"Bakit mo tinanggihan ang maging representative ng Business Administration class sa gaganaping beauty pageant, Laarni Rubio?!" nanggigil na sabi ni Shiela nang lapitan nito ang kaibigan.
Si Arni na isa-isang isinilid ang mga gamit sa loob ng bag ay tumayo na. "Kakailanganin ng malaking halaga sa pagpapatahi ng evening gown at pagbili ng sportswear sa pagsali sa ganyang pa-contest, Shiela. At wala kami n'on."
"Kung iyon lang ang problema mo, pwede naman tayong makalikom ng donasyon," anang kaibigan na binitbit na rin ang bag.
"Ayoko parin."
Kanina ay tinanong siya ng prof nila kung maaari niyang i-representa ang Business Ad class para sa taunang beauty pageant ng school. At sa harap ng buong klase ay magalang niya iyong tinanggihan sa panlalaki ng mga mata ni Shiela.
"Sayang ang pagkakataon, Bes," ani Shiela na nakasunod lang sa likuran niya. "Ang alam ko, may cash na tatanggapin ang mananalo sa pageant, plus ang karangalan na maging Miss Assuncion Natividad University of the year."
"Hindi ko kailangan ng parangal, Shiela. Isipin mo nalang, kapag sumali ako sa pageant, malaking oras ang masasayang ko sa kaka-practice para sa patimpalak. Isama mo na ang mga sunud-sunod na photo shoot at panliligaw sa mga estudyante ng school para makakuha ng audience votes. Alam mong tuwing hapon ay sa mansion ng mga Vhan ako dumidiretso para magtrabaho. Kaya saan pa ako kukuha ng oras para sa mga iyan?"
That was right, she works at the Vhan's mansion pero hindi trabahong bahay kung hindi bilang administration assistant ni Natalie Vhan. She's been working there for almost two years now, na nag-umpisa noong unang taon ng senior high.
She was sixteen nang inatake sa puso ang kanyang inay at kinailangang dalhin sa ospital. Tumulong ng pinansyal si Natalie Vhan sa pasasalamat niya at nakaligtas si Adelfa subalit dahil masyado nang mahina ang katawan nito para magtrabaho pang muli ay kinailangan na nitong tumigil sa paglalabada. She took a part time job in a bakeshop at kumikita ng sapat para matustusan ang pangangailangan nila ng ina. Ang maintenance na gamot ni Adelfa ay sinagot ni Natalie sa sobrang pasasalamat ni Arni. Tuwing gabi ang pasok niya sa trabaho na nag-uumpisa ng alas-seis hanggang alas-onse kaya hating gabi na siya lagi nakakauwi sa kanila. It was really tough at nahirapan siyang pagsabayin ang pag-aaral sa umaga at pagtrabaho sa gabi.
Isang gabing umuwi si Arni galing sa trabaho ay inabutan niya ang inang nasa sahig at naghahabol ng hininga. Sa tulong ng ilang mga tambay na naroon sa eskinita ay isinugod nila si Adelfa sa ospital subalit hindi na ito umabot.
Arni mourned for her mother's sudden death dahilan upang hindi nito magawang mag-focus sa pag-aaral na siyang dahilan ng muntikan nang pagkawala ng scholarship niya sa ANU.
Noong mga panahong iyon ay nasa tabi niya si Natalie Vhan at nakikiramay sa pagdadalamhati niya. Ang Kuya Jarod niya ay isang beses lang niyang nakita noong lamay ng inay niya, and in her vague memory, she remembered when he took her in his arms and gave her a tight hug. Naramdaman niyang kahit papaano ay nakidalamhati ito sa kanya at noong panahong iyon una niyang naramdaman ang pagiging kapatid nito.
Ang tanging nagpatibay sa kanya matapos mawala ang kanyang inay ay ang pangako niya ritong magtatapos sa pag-aaral at maging matagumpay. She promised that to her mother, so she kept going.
A few days after her mother's burial ay kinausap siya ni Natalie at kinumbinsing iwan niya ang trabaho sa bakery at dito nalang magtrabaho.
Ang minanang negosyo ni Natalie mula sa mga magulang ay patuloy na lumalago sa paglipas ng panahon. Papalugi na ito nang bilhin ni Christian Vhan at muling iniangat. The company was called Vhan Agri Corp or VAC. It was an agribusiness selling imported chemicals, fertilizers and high quality farm machineries. Nagkaroon na rin ng dalawang branches ang VAC sa karatig na bayan at sa Maynila. They business was expanding kaya dumarami ang administration and book keeping works. Natalie gave her a part time job. Kung tutuusin ay kailangan nito ng full time worker pero nararamdaman niyang nais nitong makatulong sa kaniya at bigyan siya ng mas maayos na trabaho kaya siya ang napili nito. And for that, she owe her big time.
