Hindi napigilan ni Natalie na yakapin ng mahigpit si Arni matapos maka-bawi sa pagkabigla. Hindi nito inaasahang sa pagbabalik ay ibabalita sa kanya ng anak ang tungkol sa relasyon ng mga ito at ang agarang pagpapakasal.
She was worried about Arni dahil nag-aaral pa ito at masyado pang bata sa edad na halos disi-nueve para mag-asawa. Subalit hindi niya pipigilan ang desisyon ng anak. Kailanman ay walang naging desisyon si Nathan na hindi nito pinanindigan.
Sa isip niya ay walang masama kung gusto na ng anak na mag-asawa. Soon, ay mag-isa na nitong hahawakan ang VAC, dagdagan pang binili ng anak ang lupain ng mga Angeles.
When Nathan was in the States, he took a couple of part time jobs para magkaroon ng sariling pera sa kabila ng regular na pagpapadala niya ng pang-gastos nito roon. Her son has his own money saved from all his hard work, at iyon ang ginamit nito kasama ang trust fund na tinanggap nito when he turned twenty-one, para bayaran ang kalahati ng kabuuang halaga ng lupain. She offered to pay the other half pero tinaggihan iyon ng anak. Ang sabi nito'y nagbigay ng dalawang taon ang mga Angeles na bayaran ang balanse kaya tumanggi itong tumulong siya.
Responsableng anak si Nathan at alam nito ang ginagawa. Kaya kung nais na nitong mag-asawa ay wala siyang problema. She will support her son kung saan ito magiging masaya. Lalo at si Arni ang gusto nitong pakasalan.
Nalipat ang tingin niya sa dalaga. Arni was inlove - have always been in love with Nathan since she was a little girl. And Nathan fell in love with her the moment he saw her again. Marahil ay paraan iyon ng Diyos para humantong sa maganda ang lahat at natutuwa siyang tunay dahil kilalang-kilala niya na ang dalaga simula palang pagkabata at wala siyang maipipintas dito.
Arni was the daughter she always wanted to have. Soon, her wish will come true sa pamamagitan ni Nathan.
"When are you planning to get married?"
"Hindi pa namin napag-uusapan, Mom, but I want it as soon as possible."
Ang ama naman ni Nathan, si Christian, na nakaupo sa couch ay masuyong sinulyapan si Arni. "Sa tingin mo ba, hija, handa ka nang mag-asawa at eighteen? I can't help but worry, baka mahirapan kang pagsabayin ang pag-aaral at pagiging maybahay mo rito sa anak namin."
Arni took a deep breath and smiled, "I will do my best, Sir Christian."
Umiling ito. "From now on, I want you to start calling us Mom and Dad. You will soon be our daughter in law, kaya nararapat lang iron."
Ari blushed, "S-susubukan ko po.."
Nang gabing iyon ay sabay silang naghapunang lahat, kasama sina Nana Lumen at Gigi na tuwang-tuwa din sa balitang pagpapakasal ng dalara.
******
"Hindi ako makapaniwala sa swerteng inabot mo na ito, bes.." Si Shiela na naka-upo sa kama habang pinagmamasdan ang pag-e-empake niya. Ang mga mata nito'y tila nangangarap. "Isang linggo nalang at ikaw na si Mrs. Nathaniel Vhan. How do you feel about that?"
Napangiti siya. It has been two weeks since Nathan proposed to her at sa loob ng dalawang linggo ay tinulungan siya ni Natalie na asikasuhin ang mga kakailanganin sa kasal. Pinatigil na rin siya ng mga ito sa pagta-trabaho para makapag-focus siya sa pagre-review sa final exam na gaganapin kinabukasan.
"Ilang beses mo nang itinanong sa akin iyan at ilang beses ko na ring sinagot. Siyempre, sobrang saya. Ikaw na ang ikasal sa prince charming mo, hindi ka pa ba magiging masaya?"
"Ang bilis naman kasi ng mga pangyayari. Parang noong isang buwan lang noong bumalik siya tapos ngayon ikakasal ka na sa kanya. Tapos heto, nag-e-empake ka na bilang paghahanda sa paglipat mo sa mansion after ng kasal. Alam na ba ni Jarod ito?"
Huminga siya ng malalim nang marinig ang pangalan ng kapatid. "Isang linggo nang hindi kami nagkikita ni Jarod. Ang sabi sa akin ng mga kapit bahay ay tanghali na raw umuuwi rito at kaagad ding umaalis. Hindi ko pa siya nakakausap tungkol sa pagpapakasal ko."
