SECRET REVELATION
Part 4
CHAPTER 37
PARKER POV
HINDI ko na kayang gumalaw pa pakiramdam ko wala na akong naramdaman sa buo kong katawan.
Malugod kong tinanggap ang lahat ng ginawa nila sa akin. Ayos na rin ito kesa yung mga mahal ko sa buhay ang masaktan.
"D-Doy!"
Rinig ko ang boses ng babaeng pinakamamahal ko pero wala akong maaninag na liwanag kahit nakadilat na ang aking mga mata wala akong nakita sa paligid nilamon iyon ng kadiliman.
"Doy! Lumaban ka! Lumaban ka pa para sa akin para sa amin hindi ko kayang iiwan mo akong mag isa Doy!"kahit anong gawing pag aninag ko sa paligid hindi ko makita si Summer tanging boses niya lang ang naririnig ko. Ang boses ng babaeng mahal na mahal ko.
'Patawad Summer hindi ko nagampanan ang tungkulin ko sayo'
Sumiid ang sakit sa ulo ko. Pakiramdam ko parang binibiyak ito. Gusto ko pang mabuhay, hindi pa ako handang mamatay ngayon may mga taong masasaktan pag tuluyan na akong mawala.
Ilang oras din ang lumipas ng unti unti kong naaninag ang liwanag nakita kona ang pagliwanag ng paligid.
Hanggang sa nakita ng mga mata ko si Summer nakapikit at gaya ko nakaupo sa silya nakaposas ang magkabilang pulsuhan sa silya pati mga paa.
Nagpupumiglas ako sa kinauupuan ko. Gusto kong makawala dito dahil hindi ko kayang makita si Summer sa kalagayan niya ngayon.
Parker! Mag isip ka ng paraan. Mag isip ka!
Natigil ako sa pag iisip ng pumasok si Cyruz. Nagdilim ang mukha nito ng makita akong gising na.
"Akalain mo nga naman! Buhay ka pa pala,"nakangisi nitong saad sakin.
Napangiwi ako ng bigla niyang hawakan ang buhok ko at inangat iyon.
Parang gusto ng kumawala ang buhok ko sa anit sa tindi ng paghawak niya sa buhok ko.
"Alam mo bang kating-kati na akong todasin ka ha Tang'na ka! Pero pinigilan ko lang gusto ko kasing makita kitang nagdurusa gusto kong magmamakaawa kang bubuhayin kita."gigil nitong sabi.
"Hindi ako takot mamatay Alcazar! Dahil matagal nang nakasanla kay Satanas ang kaluluwa ko Alcazar."at pilit ko siyang nginisihan na mas lalong ikina dilim ng husto sa ng mukha niya.
Sinakal niya ako sa leeg at nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa akin.
"Papatayin kita hayop ka!" Galit na galit nitong saad.
"Gawin muna Alcazar! Gawin muna wag puro salita lang!"paghahamon ko pa.
Bumitaw ito sa pagsakal sakin saka kinasa ang hawak na baril itinutok ito sa sintedo ko.
Kahit sa ganitong sitwasyon hindi ko naramdaman ang takot. Payapa kong ipinikit ang aking mga mata naghihintay kong kailan niya ipaputok sa sintedo ko ang kasadong baril niya.
Ngunit gayon nalang ang gulat ko ng marinig sa labas ang putukan ng mga baril at pagsabog.
"Boss! May sumugod sa atin." Biglang pumasok ang isa sa mga tauhan niya.
"Bwesit! Bantayan niyo ang mga yan!"
Nagmamadali itong lumabas.
Napatingin ako sa gawi ni Summer. Halatang nagulat ito dahil napaigtad siya.
"D-doy? Akala ko iiwan mona ako Doy!"iyak nitong sabi sa akin.
"Tahan na, makakalabas tayo dito, be brave Summer."pilit ang ngiti kong ipinarating sa kanya.
Nababasa ko ang takot sa mga mata niya. Kumunot ang noo ko ng makita si Lixxie sa likurang bahagi ni Summer.
"H-honey?" Tawag ko dito.
"P-parker? Are you alright there?"
"Yes Honey I'm okay."
Nagtama ang mga mata namin ni Summer alam kong nahalata niyang nagsisinungaling ako kay Lixxie.
Natigilan kami pareho ni Summer ng biglang may bumaril sa mga tauhang nakabantay sa pintuan. Kasunod niyon ang pagpasok ng mga kalalakihan.
"Confirmed Boss! Andito nga si Summer Hamilton kasama si Parker at may isang bata din silang kasama."saad ng lalaki na may kausap sa cellphone.
Tinanggalan kami sa pagkaposas. Nakahinga ako ng maluwag dahil pakiramdam ko safe na kami sa ngayon.
"Doy!"
"Parker"
Halos sabay pa ang dalawang sumugod sa akin.
