inipon ni Russel doon.
Isa-isa n'ya itong tiningnan mula pa noong sanggol ito. Sa kabila ng lahat, hindi n'ya nagawang itanggi na parang kinurot ang puso n'ya pagkakita sa mga larawan nito. Kahit hindi pa rin n'ya alam kung magagawa ba n'yang maging mabuting ama para dito.
Ang pakiramdam na ito rin ang nagtulak sa kanya upang saglit na bumalik ng Pilipinas. Kaya agad silang bumiyahe ni Russel pabalik ng Pilipinas.
For the first time, nakita n'ya ng personal ang kanyang anak. Kahit hindi n'ya ito nagawang lapitan, nagkasya na s'ya na pagmasdan ito mula sa malayo.
Habang nasa School playground ito kasama ng ibang mga bata. Pinuntahan nila ito sa Kinder school na pinapasukan nito. Dahil may pasok ito ng araw na iyon.
Tama ang kanyang ama mukhang napakabibo ng kanyang anak base sa nakikita n'yang kasiglahan nito at pakikitungo sa ibang mga bata. Napakagwapo nga ng kanyang anak, parang mas gwapo pa nga ito sa kanya. Hindi rin n'ya maitatanggi na talagang kamukha n'ya ito.
Nang oras na iyon kahit anong pigil at tanggi n'ya, hindi pa rin n'ya nagawang pigilan ang emosyon. Kahit pa ikinukubli ng sunglasses ang kanyang mga mata. Pero sino ba ang pwedeng makakakita sa kanya bukod kay Russel.
"Anak patawarin mo ako, kung ngayon lang kita nabigyan ng pansin." Bulong n'ya sa sarili.
Kahit ang totoo hindi n'ya alam kung saan s'ya magsisimula? Kung paano n'ya ilalapit ang kanyang sarili dito. Natatakot s'yang maging ama nito at hindi n'ya alam kung bakit?
Nakakaramdam din s'ya ng hiya sa sarili sa limang taong naging bulag at bingi s'ya sa pagiging ama nito.
Ngayon n'ya na-realized na ang dami pala n'yang sinayang na araw upang maging ama.
Ngayon hindi n'ya magawang lapitan man lang ito. Kinakain s'ya ng hiya at takot na baka ireject s'ya nito. Bukod pa sa takot na baka hindi s'ya maging mabuting ama sa paningin ng lahat.
Kaya patuloy na lang n'ya itong pinagmasdan, habang nasa loob sila ng sasakyan at kahit nang pumasok na ito sa loob ng room nito.
Hinintay pa n'ya ito hanggang sa matapos ang buong klase nito at dumating ang oras ng uwian.
Nais sana n'ya itong lapitan pero naunahan s'ya ni Joseph sa paglapit dito. Agad naudlot ang tangka n'yang paglapit at agad din n'yang naisara ang sasakyan. Mabuti na lang bagong sasakyan ang ginamit nila hindi nito malalaman na naroon lang sila.
Nang araw na iyon, napatunayan rin n'ya kung gaano ito kalapit kay Joseph. Kung pagmamasdan ang dalawa para itong mag-ama. Tamang nakita pa n'ya ang pagbungguan ng pareho nitong kamao bilang pagbati sa isa't-isa.
Bigla tuloy s'yang nakaramdam ng inggit sa sariling kapatid. Ang tagal na pala n'yang naging tanga. Hindi sana s'ya parang gago ngayon na walang magawa kun'di panoorin lang ang mga ito. Hindi rin sana s'ya parang tanga na umiiyak, habang naiinggit sa kanyang kuya.
Dahil alam n'yang malayong malayo pa ang hahabulin n'ya para makuha n'ya, kahit ang ngiti man lang ng kanyang anak.
Pero isang pangako ang iniwan n'ya sa kanyang isipan ng araw na iyon. Pangakong isang araw hindi lang ang ngiti nito ang makukuha n'ya, kun'di pati na rin ang matutunog nitong pagtawa.
"Pangako anak babalikan ka ni Papa!" Bulong pa n'ya sa sarili.
"Halika na bumalik na tayo!"
"Sa Batangas?" Gulat na tanong ni Russel sa kanya.
"Bumalik na tayo ng Venice!" Aniya.
"Babalik tayo ng Venice, Boss?"
