Chereads / MY BODYGUARD [TAGALOG - COMPLETED] / Chapter 34 - CHAPTER 33

Chapter 34 - CHAPTER 33

PARKER POV

NARATING ko ang lumang bahay ni Dady tanaw ko mula dito sa loob ng sasakyan ang kalumaan ng bahay na yun. Pati ang pintura nito ay kumukupas na, ang mga pipes na dadaluyan ng tubig ulan ay butas-butas na. Kinakalawang narin ang maliit na gate at wala ng pintura.

Sumusukal narin ang paligid basag ang mga window glass at medyo inaanay na ang ibang parte nito.

Bumaba ako sa sasakyan binuksan ko yung gate. Akmang papasok na ako ng may biglang flash sa alaala ko.

"Aaaagghhh Fvck!!."sapo ko ang aking noo ng bigla nalang sumiid ang sakit.

Hindi klaro sa akin ang biglang nagflash sa alaala ko subrang blurred pero may naaninag akong bulto pero kaninong bulto yun?

Nagmamadali na akong pumasok sa loob ng bahay. Subrang luma na ito at puno ng alikabok ang paligid. Nagkalat ang mga gamit sa loob.

Nahagip ng mata ko ang isang lumang picture frame hinipan ko ito at tinignan. Nanlaki ang mata ko ng makita litrato.

Anong ibig sabihin nito?

Binitbit ko ang picture frame saka binuksan ang mga pinto. Nakita ko agad ang kwarto ni Dady magulo ang kama nito pati ang mga gamit ay nasa sahig na.

May astray pa sa study table nito at may nakatuping papel sa ilalim kinuha ko ito saka pinagpagan. Binuksan ko pero hindi na malinaw ang nakasulat dahil sa subrang kalumaan. Nakapagtataka naman na hindi alam ni Anton ang lumang bahay ng magulang ko?

Magaling pala talaga ang source ko dahil nahanap niya pa ito kahit bumyahe pa ako ng ilang oras papunta dito wala na sa akin yun.

Ang importante makuha ko ang mga sagot sa mga katanungan na bumagabag sa aking isipan at malilinis ko lang ang pangalan ko pag nagsimula ako dito mismo.

Dahil sa pagkakaalam ko hindi ako basta basta makakalabas sa kinabibilangan ko dahil mahigpit na ipinagbawal iyon. At ilang taon din akong nagtago pero bakit ngayon lang nila ako nahanap.

Bakit binalikan ako ng pamilyang pinatay ko na sa pagkakaalam ko ang comando na ang bahala sa kanila.

May sariling galit ang mga ito sakin at hindi na kasali doon ang mga ginagawa ko kahit labag sa loob ko ang iniutos nila sakin approbado sa kanila ang iniutos nila sa akin.

At Dady hindi ako naniniwalang aksidente ang pagsabog ng sinakyan niya may gumawa non at itong bahay mukhang nilooban.

Ano ba talaga ang mga nangyayari? Bakit pakiramdam ko may bahagi ng pagkatao kong nakalimutan ang mahahalagang bagay sa buhay ko? At iyong picture frame? Sino ang lalaking iyon?

A/n : [Magulo ang buhay ni Parker, May mga pangyayari na malalaman niyo sa susunod pang mga chapter mga ganap na hindi niyo aasahan]

SALVIE POV.

HINDI parin ako nahimasmasan sa subrang galit na nararamdaman ko kay Summer. Gusto ko siyang patayin ngayon na bwesit siya!!

Napaigtad ako ng biglang tumunog ang sarili kong cellphone nanlamig ang buo kong katawan ng makita ang pangalan sa screen.

Pilit kong nilabanan ang kaba at dinampot ang cellphone saka sinagot.

"ANO BANG PINANGGAWA MO SALVIE? HABAAN MO PA ANG PASENSYA MO PWEDE ? SINISIRA MO ANG IMAHE MO SA KANILA HINDI NILA TAYO PWEDING MABUKO HINDI PWEDE HANGGAT HINDI PA NATIN NAHAHANAP SI BENEDICT BWESIT ANG MATANDANG IYON DI PA MAMATAY MATAY!"singhal nito sakin.

"HINDI KO YUN NAKALIMUTAN MAHAL, PASENSYA NA"

"HINDI KANA UMAKTO SA NAPAG USAPAN NATIN SABIHIN MO NGA SAKIN TOTOO NA BA YANG NARAMDAMAN MO SA PEKE MONG ASAWA HA?!"

Nakagat ko ang pang ibabang labi ko sa tanong niya. Dahil ang totoo mahal na mahal ko talaga si Parker kaya hindi ko magawa gawa ng maayos ang trabaho ko ngayon dahil mahal kona nga siya.

Ang dami kong kasalanan kay Parker marami kaming ginawa sa kanya at ang kinakatakot ko ngayon ay ang maalala na niya lahat.

"HINDI MAHAL , WALA AKONG NARAMDAMAN KAY PARKER TRABAHO KO LANG SIYA "pagsisinungaling ko.

"AYUSIN MO ANG TRABAHO MO AT GAWIN MUNA ANG DAPAT GAWIN HABANG NABABALING SA IBA ANG ATENSYON NG PEKE MONG ASAWA"agad nitong pinutol ang tawag ko.