Mabilis kong niyakap si Summer at Lixxie.
"I'm sorry Day! Napahamak ka ng dahil sa akin."
"Doy wag ka ngang magsalita ng ganyan pareho nating hindi ginusto to,"masuyo ko siyang hinalikan sa noo pati narin si Lixxie.
"Sumunod kayo sa 'kin para makalabas na kayo dito."saad ng lalaki at nauna na itong naglakad sa amin.
Agad kong hinawakan ang magkabilang pulsuhan ni Summer at Lixxie saka sumunod sa lalaki.
"Boss, pakisecure sa dalawang ito may tatapusin lang ako sa loob."namataan ko kase na papatakas si Cyrus at umakyat ito sa itaas ng bahagi ng abandonadong building.
"P-pero Doy! Hayaan muna silang gawin yan sumama kana lang samin baka kong mapano ka pa."basa ko ang takot sa mga mata ni Summer.
"Day, pangako babalik ako. Magiging maayos din ang lahat pangako yan."
"Doy, natatakot ako. Akala ko tuluyan ka ng mawala sa akin."mangiyak ngitak nitong saad.
"Kong darating man ang panahon na mamatay ako. Babalik ako Day babalikan kita, makipaglaban ako kay kamatayan."seryuso kong saad sa kanya. Alam kong hindi mapawi sa mga salita ko ang pag aalala at takot na nararamdaman niya.
"Hindi ko maiwasan ang nararamdaman kong takot Doy, lalo na sa ginawa nila sayo."
"Day, andito ako hindi kita pababayaan maging matapang ka para sa'kin at para sa mga taong nagmamahal pa sayo."
Humigpit ang pagkayakap niya sakin. Hindi ko maiwasan ang subrang pag alala ngayon. Natatakot akong iiwan siya diko kaya.
"Mahal na mahal kita Doy, ayaw kong mawala ka sa akin hindi ko kakayanin."
"I can't live without you. Your my air, my world and my everything i don't let anyone get you away from me."masuyo ko siyang hinalikan sa labi na taos puso naman niyang tinugon. Nawala sa isip ko na kasama pala namin si Lixxie.
Agad din kaming kumalas sa isat isa at aktong lalabas na. Ngunit di pa kami nakalabas ng tuluyan sa Building ng biglang pumasok si Anton at Salvie.
Ano na naman ang ginagawa nang dalawang ito dito?
"Lixxie baby halikan, sumama kana samin aalis na tayo."tawag ni Salvie.
"No! Hindi ako sasama sayo kay Parker lang ako sasama."
"Ano pang ginagawa niyong dalawa dito?"galit kong tanong sa kanila.
"Kukunin ko ang anak ko Parker."saad ni Salvie.
"Im not leaving Momy! Im staying with Parker ang Tita Summer."
"You heard her, pwede na kayong umalis." Pagtataboy ko.
Nagulantang ako ng biglang hilahin ni Anton si Summer at tinutukan ng baril sa sintido.
"Anton what the hell are you doing?"takang tanong ni Salvie.
Ako naman ay parang sasabog na subrang galit na nararamdaman ko.
"Let her go Anton wag mong hintayin na maubos ang pasensya ko."tiimbagang saad ko dito.
"Hindi ko siya ibabalik dahil sya ang pakay ko Parker."saka hinila na niya palayo si Summer.
"Bitiwan mo ako ano ba!"pagpupumiglas nito.
"Anton ano ba!"galit na singhal ni Salvie.
"Kunin mo ang anak natin ako na ang bahala dito."
Nagulat ako sa narinig ko kay Anton. What did he say? Anak nila?
Taka akong napatingin kay Salvie. Pati narin kay Anton.
"Gulat ka? Hindi mo alam na hindi mo anak si Lixxie?"nang aasar na tanong ni Anton.
"No! That's not true! Parker is my real father not Him he's a monster!"sigaw ni Lixxie saka nagtago ito sa likod ko.
"Lalapit ka sa mama mo Lixxie o babarilin ko tong babae na to."
"Simula pa noon ginagago niyo na ako pero ang sabihin sa akin ngayon na hindi ko anak si Lixxie ay hindi ko na mapapalampas!"hinugot ko ang baril na nakasukbit sa isa sa mga tauhang namatay ni Cyrus saka walang sabi sabing binaril sa magkabilaang tuhod si Anton.
"Umalis na kayo dito Summer ilayo mo dito si Lixxie." Utos ko dito.
Saka ko tinutukan ng baril si Anton saka binaril siya sa magkabilang braso.
"Tama na Parker!"umiiyak na sabi ni Salvie habang nakaluhod itong nakaharap sa duguang katawan ni Anton.
"Pasalamat ka Anton may natira pa akong awa sa iyo. Angkinin mo ulit ang anak ko hindi na ako magdadalawang isip na pasabugin yang utak mo." Hindi na nakapagreact pa si Anton maging si Salvie ay tinaliman lang ako nitong tingin.