She works three hours a day. Siya ang taga-tanggap at taga-reply ng emails ng mga kliyente ng VAC at taga-ayos ng mga documentong kailangan ni Natalie para sa mga transactions nito. Ang opisina niya ay nasa library lang ng mansion kaya mas lalong naging madali sa kanya dahil mas malapit ang bahay nila sa mansion ng mga Vhan kung ikukumpara sa main branch ng VAC sa bayan. She would get at the mansion by five thirty in the afternoon at nakakauwi din agad ng alas-nueve, hindi katulad noong nasa bakery pa sya at inaabot siya minsan ng ala-una ng madaling araw.
Natalie tried to convince her na doon na sa mansion tumira subalit tinanggihan niya. Sobra-sobra na ang mga naitulong nito sa kanya at ayaw niyang samantalahin ang kabutihan nito.
Nagising siya sa malalim na pag-iisip nang marinig ang buntong hininga ni Shiela. "Okay, sige na. Tatantanan na kita. Alam kong pagdating sa pag-aaral at dedikasyon mo sa trabaho mo sa VAC ay hindi ka papaawat."
"Alam mong kailangan kong makapagtapos ng pag-aaral at magampanan ng maayos ang trabahong ipinagkatiwala sa akin ni Maam Natalie. I can't bear to disappoint her, malaki ang utang na loob ko sa pamilyang iyon." Sinulyapan niya ang relo sa bisig. Nang makita ang oras ay nagmadaling naglakad. "Mag-a-alas sinco na pala, Shiela. Bilisan na natin at baka ma-late ako."
Ilang minuto na silang nag-aantay ng tricycle sa harap ng gate ng school nang may pumaradang sasakyan sa harap nila.
"Hi ladies!" ang nakangiting mukha ni Cody ang nabungaran nila nang bumaba ang salaming bintana ng kotse nito. "Pauwi na ba kayo?"
Sabay silang tumango.
"Hop in then, kayo ni Shiela," nakangiti nitong paanyaya.
Si Cody Angeles ay anak ng dean ng ANU at nagta-trabaho bilang bank manager sa pinakamalaking bangko sa bayan nila. Una siya nitong napansin nang minsang naroon ito sa unibersidad para daluhan ang isang event, mag-iisang taon na ang nakalipas. Simula noon ay naging malapit na silang magkaibigan.
Noon pa man ay kilala na niya ang binata. Si Cody ay matalik na kaibigan ni Nathan mula elementary at laging nagpupunta sa mansion noon. Sa katunayan ay hindi siya nito kilala bilang ang batang laging nakasunod kay Nathan noon. Kaya nang minsang banggitin niya rito ang tungkol sa bagay na iyon ay malakas siya nitong pinagtawanan.
"Hindi mo ba susunduin si Mrs. Angeles?" aniya nang maka-upo sa front seat.
"Well, I was about to. Pero habang papunta ako rito ay tumawag siya at nagsabing mamayang alas-siete ng gabi ko na sunduin. I was just about to turn back when I saw you."
Tumatakbo na ang sasakyan nang magsalita si Shiela. "Alam mo bang kinukuha iyang si Arni na maging representative ng BA class sa beauty pageant, Cody?"
"Oh, really? Magandang balita iyan."
"Meh, hindi rin. Dahil tinanggihan niya iyon."
"Why?" Kinunutan ito ng noo, sandali siyang sinulyapan bago ibinalik ang pansin sa daan. "Kapag sumali ka sa pageant ay sigurado akong ikaw ang mananalo. You are a combination of beauty and brain. I'm pretty sure you'll win. I'll even bet my life to it."
"Consider yourself dead, Cody. I'm not joining," natatawa niyang sambit dito na ikinatawa narin ni Cody.
"Naiintriga ako lalo sayo, Arni," napapailing nitong sambit. Habang nasa daan ay nagku-kwento ito ng kung anu-ano na ikinangingiti nila ni Shiela.
Unang hinatid ni Cody si Shiela bago dumiretso sa subdivision kung saan naroon ang mansion ng mga Vhan. Nagpasalamat siya pagkarating nila sa destinasyon at akma na sanang bababa nang may maalalang sabihin si Cody.
