Chereads / Young Arni's Love / Chapter 10 - YAL | Chapter 8

Chapter 10 - YAL | Chapter 8

Nathan kissed her gently at first, tasting every corner of her lips. She closed her eyes, ni hindi niya namamalayang tumutugon na siya sa mga halik nit. How she did it, she had no idea. Hanggang sa lumalim pa ang halik nito na ikinanginig ng buong kalamnan niya. It was her first kiss and it came from the man she loved! It felt so surreal at gusto niyang maluha.

Ayaw na sana niyang matapos pa ang sandaling iyon subalit huminto si Nathan. When she opened her eyes, she saw him staring.

Nathan smiled and touched her swollen lips using his thumb. "You are so lovely, Arni. I never thought this moment would ever happen."

Wala pa siya sa tamang huwisyo para maintindihan ang mga sinasabi ni Nathan. She binked twice.

"You've grown up to be a beautiful woman. Back then I thought you were just cute, but I never thought you'd be a knockout at eighteen." Nathan's eyes were filled with, "Are you even ready to be in a relationship?"

She was overwhelmed that she didn't know what to say.

"You still love me, don't you?"

Hindi niya nagawang pasubalian iyon.

He smiled. "I can feel that your feelings for me when you were eight years old haven't changed. Kahit hindi mo sabihin ay nakikita ko iyon sa mga mata mo ngayon."

She could hear the music changed at may iilang pareha na rin ang naroon sa bulwagan at nagsasayaw. Pero wala sa mga iyon ang pansin niya kung hindi na kay Nathan lang.

"I fell in love with you when I saw you again."

Dahan-dahan siyang humugot ng paghinga nang marinig ang sinabing iyon ng kaharap.

"At first, I thought you were just pretty and I was just attracted to you. But that's not the case. Noong nasa America pa ako ay lagi kong naaalala ang mga sinasabi mo sa akin tungkol sa nararamdaman mo. I always remember what you said. Sa tuwing nakikipag-date ako ay parang may munting tinig akong naririnig sa isip ko na nagpapaalala na pwede lang akong makipag-relasyon pero hindi ako maaaring magpakasal sa iba, dahil narito ka at hinihintay ako. I never thought I'd fall in love with you at first sight. Simula nang magkita tayong muli, walang oras na hindi kita naiisip. It's crazy I know, but I can't help it."

"Oh, Nathan." Hindi niya alam ang sasabihin. Sa sobrang tuwa niya ay gusto nalang niya itong yakapin.

Itinaas ni Nathan ang isang kamay para ayusin ang buhok niyang nilipad ng hangin, iniyos nito iyon at inipit sa likod ng tenga niya, "I want you to be my girl, Arni."

Buhat doon ay napaluha siya. That moment was too beautiful that she couldn't help herself but cry. Sa sobrang tuwa ay napayakap siya kay Nathan.

*****

Naging maganda ang mga sumunod na araw para kay Arni. Si Nathan ay laging maagang umaalis sa main branch ng VAC para sunduin siya sa ANU at ihatid sa mansion.

Kapag nasa trabaho siya sa mansion ay tahimik lang na naroon si Nathan sa living room para gawin ang trabaho sa laptop nito. For three long hours, he would patiently wait until she finished and they would eat dinner together or they would just simply sit at the pool area and talk about everything. Pagdating ng gabi ay inihahatid siya ng binata hanggang sa harap ng bahay ng dalaga sa loob ng masikip na eskinita na iyon.

Isang gabing naroon si Jarod sa bahay nila ay nakita nito si Nathan.

Jarod knew Nathaniel Vhan. Kaya nang ipinakilala ito dito ni Arni ay hindi na ito nagtanong ng kung ano pa.

It was like a dream come true for her, minsan ay hindi niya alam kung ano ang gagawin kung sakaling magising siya isang araw at mapagtantong panaginip lang ang lahat.

"Hi, Arni!"