Nanlumo akong napaupo sa couch ang napatingin sa malayo. Parang hindi kona kaya ang pinangagawa ko. Kong totoosin hindi naman kasalanan ni Parker yun.

Natigilan ako ng biglang pumasok si Lera na masama ang tingin sa akin.

"Sumugod ka talaga dito par gumawa ng eskandalo ?"bungad nito

"Pasensya na kayo baka pregnant thing lang to kaya ganito ang inaasta ko kanina ."pilit kong saad.

"Wala ka ng pamilya na babalikan pa Salvie kaya lumugar ka sa buhay ni Parker naintindhan mo?"

Umalis na agad ito matapos sabihin iyon. Paano pa kaya Lera kong malalaman mo ang totoo paano pa kaya?

Lahat ng nangyayari puro kasinungalingan sana hindi na maalala ni Parker ang lahat.

THIRD POV.

PRESENTABLE nakaupo ang may edad nang lalaki sa harapan ni Benedict.

"Hindi mo manlang ba ako pasalamatan benidect? Dahil sa pagkakaligtas mo mula sa mga kamay ng taong gustong pumatay sayo?."

"Bakit ko naman yun gagawin? Mas mabuti pang sila ang papatay sakin kesa sa harap mo ako mamamatay Florito!."

"Hahaha! Matapang ka parin Benedict para ka ring si Miguelito."

Naikuyom ni Don benedict ang kamao niya ng mabanggit nito ang pangalan ng matalik niyang kaibigan ang Ama ni Parker.

"Ikaw ang nagpapatay sa kanya! Hayop kang gago ka! Traydor ka talaga kahit kailan Florito ano pa ba ang kailangan mo mo sakin?"galit niyang singhal dito.

"Hindi ba't kayo ni Miguelito ang Traydor? Diba kayo ang nagpatalsik sakin sa posisyon ko sa FBI? Nakalimutan mona?"

"Dahil tumatanggap ka ng datung mula sa mga sindikato na hinuhuli namin Hayop ka!"

"Marami akong binuhay na mga bata di gaya ninyo na sarili niyo lang ang iniisip! "pagdadahilan pa nito.

"Baka nakalimutan mo nasa sa akin Isa mong anak anakan Florito! At gaya ng napag usapan natin inalagaan ko siya binihisan binigyan ng Pangalan tumupad ako kami ni Miguelito sa napakawalang kwenta mong kasunduan pero anong ginawa mo? Tinraydor mo kami! Nakapawalang kwenta mong kaibigan Hayop ka!"nagngitngit sa galit ang mukha ni Florito saka siya niyo sinugod at kinwelyuhan.

"Ang lakas ng loob mong tawagin akong walang kwentang kaibigan samantalang ikaw ay may tinago karing kawalang hiyaan sa likod ni Miguelito! Baka nakalimutan mo inahas mo ang asawa niya at nagbunga pa ang kawalang hiyaan mo! Pare pareho lang tayong traydor at walang hiya dito Benedict wag ka masydong magmamalinis."

Nanigas si Don benedict sa sinabi ni Florito at nanlaki ang matang nakatingin sa kaharap.

"Hindi ka makapaniwala ? Hindi mo alam na may anak kayo ni Hillary? Sa bagay pano mo nga malalaman eh nagbunyi ka ng husto ng malaman mong buntis ang pinakamamal mong Asawa! Kong meron mang taong manumbat ng salitang traydor hindi yun Ikaw Benedict kundi si Miguelito yun naintindhan mo?"saka siya nito marahas na binitiwan at napasalampak ulit siya sa upuan.

Namilibis ang luha sa pisngi niya. Alam niyang magulo ang lahat. Subrang magulo inampon niya si Summer dahil yun ang napagkasunduan nila ni Florito simula ng mawalan ito ng trabaho.

May tatlong babae at dalawang lalaki itong inaalagaan pero iisa lang ang pinakiusap ni Florito si Summer na siyang pinakabata pa sa kanila and the rest hindi na niya alam kong san na ang mga ito.

Pero ang ikinagulo ng isip niya ngayon ay kong gayong nabuntis niya si Hilarry maaring anak nga niya si Parker?

"So here's the deal Benedict pirmahan mo ang mga ducomentong ito mga ari arian mo gusto kong samsamin lahat ng pag aari mo at - " hindi nito natapos ang sasabihin dahil sumagot na siya. 

"Hindi ako papayag pinaghihirapan ko ang mga yan "

"Magsasama pa pala tayo ng matagal pero wag mong sagarin ang pasensya ko baka gagamitin kong alas ang pekeng anak anakan mo."

"Wag si Summer wag mong galawin ang anak ko"

Ngumisi lang ito ng pagkalapad lapad saka nilalaro ang hawak nitong walang sinding sigarilyo.

"Alam kaya niyang Ampon siya ?at alam din kaya niyang Ikaw mismo ang pumatay sa mga magulang niya? Kawawang bata."at humalakhak pa ito.

Pigil na pigil sa galit naman si Benedict maraming sekretong nakatago sa kanilang tatlo at isa isa na iyong lumabas ngayon natatakot siya sa mga susunod pang magaganap pero hindi niya kayang masaktan si Summer anak na ang turing niya dito at nangako siya sa asawa niyang hindi niya pababayaan si Summer.