Arni's face turned red when Nathan stared at her with disbelief in his eyes. Malaki marahil ang nagbago sa kaniya para hindi siya nito makilala.
Akma siyang magsasalita nang makitang may babae bumaba mula sa front seat ng Ford Ranger.
"Is everybody okay? Who is she?"
Kung ano man ang pakiramdaman ng pusong binuhusan ng asido ay iyon ang pakiramdam ni Arni nang makitang may babaeng bumaba sa dalang sasakyan ni Nathan. A very beautiful woman, probably in her early twenties.
"Yes, we're all good, Dane," sagot ni Nathan, ang mga mata ay nakapako pa rin sa kaniya. "Her name is Arni and we know her."
"Oh, okay." Dane shrugged her shoulders and went back in the car.
"Isasabay ko na si Arni, pare, at ihahatid sa kanila," ani Cody saka siya inalalayan sa braso, "Shall we?"
Alanganin siyang tumango at nagpaakay rito. Hindi na niya sinulyapan pa si Nathan kaya hindi niya nakita ang pagkunot-noo ng nito habang nakasunod ang tingin sa kanila.
The nerve of the man! Nagdala pa talaga ng babae sa San Mateo! Naiinis niyang hiyaw sa isip. A while ago she was happy seeing him back. But with a girlfriend? Na-uh.
"See you around, Arni." Iyon ang narinig niya mula kay Nathan bago siya pumasok sa sasakyan ni Cody.
"Y-yeah." aniya kasunod ng pilit na ngiti.
*****
Arni took a deep, calming breath as she walk towards the door. Kinakabahan siya at nasasabik na makita sa mansion si Nathan. Kagabi ay halos hindi siya makatulog sa kaiisip dito at sa babaeng kasama.
Oh, he has changed a lot. Ang mukha nito'y lalong naging prominente, ang katawan na dati nang maskulado dahil sa araw-araw na pagsu-swimming at pag-jo-jogging ay lalong naging matipuno. He has gotten taller, too! He looks like the prince charming in every woman's dreams.
Well, he's always the prince charming in her dreams... But her prince charming brought home another princess.
Nang maalala ang kasamang babae ni Nathan ay nawala ang nerbyos na naramdaman kanina at napalitan ng panigbugho. Tumuwid siya ng tayo at itinuloy ang paglalakad papasok sa mansion nang mula sa entrada ay biglang sumulpot si Nathan. Natigilan siya.
He stood there with a smile on his face, hands in his pockets. Halos lumukso ang puso niya nang makita ito.
"Hi," bati nito.
She blinked, "Hi."
"You're looking great. Galing ka pa ba ng school?"
She sucked her breath. Tama ba ang narinig niya? Nathan just gave her a compliment! "Y-yes. Dito ako sa mansion dumideretso after school para magtrabaho." Gusto niyang sampalin ang sarili sa pagkakautal.
Napangiti ito. "That's really great. It means I'll see you here more often."
Akma siyang sasagot sa naturan nito nang lumusot sa pinto ng mansion ang babaeng kasama ni Nathan kagabi.
"I'm ready! Let's go?"
Nilingon ito ni Nathan at ipinakilala sila sa isa't isa. She took her hand awkwardly nang abutin nito iyon sa kanya. Dane seems friendly, may nakahanda itong ngiti at sa maliwanag ay mas higit itong maganda. She didn't looked like a pure Filipina.
"I'm glad to meet you, Arni," anito. "Pupunta kami ni Nathan kina Cody, would you like to come with us?"
"Uhm, no." Pilit siyang ngumiti rito, "may trabaho pa kasi akong gagawin sa library." Sinulyapan niya si Nathan na hindi mapuknat ang pagkakangiti at tinanguan bago ibinalik ang pansin kay Dane, "Nice to meet you. See you around." Iyon lang at mabilis na humakbang papasok sa mansion at nilampasan ang mga ito.
*****
Lumipas ng matulin ang isang linggo at sa tuwing pupunta si Arni sa mansion ay tila siya pangangapusan ng hininga. Sa tuwing hapon ay laging naroon si Nathan para antabayanan ang pagdating niya at kumustahin ang araw niya.
May isang beses na dumating siya sa mansion at inabutan niyang naliligo sina Nathan at Dane sa pool, tila mga isdang naghahabulan sa tubig na ikinapighati niya. Her jealousy was eating her, pero hindi niya magawang mainis kay Dane dahil likas itong mabait sa kanya at laging nakangiti. Kung may dapat siyang kainisan ay si Nathan iyon! How dare him hurt her like this? Siguro naman ay aware itong hanggang ngayon ay may damdamin parin siya para rito? Dapat ay aware din ito na sumasama ang loob nya sa nakikitang sweetness at closeness nito kay Dane?
Oh, how she hated him! How could he be so cruel?
