They say, one waits a lifetime for his soulmate to come around.
But what if you've met the right person in the wrong time?
You might end up hurting each other…
Lying for the sake of one another…
Or even choose to let go to take a breather.
Will you rely to the saying, if it's meant to be, it is meant to be?
Or choose to fight side by side until fate itself surrender?
No matter how long,
No matter how difficult the circumstances,
If you are confident that it is destined to happen…
That you are destined to be together…
No matter how wretched your fate is,
Even Cupid's cruel arrow with its poisonous ploy, is powerless to the *old man who lives in the moon.
--
January 2018
Napakaliwanag ng academy ground na pagdadausan ng taun-taon na pagdiriwang ng school festival. Ngunit sa taong ito ay mas kita ang excitement sa mukha ng mga estudyante dahil sa pagdalaw ng isa sa mga sumisikat na bandang nabuo sa akademyang ito, ang Elites, ang bandang kinabibilangan ng nagiisang babaeng pinag-iwanan ng puso ko matapos kong piliin na bitawan sya para sa ikabubuti naming dalawa.
Ilang taon na nga ba ang lumipas mula nang huli ko syang makita? Pinilit kong panindigan ang lahat ng naging desisyon ko. God knows how much I tried but, in the end, all I have left in my heart are pain, loneliness, and regrets. Ngunit huli na para sa akin ang lahat. Huli na para bawiin pa ang mga panahong sinayang ko, ang mga masasakit na salitang binitawan ko. Dahil kahit alam kong naghihintay pa din syang muli kong hawakan ang kamay nyang binitawan ko, hindi ko na mababawi pa ang sugat na nilikha ko sa puso nya.
Marahang katok sa pinto ang nagpabalik sa akin sa kamalayan. Mula sa pagtanaw sa school ground ay ibinaling ko ang tingin sa pintuan ng opisina ko para lang muling makaramdam ng higit pang pagsisisi ng makita kung sino ang bisita. Gaya pa din ng dati ang hatid nya sa akin, kinakapos pa din ako ng hininga sa tuwing nakikita ko ang maamong mukha nyang gabi-gabing dumadalaw sa panaginip ko. Ngunit hindi gaya sa panaginip ko, tila wala nang buhay ang mga mata nyang nakatingin sa akin.
"Hello Professor Alcantara."
Marcielle Anne greeted me with a smile in her usually happy voice yet sad eyes. Seeing her after years of trying to pull out the arrow that Cupid shot in me, weakens my resolve. God! I miss her. Lihim akong bumuntong-hininga para itago ang tunay kong nararamdaman na gaya noong pinili kong sumuko na lang.
"Hello." Tipid kong sagot na tila ba inaasahan nya na ang kalamigan sa tinig ko.
"Kamusta?" Nanatili ang ngiti sa mga labi nyang tanong sa akin habang inililibot ang tingin sa loob ng opisina ko.
"What do you really want?" Pilit kong nilakipan ng galit ang tinig ngunit agad ko din iyong pinagsisihan ng makita ko ang pagbalatay ng sakit sa mukha nya na agad din naman nyang tinabunan ng isang mapagkunwaring ngiti.
"Can we talk for a little bit? Just like the old times? Tour me." May pag-aalinlangan man sa tinig, bakas sa mukha nya ang pag-asa na paaanyayahan ko ang imbitasyon nya.
My mind wants me to decline it but, in the end, my heart won the internal debate happening between them. Walang imik na lumabas ako ng opisina kasunod nya na kahit hindi ko tignan ay alam kong nakapaskil sa mga labi nya ang isang ngiti.
We talked about random stuffs while touring her in the Academy as if there's nothing more important things that we have to talk about. Tila ba pareho kaming takot buksan ang isang kabanata sa buhay namin na maaaring sumira sa kapayapaan sa pagitan naming dalawa sa mga oras na to.
"I heard that subject you are teaching is quite a catch to all college departments. Pwede din kaya akong mag-enroll sa subject mo na yun? I heard even an Alumni can enroll." Biro nyang tukoy sa 'Love and Intimacy in Modern Society' na isa sa mga subject kong itinuturo na inooffer sa lahat ng college department ng ADA mula nang magsimula akong magturo.
It was a minor and not really necessary subject that Psych department offers to measure one of the factors of social interest which is Love. It's a subject where I partner up my students randomly and let them date with different tasks as an assignment every week. It's not that I wanted to teach the subject. Mas tamang sabihin na ipinilit sa akin ng Presidente ng Academy ang pagturo sa subject na hindi naman talaga kasama sa curriculum ng mga estudyante. It's a subject meant only for research purposes but at the end of every semester, those who students who took the subject changed for the better thus it became one of the subjects required in ADA. And even Alumnus can take it if they wanted to because basically, it's still a research study.
