Arni let the wind blew her hair. Hinayaan niyang nakabukas ang bintana ng kotse niya para
damhin ang sariwang hangin.
Simula nang marating nila ang San Mateo ay wala na siyang ibang nakita kundi ang palayan at maisan. Sa dako pa roon ay mga bundok at burol na. She missed the place. Napakapayapa roon at simple lang ang pamumuhay. At hindi siya makapaniwalang babalik siya roon matapos ang mahabang panahon.
She inhaled the fresh air. Ang San Mateo ay bayan sa norte kung saan siya ipinanganak at lumaki. Mula Maynila ay halos limang oras ang biyahe bago makarating sa lugar na iyon. Para sa kaniya dati ay paraiso na ang bayang iyon.
Sinulyapan niya ang oras sa kaniyang relo. It's almost nine in the morning. Ilang minuto pa ay mararating na nila ang bagong bahay ng kaibigang si Shiela.
She smiled at the thought of her friend. Anong galak niya nang makatanggap ng tawag mula rito at sabihan siyang magpapakasal na. And she was even hyped when she learned who the lucky guy was. Hindi siya makapaniwalang magkakatuluyan ang dalawa.
Buti pa sila...
Hindi niya mapigilan ang sariling malungkot sa ala-alang unti-unting bumabalik sa isip niya. Ilang beses na ba niyang pilit na isinuksok sa kailaliman ng isip at puso niya ang mga ala-alang iyon? She always hated it when memories come rushing, dahil kahit ilang taon na ang lumipas ay masakit pa rin para sa kaniya ang mga nangyari.
I've loved you for almost an eternity.. But why..? Why did you have to hurt me?
"Are you alright?" narinig niyang sambit ni Jason na siyang nagmamaneho.
Nilingon niya ito at nginitian. "Of course," aniya bago muling itinuon ang pansin sa labas ng bintana.
Wala halos ipinagbago ang San Mateo sa dakong iyon. Walang hanggang taniman ng palay, mais at tubo ang makikita sa paligid. Kung bibigyan siya ng pagkakataon ay nanaisin muli niyang manirahan doon.
Are you sure? That would mean you are prepared to see him more often. His family owns a vast of land in San Mateo, anong malay mo kung ang nakikita mong malawak na taniman ay pag-aari na rin nito? Kaya mo na ba siyang harapin kapag nagkataong tumapak ka sa lupa niya?
Napabuntong-hininga siya sa naisip. Meh, she'll probably just stay in Manila. Walang ikabubuti kung babalik siya ng San Mateo para manirahang muli roon.
Habang nakatitig siya sa labas ng bintana ay hindi niya napigilan ang sariling alalahanin ang nakaraan, many years ago, sa lugar na iyon, at ang naging dahilan ng paglisan nila ng kaniyang kapatid.
*****
Few years back...
Napabalikwas ng bangon ang sampung taong gulang na si Arni mula sa pagkakatulog nang biglang may malakas na ingay na narinig mula sa labas. Pupungas-pungas siyang bumaba sa kawayang papag at hinawi ang kurtinang nakatabing sa pinto ng kwarto nila ng ina.
Pagkalabas ay inabutan niya ang Kuya Jarod niya na pinaghahagis sa lababo ang kalderong walang laman at plastic na plato.
"Wala na namang pagkain!" hiyaw nito.
"Hindi ko pa nakukuha ang sahod ko anak, mamayang hapon pa darating mula sa Maynila ang mag-asawang Vhan." paliwanag ng ina nila na kakikitaan ng pangamba habang kinakalma ang panganay na anak.
Alas siete palang ng umaga at mukhang lasing na namang umuwi ang tinamaan ng magaling! Tuwing madaling araw ay dumadaan ito sa mga mumurahin bar sa bayan para ubusin ang kinikita sa pinagta-trabahuhang talyer sa alak, sugal at babae.
"Bakit hindi ka nalang mangutang sa tindahan nina Selly nang may madatnan naman akong pagkain dito?" Hasik pa ng walanghiya. Nagising ng tuluyan ang diwa ni Arni. Araw-araw ay ganito ang nangyayari at nasasanay na siya. Ang konsolasyon lang ay kahit papaano, puro dada lang si Jarod at hindi nananakit. Maya-maya, kapag nahiga na ito sa sofa ay makakatulog na at matatahimik na ulit ang bahay nila.
Si Jarod ay sampung taong gulang nang makilala ng Inay niya ang kanyang Tatay. Anak ito ni Arman, ang kanyang Itay, sa unang asawa na namatay sa panganganak. Labing dalawang taon ito nang ipanganak siya ni Adelfa, ang kanyang Inay, at ito narin ang tumayong nanay dito.
Limang taong gulang naman siya nang mamatay ang itay niya sa sakit sa baga. Simula noon ay naiwan silang dalawang magkapatid sa kanilang Inay na dahil sa hindi naman nakapagtapos ng highschool ay walang ibang alam ng trabaho kundi mangamuhan.
