Chereads / MY BODYGUARD [TAGALOG - COMPLETED] / Chapter 40 - CHAPTER 39

Chapter 40 - CHAPTER 39

FINAL

CHAPTER 39

SUMMER POV.

1 YEAR LATER

HINDI ko inasahan ang sigawan sa buong studio nang lumabas ako mula sa backstage. Inanyayahan kase ako para sa interview bilang bagong mukha sa isang sikat na magazine na kakashoot ko pa lamang the other week.

"Hi, Ms. Hamilton maraming salamat at pinaunlakan mo ang aming imbitasyon sa gabing ito."nakangiting bungad sa akin ng Tv host. Ngumiti lang din ako bilang ganti saka iginiya ako sa paupo sa isang pang isang upuan.

"Ms. Summer we love you!"

"Mahal na mahal ka namin Ms. S"

Napangiti na lamang ako sa mga sinasabi ng Fans sa akin. Hindi ko rin inasahan na makakabalik pa ako sa industria na kinabibilangan ko dati.

"Ang ganda lalo ni Ms. Hamilton diba Rhy?" Nakanngiting saad ng babaeng host sa katabi niya.

"Yes Mother, napaisip tuloy kami kong May Boyfriend ka na ba Ms.Hamilton?."baling nito sakin.

Nagsitilian naman ang nagwawala kong fans sa tanong ng Tv host sa akin.

"Ahm, may mga nanliligaw pero wala akong sinagot sa kanila."nakangiti ko paring tugon.

"Hahaha so it means hindi pa handa ang puso mo magmahal? Well anyway may mga nakahanda kaming tanong para sayo Ms. Hamilton ang gagawin mo lang ay sagutin ang mga ito."anang ng babaeng Host.

"So ito ang tanong mo Ms. Hamilton. Paano mo na overcome yung depression mo 6 months? We heard a lot of humor about Sa condition mo na ikinaalarma din naming lahat how are you know?"

Yes, Depression is almost killing me that time yon yung mga panahon na hindi ko na nakayanan ang mga nangyari. Walang exemption lahat ng revelation at mga masasakit na pinagdadaanan ko niyakap ko yun lahat hindi ko lang inasahan na darating ang punto na iyon sa aking buhay i almost try killing myself.

"Hindi ko masasabi na I am totally free of my depression Kase nararamdaman ko parin siya pero minsanan nalang I am always fighting to continue my life kahit minsan wala na akong maisip na dahilan kong bakit kailangan ko pang mag exist sa mundo."seryuso kong saad dito.

"Your too honest with your answer Ms. Hamiton hindi namin nakalimutan yung controversial na pagpatol mo daw sa iyong Bodyguard na may pamilya na which is already passed away a year ago gusto lang namin malaman if totoo ba ang issue na yun?"

Napapikit ako ng maalala muli si Parker. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago sumagot.

"Hindi ko siya ikakaila dahil totoo ang issue na yun- "

Hindi pa man ako nakatapos sa isasagot ko ng magsitilian at magsigawan ang mga taong nasa loob ng studio.

"Continue Ms. Hamilton."

"I admit may relasyon kami ni Parker. And maraming revelation ang nagaganap way back then we found out that He is not a married man and I can prove that i gathered all the information that i have to get some legal documents like CENOMAR and yes he's not married may mga tao lang talaga na maiitim yung budhi at nananggal ng kaligayahan ng iba." Buong tapang kong sagot.

"So malinaw na mga viewers na hindi kasal ang naging first Boyfriend ni Summer. Kumusta na ngayon ang puso mo Ms. Hamilton? I mean wala ka na bang balak buksan yan sa iba?"

"Hindi ko pa masagot ang tanong mo na yan, maybe time will come at may mapupusuan ako."

"Ano ba ang ideal man ng Isang Summer Hamilton?"

"Hindi ako yung klase ng babae na mahilig sa material Boyfriend o may mga bagay na gusto kong gawin sa akin ng tao. Si Parker kase siya yung tipo ng lalaki na kahit walang gawin na bagay mahuhulog ka talaga sa kanya. Pero sa ngayon seguro yung ideal man ko yong kayang panindigan ang pangako niya sa akin. Yung kaya akong ipaglaban, protektahan, at alagaan."

"Natouch ako sa sagot mo Ms. Hamilton pakiramdam ko mahal na mahal mo talaga si Parker."

Ngumiti lang ako bilang sagot. Marami pa silang tanong sa akin na sinagot ko naman ng buong katotohanan wala na akong rason magtago.

Tahimik narin ang buhay ko nakapag adjust narin kahit papano. Hindi nga lang madali sakin.

Isang taon akong nabubuhay sa lungkot. Hindi kompleto ang bawat araw na dumaan sa buhay ko.

Hindi rin ako pumalya sa pagdalaw sa libing ni Parker at para akong baliw na kinakausap ang puntod niya parang tanga umasa na sasagot siya.

Napaka hirap kase siyang kalimutan napakahirap mag move on agad agad. Kaya kahit hindi pa ako handang bumalik sa pagmomodelo napilitan akong bumalik ayaw ko kase na tuluyan na akong mabaliw.