"You're not allowed." Asik kong sabi na agad din natauhan nang mapansin ko ang pagtataka sa mukha nya. "I mean, my students are all out of your league. You're famous and there's a possibility that they might fall in love with you and they will end up hurting." Pagpapaliwanag ko na alam kong may bahid ng kasinungalingan dahil kung meron man akong kinakatakutan, iyon ay ang makita syang nakikipag-date sa iba kahit pa nga hindi iyon totoo at requirements lang sa subject.
I knew that she never dated anyone after we broke up. Yes, there are rumors and there are guys who tried but none of them win her heart. At malaking bahagi ng puso ko ang natutuwang malaman na kailanman ay hindi ako naalis sa pedestal na pinaglalagyan ko sa puso nya. But, a part of me, loathed myself for still having those feelings that I chose to deny since the day I let her go.
"You have a point." Tumatango-tango nyang sagot na nagpabalik sa akin sa kamalayan. Tikwas ang kilay na tinignan ko sya nang mapansin ko ang mapaglarong ngiti sa mga labi nya. "But how can you be sure that they will fall in love with me just because I'm someone famous?"
I cleared my throat on her sudden attack and avoid her gaze. "Just because." I did, and still do. Tipid kong sagot na sinarili na lamang ang huling pangungusap.
Saglit na namagitan ang katahimikan sa pagitan naming dalawa habang naglalakad sa malawak na track ng academy kung saan nangyari ang masakit na kabanata sa pagitan naming dalawa. Ang lugar na saksi sa lahat ng masaya at malungkot naming alaala.
"Well if that's true…then maybe it's you that I should date instead? Maybe you'll fall in love with me. Once more." Birong-totoo nya na nagpadagundong sa dibdib ko. "I'm famous, kinda pretty, and a little bit sexy. Hindi ka na lugi nun." Matamis ang ngiting pagpapatuloy nya sa birong nababahiran ng katotohanan.
I shook my head and walked back to the main building. She followed behind me quietly as if cursing herself for ruining the peaceful talk we had just a moment ago. Malalaki ang hakbang ang ginawa ko at halos gusto ko nang tumakbo para lang makalayo agad sa kanya. I need to end this little reunion of ours before my heart betrays me again. Alam kong anuman oras ay maaari na naman kumawala ang puso ko mula sa pagkakagapos nito na ilang taon ko din sinubukan ikulong at diktahan para lang maitago ang katotohanan na pilit ko pa din sinasarili.
"Naniniwala ka ba sa reincarnation?" Tuluyan nya na ngang putol sa katahimikang pilit kong pinapanatili sa pagitan naming dalawa. Saglit ko din syang nilingon ngunit agad ko din binawi ang tingin nang magtama ang aming paningin at makita ko ang paglamlam ng mga mata nyang nangungusap.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad, sinisiguro ang ang sapat na distansya namin dalawa. "Hindi. Bakit?"
"Wala naman. Nakakalungkot lang isipin na hindi ka naniniwala sa mga bagay na pinaniniwalaan ko." Walang kasing lungkot na awitin ang hatid nang tinig nyang sagot na mas lalong nagpalalim sa patalim na nakatarak sa dibdib ko mula pa noong iwan ko sya.
"Talaga pa lang kailanman ay hindi nagtagpo ang mundo nating dalawa." Pagpapatuloy nya bago ko naramdaman ang paghinto nya mula sa pagsunod sa akin.
We're halfway back to our starting point that's why I know that it is really the right time to talk about what we really need to talk about. Kahit pa nga alam kong muli ko na naman syang masasaktan, at muli ko na naman ilulubog ang sarili ko sa mas malalim pa na palapag ng impyernong pinaglagyan ko sa sarili ko nang piliin ko ang pamilya kaysa sa pagibig.
Huminto ako sa paglalakad at hinarap sya na nababahiran ng kasinungalingan ang nakarehistrong emosyon sa mukha. Kuyom ang mga palad na pilit kong tinignan sya sa mga mata habang pilit na itinatago sa kasuluk-sulukan ng puso ko ang pag-ibig na pilit kumakawala sa silid na pinagkulungan ko sa kanya. That feelings needed to be locked up because if I didn't, I knew I will only end up doing something that will only hurt us both.
We're just a few steps away from each other but I can't take even a single step to close that distance. Just like before, even though I love her so much, I'm still a coward. Hanggang ngayon ay hindi ko pa din sya kayang piliin sa tuwing sumasagi sa isipan ko ang lungkot na nakarehistro sa mga mata nya noong unang beses ko syang makita. And I really loathed myself for taking her hand back then without thoroughly thinking the consequences and the things I should consider once I choose her. Masyado akong nagpadala sa sinisigaw ng damdamin ko, sa panandaliang saya.