"Oo narinig mo naman hindi ba? Kailangan ko pa bang ulitin? May gusto lang akong patunayan. Gusto kong makilala ang babaing 'yun!"
Ang babaing ginagamit ang pangalan ng kapatid ko at pumapapel na ina ng anak ko at higit sa lahat kung ano ang ginagawa n'ya sa pamilya ko?
Mga tanong sa isip n'ya hanggang sa makabalik sila ng San Marco Venice, Italy na nabigyan rin naman ng kasagutan ng muli silang magkita ni Angela sa Hotel.
Dahil sa insidenteng nangyari dito noong mismong araw na magkita sila ulit sa Hotel.
Matapos nitong magwala at mawalan ng malay. Dinala nila ito ng kwarto nila sa 8th floor para matingnan ng doctor. Noon pa lang nagduda na sila na baka nga may sakit ito?
Kaya nang araw ding iyon lihim s'yang tumawag sa bahay nila sa Batangas. Sadyang si nanay Sol ang kinausap n'ya..
"Hello nay, kumusta na d'yan?"
"Joaquin anak, ikaw pala.. Naku anak mabuti at tumawag ka? Matutuwa ang Papa mo kapag.." Hindi na nito naituloy ang iba pang sasabihin ng muli s'yang magsalita.
"H'wag n'yo na lang po munang sabihin kay Papa na tumawag ako. Mayroon lang sana akong gustong itanong?" Aniya.
"A-ano 'yun iho?" Curious nitong tanong.
"Noong minsang tumawag ako d'yan may nakausap akong isang babae. Ginagamit n'ya ang pangalan ni ate Angeline. Sino po s'ya nay?" Tanong n'ya na lingid sa kaalaman nito na nakilala na n'ya si Angela ng harapan.
"Ha! Anak kung ang Papa mo na lang kaya ang kausapin mo tungkol sa bagay na iyan." Sagot nito sa kanya.
"Nanay Sol, alam n'yo naman na hindi pa ako makakauwi d'yan! Ang gusto ko lang namang malaman na safe ang pamilya ko at hindi niloloko ng kung sino lang, dahil sigurado ako na hindi n'ya gagawin 'yun kung hindi s'ya mapagpanggap?" Kunwari'y paratang n'ya.
"Anak, h'wag ka sanang magalit sa kanya. Dahil kusang loob na ipigamit ng Papa mo ang pangalang Angeline sa kanya. Ito kasi ang naisip ng Papa mo para magkaroon s'ya ng pagkakilalan. Kaya wala s'yang kasalanan."
Paliwanag pa nito.
"Pero bakit kailangan gawin 'yun ng Papa?" Tanong ulit n'ya dito.
"Dahil sa sakit n'ya, s'ya ang babaing natagpuan sa aplaya malapit sa Resort. Ang babaing tinulungan ng Papa mo limang taon na ang nakakaraan. Nang magising s'ya wala na s'yang maalala na kahit ano, kahit ang kanyang pangalan. Mahirap paniwalaan pero dahil na rin sa panahon na itinagal n'ya dito. Marami na s'yang napatunayan. Napamahal na s'ya sa pamilya mo lalo na sa iyon anak kay VJ."
Mahabang paliwanag nito na kahit marami pa ring tanong sa isip n'ya. Pero kahit paano naiintindihan na n'ya ang lahat.
"A-ano po ang sakit n'ya?" Curious n'yang pa rin tanong.
"Iyong tungkol sa sakit na nakalimot. Ano nga ba ang tawag doon, nakalimutan ko na rin? Mabuti pa kung ang Papa mo na lang ang tanungin mo. Kausapin mo na s'ya anak, nami-miss ka na nila anak, lalo na ang Papa mo." Sabi pa nito.
Dahilan para mapabuntong hininga s'ya bago muling nagsalita.
"Nanay Sol, kayo na lang po muna ang bahala kila Papa. Hayaan n'yo isang araw uuwi rin ako d'yan. Mayroon lang po akong kailangan ayusin muna dito. Para pagbalik ko d'yan hindi na ako aalis." Pangako n'ya na ikinatuwa nito. Para na rin kasi itong miyembro ng pamilya.
Pagkatapos n'yang makausap si Nanay Soledad saka lang n'ya nalinawan ang lahat. Pero bago pa man n'ya ito malaman, alam n'ya sa kanyang sarili. Unti-unti ng nahuhulog ang loob n'ya kay Angela.