Umakyat ako sa iba pang bahagi ng palapag gusto kong maabotan si Cyrus dahil siya ang magiging susi ng kalayaan ko.
SUMMER POV.
SARI sari na ang nararamdaman ko. Takot, kaba, gutom, panghihina hindi kona kinaya pa ang mga revelasyon bakit ganito? Wala bang isang bagsakan to? Kailangan talaga paisa isa?
"Tita Summer."
"Let's go baby, maghahanap tayo ng pweding tumulong sa atin."
NAng makalabas kami sa naturang building ay nahagip ng mga mata ko ang sasakyan ni Dady.
Lumabas ito agad ng makita ako saka mabilis ko siyang sinalubong at niyakap.
"Dady!"umiiyak kong sambit.
"Ihaj, I'm sorry let's go kailangan na nating makaalis dito."
Kumalas ako sa pagkayakap sa kanya saka umiling. Pinahid ko ang mga luha sa aking mga mata saka tumingin sa kanya.
"Babalikan ko si Parker sa loob Dady dahil andon pa siya."
"Pero masydong delikado na sa loob Anak."
"Lixxie sumakay kana sasakyan."agad naman itong tumalima saka ako patakbong papasok na sana sa loob ng mabilis akong hinarangan ni Dady.
"Dad! Ano ba wag mo akong pigilan kailangan kong balikan si Parker!"
Isang malakas na pagsabog ang gumulantang at nagpayanig sa sistema ko. Napipi akong napaharap sa malaking abandonadong building na sumabog. Nakatulala akong napatingin dito habang lumiliyab ang apoy.
"No! Parker! Parker!"napasalampak ako sa semento walang tigil ang sigaw ko habang nakatanaw sa malahiganteng apoy na kumain sa buong building.
Parang gumuho ang mundo ko sa nakita ko.
"Anak halikana kana! Lumaki na lalo ang apoy!" Wala akong lakas pang tumayo bagsak ang balikat ko habang nakatingin lang dito.
Si Parker? Andun si Parker sa loob. Nandon siya sa loob.
"Parker,"hindi ko alam kong lumabas pa ba ang boses ko nawawalan na ako ng lakas. Hindi narin gumana ang sistema ko.
"No! Parker! Tita si Parker "humahagolhol na sabi ni Lixxie.
"Anak halina kayo wala na tayong magagawa pa"
"Hindi ako aalis dito dady hinintayin ko si Parker."walang emosyon kong saad sa ama ko.
"Wala na si sya anak malamang sa impak ng pagsabog at pagliyab ng apoy nasunog na rin ang katawan ni Parker."
"No! Hindi! sinabi niya sa akin babalik siya dady! Hindi pa patay si Parker hindi pa."buong lakas na sigaw ko sabi kay dady.
Ayaw kong tanggapin ang sinabi niya. Babalikan ako ni Parker. Alam ko yun babalikan niya ako.
Yakap ko Lixxie at hindi ako umalis sa kinaupuan ko. Pakiramdam ko hindi kona maibuka ang mga mata ko sa subrang maga at hapdi nito.
Hindi ko ininda ang sakit ng sinag ng araw gusto kong maseguro na buhay pa si Parker.
Hanggang sa dumating ang mga bombero at pinagtulungang patayin ang kumakalat na apoy. Natupok narin ang buong building. Nawawalan na ako ng pag asa na buhay si Parker.
Hanggang sa maramdaman ko na hindi na ako naiinitan pag angat ko ng tingin nakita ko si Laura pinayungan kami.
"Ms.S"
"Anong ginawa mo dito Laura?"
"Cover kayo sa TV ngayon Ms. S nakita kita kaya ako nagpunta agad dito."
Mabilis akong tumayo ng makita ko ang mga pulis na may buhat nang malalaking itim ba bag mula sa building na nasunog.
Napatakip ako sa bibig ko ng makita ang katawan ni Salvie na nasunog. Pati narin si Anton.
"Momy!"umiyak naman si Lixxie ng makita ang bangkay ng ina.
Sunog ang mga katawan nila tanging hindi lang nasunog ay ang kabilang pinsgi ni Salvie.
At may parte ng damit ni Anton ang di nasunog kaya nakilala ko na ito siya.
Lumapit pa ako sa iba pang mga nasusunog na bangkay. Pero hindi ko nakikitaan si Parker sa mga ito.
Nag angat ako ng tingin sa isang pulis ng may tinanggal ito sa leeg ng bangkay.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang kwentas na pag aari ni Parker.
No! Parker hindi ! Hindi ito maari!
Hindi agad nakapagreact ang sistema ko sa katotohanang nakahain na sa harap ko. Biglang nandilim ang paningin ko at kasunod niyon ay ang tuluyang pagbagsak ng katawan ko.