She faked a smile upon seeing my expression and tried to joke around, hoping to delay our upcoming end. Our inevitable final heartbreak.
"Hindi mo ba ako tatanungin kung bakit ako naniniwala sa ganung klase ng mga bagay?" Tanong nya sa pilit pinapatatag na tinig. Seeing her trying to stop her tears from falling really breaks my already broken heart. Mas lalo kong pinatigas ang ekspresyon. Hindi pwede na muli akong magpadala sa nararamdaman. Nakapagdesisyon na ako na hindi ko na uulitin ang pagkakamali ko noon. Hindi kami pwede.
Nakakatawa lang isipin na pilit kong tinatago ang katotohanan sa kanya para hindi sya masaktan pero ako mismo ang gumagawa ng dahilan para madurog sya. I always tell myself that it's the best for the both of us but in reality, I'm only doing it for myself. Ayokong kamuhian nya ako at ang pamilya nya kung sakaling malaman nya ang totoo. I really am the kind of person Akihiro and Zeus described me, a selfish coward bastard.
"Bakit nga ba? Bakit nga ba kailangan mo pang maniwala sa mga bagay na wala naman basehan? Iniisip mo ba na kapag naniwala ka sa ganung bagay, sa next life natin magkakapalit tayo ng sitwasyon? Na ako naman ang parang tangang maghahabol sayo? Ganun ba?" Tanong ko sa kanyang may lakip nag alit sa tinig. Galit hindi para sa kanya. Galit para sa sarili ko, sa kaduwagan ko, sa katangahan ko. Galit para sa estupidong kupido na nagtarak sa puso ko ng nangangalawang nyang palaso.
"No-"
"Tama na kasi!" Putol ko sa akmang pagprotesta nya. I don't want my heart to waver more than this. Alam kong kaunti na lang ay bibigay na ang puso ko habang patagal ng patagal na nakikita ko ang lungkot sa mga mata nya. Lungkot na ako ang may dala.
"Kahit kailan, kahit sa susunod na buhay pa, hindi yun mangyayari!" As long as our parents won't change their decisions even in our next life, we will still end up like this. Pagpapatuloy kong sabi na sinarili na lang ang huling pangungusap.
Yumuko sya upang itago marahil ang sakit na inilalathala ng taksil nyang mga mata. And that short moment, gave me a way to gaze at her fondly.
She sighed. "If ever that will happen, I won't let you chase me." Saglit akong natigilan sa sinabi nya at sa ngiting nakapaskil sa mga labi nyang iyon. It's the same smile she used to give me before and the effect of that smile is still the same. Habol ko pa din ang hininga sa tuwing nakikita ko ang kanyang ngiti na masasabi kong unang nagpatibok ng dibdib ko, kaya muli kong iniwas ang tingin sa kanya.
"Hanggang ngayon ba naman hindi mo pa din ako kilala? What I always wanted is to meet you halfway like this…" She took steps towards me to shorten the distance between us that made sadness escaped in my eyes.
"Stop it Marcielle Anne." I said helplessly.
Yes, I feel so helpless when I'm the one who keeps on pushing her away. Nakakapagod na din. Habang patagal ng patagal ang bilang ng segundong magkasama kami, mas lalong tumitindi ang kagustuhan ng puso kong hilahin sya at ikulong sa mga braso ko. Lalong tumitindi ang pagnanasa kong ayain syang lumayo na lang at kalimutan ang lahat. I am so helplessly in love with her and yet, I'm still a coward.
"Sasaktan mo lang lalo ang sarili mo kapag nagpatuloy ka pa. Sabi ko naman kasi sayo na tama na. Iba na lang ang mahalin mo. Please stop hurting yourself because of me. Stop crying because of me. Stop it already! Nakakapagod na kasi. Let's stop hurting each other anymore. Matagal na tayong tapos eh. Ano pa bang kailangan mo sakin? Why do you keep on chasing after me? There is someone out there who wanted to keep you, why not just give them a chance? Just please, stop making me feel guilty for hurting you over and over again." Tila may bumikig sa lalamunan ko habang binibitawan ang mga kasinungaling iyon. Nakakatawang isipin na hindi ko kayang pagsinungalingan ang sarili pero nagagawa kong itago sa kanya ang katotohanan.
"I'm sorry." She said and then there's a long silence.
