SECRET REVELATION
FINAL
CHAPTER 38
SUMMER POV
HAWAK ko ang puting rosas habang nakadungaw sa papailalim ng kabaong ni Parker. Walang habas na tumutulo ang luha sa aking mga mata hindi ako makapaniwala na dito kami matatapos ng dalawa. Umusog pa ako ng konte palayo sa libingan dahil tinabonan na ng lupa ang kabaong saka ko naman inihagis ang hawak kong puting rosas.
Wala akong nakitang ibang kamag-anak na dumalo sa burol niya, kami nalang ni Dady ang nagclaim sa bangkay niya para bigyan siya ng desenteng libing.
Yakap ko si Lixxie walang tigil din ito sa pag iyak. Mas lalo akong naawa sa kanya dahil lahat ng magulang niya ay nawala. Gaya ko nagdadalamhati din siya pero diko rin kinaya ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
Pangungulila at pighati ang nararamdaman ko. Ilang araw din na wala akong tamang pahinga.
Hindi ko parin matanggap ang mga nangyayari.
"Anak, Halikana kailangan monang magpahinga."biglang sabi ni Daddy at tinapik pa nito ang balikat ko.
Hindi ko siya nilingon at walang salita na lumabas mula sa bibig ko. Nanatili lamang akong nakatayo sa tabi ng puntod ni Parker.
Nagsi uwian narin ang iba pang bisita na nakidalo sa amin at tanging ako nalang ang nanatili pang nakatayo.
Umalis nadin sa pagkayakap ko si Lixxie saka nauna ng sumakay sa sasakyan.
Narinig ko pa ang pagbuntong hininga nito bago tuluyang lumakad paalis.
Nailibing narin namin ang bangkay ni Salvie at Anton mas una pang inasekaso iyon ni Dady bago ang kay Parker.
Napaupo ako sa bermuda na kakatanim palang saka walang patid ang paghagulgulhol ko ng iyak.
"Madaya ka! Alam mo ba yun ha! Sinabi mo sa akin na babalik ka! Umasa ako Doy! Pinaasa mo ako pero bakit? Bakit mo ako binigo!"wala na akong pakialam kong may makarinig man sa akin ang importante sa akin ay ang mailabas ko lahat ang hinaing ko sa kanya.
"Napakasinungaling mo! Iniwan mo ako Doy! Iniwan mo ako!"walang tigil ang pag iyak ko.
Halos hindi kona maidilat ng maayos ang aking mga mata sa tindi ng pamamaga nito.
Parang pinunit ng pinong pino ang puso ko. Hindi kona kayang ipaliwanag pa ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
Naramdaman ko nalang ang pag unti untin pagpatak ng mahinang ulan. Hindi ako nag atubiling sumilong hinayaan ko nalamang na maramdaman ang bawat patak nito sa aking katawan.
Napatingala pa ako sa kalangitan. Madilim parang nakisabay din ang panahon sa pagdadalamhati ko.
Tuluyan ng bumuhos ang napakalas na ulan ngunit hindi ako nagpapatinag dito kahit nagkandaputik putik na ako.
Wala akong balak umalis gusto ko pang manatili dito ng matagal.
Napayakap ako sa aking dalawan tuhod basang basa na ang katawan ko at tumutulo na ang buhok ko.
Nanatili lamang akong nakatingin sa lapida kong san nakaukit ang pangalan ng lalaking pinakamamahal ko.
Ang lalaking pinotectahan ako sa lahat.
Biglang nagflashback sa akin ang mga alaala namin ni Parker ang mga sinasabi niya sa akin mga kataga na nakatatak na sa aking isipan ang mga huli niyang sinabi bago kami naghiwalay. Bago ang pagsabog bago ang lahat lahat.
FLASHBACK
"Wag kang matakot andito lang Ako po-protektahan kita, be brave Summer be brave."
"Day, pangako babalik ako. Magiging maayos din ang lahat pangako yan."
"Kong darating man ang panahon na mamatay ako. Babalik ako Day babalikan kita, makipaglaban ako kay kamatayan."
"Day, andito ako hindi kita pababayaan maging matapang ka para sa'kin at para sa mga taong nagmamahal pa sayo."
"I can't live without you. Your my air, my world and my everything i don't let anyone get you away from me."
END OF FLASHBACK
MAS lalo lang akong binalot ng lungkot sa mga naalala ko sa mga sinasabi ni Parker.
