SECRET REVELATION
PART 01
SUMMER POV.
TAHIMIK lang na nakamasid si Lixxie sakin alam kong may sasabihin siya pero nanatili parin siyang tahimik mula pa kanina. Andito parin sa dibdib ko ang inis para kay Salvie.
Pareho kaming nag angat ng tingin ni Lixxie ng bumukas ang pintuan ng cabin at iniluwa doon si Lera na hindi rin maipinta ang hitsura.
"Napakawalang hiya talaga yang ina mo Lixxie baby! Nanggigil na ako sa kakapalan ng pagmumukha niya."saad nito saka umupo sa tabi ko.
Ako naman ay nakinig lang sa kanya habang nakapatong sa dibdib ko ang dalawa kong braso.
"I don't really know that she has this crazy attitude Tita! She Don't even care that she's Gooddamn pregnant! She's really sick!"dugtong naman ni Lixxie.
"You should call your Dady to let him know na andito ang Momy mo paano ba nalaman ng babaeng yun na andito tayo?"
Kahit ako hindi ko inasahan na magcross ang landas namin ni Salvie. Nahihiya parin ako dahil sa mga sinasabi nito.
"Wag kang papaapekto sa mga sinasabi ng babaeng yun Summer,"baling ni Lera sa akin.
"Hindi ko lang maiwasan ang masaktan Lera at saka totoo naman kase ang sinasabi niya saming dalawa siya ang mas higit na may karapatan kay Parker."tugon ko diko napigilan ang pangiligid ng aking mga luha. Agad naman lumapit si Lixxie sa akin at yumap
"Please Tita Summer wag mo kaming iwan, wag mong saktan si Parker ikaw ang kailangan namin."pagsusumamo nito.
Tuluyan ng bumagsak ang luha ko sa aking mga mata. Bakit napakarupok ko sa ganitong klase ng pakiusap wala naman akong plano na iwan sila at hindi na magbabago ang decisyon ko kahit ikakasera ko pa ng tuluyan ang ginagawa ko.
"Hindi ko naman kayo iiwan bhe, ipaglalaban ko kayo ng Dady mo pero naiisip ko din na wala talaga akong karapatan na angkinin kayo kase ang momy mo siya ang may karapatan dahil kasal sila ng Dady mo at momy mo siya."
"Mas mapapadali Ang annulment pag ganyan palage ang iasta ni Salvie hindi talaga nag iisip."iling pa nitong sabat.
Kumalas ng yakap sakin si Lixxie tumingin ako sa gawi niy subrang lungkot ng maamo nitong mukha.
"Sana andito na si Parker gusto kona talagang mawala yan si Momy I'm not comfortable in her presence."
"We're same baby Lixxie tara na sa labas papahingahin muna natin si Tita Summer mo maghahanda nalang tayo ng pananghalian."tumayo na ang dalawa at matapos makapagpaalam ay umalis na.
Aktong pabalik nako sa kwarto ng may kumatok sa pinto sa isip ko baka may nakalimutan si Lixxie o di kayay si Lera kaya agad kong binuksan pero nagulat ako ng makita sa harapan ko si Salvie.
"Gusto kitang makausap, babae sa babae Summer."walang ganang sabi nito sa akin.
Niluwagan ko ang pagbukas ng pinto saka walang sabi itong pumasok at umupo sa mahabang sofa.
"Please stay away to my Husband and to my Daughter Alam kong may kahihiyan ka pang natira jan sa katawan mo Ms. Hamilton gumawa ako ng paraan para maayos ko ang gusot ng aking pamilya."
"Hindi ko susundin ang pakiusap mo Salvie patawad at pasensya pero buo na ang decisyon ko na hindi ko rin sila isusuko sayo."
Matalim itong tumingin sa akin na hindi ko naman iniwasan.
"Makapal din pala talaga ang mukha mo no? Ano bang ipinaglalaban mo?"
"Ipinaglalaban ko ang pangakong binitawan ko sa mag ama mo , at bakit mo pa pinilit ang sarili mo sa kanila? Hindi mo ba ramdam na ayaw nila sayo? Pati sarili mong anak ayaw na ayaw sayo? Manhid ka ba?."