"Sa tingin mo ba, pipigilan ka niyang magpakasal?"
"Kilala mo si Jarod. Marami siyang reklamo sa buhay pero ni minsan ay hindi siya nangealam sa mga desisyon ko. Simula noon hanggang ngayon ay siya lang ang lumalayo ng sarili niya sa akin. Bagaman may mga pagkakataong nakikita kong nag-aalala din siya sa akin, mas madalas ay pakiramdam ko, parang wala akong kapatid." Naupo siya sa tabi ni Shiela, "Pero baliktarin ko man ang mundo, kapatid ko pa rin siya at kahit hindi kami malapit sa isa't isa, hindi ko siya magawang talikuran o pabayaan. Nag-aalala din ako sa kanya. Noong nakaraan lang ay napabalitang may hinoldup na mag-asawang turista ang mga barkada niya sa bayan at nadadamay siya."
"Paano ka namang nakakasiguro na nadadamay lang siya at hindi talaga siya kasama sa pangho-hold up na iyon?"
"Kilala ko si Jarod, totoong lulong siya sa alak at sugal, pero kailanman ay hindi nito nagawang gumawa ng ganoon. Hindi niya lang maiwasan ang mga barkada dahil simula pagkabata ay kaibigan niya nang talaga ang mga iyon."
"Iimbitahin mo ba siya sa kasal ninyo ni Nathan?"
"Gusto ko siyang pumunta pero duda akong darating siya."
"Hayaan mo na ang kuya mo," tumayo si Shiela at nag-unat. "Bukas na ang exam natin at nangako kang sabay tayong magre-review. Kukunin ko lang ang mga gamit ko sa bahay at babalikan kita dito."
Pagkaalis ng kaibigan ay itinuloy niya ang pag-e-empake. Limang araw nalang at kasal na nila ni Nathan. Pagkatapos ng kasal ay sa mansion na siya tutuloy, subalit sa bilis ng mga pangyayari ay hindi pa rin niya nakakausap ang nakakatandang kapatid. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon nitö.
She took a deep breath at inalis sa isip ang kapatid. Kapag nakapagtapos na siya ng pag-aaral ay tutulungan niya si Jarod sa kahit anong paraan, ito nalang ang natitira niyang kapamilya kaya hindi niya ito pababayaang malugmok sa ganoong sitwasyon habang buhay.
Lumakbay ang isip niya kay Nathan at para sa kinabukasang naghihintay. Hanggang sa mga sandaling iyon ay tila parin siya nananginip sa mga nangyayari. Habang sila ni Natalie ay abala sa pag-aasikaso ng kasal, si Nathan naman ay naging abala sa pag-aasikaso sa nabiling lupain sa mga magulang ni Cody at sa pamamalakad ng VAC. Paroo't parito ito sa kasunod na bayan para bisitahin ang branch at umuuwi na ng gabi sa mansion. Sa loob ng dalawang linggo ay ilang beses narin itong lumuwas ng Maynila para bisitahin ang isang branch soon.
One night, she waited for him until midnight para makita ito. Lagi na itong gabing umuuwi at may ilang gabi na ring hindi sila nagkikita.
"I've missed you," anito na niyakap siya nang salubungin niya ito.
"Masyado ka nang naging abala nitong mga nakaraaang ara."
Nakikita niya sa mga mata nito ang pagod, "I need to work hard for the future. Inumpisahan ko nang asikasuhin ang lupain, balak kong patayuan iyon ng farm. I have so many plans that I wish to discuss with you but not right now. How was your day?"
"Magkasama kami ng Mommy mo buong maghapon pagkagaling ko sa school para pumili ng damit na isusuot sa kasal. Kasama rin namin si Shiela para makapamili na rin ito ng isusuot," aniya. Shiela was going to be her maid of honour. They're only having a garden wedding, doon mismo sa garden ng mansion at iilang mga malalapit na kaibigan lamang ang imbitado. Sa bahagi niya, ay sina Jarod lamang, si Shiela at ang mga magulang nito.
Tumango ito, "I'm sorry if I can't be there during the preparation phase. At this point, kailangan ko na munang kumayod ng husto para hind naman ako mapahiya sa mapapangasawa ko," he chuckled. Inakay siya nito patungo sa sofa para maupo roon. "Isang dahilan kung bakit hindi kita mabigyan ng marangyang kasal ay dahil maliban sa VAC at ang papasimula palang na farm, ay butas pa ang bulsa ko ngayon."