Pagkatapos ng interview lumabas na Ako sa studio agad naman akong sinalubong ni Laura at inabot sakin ang isang bottled water at ang gamot ko.

"Thank you Laura."

Ngumiti lang ito saka inayos na ang mga gamit ko.Nauna na akong lumabas sa kanya at nagpunta sa sasakyan.

Natigilan ako ng may makita akong puting rosas sa windshield ng sasakyan ko nakaipit.

Humangin ng malakas dahilan ng mapayakap ako sa sarili kong mga braso. Nagsitayuan din ang balahibo sa batok ko kaya nagmamadali akong sumakay sa sasakyan.

Hindi ko kinuha ang nakaipit na rosas at hinayaan ko nalang ito dito.

Nang makalabas ako sa building saka ko binaybay ng malaya ang kahabaan ng kalsada pauwi sa sarili kong bahay.

Matagal na akong bumukod kay Dady simula nong nalaman kong ampon lang ako humiwalay na ako sa kanya.

Nakipagkita rin naman ako sa kanya pero bihira na. Napatingin ako sa Cellphone ko ng tumunog ito napangiti ako ng makita ko kong sino ang tumawag.

"Yes baby?"

"Mom? Can you buy me something to eat? Im hungry i just arrived from school." Napangiti ako sa panlalambing ni Lixxie sa akin.

Momy na ang tawag niya sa akin since nong dinala ko siya sa bahay at ako na ang tumayong ina niya.

"Okay Honey." rinig ko ang pagbuntong hininga nito sa kabilang linya.

"You remind me Parker again mom" malungkot nitong sabi.

"Ops, Sorry baby I'll hung up now I'm driven all the way home lock the door baby." Paalala ko.

"Done momy you take care okay."

Napangiti akong pinatay ang tawag. Saka itinuon sa daan ang tingin. Nang may mamataan akong store itinigil ko ang sasakyan saka pumasok sa loob para bumili ng makain at iba pang kakailanganin ni Lixxie.

Ilang minuto din akong namili bago ako pumila sa counter. Nagulat nalang ako ng may lumapit sa akin na batang lalaki.

"Ate pwede po paselfie? Idol po kita."nakangiti nitong tanong sakin.

"Sure."agad naman itong tumabi sa akin saka kumuha ng selfie naming dalawa. Pinagtitinginan ako ng ibang costumer at yung iba ay nakiselfie narin.

Matapos ko silang maentertain ay nabayaran kona ang pinamili ko.

Kinuha ko yung isang can ng cali na binili ko binuksan ko ito at ininum saka naglakad.

Napakapa ako sa cellphone ko ng tumunog ito hindi na ako nag abalang tumingin sa dinadaanan ko nang makuha ko ang phone ko aktong sasagutin ko na ng may bumundol sa akin.

Nabitiwan ko ang dala kong pinamili at saka ito nahulog at nagkalat sa semento.

Sabay pa kami nong nakabundol sa akin na pumulot sa mga pinamili ko.

"I'm sorry Miss I'm on the hurry I didn't notice you."

Nanlamig ang buo kong katawan at sumiklab ang matinding kabog nito. Parang gusto nitong kumawala sa loob ko. Pinagpapawisan ako at hindi makagalaw sa pwesto.

That baritone voice hindi ako magkakamali. No! It can't be. Impossible.

"Here Miss I'm sorry again."abot nito sakin ng maisilid na niya sa plastic lahat ng natapon kong pinamili.

Nag angat ako ng tingin at hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Nanlaki ang mata ko ganon din siya.

Mas lalong natuon ang mga mata ko sa mukha naka military cut ang buhok niya at medyo mahahaba na yung begote niya. Walang pinagbago sa hitsura niya. Walang namutawi sa aking bibig habang nakatitig lamang ako sa kanya.

Inangat ko ang aking kamay para sana maniguro na hindi ko siya halusinisyon pero mabilis itong tumayo.

"P-Parker?" Sa wakas ay naisambit ko rin.

Pero nagulat ako sa blankong reaction niya habang nakatingin sa akin.

Buhay siya? Pero p-pano? Ang daming tanong sa isip ko habang nakatingin sa mga mata niya.

What's goin on Parker? Anong nangyari? I am dreaming?

"Dady!"

Napalingon ako sa isang batang lalaki na tumakbo papalapit kay Parker na agad naman nitong binuhat saka tumalikod sa akin at naglakad palayo.

Napatingin nalang ako sa palalayo niyang bulto. Anong nangyayari? Anong ibig nitong sabihin? Parker? Sino ang batang lalaki na iyon? Bakit dady ang tawag nito sa kanya?

Totoong buhay siya pero paano? Paano siya nakaligtas? Bakit hindi siya nagpapakita sa akin.

Nalaglag ang mga luha sa aking mga mata. Hindi ko maintindihan ang sari saring emosyon na aking nararamdaman. Para akong sinasakal nito. I need an explanation for all this shit!