Chereads / AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1) / Chapter 23 - C-22: THE UNKNOWN MESSAGES

Chapter 23 - C-22: THE UNKNOWN MESSAGES

San Luis, Batangas.

"Pa, bakit hindi pa rin tumatawag si Angela? Hindi pa rin ba tapos yun competition nila sa Hotel?" Si Joseph na kakikitaan ng pagkabagot.

"Hindi pa nga anak, ikalawang araw pa lang naman na hindi s'ya nakatawag. Baka busy lang talaga, hintayin na lang natin." Sagot ng kanyang Papa.

"Pero Pa, kilala ko si Angela. Minsan napapaisip tuloy ako, noong nandito lang s'ya kahit anong busy n'ya, hindi n'ya nakakalimutan ang pagtawag o kahit ang magparamdam man lang lalo na kay VJ." Aniya, sabay tanaw sa bata na kasama ni Maru sa playground, habang naglalaro ng basketball. Malapit sa Garden waiting shed kung saan sila nag-uusap na mag-ama.

Madalas dito sila tumatambay tuwing umaga para magkape. Ito rin ang paboritong tambayan ni Angela. Pinasadya ito ng kanyang Papa 3 years ago para kay VJ at Angela. Hindi ito pangkaraniwan,

Sadyang pinalakihan ito na tila balkonahe sa gitna ng Garden. Upang maging pahingahan na rin, kung nais nila ng maaliwalas na kapaligiran. Matatanaw dito ang front gate, swimming pool sa kabilang side at sa kabila naman ang garahe at ang playground.  

"Mabuti nga isinama mo ulit si Maru' kahit paano nalilibang si VJ anak. Para s'yang nagkaroon ng big brother sa katauhan ni Maru'. Bakit nga pala hindi mo na lang s'ya dito patirahin, anak? Hindi ba sabi mo ulila na s'ya at wala ng pamilya." Sabi nito.

"Sigurado ka Pa?" Curious n'yang tanong. Bihirang magtiwala ang kanyang Papa lalo na hindi nito gaanong kilala. Isipin pang kung kailan lang nito nakilala si Maru' at dalawang beses pa lang n'ya itong naisasama dito sa Batangas. 

"Magaan ang loob ko sa kanya anak mukha naman s'yang mabuting tao. Parang naaalala ko si Angela sa kanya, noong panahon na kinailangan n'ya ang tulong natin. Siguradong naghahanap din s'ya ng pamilyang kakalinga sa kanya. Bata pa s'ya, kahit pa lalaki s'ya at malakas. Tiyak na mayroon din s'yang kahinaan." Sabi nito.

"Sabagay nga Pa, magaan din ang loob ko sa kanya kahit noong una kaming magkita. Hindi ko alam, pero madalas naipagkukumpara ko sila ni Angela. Lalo na pagdating sa pagtitimpla ng kape." Aniya na napapangiti, natutuwa s'ya sa sinabi ng kanyang Papa at pagtitiwala nito kay Maru'. Dahil hindi na pala s'ya mahihirapang ipakiusap ito kung sakali.

"Masarap nga s'yang magtimpla ng kape. Pero s'yempre iba pa rin yun timpla ng mamanugangin ko." Sabi nito, sabay tapik sa kanyang balikat.

"S'yempre naman Papa." Na lalo namang nagpangiti sa kanya. Parang gumaan ang kanyang pakiramdam.

"Bakit kasi hindi ka pa magtapat sa kanya anak? Alam ko namang gusto mo s'ya at hindi naman ako tutol sa inyong dalawa. Ano pa bang hinihintay n'yong dalawa ha? Oh, baka naman iniisip mo ang tungkol sa kalagayan n'ya. Natatakot ka bang sumugal iho?" Tanong nito, na tila inaarok ang tunay na nilalaman ng isip niya.

"Alam mo ang sagot ko d'yan Papa, kahit kailan hindi naging issue sa'kin ang naging kalagayan n'ya. Alam n'yong pakakasalan ko s'ya kahit ano pa ang nakaraan n'ya? O kahit sino pa s'ya?

Aaminin ko kung minsan napapaisip ako natatakot din ako. Pero handa akong isugal ang buhay ko para sa kanya."

"Kung ganu'n wala naman pa lang problema."

"Isa lang naman ang ikinatatakot ko Pa, baka hindi na n'ya ako kilala kapag bumalik ang alaala n'ya? Kahit na nagreresearch naman ako sa may mga kaso na tulad ng sa kanya. Pero wala pa rin akong makuhang eksaktong sagot. Kung ano ba ang posibleng mangyari, pagkatapos ng lahat?"