"Wala kang karapatan na ilaban ang PAG AARI ko Summer! Kaya ilugar mo yang kati mo sa katawan dahil hindi ka higad alam mo kong ano ka? Sosyal na Iinta na walang ibang mahanap na kapitan kundi sa taong may Asawa at anak pa!."
Uminit ang sulok ng aking mata sa sinasabi ni Salvie. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa tinuran niya.
Bakit ko nga pala pinaglaban yung taong hindi ko pag aari?
Pero mahal ko si Parker mahal na mahal ko siya. Napakasakit ramdam ko ang panghihina ng tuhod ko. Hanggang kilan ko ba ipagduldulan sa sarili ko sa taong pag aari na ng iba?
Kaya ko ba talagang ipaglaban si Parker ng gaya ng ginagawa niyang pagligtas palagi sa buhay ko?
Wala sa sarili akong napaupo sa mahabang sofa naghihina ang mga tuhod ko at hindi ko kayang ibuka ang aking bibig.
"Hiwalayan ang Asawa ko at layuan muna ang anak ko, ako na ang nakikiusap sayo."pagsabing iyon ni Salvie ay umalis na ito sa harap ko.
Pumasok ako sa kwarto at saka doon ako humagolhol ng iyak. Iniyak ko lahat ng sakit at inis na nararamdaman.
Ang hina hina ko. Hindi ko manlang kayang ipagtanggol ang pagmamahal ko kay Parker sa Ex-wife niya.
Ilang oras din akong nanatili sa loob ng kwarto ko at nawawalan na ako ng gana pang lumabas.
CYRUZ ALCAZAR POV
NAGHAHANDA na ako sa mga gamit na kakailanganin ko. Sooner magkikita din tayong muli Parker.
Magsisi ka kong bakit mo pinatay ang Kapatid ko. Oras na para ako naman ang maningil sayo.
"Nakahanda na ang mga tauhan at chopper na sasakyan natin Boss."
saad ni Rafar ng makapasok ito sa opisina ko.
"Magaling Rafar, Halikana hindi na ako makakapaghintay na makita ang gagong si Parker."pagsabi kong iyon ay nauna na akong lumabas sa opisina nakasunod naman si Rafar sa akin at magtungo na sa rooftop ng building.
Nakita ko agad ang chopper sumakay ako dito saka inayos ang pagkabuckle ng seatbelt.
Hindi na ako makapaghintay sa pagkikita natin Parker.
SALVIE POV
NAKARAMDAM ako ng konting saya ng makita kong hindi umimik si Summer for sure lalayuan na niya si Parker at wala na akong poproblemahin dun.
Nakangiti ako habang tinitipa ang sarili kong cellphone at nagsend ng mensahe kay Parker.
"Parker, gusto kitang kausapin for the last time nandito ako sa Isla Paraiso maghihintay ako"
Alam kong hindi na mag abala si Parker na replayan ako kaya gayon nalang ang gulat ko ng makita ang phone number niya sa screen.
"You've gonna pay for all what you had done to my Girlfriend Salvie ! Mas mabuti nang umalis kana lang baka kong ano ang magawa ko sayo !"
Napabuntong hininga nalang ako. Hindi ko inasahan na ganito ka bilis ang pagbabago niya.
Mapait akong napatawa sa trato sakin ni Parker dati sanay na sanay akong tinatro niyang maayos pero ngayon iba na.
Hindi ko din namalayan na nahuhulog na ang loob ko sa kanya at hindi pagpapanggap nalang ang ginagawa ko.
Hindi pa ko handang malaman niya lahat ang ginagawa ko dahil panigurado kamumuhian niya ako.
PARKER POV.
ILANG oras din akong nakatambay sa loob ng bahay kumukuha ng mga iba pang ebedensya na pweding magamit. Mga folder na may nakasulat na confidential.
Pero hindi ko naiintindihan ang mga laman ng mga iyon kaya di kona lang pinakialaman. Nahagip ng mga mata ko ang isang Pula at malaking Folder kumunot ang noo ko ng makita ko ang pangalan ko na nakastrapler sa gilid nito.