Dahil sa tuwing tatanggihan s'ya nito mas lalong gusto n'yang mapalapit dito. Hindi nga ba nang minsang tahasan s'yang tanggihan nito. Hinamon pa n'ya ito na papayag s'yang maging kabit nito. Kahit pa hindi rin n'ya alam sa kanyang sarili kung bakit n'ya nasabi ang bagay na iyon? Basta madalas nagiging padalos-dalos s'yang mag-isip kapag kaharap na n'ya ito.
Dahil ang totoo nang araw na iyon naisip n'yang agawin ito sa kanyang Papa. Kahit pa hindi naman s'ya sigurado sa ugnayan ng dalawa.
Ang totoo gusto lang n'yang mapalapit dito para mapalapit din s'ya sa kanyang anak. Bukod sa gusto rin n'yang malaman ang tunay na intensyon nito sa kanyang pamilya.
Pero sa tuwing malapit ito sa kanya nag-iiba na ang kanyang pakiramdam. Kung tutuusin marami naman talagang iba na mas higit dito. Pero iba pa rin ang dating nito sa kanya, kahit pa simple lang naman itong babae. Pero kakaiba ang ganda nito sa paningin n'ya.
At 'yung pakiramdam kapag malapit na ito sa kanya. Bigla na lang nagbabago ang lahat sa kanya. Hindi pa n'ya naramdaman ito sa kahit kaninong babae, maging kay Liscel. Dumating na rin s'ya sa point na gustong-gusto n'ya itong makasama.
Hanggang sa nagising na lang s'ya isang umaga, pinapangarap na n'yang kasama n'ya ito at si VJ. Bilang isang buo at masayang pamilya.
Pero biglang gumuho ang lahat ng pangarap n'yang iyon. Nang bigla na lang dumating si Joseph sa Venice. Bigla na lang dumagok sa kanya ang katotohanan na hindi pala ang kanyang Papa ang kakompitensya n'ya sa puso ni Angela, kun'di ang kanyang kuya Joseph.
Na-realized din n'ya na mas mahihirapan s'yang kalabanin ito. Hindi lang sa puso ng babaing mahal n'ya, pati na sa puso ng kanyang anak.
Sino ba ang magsasabi na, "everyone's fair in love?" Kung sa una pa lang lyamado na ang kalaban.
Pero hindi ba kung si David natalo si Goliath kahit pa ito ay imposible sa lahat? Dahil sa lakas ng loob at kompiyansa sa sarili nito. Bakit hindi ang sino man? I'm not saying, I am David. But if I was David in this scenario? I will fight, because of love.
If love is fair enough to everyone. Love can motivated to someone to fight for it. And that is the exactly in my feelings now.
Gusto kong ipaglaban ang pag-ibig ko para sa dalawang taong pinaka-mahalaga sa buhay ko. Kahit pa mismo sa sarili kong kapatid.
Ayoko munang magparaya ngayon. Kahit pa maramot ang maging tingin sa akin ng lahat. This time, ayoko nang maging malungkot. Gusto ko namang maging masaya. Kasama ang babaing mahal ko at ang aking anak.
Ang layo na rin, nang narating ng isip n'ya.
Habang pinagmamasdan ang kanyang sarili sa salamin. Marahil sing layo na ng itsura n'ya ngayon kumpara kanina. Ang kanyang bigote at balbas na inalagaan n'ya rin ng ilang taon wala na ngayon. Malinis at makinis na ang kanyang mukha.
Dapat ba s'yang magpasalamat sa razor at sa mamahaling shaving cream na ginamit n'ya. Para lang masiguro na magiging malinis ulit ang kanyang mukha?
Bumalik na ulit ang dati n'yang makinis na mukha. Tulad noong bago s'ya umalis ng Pilipinas, limang taon na rin ang nakalipas.
Dahil nakapagpasya na s'ya muli s'yang babalik ng Pilipinas. Para sa kanyang anak at sa babaing muling nagpaalala sa kanya ng kahalagahan ng pagmamahal.
Alam n'yang mahirap ang gagawin n'ya, lalo na't alam rin n'yang masasaktan n'ya ang sarili n'yang kapatid. Kahit na mahal na mahal n'ya rin ito. Bukod kay Russel at sa kanilang ama ito lang ang naging kakampi n'ya.