Ginagap niya ang mga kamay nito, "Hindi ko hangad ang marangyang kasal, Nathan. I am happy with what we have originally planned."
He sighed, "You deserve to have a grand wedding, Arni. I promise to give you one after your graduation. I'm sure by that time, malaki na ang naipon ko."
"Hindi mo kailangang problemahin ang tungkol sa pagbibigay sa akin ng marangyang kasal, I don't need that. Ang mas mahalaga ay ang makasal tayo," she gave her a sweet smile.
He smiled at her and he pulled her close. Matagal lang itong nakayakap sa kaniya hanggang sa muli itong magsalita, "Nag-iisip ako ng ipapangalan sa farm na itatayo ko."
"May naisip ka na ba?"
"Veronica"
Bumitaw siya sa pagkakayakap nito, "Veronica? Why?"
"Because that's going to be the name of our first child. Veronica Vhan," ngumisi ito.
"Oh." Natawa siya, "Papaano ka namang nakakasiguro na babae ang magiging unang anak natin?"
He shrugged, "I just feel it. But if its not, we'll keep trying until we have her. Kahit maka-sampung anak tayo," he chuckled and so did she.
"Do I have a say to this? Ako ang magdadala ng sampung batang iyon kung saka-sakali, baka pwede mo muna akong tanungin kung kakayanin ko?" natatawa niyang sambit dito.
Malakas itong tumawa. Ilang sandali pa'y tumigil ito at muli siyang niyakap ng mahigpit, "I can't wait to spend the rest of my life with you, Laarni Rubio." He kissed her forehead. "Ilang araw kitang hindi nakita and I felt like dying. Sana dito ka na umuuwi sa mansion after classes para nakikita kita kahit gabi na akong dumarating..." he said as he started to kiss her neck.
She swallowed hard, "H-hindi pa tayo kasal kaya hindi pwedeng dito ako umuwi. Ano nalang ang.. iisipin ng ibang tao?" she could feel something burning within her as Nathan's lips moved down to her collarbone.
"The hell I care of what they think, I get crazy if I don't see you," he murmured as his lips went back to her neck giving soft kisses. His right hand touched her back while the other went to cup the back of her head.
"N-nagkakausap naman tayo sa cellphone kaya—" she stopped when he caught her lips and gave her a shuttering kiss.
They kissed for almost an eternity.
Niyakap siya ni Nathan nang mahigpit matapos ang halik na iyon. "I wish we could do more.." anas nito. He sounded like an animal suffering from pain. "But I guess I will have to wait until the wedding night," akma siya nitong hahalikang muli nang biglang lumusot galing sa kusina si Nana Lumen.
Napangiti siya nang maalala iyon. Sa araw na iyon lang ulit sila hindi nagkita ni Nathan. Alam nitong kailangan niyang mag-review para sa exam kinabukasan kaya sinabi nitong hindi siya nito aabalahin. Ayon dito ay makikipagkita ito sa mga dating ka-klase at kaibigan sa araw na iyon kasama si Cody para maimbitahan ang mga ito sa kanilang kasal at para na rin sa despidida ng alis ni Cody sa makalawa.
Nagising siya sa malalim na pag-iisip nang makarining ng sunud-sunod na katok mula sa labas ng bahay nila. Naisip niyang baka si Shiela na ulit iyon dala ang mga reviewers kaya mabilis siyang tumayo para pagbuksan ito. Subalit nagulat siya nang makitang naroon ang isa sa mga katrabaho ng kuya niya, nakatayo at nanghihilakbot ang mukha.
"Arni, ang Kuya Jarod mo, dinampot ng mga pulis sa talyer at dinala sa kulungan!"
*****
"Pagnanakaw?" Kunot-noong hinarap ng dalaga si Jarod na nakatayo sa likod ng rehas na bakal sa presinto sa bayan. Dumating siya roon kasama si Shiela matapos mabalitaan ang nangyari kay Jarod. Bagaman basagulerong tunay ang kapatid ay kailanman, hindi pa nangyaring nakulong ito o gumawa ng krimen kaya hindi niya maiwasang mag-alala at sumugod kaagad sa presinto.
"Nagnakaw ka? Bakit?" bulalas niya sa kapatid.
