Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Forget me Not

šŸ‡µšŸ‡­Yu4yaRe1
--
chs / week
--
NOT RATINGS
116k
Views
Synopsis
'Forget me not', sometimes a flower's name. Sometimes, words he wanted to claim.
VIEW MORE

Chapter 1 - Prelude - 1

There is a pain that even time can't take.

A kind of pain that even smile can't fake.

And there is only a certain person that could make you feel that excruciating pain and utmost happiness both at the same time.

The person who has the power to wound you deeper to the bones,

That could scar you forever.

And no other person could bring you,

Those exact feeling, at the right moment.

Those exact happiness and pain, at the same time.

And that person, is the one you have truly entrusted your heart.

Selflessly. Devotedly. Endlessly.

--

January 2018

"Naniniwala ka ba sa reincarnation?" Tanong ko sa kanya na tuluyang pumutol sa katahimikang kanina pa bumabalot sa aming dalawa. Saglit nya akong nilingon ngunit agad din naman nyang binawi ang tingin nang magtama ang aming paningin at tila walang nangyari na nagpatuloy syang muli sa paglalakad sa tartans ng track oval na kinaroroonan naming ngayon.

Sinubukan kong hindi maapektuhan sa reaksyon nya, ngunit bigo ako. Bigo akong kontrahin ang pagsikdo ng aking dibdib. Bigo akong pigilan ang pag-alpas ng ngiti sa aking mga labi. At higit sa lahat ay bigo akong hawakan ang puso kong paulit-ulit lang naman na nahuhulog sa kanya.

I can't refrain myself from smiling. Masyado talagang mababaw ang kaligayahan ko pagdating sa kanya. Dahil sa simpleng tingin, sa simpleng pagtatama lang ng aming paningin, ay natutunaw ako. Natutunaw paunti-unti ang lungkot na namuo sa puso ko sa mga nakalipas na taon. Napapalitan iyon ng panandaliang kaligayahan.

Oo, panandalian.

Sapagkat alam kong anumang sandali ay agad din iyon babawiin sa akin. Anumang sandali ay muli na naman akong babalutin ng lungkot.

Lungkot na dala ng masakit na katotohanan.

"Hindi. Bakit?" Ang sagot nya na tuluyang pumutol sa saglit na paglipad ng aking isipan gamit ang tinig nyang kasing lamig ng hanging dala-dala ng unang buwan ng taon.

Mabuti na lamang at nasa unahan ko sya kaya lihim akong bumuntong-hininga bago sya nakuhang sagutin. "Wala naman. Nakakalungkot lang isipin na hindi ka naniniwala sa mga bagay na pinaniniwalaan ko." Gaya na lang ng paniniwala kong babalik kang muli sakin. Sinarili ko na lamang ang huling pahayag, umaasang hihinto sya at lilingon ngunit bigo ako.

"Talaga pa lang kailanman ay hindi nagtagpo ang mundo nating dalawa." Huli na upang itago ang tila isang napakalungkot na awiting namutawi sa aking mga labi. At maging ang buong katawan ko ay umaayon na din sa negatibong emosyon na unti-unti nang lumalukob sa akin.

Again, I took a deep breath and tried to stop the tears that wanted to escape my eyes, before I had the courage to stop myself from following him. We are already half way to our destination, maybe it's time to put an end to this. It's time to tell him what I hoped for in the past years that I gave him what he wanted, what he chose for us. Dahil lahat naman ng awitin ay natatapos din, masaya man ito o malungkot.

He stopped taking steps and faced me like what I always wanted since I asked him to take a walk with me, but I was hoping for a different expression, not the one that he's wearing at the moment like I'm the least person he wanted to see the most. We are just five steps away yet, why does he seem so far away, not even a thousand steps could make me reach him.

And the way he looked at me, there's no trace of his old affection. All I see is his impatient look as if encouraging me to just tell my final words and get over with it. I don't know when it all started. When did he start looking at me with a dead expression? The old flame that once was in his eyes whenever he is looking at me, were long gone now. The warmth that I am used to see, it's not there anymore. There's nothing left of the old him in those eyes that is now looking at me.

I faked a smile and tried to joke around, delaying the upcoming end. Our real upcoming end. My inevitable heartbreak.

"Hindi mo ba ako tatanungin kung bakit ako naniniwala sa ganung klase ng mga bagay?" Gaya ng paniniwala kong hindi tayo matatapos sa ganito? Muli kong tanong sa kanya na gaya kanina ay sinarili na lamang ang huling pangungusap. Hanggang sa huling pagkakataon ay sinarili ko na lamang ang kasakiman.

Pilit kong pinatatag ang sarili kahit na alam kong anumang sandali ay maaring bumagsak ang mga butil ng luhang naipon ng ilang taon at kanina pa nagbabadyang pumatak sa mga mata ko.

Not now Marcielle. Hold it for a little longer. Kumbinsi ko sa sarili.

He gave me the look at he used to give me for a while now, - blank, cold, uninterested and stoic. Hindi ko na makita ang dating init na hatid nang pagtitig ng mga mata nyan minamahal ko pa rin hanggang ngayon.

"Bakit nga ba? Bakit nga ba kailangan mo pang maniwala sa mga bagay na wala naman basehan? Iniisip mo ba na kapag naniwala ka sa ganung bagay, sa next life natin magkakapalit tayo ng sitwasyon? Na ako naman ang parang tangang maghahabol sayo? Ganun ba?" May lakip na galit ang tinig nyang sabi.

"No-"

"Tama na kasi!" Putol nya sa akmang protesta ko na tila ba para sa kanya ay wala ng halaga pa ang mga sasabihin ko. "Kahit kailan, kahit sa susunod na buhay pa, hindi yun mangyayari!"