Subalit sa kabila noon ay ipinagtataka rin niya ang interes nito sa kanya. Simula nang dumating ito sa San Mateo ay napansin niya ang malaking pagbabago rito. People change afterall. Hindi na ito ang dating suplado at isnaberong binata na inis na inis tuwing naroon siya. Hindi na ito paismid kung kausapin siya and top of it all, ay nagpapakita ito ng interes sa kanya. Lagi itong sadyang naghihintay sa kanya sa living room para itanong kung kumusta siya sa araw na iyon o kung kumain na siya at kung gusto niyang padalhan siya nito ng meryenda sa library. She found it weird. Bagaman nagugustuhan niya ang bagong version ni Nathan ay hindi pa rin niya maiwasang magtaka sa mga ina-akto nito.
"What's this?" ani Arni, inilapag niya ang rose sa ibabaw ng coffee table na nasa harap nina Nathan at Cody. Nakaupo ang mga ito sa couch sa waiting room ng Dean's office.
Patapos na ang huling subject nila nang hapon na iyon nang may isang estudyanteng nagpaumanhin sa professor at pumasok sa room. Hinanap siya nito at nang makita ay lumapit at may inabot na isang malaking yellow rose. Sinabi nitong galing sa lalaking nagmamaneho ng pulang Ford Ranger na kasama ng anak ni Mrs. Angeles na naroon sa school. Ang lakas ng kantiyaw sa kaniya ng mga ka-klase, kahit ang prof nila ay napangiti.
Kung ano man ang trip ni Nathan, kailangan nitong linawin ang mga pinag-gagagawa nito. Gusto man niyang matuwa sa ginawa nito ay hindi niya magawa. Naiisip niya ang maaaring maramdaman ni Dane kapag nalaman nito ang kalokohan ni Nathan.
Kaya pagkatapos ng klase ay agad niyang pinuntahan sina Cody at Nathan, na ayon sa estudyanteng nagdala ng rose, ay naroon sa opisina ni Mrs. Marietta Angeles, ang ina ni Cody na siyang Dean sa unibersidad.
Nalipat ang tingin ni Nathan mula sa binabasang diyaryo sa inilapag niyang rose. "Uh.. it looks like a rose."
"Yeah, a pretty rose," sabat naman ni Cody na inalis ang pansin sa cellphone at sinulyapan din ang bulaklak.
"I know, right?" nakangising sabi ni Nathan bago siya tingalain. "Do you like it?"
Kinunutan siya ng noo. Pinagkakatuwaan pa yata siya ng dalawa! "Alam kong rose 'yan, pero bakit mo ako binigyan niyan?"
"It's just a rose, what's wrong with that?" tudyo ni Nathan. "I just feel like giving you a flower. Bakit ka nagagalit?"
"Dahil hindi tama. Ano nalang ang iisipin ni Dane kapag nalaman niya?"
Sandaling natigilan si Nathan sa sinabi niya. Si Cody naman ay pigil na natawa na ikinainis niya.
"Dane wouldn't mind, don't worry," sabi pa ni Nathan bago muling ibinalik ang pansin sa diyaryong binabasa.
Pinanlakihan siya ng mata sa sinabi nito. "Nathaniel Vhan, I never thought you've turned into a jerk!" aniya bago padabog na lumabas ng waiting room.
Hindi siya makapaniwalang kayang gawin ni Nathan ang bagay na iyon sa kasintahan.
Kapag nagbigay ng bulaklak ang isang lalaki sa isang babae, hindi ba may romatikong kahulugan iyon? Pero imbes na matuwa siya doon ay naiinis siya dahil una sa lahat, may kasintahang tao si Nathan at hindi dapat nito ginagawa ang bagay na iyon.
Naiinis siya at nagagalit. Sa sobrang inis ay umalis siya sa unibersidad at iniwan si Shiela.
*****
"Hi. Still working?"
Umangat ang tingin niya sa pagbukas ng pinto at makitang naroon si Nathan na nakasandal hamba. Ibinalik ang pansin sa computer at folder na hawak, "How may I help you?" Hanggang sa mga oras na iyon ay naiinis pa rin siya sa binata matapos ang nangyari kaninang hapon.
Isinara nito ang pinto at lumapit. Tumayo ito sa harap niya, and as usual, hands in his pockets. "Are you busy tomorrow?"
She nodded, "Buong araw ako dito sa mansion bukas para magtrabaho. So.. yes, busy ako."
"What time are you going to finish tomorrow?"
"Five in the afternoon. Why are you asking?" Tuluy-tuloy lang siya sa pagtipak sa computer.
"Come with me tomorrow."
She stopped and frowned at him, "Are you asking or ordering me?"
Ngumiti lang ito at saka nagkibit ng balikat.
Huminga siya ng malalim, "Come with you where?"
"Pupunta ako sa La Esperanza para dumalo sa isang party bukas. Kaarawan ng kaibigan ng pamilya, Mom and Dad are invited pero luluwas silang muli bukas ng Maynila para sa annual board meeting ng VAC. They'll stay there for a week. Ako ang pinapapapunta nila sa party as their representative. The birthday celebrant is also my godfather. Would you like to come with me?"