Pilit ko paring inalala ang mga masasayang alaala kasama si Parker.
NAPAPANGITI pa ako ng maalala ko kong paano kami nagsimula ni Parker. Ang mga bangayan namin kong paano niya ako sagot sagutin noon.
"Akalain mo yun Doy? Nagkagusto ako sa'yo nakakairita kaya yang ugali mo. Araw-araw pa akong nabubwesit sa inuugali mo."patuloy ko pang sabi.
"Pero wala e, Tinamaan talaga ako sa lintik na pagmamahal na yan, nagmahal nga ako pero ito iniwan mo naman. Subrang napakadaya ng tadhana sa atin Doy! Subrang madaya ano bang kasalanan natin? Eh nagmahal lang naman tayo diba? "
Napagala ako ng tingin sa buong paligid. Wala na akong nakikita pang tao sa paligid tahimik na at tumila narin ang ulan.
Ang kulay puti kong blusa ay kulay putik na. Kahit papano ay nararamdaman ko ang konting kaginhawaan.
Naibuhos ko lahat ang aking nararamdaman alam kong matagalan pa bago ako makapagsimula muli pero pipilitin ko.
"Doy, babalik ako bukas uuwi muna ako para makapag pahinga."
Tumayo na ako saka nagsimula ng maglakad palabas ng sementeryo.
Hindi ko inasahan na may sasakyan pa palang naghihintay sa akin.
Tahimik akong pumasok sa loob saka naupo.
"Okay lang po ba kayo Mam?"tanong ng driver sa akin.
"Hindi ako okay, pakidiritso ako sa bahay."
Tahimik lang ang aming byahe nasa labas ng bintana ng kotse ang paningin ko lumilipad din ang aking isipan.
Pagkarating ko sa bagong bahay namin ni Daddy maliwanag ito. Nagtuloy ako sa loob at bigla ding Natigilan ng makita si dad nakaupo sa sofa at may kasama pang mga lalaki na ka edad niya.
Tumingin ito sa gawi ko halata sa mga mukha nito ang pagkagulat dahil sa hitsura ko.
"Excuse me, magbibihis lang ako."pagkasabi kong iyon ay nagpaalam na ako saka tinungo ang bago kong kwarto.
Hindi ito gaanong malaki ng gaya sa kwarto ko dati pero may sarili akong terrace na siyang pinaka paborito ko sa lahat dahil tanaw mga punong kahoy na nakaharap sa terrace ko.
Pumasok na ako sa banyo saka pinihit ang shower. Muli na namang nanumbalik sa akin ang mga nangyari.
Tahimik akong napahikbi habang pumapailalim sa rumaragasang tubig. Mabilis kong tinapos ang aking paligo saka nagbihis na.
Tinignan ko muna ang aking sarili sa salamin bago tuluyang bumaba sa sala.
Tahimik akong naglakad palapit sa kinaroroonan nila may kaba sa puso ko na nararamdaman pero diko nalang iyon ininda.
Umupo ako sa pang isahang upuan saka pinakatitigan sila isat isa.
"Anak, May sasabihin ako."anang ni Dady.
"Sabihin muna Dad handa akong makinig." Walang gana kong tugon.
Hindi ito nagsalita muli may kinuha itong itim na envelop saka inabot sakin. Kunot noo naman akong tinanggap iyon.
"Ano to dad?"
"Just open it ihaj."saad ng isang matandang lalaki na medyo seryuso ang hitsura nito.
May katandaan nadin.
Binuksan ko ang envelop at nanlaki ang mga mata ko ng makita ang mga lumang picture na nakapaloob dito may birth certificate pa. Kinuha ko ang birth certificate saka binasa.
' SERENITY FILISINO'
Anong ibig sabihin nito? Sino si Serenity Filisino?
Naguguluhan akong napatingin kay Dad na nakayuko na.
"Anong ibig sabihin nito? Sino si Serenity Dad? Bakit may mga lumang picture kayo sa akin? Hindi ko to nakikita noon?"
"Ikaw si Serenity Anak,"
"W-what? Anong ibig mong sabihin? Pano naging serenity ang pangalan ko?"
"Ihaj, Ako ang nag aalaga sayo noon, pero-"hindi natapos ng lalaki ang sasabihin niya ng sumabat si Dad.
"Ako na ang magkwento Florito."tumayo si dad saka lumapit sa akin.