Nilingon si Arni sa sasakyang huminto sa harap niya. Nasa harap siya ng delishop sa bayan at hinihintay si Nathan. Sabado nang araw na iyon at babalik na ang mag-asawang Vhan mula Maynila. Pumunta siya roon para bumili ng cake dahil kaarawan din ni Natalie nang araw na iyon. Nathan had called her at nagsabing susunduin siya kaya naroon siya sa gilid ng daan para antayin ito.

Kinunutan siya ng noo nang makita kung sino ang narron.

"Diego," aniya.

Si Diego Vergara ang may-ari ng pinakamalaking autoshop sa San Mateo at amo ng Kuya Jarod niya. She never liked the man, nasa itsura nito ang yaman na tinatamasa, iyon lamang ay nakakairita lang pagmasdan.

Matanda lang ng dalawang taon si Diego kay Jarod, may asawa ito subalit walang anak. Kung tutuusin ay may itsura naman ito, subalit ubod ng yabang. Una niyang nakilala si Diego noong pumunta ito sa lamay ng inay niya kasama si Jarod. Hindi nito itinago ang pagkagusto sa kanya, na kahit may asawa ay panay ang padala nito ng mga bulaklak at mga mamahaling tsokolate na tila nanliligaw. Ang sabi ni Jarod ay panay daw ang tanong ni Diego tungkol sa kanya at kahit papaano ay pinagsabihan siya nitong iwasan at huwag nalang pansinin. Babaero daw talaga ang amo nito.

"Where are you going? Ihahatid na kita," anti.

Umiling siya. "Thank you, Diego, but I'm waiting for someone."

Sinuyod siya nito ng tingin na ikinapanindig ng balahibo niya sa batok. "Malayo pa lang ay nakita na kita, hindi ko maipagkakamali ang ganda mo kahit sa malayo."

Akma siyang sasagot nang matanaw ang sasakyan ni Nathan na huminto sa likuran ng sasakyan ni Diego.

"Nandito na ang sundo ko, I gotta go." Hindi na niya hinintay pa ang sagot ni Diego, mabilis siyang humakbang palapit sa sasakyan ng kasintahan.

Si Nathan na akmang bababa ay nagulat nang mabilis siyang pumasok sa sasakyan.

"Hey, what's wrong?" anito nang makaupo na soya.

Pilit siyang ngumiti, "Nothing."

Tumingin si Nathan sa naunang sasakyan na hindi pa rin umaalis. Napasulyap din siya roon at nakita si Diego sa nakasilip sa nakabukas na bintana ng kotse nito. Diego smiled wickedly and waved his hand bago muling pina-andar ang sasakyan.

"Who is he?"

"Jarod's employer. Nangamusta lang," aniya. "Let's go?"

Hindi na nagkomento pa si Nathan at nagkibit nalang ng balikat. Humarap ito sa kaniya at nginitian siya, "You look lovely."

She smiled back, " You always say that."

"Well, you can't blame me. You are getting lovelier every passing day," anito, saka dumukwang at hinalikan siya sa mga labi.

She will never get used to Nathan's kisses. Bawat halik nito'y nagbibigay sa kanya ng nginig, bawat dantay ng kamay nito sa kanya ay nagdadala ng kilabot sa kalamnan niya.

Ilang sandali pa'y bumalik na si Nathan sa pagkakaupo, "How was your night?"

"Exhausting. Matapos mo akong ihatid ay nag-review pa ako. Malapit na ang finals kaya kailangang handa ako."

"I can ask Mom to give you a week leave prior to the final exam para makapag-focus ka sa pagre-review. I'm sure she won't say no to that."

Umiling siya, "Hindi na kailangan iyon. Madali lang ang exam at sapat na ang vacant hours na mayroon ako during the day at sa gabi pagkatapos ng trabaho para mag-review. Besides, maraming kailangang asikasuhing documents para sa pinapatayong bagong branch ng VAC sa Batangas, hindi ako pwedeng lumiban sa trabaho."

