Chereads / Forget me Not / Chapter 28 - The King's Return - 2

Chapter 28 - The King's Return - 2

December 2015

Erratic heartbeat, sweaty palms, jittery feeling, - That's what I felt when our eyes met. Marcielle is still the most beautiful to me. Kahit sa napakasimpleng kasuotan ay hindi ko magawang alisin ang tingin sa kanya. Bagaman at may hatid na lungkot ang kapansin-pansin na kislap sa mga mata nya ngayon habang tinutugtog ang paborito nyang instrumento. I never knew that receiving love from the person you have loved for years can really make girls more beautiful.

During their performance, she keeps on avoiding making eye contact with me. Hindi ko naman ipinagtaka iyon dahil sa naging pagbati ko sa kanya pagtapos ng ilang buwan ko din na pag-ignora sa lahat ng mensahe nya. My heart aches a little when I see how happy she is now, but I immediately composed myself after their performance ends.

Pagkatapos nilang magperform ay hindi agad sya lumapit sa akin kung hindi lang sa paglapit ng mga kaibigan nya sa mesang kinaroroonan ko. She simply greets me Merry Christmas and excused herself to call her family. Na tila ba iyon ang paraan nya para hindi maging halata ang namumuong tensyon sa pagitan namin dalawa.

"Stop staring bro, you're drooling." Biro ni Shiro ng mapansin nya ang pagtitig ko kay Cielle hindi kalayuan sa amin, na may kakaibang ngiti sa mga labi habang nakikipag-usap sa kung sino sa cellphone nya. I'm guessing it's Vaughn with the way she smiles like a lovesick person every time that person she's talking with on her phone is saying something on her.

Malalim na buntong-hininga ang umalpas sa labi ko bago ibinaling sa iba ang tingin. I can't help but stare at her. Ilang buwan na din mula ng huli ko syang makita at ilang buwan na din mula ng ignorahin ko ang mga mensahe nya. Pero gayun pa man, tila nabalewala lahat ng pagsubok kong kalimutan sya nang muli ko syang masilayan.

"Pano ba umaktong wala ka ng nararamdaman?" Wala sa loob na tanong ko sa sarili na pagak na ikinatawa ng kapatid.

Shiro pour wine on my glass once again before he answered my question. "Hindi mo naman kailangan magkunwari eh. She will understand. Alam nyang mahirap salungatin ang binubulong ng puso."

"Should I act like I used to or leave everything between us unsettled?" Naiiling n tinapik ako ni Shiro sa braso.

"Just be happy bro. That's all you have to do." Payo nya bago ako iniwan na tila ba binibigyan nya ako ng pagkakataong makausap ng sarilinan si Cielle na naglalakad papunta sa direksyon ko na may nakapaskil na alanganing ngiti sa mga labi.

"Hiro."

I smiled.

"You mind if I sit beside you?" Umiling ako bilang sagot na tila ikinahinga nya ng maluwag bago umupo sa upuan na binakante ng kapatid ko.

"It's been a while." Putol ko sa katahimikang bumalot sa amin dalawa.

"I heard you've been busy. Is it because you wanted to spend Christmas here?" Tanong nya na hindi ko agad nakuhang sagutin.

Should I lie?

"Not really. Yun lang kasi ang alam kong paraan para hindi kita masyadong isipin." In the end I choose to be honest with her.

She smiled ruefully that somehow made me feel guilty.

"Hey Cielle, I'm not saying this to make you feel guilty. Nagpapakatotoo lang ako. After all you won't accept my heart so I'll just offer you my honesty." May bahid ng lungkot sa tinig na wika ko sa kanya kalakip ang malungkot na ngiti sa mga labi ko.

"Thank you, Akihiro. You coming here, telling me your feelings somehow made me feel relieved. I prefer you being honest with me. Kesa naman isipin ko ng isipin kung kelan ka sasagot sa mga messages ko. Kahit na may hinala na ako, gusto ko pa din marinig yun sayo." Cielle looked at me with a warm expression on her face like she used to.

"I'm sorry Cielle."

Cielle smiled sweetly. "Don't be. I appreciate your honesty, Hiro. It's just like you."

Saglit na namagitan ang katahimikan sa aming dalawa at tanging masayang awiting pamasko ang nangingibabaw sa buong auditorium. Nanatili kaming walang imik na tila ba wala sa amin dalawa ang nais na basagin ang kapayapaan na iyon.

Kapayapaan. I smiled to that word.

Ilang araw akong hindi mapakali ng magbook na ako ng flight pabalik sa Pilipinas para sa ilang araw na plano kong magbakasyon. I wonder how I will act when we meet again. And how I will talk to her after ignoring her messages. But now, seeing how happy she is, my heart and mind calmed down. Kahit pa nararamdaman ko pa din ang pinong kurot sa puso, isang totoo at masayang ngiti lang ang nais kong makita para mawala ang pagkabigong nararamdaman.

It's still painful but it wasn't like before. Tanggap ko naman ng hindi na kailanman magbubunga ang nararamdaman ko para sa kanya mula ng makausap ko si Vaughn, pero ngayon na nakausap ko na ang dalaga at makita ang saya sa mga mata nya, mas lalo kong naramdaman na panahon na para isuko ko ng tuluyan ang lahat.

I heaved a sigh and drank all the wine in my glass before I stand up to offer her my hand. Nagtataka naman na tumingala sya sa akin bago tumingin sa kamay kong nakalahad sa harap nya. May pagaalinlangan na nakipagkamay sya sa akin na may pagtataka sa mga mata.

"Masaya ako para sayo. I'm hoping that the next time we meet, the feelings I have for you, is the feeling you wanted me to have to." May ngiti sa mga labi na wika ko sa kanya ngunit alam kong kapansin-pansin ang lungkot hindi lang sa mga mata ko kundi pati na din sa boses ko.

Cielle smiled at me. An honest one, no pity could be seen in her beautiful eyes.

"I am too, wishing that someday, you'll find your own happiness. Na sana yung sunod na taong i-hohook up sayo ni kupido eh siguradong kadugtong nung panang nakabaon dyan sa puso mo." She said that I only answered with a smile before I let her hand go and starts counting my steps away from her.

1,2,3

God knows when that will be.

4,5,6

Cupid is a jinx.

7,8,9

I know you'll never be mine.

10,11,12

I hope this feeling ends now that clock's strikes twelve.