"Anak, makinig kang mabuti sa akin, kahit anong malalaman mo mahal na mahal ka namin ng momy mo tandaan mo yan palagi."seryusong saad ni dad.
"Sabihin muna Benedict."utos naman ng isang matandang lalaki na katabi ng sinasabi ni Dad na florito.
"Summer hindi kami ang tunay na mga magulang mo." Pag aamin nito.
Napatitig ako sa mga mata ni Dad. Hindi ko din naramdaman ang pagkagulat parang namanhid na ang puso ko. Hindi ko rin alam kong ano dapat ang erereact ko sa nalalaman ko ngayon.
"Ampon ako? Kong gayong ampon ako nasan ang mga tunay kong magulang Dady?"
"Patawad anak hindi ko sinadya." Saka ito humagolhol ng iyak at lumuhod sa harap ko habang hawak ang isa kong kamay.
"Bakit ka umiyak dad? Bakit ka humingi ng tawad nasan ang mga magulang ko?"
"Membro ng sindikato ang mga magulang mo Ihaj, nagkataon na kami ang humawak sa kaso nila. Hindi man namin gusto ang tapusin ang buhay nila pero wala nadin kaming nagawa. Nanlaban ang mga magulang mo kaya binaril sila ng dady mo. Dead on arrival na sila pagdating namin sa hospital."
Kahit anong pilit kong intindihin ang mga pangyayari hindi siya maiproseso ng utak ko masydong okopado ang utak ko sa dami nangyari hindi kona alam kong ano ang maramdaman.
"Patawarin mo ako anak, si Florito siya ang kumopkop sa iyo siya ang nag alaga sayo noon pero dahil sa ginawa naming pagsumbong sa illegal na ginagawa niya natanggalan siya ng trabaho kaya ang usapan namin aalagaan ko ang mga batang kinupkop niya at ikaw ang ibinigay niya sakin naging pamalit ka saming namatay na anak na si Summer. Kaya pinalitan ko ang iyong Pangalan at apilyedo."
Dahan dahan akong tumayo saka walang sabing iniwan sila at bumalik sa aking kwarto.
Nagtuloy sa terrace at naupo. Nilanghap ko ang malamig na hangin na nagmula sa gubat.
Napapikit ako ng maramdaman ang pagdampi nito sa balat ko.
Hindi ko na alam kong paano ko eproseso ang mga nalalaman ko. Hindi ko na alam.
Masydong mabigat. Pakiramdam ko nabubuhay ako sa kasinungalingan. Ano ba ang nagawa kong kasalanan?
'Doy, Hindi kona kaya. Napapagod na ako Doy'
THIRD PERSON POV
"Pabayaan mo siya Benedict masydong mabigat ang mga nangyayari sa kanya ngayon sinabi ko naman sayo na pwede mo namang dahan dahanin alam mo namang kakamatay lang ni Parker."
"Matagal ko ng gustong sabihin yan kay Summer inunahan lang ako ng takot at kaba Florito."
"Sige total naging maayos naman na ang lahat hintayin mo nalang ang warrant of arrest mo Florito."sabad ni Miguelito.
"Kong kailan matanda na tayo saka pa tayo naging ganito, matagal ko na ding binaon sa limot ang mga nangyari pero ito si Florito maraming kabalastugan paring naiisip nagpupumilit gumante sa ginawa natin sa kanya." Anang ni Benedict.
"Pasensya na nilamon lang ako ng galit."saad ni Florito.
"Kong kailan nalinis na ni Parker ang pangalan niya siya naman ang pamamamaalam niya nakakalungkot." Dagdag ni Benedict.
"Babalik na ako sa HQ iniisturbo niyo lang ako sa kadramahan niyong dalawa."nakasmirk na saad naman ni Miguelito.
"Di ka manlang apektado sa pagkamatay ng anak mo Miguelito anong klaseng ama ka?"singit pang tanong ni Florito.
"Hindi ako kagaya niyo masyadong sensitive kahit iiyak pa ako ng balde balde dito diko na rin naman maibabalik ang buhay na binuwis ng anak ko." saka ito tumayo at walang sabin umalis.
Nagkatinginan naman ang dalawa
"Bakit mo kase yun sinabi? Nabadtrip ata ang matanda."nakatawang saad ni Florito.
"Tumigil ka nga jan Florito!"
'Sana makayanan mo lahat Anak, Alam kong matapang ka. Magiging okay din ang lahat.'