"Naiintindihan kita anak, lalo na sa kalagayan ni Angela. Hindi pa naman tayo nakatitiyak sa sakit n'ya. Ang sabi lang ng Doctor n'ya, may posibilidad na mayroon s'yang Dissociative amnesia. Pero may mga senyales na hindi naman nagtutugma kaya hindi pa rin tayo nakasisiguro sa sakit n'ya.

Marami pa s'yang pagdadaanang mga test para makatiyak tayo sa tunay na kalagayan n'ya. Pero nilinaw naman ng Doctor na hindi ito DID o Dissociative Identity Disorder. Ayokong pagdaanan pa n'ya ang ganu'ng sistema. Ayoko ring maramdaman n'ya na inaanalisa natin ang kalagayan n'ya. Baka mahirapan lang s'ya anak?"

"Tama ka Pa, normal naman s'ya, para ngang wala s'yang sakit! Saka may nabasa ako na kusa naman daw babalik ang mga alaala nila lalo na kapag natulungan s'ya na balikan yung mga dating alaala sa isip nila. Tulad ng mga lugar na dati n'yang pinupuntahan, mga tao na dati n'yang nakikita at nakasama at 'yun mga dati n'yang ginagawa. Kasi mas madali para sa kanila na bumuo ng mga bagong alaala, kaysa balikan ang nakaraan. Lalo na kung nirereject ito ng kanilang utak dahil sa trauma. May posibilidad din na hindi na rin bumalik ang alaala nila na maaaring naroon lang sa isang bahagi ng isip nila. Sa tingin mo Pa, posible kayang hindi na s'ya makaalala?" Tanong n'ya kahit na alam n'yang wala rin itong maisasagot sa kanya.

"Lahat posible pwedeng ring hindi na, dahil wala naman talaga tayong katiyakan." Napabuntong hininga na lang s'ya sa sagot nito.

"Pero Dad, kahit alam kong mali. Minsan hinihiling ko na sana h'wag na lang s'yang makaalala. Kasi iniisip ko mas mabuti mas walang problema. Kahit alam kong magiging unfair ako."

"Pero hindi pwede anak kahit 'yun pa ang gusto natin. Ang mahalaga ngayon bahagi na tayo ng bago n'yang alaala at sigurado ako hindi n'ya 'yun malilimutan."

"Tama ka d'yan Papa."

"Kaya pakasalan mo na s'ya agad anak, para mas masaya ang magiging alaala n'yong dalawa." Natawa na lang s'ya sa sinabi nito.

"Papa naman, alam n'yo namang ayoko munang makagulo sa pag-aaral n'ya sa ngayon. Malapit na ang Graduation nila, this coming March na 'yun. Sandali na lang naman ang ipaghihintay ko Pa, less than four months na lang Graduation na at 3 weeks and 5 days na lang s'ya sa San Marco. Babalik na s'ya sa atin, dito na ulit s'ya sa Pilipinas." Ang totoo sobrang naiinip na s'ya, subalit nakahanda naman s'yang maghintay. Konting panahon na lang naman, nakapaghintay na nga s'ya ng matagal. Ano ba yung apat na buwan na lang na ipaghihintay n'ya.

Pagkatapos ng Graduation magpropropose na s'ya, alam naman n'yang hindi s'ya nito tatanggihan kaya hindi na kailangan ng mahabang ligawan. Gusto ko nang makasal kami agad, kung pwede nga lang sana bukas na? Bulong pa n'ya sa sarili.

"Sabagay nga iho, mabuti na yung kapag kasal na kayo sa'yo at kay VJ na lang naka-focus ang buong atensyon n'ya."

"Ganu'n na nga po Papa, saka ayoko rin namang maging hadlang sa mga pangarap n'yang maabot."

"Tama ka iho, sana lang hindi ka maunahan nitong si Maru' na magpakasal! Mukhang habulin din ng chicks ang batang ito." Sabi nito habang sinusundan si Maru' ng tingin na nagdidribol at nagsushoot ng bola.

Habang pinanonood naman ito ni VJ na manghang-manghang nakatingin lang dito at maya-maya ay pumapalakpak.

"Sinabi n'yo pa! Papa ang daming chicks n'yan sa Cebu. Lagi ba namang clean cut ang buhok. Kaya laging mukhang mabango, nitong huli nga nagpakakat pa ng buhok sa itaas ng tenga. Dahil yun daw ang uso ngayon. Tapos noong isang araw nagpatattoo ng butterfly at cocoon at caterpillar sa ibaba ng binti n'ya. "Changes" daw ang ibig sabihin nu'n. Kung minsan nga lang parang ang weird n'ya."

"Ganu'n talaga medyo bata pa kasi, ilang taon lang ba s'ya ngayon?" Tanong nito.

"Magtutwenty two na nga pala s'ya sa March." Bigla n'yang naalala malapit-lapit na rin pala ang kaarawan nito.