"Oh, have you heard the news?"
She frowned, muli niyang isinara ang pinto ng kotse. "What news?"
"I received an email from Nathan a couple of days ago. Ang sabi ay uuwi na siya ng San Mateo."
Her heart fluttered from what she heard. Biglang tila nag-umalpas iyon at gustong kumawala, she couldn't find a word to say.
Nilingon siya ni Cody, "Akala ko ay alam mo. Hindi ba nababanggit sa iyo ni Tita Natalie?"
Umiling siya. Mahigit isang linggo nang nasa Maynila sina Natalie at Christian para i-check ang VAC Manila brach at upang isaayos ang pagpapatayo ng isa pang branch sa Batangas kaya walang dumarating na balita sa kanya.
"We exchange emails from time to time, at sa huli niyang email ay nabanggit nito ang tungkol doon. I'm really excited, the last time we saw each other was the night of our graduation, noong nag-party sa mansion nila," patuloy na kwento ni Cody.
Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. He's coming home! Gustong sumabog ng dibdib niya sa galak.
"Are you okay? Natahimik ka na riyan.."
She cleared her throat and forced a smile, "N-nagulat lang ako sa ibinalita mo."
Ngumiti rin ito, "Tiyak na magugulat iyon kapag nakita ka."
Hindi na siya sumagot at muling binuksan ang pinto. Bago muling isara iyon ay yumuko siya at nagpasalamat sa kaibigan.
Halos hindi siya mapakali nang pumasok sa mansion. Ngayon palang ay iniisip na niya kung ano ang gagawin sa araw na dumating si Nathan at magkita silang muli.
*****
Tahimik na inaayos ni Arni ang mga papeles sa mga folders nang bumukas ang pinto ng library at iniluwa si Natalie Vhan.
"Ma'am Natalie!" aniya na tumayo at nakangiting binati ang may edad na babae, "Magandang gabi po. Kararating nyo lang po ba?"
Nakangiti itong tumango, "Thirty minutes ago. How are you?"
"Mabuti naman po. Maraming dokumentong inihatid ang sekretarya ninyo dito para pirmahan ninyo. Kumusta po ang pag-bisita niyo sa Manila branch?"
Gumuhit sa mukha nito ang pagod. Natalie Vhan, despite her age, was still beautiful. She's in her early fifties now but she remained fit.
"I can't wait for Nathan to come home and take over the family business. Madalas nang nagkakasakit si Christian at sa edad naming ito ay nakakapagod nang pumaroo't parito sa Maynila at sa isa pang branch ng VAC." Naupo ito sa upuan na nasa harapan niya, "Gusto na rin naming mag-asawa na magbakasyon sa America, doon sa kapatid ni Christian."
"Ang.. sabi po ni Cody ay malapit nang umuwi si Nathan?"
Natalie smiled at her. "Nasabi na pala sa iyo ni Cody. Yes, my son has decided to come home." Maaaninag sa mukha ni Natalie ang kagalakan, matagal na rin nitong gustong umuwi ang anak.
"K-kailan po siya darating?'
"In a week," sagot nito. "Are you excited to see him?"
Hindi niya alam ang isasagot dito.
Am I? Syempre naman. Hindi lang niya alam kung ano ang sasabihin kapag nagkita silang muli nito. Her feelings for him almost seven years ago haven't changed.
"You are a good kid, Arni," wika ni Natalie na pumukaw sa sandali niyang pagkatigalgal. "I've known you since you were eight. You are smart, kind, thoughtful and very pretty. I hope Nathan could see that and—"
"Naku, Ma'am Natalie," nagkunwari siyang niligpit ang mga papeles na nagkalat sa mesa para hindi mapansin ng kaharap ang pamumula ng mukha niya. "Sigurado akong maraming nakikilalang magaganda at mababait na babae si Nathan sa America, hindi magkakainteres iyon sa isang probinsyanang katulad ko."
"Well, who knows?" tila may ibig sabihin ang ngiting iginawad nito sa kaniya bago tumayo. "Anyway, sumilip lang ako para yayain kang sumabay na sa hapunan. The food is waiting so lets go. Bukas mo na tapusin iyang ginagawa mo."
Hanggang sa makalabas si Natalie ay hindi pa rin siya kumikilos. Nasa isip parin niya ang mga sinabi nito. Maaari din kayang magkagusto sa kanya si Nathan ngayong dalaga na siya?