Mula ng mawala ang kanyang ina at ate Angeline.
Hindi n'ya malalagpasan ang trauma n'ya sa pagkawala ng kanyang ina at kapatid kung hindi dahil sa mga ito na matyagang umunawa at umintindi sa kanya. At ngayon mukhang muli s'yang magdadala ng gulo sa pamilya n'ya.
Pero ano ba ang dapat n'yang gawin? Mahal din n'ya ang babaing mahal nito. Mahal n'ya si Angela at hindi n'ya kayang, hindi ito muling makita.
"Boss, sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo?" Wika ni Russel ng sabihin n'ya dito ang plano n'ya.
Napabuntong-hininga na lang s'ya sa lahat ng naisip n'ya. Bago s'ya muling lumabas na ng bathroom.
Laking gulat naman ni Russel ng makita s'ya.
"Boss, an'yare sa'yo? Parang ikaw noong disisyete anyos ka lang, bumata ka." Namamangha at nagtatakang wika nito. Pero parang nahuhulaan na rin nito kung bakit?
"H'wag mo nga akong pinagloloko! Naayos mo na ba ang lahat ng gamit natin?" Tanong n'ya dito, kahit na medyo nakakaramdam s'ya ng pagka-ilang at naninibago rin s'ya sa kanyang itsura. But deep in side natutuwa s'ya sa naging komento nito sa kanya. Atleast siguro naman hindi na matatakot sa kanya ang kanyang anak. At tiyak na makikilala s'ya agad nito.
Dahil talagang magkamukhang magkamukha na sila ngayon.
Nang maayos nila ang lahat ng dadalhin nila, wala na silang sinayang na sandali. Agad na silang bumiyahe pabalik ng Pilipinas.
Dumating sila sa Pilipinas isang araw bago umuwi si Angela. Kaya malaking bagay sa kanya na naunahan n'ya ang pagbalik nito. Nang lingid din sa kaalaman ng pamilya n'ya ang mga plano at motibo n'ya sa kanyang pagbalik.
Tuwang tuwa ang kanyang Papa, hindi nga ito magkandatututo sa pag-asikaso sa kanya. Dahil sa biglaan ang kanyang pagdating.
Naroon din si Joseph na agad ding yumakap sa kanya laking gulat din nito nang makita s'ya. Ginantihan pa n'ya ito ng mahigpit na yakap.
Bakit ba parang pakiramdam n'ya nagi-guilty na s'ya agad.
Daglian n'ya itong itinaboy sa kanyang isip, ano na ang mangyayari sa mga plano n'ya kung ngayon pa lang panghihinaan na s'ya ng loob.
At ang sandaling nakaharap na n'ya ang kanyang anak. Kahit pa inaasahan na n'ya ang pagkagulat sa mukha nito, pagkakita sa kanya. Ganu'n din ang pagiging aloof nito sa kanya.
Labis rin ang nadarama n'yang tuwa ng oras na iyon. Dahil ngayon hindi lang n'ya ito nakita kun'di nahahawakan na rin n'ya ito ngayon.
Ang maliit nitong kamay maaari na n'yang hawakan. Kahit pa umiwas ito ng tangkain n'ya itong yakapin. Nagpumiglas pa ito ng tuluyan na n'ya itong mayakap. Pero ang higit na masakit ang mga salita nito na nagrereject sa kanya bilang ama.
"Ayaw ko sa'yo hindi naman kita kilala. Bakit mo ako niyayakap?" Matinis nitong salita, pero sa bawat salita nito. Para na ring tinatadyakan ang kanyang dibdib. Halos hindi s'ya makahinga.
Pero alam din n'yang dapat na n'ya itong asahan. Dahil kasalanan naman n'ya talaga Dahil s'ya ang naging pabayang ama. Kaya nagulat pa s'ya ng pilit itong kumawala sa kanya at patulak s'ya nitong binitiwan.
Ang masakit nagtatakbo pa ito palapit kay Joseph at kumubli sa likuran nito, na tila ba dito nagpapasaklolo laban sa kanya. Awang ang labi n'yang napatingin na lang dito.
Kahit pa gusto n'yang hablutin ito at sabihin dito na.. "ako ang ama mo hindi ang taong 'yan!" Pero ano ba ang silbi nu'n hindi naman talaga s'ya nito kilala. Hindi ba s'ya naman ang unang nag-reject sa kanyang anak. Kaya anong karapatan n'yang mag-inarte ngayon.