Nakita niya sa mukha ni Nathan na tila hindi ito kumbinsido sa kanyang sinabi kaya natatawang tinapik-tapik niya ang pisngi nito. "H'wag kang mag-alala. Sa loob ng dalawang taon matapos ibigay sa'kin ng Mommy mo ang part time job na ito ay kailanman, hindi ako nagkulang ng oras sa pag-aaral. Nababalanse ko ng maayos ang oras ko, so stop worrying. Wala ka bang bilib sa akin?"

Natawa na rin si Nathan at hindi na sumagot.

Nasa daan na sila papunta sa mansion nang muling magsalita ang binata. "Do you remember the day I gave you the rose?"

"Will I ever forget that?" she chuckled. Binara niya noon si Nathan kaya hindi niya makakalimutan iyon.

He chuckled. "Cody and I were there at the school para kausapin ang Mama niya. I wanted to talk to her about something. Maaga pa ang alis niya kinabukasan papuntang Hongkong para daluhan ang isang seminar kaya doon ko na siya napiling kausapin sa opisina niya sa university. Cody's father was there, too, hindi mo lang inabutan."

She frowned, "What did you want to talk about?"

"They're selling a huge part of their property. And I want to buy it."

Kinunutan siya ng noo. Isa ang pamilya ni Cody sa mga nagmamay-ari ng malawak na lupain sa San Mateo. Nagtataka siya kung bakit nagka-interes si Nathan na bilhin ang propriyedad ng mga ito. "Bakit mo gustong bilhin ang lupain nila?"

"Cody's parents are retiring and they're moving to Australia soon. At dahil walang planong gawin si Cody sa malawak na lupain nila ay nagdesisyon nalang silang ibenta iyon. Isa pa, he's coming with them, kaya wala ring ibang mag-aasikaso ng mga ari-arian nila dito."

"Cody's leaving too?"

Tumango ito, "He just told me last night nang mag-usap kami sa telepono."

Nalungkot siya nang marinig iyon. Cody has been a good friend.

"Cody's my best buddy. Magkaibigan na kami noong mga bata palang. Now that I'm back, ito naman ang aalis. Nakakalungkot man ay naiintindihan kong kailangan niyang samahan ang mga magulang niya roon. Sandali siya nitong simulyapan at nginitian bagon muling ibinalik ang pansin sa daan, "Now, it's just you and me here."

"Parang lugi ka pa ah?" biro niya na ikinatawa ni Nathan.

He took her hand and kissed it. "I have never been this happy, Arni, believe me. I came back here not knowing what awaits me."

"I love you, Nathan," madamdamin niyang sambit na ikinangiti into.

"Mom and Dad are coming home tonight, I can't wait to tell them about us, I'm sure they'll be thrilled."

"I'm sure. Alam nilang patay na patay ako sa iyo kahit noong bata pa ako at todo kung makasuporta sila sa ilusyon ko," natatawang sambit niya.

"They'll love you even more," natatawa ring sambit ni Nathan. "At hindi ako magtataka kung sa pagtatapos mo sa kolehiyo ay pilitin na nila akong pakasalan ka kaagad."

Bahaw siyang natawa roon. Hindi niya maiwasang ma-pressure pagka-dinig ng salitang kasal. Oh yes, she would love to be married to the person she loved pero nape-pressure siya hindi para sa sarili kundi para kay Nathan. Handa na ba ito para sa ganoon?

Normally, ayon sa mga napapanood niya sa pelikula at nababasa sa mga novels ay nape-pressure ang mga lalaki kapag napag-uusapan ang tungkol sa kasal. Ayaw niyang mangyari iyon kay Nathan kaya hanggang maaari ay hindi niya nais pag-usapan iyon.

"Come to think of it," tila may bigla itong naisip nang magsalitang muli. "You're eighteen now. Nasa legal ka nang edad para mag-asawa. Which means I can marry you anytime."

Bigla ang pag-alsa ng kaba sa dibdib niya. She held her breath for his next words.