"At naniwala ka sa paratang nila?" naiinis na sambit nito. "Wala akong kinalaman sa panloloob sa bahay ng mga intsik na iyon! Gawan mo ng paraang makalabas ako rito, wala akong kinalaman sa mga binibintang nila sa akin!"
"Pero ang sabi ng mga pulis ay may nakakita raw sa iyong pumasok sa bahay ng mga Cheng, papaano mong maipagkakaila iyon?"
Nagagalit siya at nag-aalala. Nagagalit dahil imbes na magpakumbaba pa ito ay tila obligasyon pa niyang isalba ito sa kasalanang ginawa at nag-aalala siya dahil kapag hindi niya ginawan ng solusyon ito ay maaaring mabulok sa kulungan ang kapatid. Kilalang negosyante ang mga Cheng at malaking halaga ng mga alahas at gamit ang nawala sa panloloob sa bahay ng mga ito. Siguradong kapag hindi niya tinulungan ang kapatid ay gagawa ng paraan ang mga itong mabulok sa kulungan si Jarod.
"Kasama ko buong magdamag ang mga katrabaho ko sa talyer, kahit tanungin mo pa sila! Hindi ko alam kung bakit ako ang pinagbibintangan at dinampot ng mga pulis!" Galit pang hasik nito.
"Kailangan kang mapiyansahan at kailangan natin ng abogado na tutulong sa atin para mapatunayang wala kang kasalanan" Saka niya sinulyapan ng masama ang kapatid, "Iyon ay kung nagsasabi ka ng totoo sa akin, Jarod."
"Putcha, alam mong hindi ko magagawa ang magnakaw, Laarni!"
Huminga siya ng malalim at sa nangangambang tinig ay muling nagsalita, "Saan ako ngayon kukuha ng malaking halagang pang-piyansa sa iyo, Jarod? Nasa mahigit kalahating milyon ang nawalang mga gamit sa mga Cheng, at nagbanta silang kapag hindi natin maibabalik sa kanila ang mga ninakaw mo o kahit ang kabuoang halaga ng mga nawala sa loob ng isang linggo ay sasampahan ka nila ng kaso at mabubulok ka sa kulungan. Saan ako kukuha n'on? Kahit ang twenty thousand na pang-piyansa sa iyo para makalabas ka pansamantala sa kulungan ay hindi ko alam kung saan hahanapin."
Nagngingit ang loob na kinuyom ni Jarod ang mga kamay sa bakal na rehas, "Si Boss Diego lang ang alam kong makakatulong sa akin." Nakita niya ang pagdilim ng anyo nito. "Pero alam kong may hihingin siyang kapalit sa iyo kaya hindi ko isusuhestyon na sa kanya ka lumapit."
Huminga siya ng malalim, "Hindi ko alam kung bakit ikaw ang napagbintangan pero gagawin ko ang makakaya ko para makalabas ka rito. Hindi gugustuhin nina Inay at itay na makita kang nariyan kahit ba hindi ka naging mabuting anak sa kanila. At ayokong pabayaan ka." Tinalikuran na niya ang kapatid.
"Kung marami ka rin lang satsat ay h'wag mo na akong tulungan!"
Pagkalabas ng presinto ay doon na pinakawalan ni Arni ang pinipigil na iyak. Si Shiela ay lumapit at hinawakan siya sa kamay.
"Naiinis ako sa nangyayari pero hindi ko siya maaaring pabayaan, Shiela." naiiyak niyang sambit. "Siya nalang ang natitira kong pamilya, hindi kayang dalhin ng konsensya kong pabayaan siya. Papaano kapag tuluyan siyang makulong? Ano'ng mangyayari sa kanya sa bilibid?"
Napabuntong-hininga si Shiela, "Papano tayo makakasigurong wala talaga siyang kinalaman sa nangyaring pagnanakaw? Paano kung totoo ang binibintang sa kanya?"
Arni dried up her tears and took a deep breath, "Malalaman natin pagpunta sa talyer. Kakausapin ko ang mga kasama ni Jarod kagabi."
Tumango ito. "Ano naman ang ibig sabihin ni Jarod tungkol sa boss nito? Bakit ayaw niyang lumapit ka roon at humingi ng tulong kung may kakayahan naman itong tulungang makapag-piyansa ang kuya mo? Surely, hindi ito tatangging tumulong? Halos buong buhay ni Jarod ay doon na ito sa talyer nagtrabaho, 'di ba?"
Muli niyang pinahiran ang mga luha. "Samahan mo ako sa talyer at malalaman mo."
*****