Kaya wala na s'yang nagawa kun'di ang hayaan na lang muna ito. Kagaya ng sabi ng kanyang Papa makukuha din n'ya ang loob nito kailangan lang ng konti pang panahon.
Kinabukasan kahit iniwasan n'yang lapitan ito. Matapos n'yang ipabigay dito ang marami n'yang pasalubong na mismong s'ya pa ang pumili at bumili. Binase n'ya sa mga laruan at mga damit at gamit na gusto n'ya noong s'ya ay bata pa.
Alam n'yang kahit hindi nito ipakita ramdam n'ya na natuwa rin ito sa mga binili n'ya. Kaya ng mapansin n'yang palihim s'ya nitong tinitingnan at sinisilip sa kanyang kwarto. Bigla n'ya itong ginulat at nginitian.
Gulat naman itong napanganga at biglang tumakbo. Natawa na lang s'ya sa reaksyon nito, pero isang bagay ang sumagi sa isip n'ya. Kakatwa naman si Angela ang bigla n'yang naalala, ganu'n din ang eksaktong reaksyon nito sa tuwing magugulat sa kanya.
Muli s'yang napangiti dahil dito.
Katatapos n'ya lang maligo nang maisip n'yang tumungo muna sa veranda upang sumagap muna ng hangin sa labas. Kanina pa n'ya napansin na aligaga ang lahat, parang may kakaiba? Napansin din n'yang nililinis ang isang kwarto, ang dating kwarto ni Angeline. Nakita din n'yang malaki na ang ipinagbago nito, kumpara noong umalis s'ya.
Mas naging maaliwalas ito ngayon. May gumagamit na ba ng kwartong ito? Tanong pa n'ya sa isip, na s'ya rin naman ang sumagot ng maisip si Angela.
Malapit na s'ya sa veranda ng masalubong n'ya si Maru' na nakilala rin n'ya kahapon. Tinanguan lang s'ya nito at tuloy tuloy ng tumalikod.
Pero hindi nakaligtas sa kanyang pakiramdam ang saglit nitong pagrebisa sa kanya, mula ulo hanggang paa. Nagtataka ba ito sa kanyang itsura at porma? Halos pareho lang kasi sila nito na nakamaong pants na may laslas sa gawing tuhod. Ah, bakit ba?
Walang basagan ng trip, kung ano man ang gusto n'yang isuot.
Pero sa totoo lang iba rin ang pakiramdam n'ya sa isang ito. Parang may itinatago na hindi n'ya maintindihan? Sobrang tahimik at madalang magsalita. Bukod pa sa pagiging mailap ng mga mata nito. Hindi naman sa napapraning lang s'ya pero hindi lang talaga s'ya komportable na nasa paligid ito.
Bakit kaya hindi man lang s'ya ginising ng kanyang Papa? Tinanghali tuloy s'ya ng gising. Pero okay na rin ang umaga n'ya dahil ang kanyang anak ang unang bumungad sa kanya ngayong umaga.
Eksaktong nag-iinat s'ya ng mapabaling ang tingin n'ya sa ibaba. Habang may papasok na sasakyan sa may gate. Agad n'yang nakilala ang sasakyan ni Joseph. Pakiramdam n'ya may biglang pumitik sa dibdib n'ya.
Kanina pa nakahinto ang sasakyan, pero bakit hindi pa rin lumalabas ang nasa loob? Ano pa bang ginagawa nila sa loob? Medyo naiinip na kasi s'ya, kahit saglit pa lang naman.
Para kasing alam na n'ya kung sino ang kasama ngayon ni Joseph? At nakompirma n'ya iyon ng pagbuksan pa nito, ito ng pinto.
Bigla na lang n'yang napigil ang kanyang paghinga ng unti-unti na itong lumabas. Hanggang sa tuluyan na itong makalabas ng sasakyan. Tama s'ya si Angela nga wala ng iba. Nasaksihan pa n'ya kung paano ito masayang Sinalubong ng kanyang Papa at ng kanyang anak na si VJ.
Nakakatuwang tingnan, subalit nakakalungkot dahil hindi s'ya kasama sa kasiyahang iyon.