"That's right!" Iginilid ni Nathan ang sasakyan sa kalsada at sandaling huminto roon. His face was full of excitement nang humarap sa kanya, "Let's get married. Kapag kasal na tayo, hindi mo na kakailanganing magtrabaho. I can provide for you. We can easily find someone to replace you in your job. Of course, you can continue your studies. Pero sa mansion ka na uuwi and—"

"Nathan?" Naguguluhan niya itong hinarap, hindi niya alam ang angkop na sagot sa sinabi nito. Did he just propose? If he did, she sure was happy. Pero hindi niya rin maiwasan ang mag-alala at mag-isip ng malalim. She's excited and scared at the same time, Nathan wasn't just making a joke, was he?

Nathan grabbed her hands and with sincerity in his voice, he spoke, "I don't have a ring yet, but will you marry me?"

Sa mga sandaling iyon ay hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Higit iyon sa inaakala niyang mangyayari sa pagitan nila ni Nathan.

Oh yes, noong bata siya ay pinangarap niyang maging asawa si Nathaniel Vhan, kaya nga hindi niya ito pinahintulutang mag-asawa ng iba. Pero ang mangyari iyon sa loob ng isang linggo pagkatapos nilang magkaintindihan ay talagang kabigla-bigla.

"Alam kong nabibigla ka pa at hindi mo inaasahan ito, but I realized just now that why should I wait for a few more years kung pwede na rin naman ngayon? This way, hindi ka na gaanong mahihirapan na i-balanse ang pag-aaral at ang part time job mo kay Mommy. I can provide for you now. I'll help you achieve your goals, I'll always be there for you. Plus, if we're married, I can have you whenever I want." anito na sinundan ng ngiti.

"You.. you can't be serious.." aniya sa mahinang tinig, natutuwa siya subalit nalilito. All of the sudden ay bigla itong nagdesisyon na magpakasal.

"I am dead serious, babe. And you're supposed to be happy, not confused. Hindi ito ang inaasahan kong magiging reaksyon mo." Bagaman naka-kunot ang noo ni Nathan ay may ngiti sa mga labi nito.

"Are you.. just doing this dahil gusto mong makatulong? Dahil sa tingin mo, nahihirapan akong balansehin ang pag-aaral sa umaga at pagta-trabaho sa gabi? If so, don't do it, Nathan. Ayokong gawin mo ito dahil lang—"

"I am marrying you because that's what I want, Arni," seryoso nitong sambit, ang mga mata ay hindi humihiwalay sa kanya. "I have met a few women in the States, but none of them ever made me feel this way. Hindi ko alam kung ano ang ginawa mo nang sa muli nating pagkikita ay hindi ka na naalis sa isip ko. Every morning I wake up, your image is the first thing that comes in my mind. Every afternoon, I have this intense need to see you and talk to you. Every night before I sleep, I wish you were there. You are the only woman who's ever made me feel this way and I am not letting you go."

Unit-unti nang namuo ang luha sa mga mata niya.

The options I have in mind are either wait until you finish your studies or marry you now. I want to be part of your journey so I'm choosing the latter. So if you will have me, I want to do it now." He touched her face tenderly, hindi niya namalayang may mga luha nang dumadaloy sa mga pisngi niya at marahan iyong pinahid ng binata, "If we are married, natural na hindi kita hahayaang mahirapan kaya ayoko nang pagtrabahuhin ka sa gabi, I just want you to focus on your studies. I know you have big dreams, so I promise you this — whatever you decide to pursue after college, I will always be there to support you. I'll let you fly high, I won't stop you. Until such time na handa ka nang gampanan ang pagiging full time wife ko, hindi ako titigil sa pag-suporta sa mga pangarap mo."

Hindi mapigilan ni Arni ang maiyak. Overwhelmed and overjoyed. Papaanong kay bilis ng mga pangyayari? Eleven years ago, Nathaniel Vhan was only part of her dream. At the age of eight, she dreamt of him as her Prince Charming. Now, that dream is starting to come true.

"I.. I am so happy, Nathan, that I don't know what to say."

"Just say 'yes' and let me handle everything."

Pinahid niya ang mga luha at nginitian ito. "If you promise to give me a ring tomorrow, then, yes, I'll marry you," aniya.

Ang lakas ng tawa ni Nathan bago siya nito kinabig at hinalikan sa noo.

*****