Nanatili kami sa pwesto namin at wala samin dalawa ang tila nais na putulin ang katahimikang bumalot sa amin. Nagsimula nang pumatak ang ulan sa madilim na ulap na tila ba nakikiramay sa tuluyan kong pagpatay sa puso ko. Nagmamanhid na ang buong katawan ko dahil maging ang lamig na hatid ng hangin na panaka-nakang umiihip ay hindi ko na madama. Ngunit sa kabila ng kamanhidan na nararamdaman ng buong sistema ko, damang dama ko pa din ang sakit sa ginagawa kong pagdiin sa nangangalawang na palaso ni kupidong nakatarak sa dibdib ko upang hindi makawala ang puso kong kanina pa nais tumalon sa mga palad nya mula nang muling magtama ang aming mga mata.
I sighed to refrain myself from bursting into tears while telling her the lie that my mind came up with. "Please Marcielle Anne…get rid of that excess feelings of yours for me. Let's end it here."
"How?" Mahina ngunit kababakasan na ng pagsuko ang tinig nyang tanong sa akin na nagpabagsak sa mga luhang hindi ko inaasahang manggagaling sa mga mata ko. Napuno na nga ng tuluyan ang sisidlan ko ng sakit kaya bahagyang umapaw ang mga damdamin na pilit kong iniipon mag-isa.
Hindi ko alam kung magandang bagay ang hatid ng pagtulo ng luha sa mga mata ko dahil nakita ko sa mga mata nya ang pagkatalo. Her expression before was like, she's still trying to hold on to my hand so she won't fall on the cliff she's into, but now, seeing my eyes filled with sadness, pain, and guilt, she's willing to let go of my hand and face her downfall.
"Enlighten me. What do you want me to do?" Pagsuko nyang tanong.
Trying my best not to pull her in my arms and take back everything I've said, I begged her. "Please…" I almost burst into tears so I stopped and try to ignore the tears escaping my eyes before I continue saying the words that are opposite on what I've been telling her in my every dream. "Forget me."
Nakikisamang bumuhos ang malakas na ulan na tuluyang tumabon sa mata kong naguumapaw na sa luhang iniwas ang tingin sa kanya. My heart can' take my mind's resolve. Ayokong tumatak sa puso't isip ko ang imahe ng pagsuko nya. Gusto kong baunin sa pagtatapos ng kabanata naming ito ang imahe nyang nakalarawan lang ay ang pag-ibig nya para sa akin.
"Hoy Ikatlo." My heart almost broke free with the way she called me.
"What?" Sagot ko na hindi tumitingin sa kanya sa takot na baka makita nya sa mga mata ko ang emosyon na pilit ko pa din nilalabanan na lumabas. May posibilidad na ipagkanulo ako nang mga mata ko kung patuloy kong sasalubungin ang tingin nya.
"Any last words? Things to confess?" Saglit akong natigilan sa tanong nya bago umiling. Napansin ko ang pagtingala nya sa kalangitan na tila naman nakikisama sa bahagyang paghina ng ulan.
"Is that what you really want? Final answer?" She asked again when I took a quick glance at her.
No, it's not what I want. Bulong ko sa isip bago iniwas ang mapanuri nyang tanong at marahang tumango. "Final answer."
"Okay. You win. I'll stop." She said defeatedly before she held my hand, and in a bitter-sweet fleeting moment, I feel her soft lips on mine for the last time. Hindi ko na nakuha pang mag-react sa ginawa nya dahil sa mga sunod nyang sinabi.
"Mahal kita Vaughn Carlo Alcantara III."
Unti-unti kong nararamdaman ang pagtuklap ng maskarang suot ko sa sinabi nyang iyon. Tila ba ang mga katagang iyon ang nagsilbing lakas ng puso ko para itulak ang palasong nakatarak sa kanya, upang kumawala sa pinagkulungan ko. Na tila ba ang mga katagang iyon lamang ang nais nyang marinig para tuluyang kumawala sa diktador kong isipan.
"Mahal kita…." Ulit nya bago tuluyang bumitaw sa kamay kong hawak nya. I swear to God that I didn't know how lonely I am until she let go of my hand.
And thus, hearing those words again make me feel lost. Alam kong nasa mga mata ko ang samu't saring emosyon, ngunit nangingibabaw doon ang takot. Takot na baka hindi ko na muli pang marinig ang mga katagang iyon kapag hinayaan ko sya ngayon. Takot na hindi na ako magkakaroon pa ng pagkakataon pag pinalagpas ko ang pa ang pagkakataong ito para itama ang lahat ng pagkakamali ko. Takot na tuluyan nya nang bawiin ang puso nyang kasama nang kalahati ng puso kong nakagapos din sa malupit na palaso ni kupido. At higit sa lahat, takot sa pagsisising magiging konsenkwensya ng desisyon kong ito.
"Mahal kita pero ititigil ko na." Upon hearing those words, I heard at the back of my mind the sound of my heartbeat went into flatline.