"Kung kailan lang pala s'ya lumagpas sa pagkateen-ager. Magugustuhan naman kaya n'ya dito sa atin?" Bigla nitong naitanong.

"S'yempre naman po Papa, lalo na siguro kung nandito na si Angela. Natitiyak kong magkakasundo sila." Aniya na hindi nag-aalala, para sa dalawang taong parehong malapit sa puso n'ya.

Pamilya na rin kasi ang tingin n'ya kay Maru', para na rin n'ya itong nakababatang kapatid. Lalo na naiisip n'ya si Joaquin.

"Alam mo anak, isa lang sana ang hiling ko. Sana sa araw ng kasal mo naroon din ang kapatid mo. Para kompleto ang pamilya ko."

"Hayaan n'yo Papa sisiguraduhin ko yan! Makakarating s'ya sa kasal namin ni Angela."

"Sana nga anak?"

"Promise ko yan sa inyo Pa, ah check ko lang muna 'yun messenger ko Pa! Baka may bagong message na?" Paalam na n'ya.

"Okay sige na iho, ako na lang muna ang titingin sa mga bata." Sabi naman nito.

"Okay! Thanks Pa.." Tuloy-tuloy na s'yang pumasok sa loob.

Pagpasok n'ya sa kanyang kwarto, agad s'yang nagbukas ng loptop upang icheck ang mga natanggap n'yang mensahe sa araw na ito. Tulad pa rin ng dati marami na namang nagpop-up na message sa kanyang account.

Mga may kinalaman sa work, mga kaibigan at babae na nangungumusta. Kahit ilang scroll na ang kanyang ginawa, pero wala pa rin ang mensaheng inaasahan n'yang makita.

Nang bigla s'yang matigilan, may isang mensahe na biglang umagaw ng kanyang atensyon. Ngayon lang n'ya ito nakita, na-curious s'ya sa gamit nitong account name. Napaisip s'yang bigla, Miss A? Hindi kaya nagbago na ng account name si Angela? Tanong n'ya sa isip. Hindi na s'ya nag-atubili pa agad na n'ya itong pinindot sa pag-asa na baka nga kay Angela galing ang message na ito. Agad na n'ya itong pinasadahan ng tingin at sinimulan ng basahin..

"{Hi! Kumusta na?}"

"[Marahil nagtataka ka kung sino ako? H'wag mo na lang akong kilalanin. Matagal naman nang walang nakakakilala sa'kin, matagal na rin kasi akong kinalimutan.]"

Napuno nga ng pagtataka si Joseph sa unang dalawang mensahe. Hindi naka-online ang sender pero ang dami n'yang message. Hindi n'ya sana gustong pansinin ang mga ganitong unknown messages. Pero bigla s'yang na-curious na patuloy pa itong basahin..

"[Nalulungkot ako pero mula ng makilala kita ang lahat sa'kin ay nagbago. Maliban lang sa aking pagkatao.]"

Huh, kilala n'ya ako? Naitanong n'ya sa isip. Hindi kaya si Angela ito? Posible kayang bumalik na ang alaala n'ya? Hindi lang n'ya masabi sa amin ni Dad.

Lalo tuloy s'yang nasabik na ituloy pa ang pagbabasa..

"[Sayang sana tulad rin ako ng normal na babae na pwedeng malayang magmahal. Hindi sana ako matatakot na mahalin ka.]"

Pero bakit, sino ka ba talaga? Saglit na tanong ng isip n'ya.

"[Hindi kasi naging patas sa akin ang buhay. Kahit simple lang naman ang gusto ko, ang mabuhay lang ng normal. Pero kahit ito naging mailap para sa'kin. Ang unfair hindi ba?]"

Napailing na lang si Joseph at sobrang naguguluhan at puno rin ng kuryosidad.

Ito rin ang nag-udyok sa kanya na patuloy pang magbasa..

"[Pasensya na, ikaw lang kasi ang pwede kong maging kaibigan. Kahit alam kong hindi mo ako mapapansin. Dahil naka-focus na ang isip mo sa iba. Okay lang naman sa'kin, kahit hindi mo ako bigyan ng importansya.]"

"[Pero sana hayaan mo akong mahalin ka kahit sa ganitong paraan. Ang isang tulad ko na walang takdang panahon kung kailan magiging malaya, kaligayahan na ang makita at makausap ka. Ikaw na lang kasi ang dahilan, kung bakit gusto ko pang mabuhay?]"

Nang matapos n'ya itong basahin ang daming tanong sa isip niya. Pero dalawang tanong lang ang nai-send n'ya..

"Sino ka?"

"Bakit mo ako kilala?"

* * *

By: LadyGem25