"Why me? Bakit hindi mo isama ang girlfriend mo?" she sounded like an idiot na kahit siya ay nagulat sa salitang lumabas sa mga labi.
Nakita niyang nagulat ito sa sinabi niya, katulad iyon ng naging reaksyon nito nang komprontahin niya ito tungkol sa pagbibigay ng bulaklak. Pero saglit lang iyon at muling ngumiti. "Dane doesn't like parties kaya hindi niya ako masasamahan. Besides, sasama na siya kina Dad and Mom bukas pabalik ng Maynila."
Nagulat siya roon subalit hindi ipinahalata, "I see. Paano naman kung sabihin ko sayong hindi ko rin gusto ang mga parties?"
"Then I guess pupunta akong mag-isa," anito saka muling ngumiti. "But I really want to catch up with you kaya gusto kitang sumama. Noong bata ka ay halos nakabuntot ka sa akin wherever I go, pero ngayong dalaga ka na ay—"
"Oh stop! Bata pa ako noon, ni hindi ko na maalala lahat ng mga sinabi ko sa'yo dati." She started to blush, hindi niya kayang pakinggan ang mga sasabihin nito sa pagpapaalala sa kanya sa mga kalohohan nya noong kabataan.
He chuckled, na halos ikapugto ng hininga niya. Can he get more gorgeous? Unti-unting nalulusaw ang inis niya sa patuloy nitong pagpapa-cute sa kaniya.
"I see what's happening here. Nahihiya ka ba sa akin ngayon dahil noong bata ka ay malaya mo'ng nasasabi sa akin ang damdamin mo?"
"Of course not!" She was horrified, nagtataka siya kung naaalala pa ni Nathan ang mga kalokohan niya noon. It's been six years, he should have forgotten everything!
"Prove it then. Samahan mo ako bukas. Just wear something comfortable, hindi naman formal party ang pupuntahan natin."
Pinamilugan sya ng mga mata, "What?"
Nathan gave her a sexy grin, "See you tomorrow, sunshine."
Si Arni ay naiwang naka-awang ang bibig sa pagkamangha sa binata na lumabas na ng silid.
*****
Naka-alis na sina Natalie at Christian Vhan kasama si Dane nang dumating sa mansion si Arni kinabukasan. Kahit si Nathan ay wala rin doon, ang sabi ni Nana Lumen ay nagtungo raw ng VAC.
Pagdating ng alas sinco ay tinapos na niya ang mga gagawin. Sasabihin niya kay Nathan na hindi siya sasama sa party.
Nasa labas na siya ng mansion nang makitang papasok sa gate ang kotse ni Nathan. Huminto siya at hinintay na makalapit ang sasakyan at makababa ito.
"Are you waiting for me?" nakangiting tanong ng binata nang makababa.
"I'm not coming."
"Great. Hop in, it's a long ride to La Esperanza."
"Hindi mo ba ako narinig? Ang sabi ko'y hindi ako sasama."
Hindi siya nito sinagot, sa halip ay umikot ito sa passengers seat at binuksan ang pinto ng sasakyan, "Hop in."
Napahalukipkip siya at hindi umalis sa kinatatayuan.
Bahagyang natawa si Nathan sa inakto niya. Sinuyod siya nito ng tingin hanggang sa mag-iba ang ekspresyon nito. Bigla siyang nailang, niyuko niya ang sarili at sinuri ang suot.
She was wearing a faded blue jeans at puting V-neck shirt na hapit sa kawatan na ang haba ay halos lagpas pusod lang.
She's taller than normal girls her age. Balingkinitan ang katawan niya and Shiela would always say that her bottom was her best asset. Ilang beses na siyang kinukuha ng ANU na mag-participate sa beauty pageant na ilang ulit din niyang tinanggihan. Many people say that she has an enchanting beauty, na kapag tinititigan ng matagal ay lalong lumilitaw ang ganda niya.
Mula sa kung saan ay lumitaw sa isip ang mukha ni Dane. Nathan's girlfriend was gorgeous beyond any words at naninibugho siya.
"You look pretty and sexy," Admiration sparked his eyes as he stared at her.
Gustong mag-umalpas ng puso niya sa sinabi nito. Sa tuwing inaabangan siya nito sa hapon at kinukumusta ay lagi itong nagbibigay ng compliment sa kanya. Bagaman ikinatutuwa niya iyon ay nag-aalala siyang baka marinig ni Dane at magselos. Kaya hindi siya nagko-komento, tinatanguan niya lang ito at dumidiretso na sa library.
"Do you remember the day when you promised to grow up beautiful?" patuloy nito, without breaking eye contact. "You kept that promise, Arni. The little annoying girl who followed me everywhere and watched me from afar is gone."
Tumikhim siya at umiwas ng tingin. Sa halip na sumagot ay humakbang siya palapit, "Iuwi mo ako bago mag-alas dies," aniya bago pumasok sa loob ng sasakyan.
Nathan smiled and shut the car door softly.
*****