Kasalukuyang namamasukan si Adelfa bilang labandera ng pamilya Vhan. Mag-da-dalawang taon na itong nagta-trabaho sa mga ito at dahil isang sakay lang ng tricycle ang bahay nila sa mansion ng mga Vhan ay umuuwi din ito tuwing hapon.
Apat na beses sa isang linggo lang naglalaba ang inay niya roon at tuwing Sabado at Linggo ay isinasama siya nito.
Mabait ang mag-asawang Vhan at natutuwa ito sa kabibuhan niya, hindi problema sa mga ito ang mga pagdalaw niya dalawang beses sa isang linggo.
"Mahaba na ang listahan ng mga utang natin kina Aling Selly, ayaw na mangutang ni Nanay doon dahil nalulugi na rin ang tindahan." Sagot niya, balewala sa kanya ang galit ng kuya.
Galit siyang nilingon ni Jarod, "Hoy bubwit, hindi kita kausap kaya wag kang sumabat d'yan!"
"Kung nagbibigay ka ba naman sana kahit kaunti kay Inay para makabili naman ng kahit tatlong lata ng sardinas nang sagayon ay may maabutan kang pagkain, 'di sana'y wala kang dramang ganyan." aniya na parang matanda, humakbang siya patungo sa banyo para maghilamos, nilampasan ang nanggagalaiting kapatid.
"Itikom mo iyang bunganga mo kung ayaw mong masaktan!" galit itong sumalampak sa sofa na yari sa kawayan, "Pareho kayong dalawa! Mga wala kayong kwenta." Anito na nahiga na, iniunan ang mga labahang kakakuha lang ng Inay nila sa sampayan ay tutupiin pa sana.
Bumuntong hininga nalang si Adelfa at dinampot ang kalderong tumaob sa lababo.
Hindi pa ito nakakasaing dahil wala rin naman talaga silang sasaingin. Sabado ng araw na iyon at maya-maya'y paalis na rin ito patungo sa mga Vhan kasama ni Arni.
Balewalang pumasok na siya sa banyo. Hindi siya naalarma kapag ganoong nagbabanta si Jarod na sasaktan siya. Bagaman hindi sila naging malapit ng kapatid ay hindi rin naman siya nito sinasaktan kahit dati pang buhay ang Itay nila.
Pagkalabas niya ng banyo ay nakita niya ang Ina na nakaupo sa silya kaharap ng mesa at nakatunghay sa ngayon at natutulog nang si Jarod. Nasa mukha ang lungkot.
"'Nay?" nilapitan niya ang ina at hinawakan sa balikat.
Inabot ni Adelfa ang kamay ng anak at malungkot na ngumiti. "Nanghihinayang ako sa Kuya mo. Kung tinapos man lang sana niya ang highschool ay maari siyang makahanap ng mas maayos na trabaho sa bayan. Kung hindi lang nito nakilala ang mga barkada ay—"
"Matanda na yan 'Nay, siya ang pumili ng buhay na gusto niya." Aniya na tila matanda na kung magsalita.
Sa hirap ng buhay na kinalakhan, ay maagang tumanda ang isip si Arni. Karaniwan, sa edad na sampu, dapat ay naglalaro pa siya ng chinese garter sa kalsada kasama ang ibang mga batang kaedad niya na nakatira doon sa lugar nila. Subalit siya ay tumutulong na sa ina sa paglalabada tuwing weekend at matyagang nag-aaral. Wala siyang panahong maglaro, mas mahalaga sa kanyang makatulong sa ina at mag-aral ng mabuti nang maialis niya ang Ina sa ganoong klase ng buhay.
Pilit na ngumiti si Adelfa, "Kung nabubuhay lang sana ang Itay nyo.."
"Kung nabubuhay pa ang Itay ay tiyak na mamamatay ding muli dahil d'yan sa mga kalokohan ni Kuya. Hali na po kayo." Aniya na ipinapahid ang basang mukha sa maluwag na T-shirt na suot. "Nagugutom na po ako, baka masarap ang ulam nila doon sa malaking bahay."
Napangiti si Adelfa sa bunsong anak at tumayo na.
*****
Bakasyon na at tuwang-tuwa si Arni habang naglalakad sila ng ina patungo sa subdivision kung saan naroon ang malaking mansion ng mga Vhan. At dahil bakasyon na ay apat na beses sa isang linggo siya makakapunta roon.
Martes nang araw na iyon at excited siyang makitang muli ang poging anak nina Natalie at Christian Vhan, si Nathaniel.
Walong taong gulang siya nang una niyang makita si Nathaniel noong unang beses na isinama siya ng ina. Unang kita niya palang dito ay natulala na siya dahil noon lang siya nakakita ng ganoon ka-poging lalaki. Ang sabi sa kanya ng kaibigan niyang si Shiela ay 'crush' daw ang tawag sa ganoon.