'Parker Cole Servantez Confidential files'
What's the meaning of this? Bakit may ganito si Dad? Kinuha ko agad ito at pinagpagan. Pagkatapos ay binuksan may maliit na cd na nakaipit at mga iilang papel.
Lumabas na ako sa lumang bahay saka pumasok sa sasakyan kinuha ko ang sarili kong Laptop. At isinalang ang cd.
Ilang segundo din itong nagload hanggang sa umilaw na ito.
Bumungad sa video ang payat na hitsura ni Salvie nakasuot ito ng puti at mahabang damit. Humarap ito sa video at magsalita.
"It's Day 100 since we found him ang bilis niyang matuto. So ang gagawin ni Doc Ricko sa kanya ngayon ay planting some informations and i am so excited!" Tumayo ito saka kinuha ang video at naglakad sa isang maliit na pasilyo.
Nakita ko sa video ang kwarto binuksan niya iyon ay may kama.
"Hi Sweetheart say hi to the camera,"nanigas ako sa kinauupuan ko ng makita ko ang sarili ko sa video.
Anong ibig sabihin nito?
"Hi Salvie,"tanging sagot sa video.
"It's Sweetheart Parker, don't forget that and we are married already."nakangiti pang sabi ni Salvie sa sakin dun sa video.
Napaawang ang labi ko sa mga susunod pang nangyari. May ininject ang doctor sa braso ko at nakita ko kong pano ako nawalan ng malay sa video.
What's the meaning of this? Anong ibig sabihin ng mga ito?
"Salvie, Paalala ko lang hindi magtatagal ang bisa ng gamot na tinurok ko so it means after 1 and have decade babalik lahat ang memorya ni Parker. Bear that in your mind Kailangan mo siyang makombinse na kasal kayo at magkakaanak na yan lang ang palagi mong itanim sa isip niya."
"Yes doc thank you."
Wala ako sa sariling itiniklop ang laptop. So hindi ako kasal? Hindi kami kasal? Peke ang lahat? Sumaid na naman bigla ang sakit sa ulo ko. Napasabunot ako sa subrang sakit na nararamdaman ko parang binibiyak ito
Bigla nalang may nagflash sa alaala ko.
"PARKER COLE SERVANTES REPORTING FOR DUTY SIRE."
"HAVE A SET SERVANTEZ MAY BAGO TAYONG LEAD SA ISANG LUGAR KONG SAN NAGPUPUGAD ANG MGA SINDIKATO, IKAW AT ANG TEAM MO ANG IPAPADALA KO KAYA MAGHANDA NA KAYO PARA MAKAALIS IPAPADALA KO SA INYO ANG MENSAHE AFTER 13 minutes."
"SIR YES SIR."sumalodo ako sa lalaking nasa harap ko at umalis na.
IBA NA NAMAN ANG NAGFLASH SA ALAALA KO. NASA LUMANG WAREHOUSE KAMI NG BUONG TEAM KO AT NAKIPAGBARILAN.
"HAYOP KA SERVANTEZ PAPATAYIN KITA!."binaril ako nito sa hita at saka sa braso kaya nabitawan ko ang baril na hawak ko at natumba ako.
Lumapit ito sakin at nanlaki ang mata ko ng makita ang lalaking nasa harap ko habang tinutukan ako ng baril sa ulo.
NAGBALIK ako sa realidad. Sapo ang noo ko at hindi makapaniwala ngayon naalala kona naalala kona ang nangyari sa akin.
Agad kong pinaharurut ang sasakyan. Kailangan ko ng makabalik sa Isla Paraiso nanganganib ang buhay ni Summer.
Kuyom ang kamao ko sa tindi ng aking nararamdaman galit at pagkamuhi halo halo na. Sa lahat ng tao na pwdeng gumawa sakin nito. Bakit ikaw pa !
Marami akong gustong itanong at linawin pero sa mga naalala at nalalaman ko gusto kong sumabog sa subrang galit ang tagal nila akong pinagmukhang tanga! Bakit nila ito ginawa sa akin? Wala naman akong ginawang kasalanan.