Malayo palang ay alam na ni Nathan na nasa hindi magandang sitwasyon ang babaeng nasa gilid ng daan kasama ang mga lalaking halos hindi makatayo ng maayos dahil sa kalasingan.
Kausap niya sa cellphone ang ina at mabagal lang ang pagpapatakbo sa sasakyan kaya malayo palang ay napansin niya kaagad ang mga ito. Kung mabilis ang pagpapatakbo niya ay siguradong hindi niya mapapansing may kakaibang nangyayari. He's not a hero, pero hindi kaya ng konsensya niyang may mga babaeng napapahamak sa mga ganoong uri ng lalaki.
"What's happening here?" kunot-noo niyang tanong sa mga ito nang makalapit, isa-isang tinapunan ng masamang tingin ang dalawang lalaki na nakatingala sa kanya at saka binalingan ang babaeng nanlalaki ang mga mata at mahigpit na nakayakap sa bag. He could see horror in her face. Kinunutan siya ng noo. There was something familiar about the lady that he couldn't tell. "Do you know these guys?" aniya rito.
Umiling ito, nasa mukha pa rin ang pagkamangha.
Muli niyang ibinalik ang pansin sa mga lalaking ngayon ay sinusuri siya mula ulo hanggang paa. Sa tingin niya ay tinatantiya ng mga ito kung kaya niyang labanan ang mga ito nang mag-isa.
"Tsk," anang isa sa dalawang lalaki. Tinapik nito sa balikat ang kasama at binulungan, "mukhang mahihirapan tayo sa isang 'to, pre."
Tumango ang isa saka pabulong na sumagot sa kasama, "Siya yata ang hinihintay ng tsiks."
"Tsk, kelangan natin ng back up," anang isa bago nilingon ang iba pang mga kasama na nasa sasakyan. Akma sana nitong tatawagin ang mga iyon nang matuon ang pansin nito sa isa pang kotse na huminto sa likod ng Ford Ranger.
"Bad trip," anito bago muling tinapik sa balikat ang kasama at niyaya nang umalis. Sabay ang mga itong bumalik sa jeep at sumampa sa likod niyon.
"Tara na, boy!" sabi ng isa sa kasamang nagmamaneho.
Hanggang sa makalayo ang sinasakyan ng mga lalaki ay saka lang ibinalik ni Nathan ang pansin sa dalagang namumutla pa rin.
"Are you alright? Did those guys try to harass you?"
Tila ito naguguluhang umiling, ang mga mata'y hindi parin kumukurap.
"Where do you live? Ihahatid ka na namin. It's thirty minutes past eight, hindi na safe dito."
Hindi parin ito tumitinag. Alin na lang, natatakot pa rin ang babae o literal na natutulala sa kanya?
He walked closer. Ilang dipa nalang ang layo niya mula rito nang mapahinto siya. Sa liwanag na nagmumula sa poste ay nasilayan niya ng maayos ang mukha nito.
Nathan held his breath as he stared at the familiar face.
"Have we met before?"
*****
"Anong nangyari, pare?" Si Cody na bumaba sa sasakyan. "Hindi ko alam kung bakit ka biglang nag-menor at huminto."
Hindi na nakasagot pa si Arni sa tanong ni Nathan nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon. She gasped, "Cody?"
Si Cody ay nagulat din pagkakita sa kaniya, "Hey, what are you doing here?"
Akma na siyang sasagot nang maunahan siya ni Nathan.
"She got herself in trouble."
Ibinalik niya ang pansin kay Nathan at nakitang nakatitig pa rin ito sa kaniya nang may kunot sa noo. Sa tingin niya ay may bumabagabag dito at tila may iniisip. He was staring at her intently making her uncomfortable. Umiwas siya ng tingin.
"What trouble?" ani Cody nang makalapit.
Pilit siyang ngumiti saka umiling, "Wala iyon, Cody. They were just asking for directions—"
"No, they were not," si Nathan. Hindi pa rin maalis ang tingin nito sa kaniya. "Kung hindi ko nakitang may kakaiba sa sitwasyon ninyo ng mga lalaking iyon ay baka napahamak ka." Nilingon nito si Cody, "So, you know her?"
"Yes," ani Cody na nasa kaniya rin ang buong pansin. "Bakit kasi ganitong oras ay nandito ka pa? It's past eight, you shouldn't be here at delikado."
Muli ay pilit siyang ngumiti para itago ang nerbyos hindi dahil sa nangyari kanina kung hindi dahil sa biglang pagkikita nila ni Nathan, "Ginabi ako ng uwi. Wala nang pumapasok na tricycle sa solar ng university kaya naglakad nalang ako mula sa campus hanggang dito sa main road, hoping to get a ride."
Huminga ng malalim si Cody at saka siya hinawakan sa siko, "Mabuti nalang at napadaan kami rito sa tamang oras. Explain what happend to me in the car. Hali ka na, ihahatid na kita."
Si Nathan na kunot-noong pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawa ay muling nagsalita, "I'm confused. Who is this girl to you?"
Si Cody ay tila biglang natauhan. Pinaglipat-lipat din nito ang tingin kina Arni at Nathan, at nang may mapagtanto ay malakas na tumawa.
Si Nathan ay nagtaka sa reaksyon ng kaibigan. Lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo. Samantalang si Arni nama'y hindi magawang tumingin ng diretso rito.
"I could not believe it, dude," ani Cody na nakatawa pa rin. "You have been talking to her for a couple of minutes now and you still haven't figured it out?"
"Figured what out?" ani Nathan na bahagya nang naiirita.
Nagulat siya nang bigla siyang akbayan ni Cody, "That this girl right here is someone you know from six years ago. Do you know that she's never laid her eyes to any other man because of you?"
"Cody..." aniya sabay siko rito.
Sandali siyang sinulyapan ni Nathan bago muling ibinalik ang pansin kay Cody, "Are we wasting time with your guessing-game?"
Napailing si Cody saka bumuntong hininga. "Remember that little girl who used to come to your house six years ago?"
Nathan was stunned as realization hit him. He stared at her with disbelief in his eyes.
"Arni?"
*****