Huminga s'ya ng malalim, hindi n'ya alam kung dahil ba sa bugso ng damdamin ang nagtulak sa kanya upang bigla na lang bumaba..
Paglabas n'ya ng kabahayan, agad s'yang napahinto. Nang masalubong na n'ya si Angela at VJ na tila papasok ng kabahayan. Agad na natigilan ang bata ng makita s'yang palabas ng bahay.
Habang si Angela na nagulat at napaawang pa ang mga labi ng makita s'ya. Same reaction na nakita n'ya sa mukha ni VJ kaninang umaga. Nakagat tuloy n'ya ang pang-ibabang labi upang pigilang matawa.
Bakit magkapareho ang kanilang galaw, posible ba 'yun? Nalilitong tanong ng isip n'ya.
Gustong gusto sana n'ya itong yakapin, dahil sa labis na pananabik dito. Pero hindi n'ya magawa. Bukod pa sa nireject na rin s'ya nito.
Pero ano ba itong nakikita n'ya sa mga mata nito. Paghanga ba 'yun? O namamalik mata lang s'ya? Saglit muna s'yang napatitig dito. Bago n'ya nahamig ang sarili at makapag-salita.
"Kumusta na mahal ko..?" Sa tingin n'ya lalong tinakasan ng kulay ang mukha nito dahil sa sinabi n'ya.
Gusto pa sana n'yang dugtungan, pero natanawan na n'ya ang paglapit ng kanyang Papa.
"Iho, halika mag-usap muna tayo. Gusto ko sanang ipakilala sa'yo si Angela. Anak mahabang kwento pero ipaliliwanag ko sa'yo lahat. Halika doon muna tayo sa loob." Tensyonadong wika ng kanyang ama. Pagkatapos hinila na s'ya nito papasok ng kabahayan at naiwan na sila Angela.
Si Angela nang mga sandaling iyon. Pigil pa rin n'ya ang paghinga, hanggang sa mawala na ito sa kanyang paningin.
"Mama, halika na wala na s'ya. Takot ka rin ba sa kanya, mama? Ako din takot sa kanya kasi hindi ko naman s'ya kilala eh!" Inosenteng wika nito.
"Bakit ka naman matatakot sa kanya s'ya ang Papa mo!"
"Talaga bang s'ya ang Papa ko?" Tanong ulit nito.
"Eh, bakit ngayon ko lang s'ya nakita?"
"Hindi ba palagi ko namang sinasabi sa'yo. Marami s'yang work sa ibang lugar kaya marahil ngayon lang s'ya nakauwe." Paliwanag n'ya sa anak.
Huminga lang ito ng malalim, maya-maya biglang namilog ang mata nito.
"Mama, ayun si Tito Maru' halika na Mama.." Nagmamadaling hinila na s'ya nito, hanggang sa tuluyan silang makapasok ng kabahayan.
"Tito Maru'!" Malakas na hiyaw ni VJ si Maru' na paalis na sana?
Bigla pang napahinto..
Dahil nakatalikod ito sa kanila, hindi nila pansin ang pag-aatubili nitong humarap. Pero dahil nasa malapit na sila wala na rin itong magagawa pa.
"Tito Maru' nandito na ang Mama ko." Tuwang sabi ng bata na agad humawak sa kamay ni Maru'.
Mariing napapikit pa si Maru' bago ito tuluyang humarap sa kanila.
"Hi! Ikaw pala si Maru' kumusta ka?" Nakangitng pagbati ni Angela dito. Naging mailap naman ang mga mata nito.
"Ah, hello po ma'am kumusta din po ka-kayo!" Medyo nauutal nitong salita.
"Ate na lang ang itawag mo sa'kin h'wag ng ma'am. Okay ka lang ba?" Tanong pa ni Angela ng maramdaman ang pagiging uneasy n'ya.
"Okay lang ako ma'am ah, ate pala!" Sagot nito at tuluyan ng humarap sa kanya.
"Huh?" Si Angela na bigla na lang natigilan..
Nakaharap ngayon sa kanya si Maru' na deretso ang tingin sa kanya na tila ba may malalim na iniisip?
Bigla tuloy s'yang nakaramdam ng kaba sa klase ng tingin nito.
Ano ba itong nasisilip n'ya sa mga mata nito na parang ibig ring mamula, dahil ba ito sa luha o galit?
* * *
By: LadyGem25