Gusto niyang sampalin ang sarili sa mga naiisip. H'wag kang masyadong ambisyosa! Sigaw ng utak niya. Kung dating maliit palang ang sirkulong ginagalawan ni Nathan ay hindi na siya maka-porma, ano pa kaya ngayon?
Huminga siya ng malalim at tinapos ang ginagawa. I guess I should stop being foolish and just forget about him...
*****
Alas otso na ng gabi natapos ang thesis na ginagawa ni Arni kaya't madilim na nang lumabas siya ng school building. At dahil wala nang tricycle ang pumapasok sa solar ng school ay kinailangan niyang maglakad mula ANU hanggang sa highway kung saan maraming dumaraang pampasaherong jeep. It took her less than twenty minutes to reach the highway. Hindi iyon ang unang pagkakataong umuwi siya ng gabi kaya hindi siya nag-aaalala.
Ilang minuto na rin siyang nakatayo sa gilid ng highway nang may bigla na lamang humintong owner type jeep sa harap niya na may sakay na apat na lalaking sa hula niya ay puro pa naka-inom. Kahit halos ilang dipa ang layo niya sa mga ito ay naaamoy pa rin niya ang alak sa katawan ng mga ito na inililipad ng hangin sa direksyon niya.
"Kapag sinu-swerte ka nga naman." Nakangising bumaba ang isang lalaking madungis na nga ay bungi pa ang dalawang ngipin sa harap. "Miss, gusto mo bang makisakay sa amin?"
Umiling siya, hinigpitan ang pagkakahawak sa bag, "May hinihintay ako." Hindi niya ipinahalata sa mga ito ang biglang pagbangon ng takot. Kapag pinakitaan niya ng kahinaan ang mga ito'y baka lalo siyang hindi tantanan.
"Hayaan mo na iyong hinihintay mo at sa amin ka na sumama. Di hamak naman na mas masaya kami kasama, Miss," anang isa na nasa manibela. Nagtawanan ang mga ito na ikinatindig pa lalo ng mga balahibo niya.
Napatingin siya sa daan. Malinawag ang bahaging iyon pero walang gaanong mga kabahayan. Kahit sumigaw siya ay imposibleng may makarinig kaagad. She's in big trouble. Napalingon siya sa pinanggalingan. Sa unibersidad ay mayroong dalawang guwardiya pero kahit tumakbo siya pabalik doon ay tiyak na mahahabol pa rin siya ng mga lalaking iyon.
"Ang ganda mo naman, Miss. Sumama ka na sa amin, tiyak na ikatutuwa mo ang gabing ito," wika pa ng lalaking bumaba kanina at nasa harap niya.
Kinilabutan siya sa mga sinabi nito, kasama na roon ang pandidiri. Laking kalye rin siya at ang mga kapitbahay nila sa eskinitang tinitirhan ay puro rin mga luko-luko subalit dahil kilala ang pamilya nila roon ay walang nambabastos sa kanya, lalo at ang ilang lalaki roon ay takot sa Kuya Jarod niya.
"Hindi ako sasama sa inyo kaya umalis na kayo at maghanap ng ibang mapagdidiskitsahan," aniya, humiling sa isip na sana'y wala nang makitang ibang babae sa daan ang mga ito mamaya.
"Aba, matapang ang bebot na 'to mga pare," wika ng isa pa na bumaba na rin at lumapit sa kanya. Nagtawanan ang mga ito na parang mga loko. Napaatras siya.
"H'wag ka nang pakipot, Miss, baka masaktan ka lang. Sumama ka sa amin ng maayos."
Naamoy niya ang masangsang na hininga ng isa pang lalaki na bumaba sa sasakyan at lalo siyang kinilabutan.
Akma na siyang sisigaw para humingi ng tulong nang may dalawang sasakyan ang magkasunod na pumarada sa likod ng owner type jeep.
Napalingon silang lahat doon. Hindi niya alam kung tulong ang dumating o kasamahan pa ng mga lasing na lalaki, ang alam niya'y anumang sandali ay hihimatayin na siya sa takot.
Unang bumukas ang pinto ng Ford Ranger at iniluwa roon ang isang matangkad na lalaki.
Arni frowned as she watched a familiar man walk towards them. Hanggang sa mapasinghap siya ng malakas.
Bagaman nag-iba ng kaunti ang anyo nito at lumaki lalo ang katawan ay hindi niya ipagkakamali sa iba ang anyo ng lalaking huminto sa harap nilang lahat.
Her eyes went wide. Nathaniel Vhan!
*****