Ayon sa kanyang inay ay banyaga ang ama ni Nathan na si Sir Christian at dahil marahil sa banyagang dugo kaya naiiba ang mukha ni Nathan sa lahat. Matangkad ito at mapusyaw ang balat na namumula kapag nabibilad sa init ng araw. Hindi ito sobrang puti pero kung itatabi sa kanya na ipinanganak na baluga ay maputi ito.
At simula noong walong taong gulang siya ay hindi niya itinago ang pagkagusto niya rito. Kahit ang mag-asawang Vhan ay alam ang pagkakahumaling niya sa anak ng mga ito.
Habang lumilipas ang mga araw ay lalong lumalalim ang pagkakagusto niya kay Nathaniel, bakit hindi? Maliban sa pogi ay matalino rin ito.
Parati ay sinasadya niyang magpapansin dito. Natutuwa siya kapag nakukuha niya ang atensyon nito. Sa tuwing nasa mansion siya ay hinahanap niya si Nathan sa paligid at saka sisilipin. Kapag nakainipan nya ang paninilip dito ay saka siya lalapit para kausapin ito ng mga walang kabuluhang bagay dahilan upang iwasan sya nito o madalas ay pagagalitan. Makita lang siya nitong palapit ay napipikon na ito.
Kapag wala naman ito sa mansion ay naiinip siya at halos magkanda-haba-haba ang ulo kakalingon sa gate para bantayan ang pagbalik nito mula sa kung saan. Ayon kay Gigi, ang kasambahay ng mga Vhan, kapag ganoong wala sa mansion ang binata ay malamang na nasa bayan kasama ang mga kaibigan o nag-iikot lang gamit ang motorbike nito.
Para sa kaniya, si Nathaniel Vhan lang ang tanging lalaking pahihintulutan niyang maging parte ng buhay niya. At kung hindi lang din naman ito ang makakatuluyan niya balang araw ay 'di bale na.
*****
"Hi, Nathan!" masigla bati ni Arni nang makarating sila ng Mamang niya sa mansion. Naroon ang binata sa gilid ng pool at nakaupo, ang mga paa'y nakababad sa tubig.
Lumingon ito at pagka-kita sa kanya ay kumunot ang noo, "Nagpagupit ka ba ng buhok?"
Natutuwang tumango siya, "Maganda ba?"
Nagkibit lang ito ng balikat at ibinalik ang pansin sa mga kasamang naglalangoy.
Napatingin din siya sa mga iyon. Pagkapasok palang nila ng ina sa gate ng mansion kanina ay ang ingay na nagmumula sa pool area na ang kaagad niyang narinig kaya doon siya dumiretso.
"Sino sila?"
"My classmates."
"Mabuti at nakadalaw sila ngayon. Akala ko maliban sa akin ay wala ka nang ibang kaibigan."
Salubong ang kilay ni Nathan nang lingunin siya nito, "And who told you we're friends? Ikaw ang pinakamakulit na batang nakilala ko and for that reason, I don't want to befriend you."
"Sa ayaw at sa gusto mo, kakaibiganin parin kita," matigas niyang tugon dito.
Akma itong sasagot nang tawagin ito ng kasamang babae na nasa pool, "Hey, Nathan! Come join us!"
Napatingin si Arni sa babaeng nakasuot ng puting bathing suit at kinunutan ng noon, "Sino yun?"
"Her name is Sofia. I like her, kaya h'wag kang magulo," anito na dumausdos at lumusong na sa tubig.
"Haaah?" eksaheradong reaksyon niya kasabay ng panlalaki ng mga mata. "Bakit siya, gusto mo. Pero sa akin, ayaw?"
"What?" salubong ang kilay na hinarap siya nito. "Ano ba iyang mga pinagsasasabi mo? Can you just go?"
Subalit nagmatigas siya at hindi umalis sa kinatatayuan. "Nathan, paglaki ko, ligawan mo ako ha?"
Sukat sa sinabi ni Arni ay pinanlakihan ng mga mata si Nathan. Tila ito napako sa kinatatayuan at nasa mukha ang matinding pagkagulat.
"Pangako, gaganda ako paglaki ko. At kapag nangyari yun, ligawan mo ako kaagad, ha? Pangako din na sasagutin kita kaagad."
"Who is she?" nakuha ni Sofia ang atensyon ni Nathan nang lumapit ito at hawakan sa balikat ang binata.
Bago pa man makapagsalita si Nathan ay nauna nang sumagot si Arni, "Ako si Arni. At paglaki ko, ako ang magiging girlfriend at asawa ni Nathan. Sa ngayon, ipapahiram ko muna siya sa iyo. Babawiin ko nalang siya sa takdang panahon."
Una'y nagulat si Sofia sa sinabi ng bata subalit kaagad ding nakabawi at tumawa.
Si Nathan ay napailing nalang saka tumalikod. "Go now, Arni. Pumunta ka na sa Mamang mo," anito bago niyaya si Sofia na lumangoy.
"Okay," pabulong na sagot ni Arni habang sinusundan ng tingin ang papalayong si Nathan kasama ang magandang dalagita.
*****