Napayuko na lamang ako sa sinabi nya. Hindi nga ako nagkamali, dahil hindi pa man nagtatagal ang say ana dulot ng pagtatama ng aming mga mata, heto at tuluyan nan gang nabahiran ng katotohanan ang ngiting namutawi sa aking mga labi.

Katotohanan na huli na ang lahat para sa aming dalawa.

Katotohanan na kahit anong gawin ko ay wala na itong patutunguhan pa.

Katotohanang hindi nya na kailanman hahawakan pa ang kamay kong minsang inabot nya.

Katotohanang tuluyang dumurog sa puso kong nagpira-piraso na noong isuko nya ako.

Katotohanan na kailangan ko ng gumising sa mahaba kong pagkakahimbing.

Katotohanan na tapos na ang kabanata naming dalawa.

Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ko nakuhang magsalitang muli. "If ever that will happen, I won't let you chase me." Saglit syang natigilan sa sinabi ko lalo na nang namutawi sa labi ko ang ngiting minsan din na nagpabilis ng tibok ng puso nya. I looked at him like the way I used to give him, - sweet, warm and pure.

"Hanggang ngayon ba naman hindi mo pa din ako kilala? What I always wanted is to meet you halfway like thisā€¦" Gamit ang tinipon kong lakas ng loob, humakbang ako palapit sa kanya.

Sadness filled his sinfully handsome yet lonesome face when he looked at me and begged as if he's so tired to all of this. "Stop it Marcielle Anne."

For the first time tonight, he called my name. Pero hindi gaya ng madalas na epekto nun ang naramdaman ko. Hindi gayang tunawin ng pagtawag nya sa pangalan ko ang lungkot na tila bloke ng yelong unti-unti ng bumabalot hindi lang sa puso ko, kundi maging sa buong sistema ko. At mas lalo pa nga iyong nadagdagan sa mga sumunod nyang sinabi.

"Sasaktan mo lang lalo ang sarili mo kapag nagpatuloy ka pa. Sabi ko naman kasi sayo na tama na. Iba na lang ang mahalin mo. Please stop hurting yourself because of me. Stop crying because of me. Stop it already! Nakakapagod na kasi. Let's stop hurting each other anymore. Matagal na tayong tapos eh. Ano pa bang kailangan mo sakin? Why do you keep on chasing after me? There is someone out there who wanted to keep you, why not just give them a chance? Just please, stop making me feel guilty for hurting you over and over again."

I am truly lost for words when pain filled his eyes after what he said. I didn't know that I am giving him hell of a hard time just because of what I feel. What do I expect? After all my existence is truly a burden for him. No, my existence is the cause of his unhappiness ever since.

"I'm sorry." That's all I can say before silence taken over us.

Nagsimula nang pumatak ang butil ng ulan sa kaulapan ay wala pa din sa aming dalawa ang nagsasalita na tila ba pinapakiramdaman ang isa't isa. I look up and smile. Maging ang papadilim nang kalangitan ay tila nakikiramay sa lungkot, sakit at pagkabigong nararamdaman ko ngayong gabi. Maging ang hangin ay tila nakikiramay din sa maya't maya nitong pagyakap sakin.

I heard him sigh. "Please Marcielle Anneā€¦get rid of that excess feelings of yours for me. Let's end it here." Putol nya sa katahimikang saglit na namagitan sa aming dalawa.

Gusto kong magalit. Gusto kong ilabas ang lahat ng sama ng loob ko. Gusto kong sabihin na sa kanya ang totoo. Gusto kong ipaalam na sa kanya ang lahat ng nalalaman ko. Ngunit bigo ako. Hanggang sa huling pagkakataon ay bigo akong isatinig ang lahat ng sakit, pait at lungkot na dala-dala ko mula nung araw na nalaman ko ang lahat ng katotohanang pilit nyang itinatago sa akin. I don't have the courage to do so. It's me. My existence is the one who's in fault.

"How?" Mahina kong bulong ngunit sapat na para marinig nya bago tumingin sa mga mata nya. It feels like my heart is pricked by a thousand needles when I saw tears fell from his eyes. Tuluyan na ngang umurong ang luhang kanina ko pa pinipigilan dahil sa nasaksihan.

Do you know what's more painful than a heartbreak? What's more painful than being rejected over and over again? It is when you see the person you love, cry because you keep on salvaging the love story you once have, when they already given it up. They cried because your existence is torturing them, putting them deeper in hell that they already been. They cried because you keep on clinging for your now one-sided love. Just because you still love them more than you should.

The pain you feel will not only doubled or tripled. It'll be a million times painful, a million times unbearable than when they once left you. It will scar you forever. It'll cut you deeper to the bones. It'll never be erased. It'll mark you until god knows when. And aside from the pain, you will end up loathing yourself. Your own existence.

"Enlighten me. What do you want me to do?" Nanghihina ang mga tuhod kong muling tanong kahit na alam kong ang magiging sagot nya ang tuluyang dudurog sa akin, gusto ko pa din iyon marinig sa kanya. Kailangan kong marinig ang sagot nya para tuluyan ko ng itigil ang kahibangan ko. Para tuluyan ko ng tanggapin na hindi sapat ang nararamdaman ko para ipaglaban nya kaming dalawa. Para matanggap ko nang, hanggang dito na lang talaga kaming dalawa.

"Pleaseā€¦" He looked me in the eye ignoring the tears escaping his. "Forget me." Kasabay ng pagbigkas nya sa dalawang salitang iyon ay ang tuluyang pagbuhos ng malakas na ulan na tumulong sakin na tabunan ang mga luhang tuluyan ng bumagsak sa mga mata ko.

"Hoy Ikatlo." Sa unang pagkakataon ay tinawag ko sya sa pangalan na bansag ko sa kanya.

"What?"

"Any last words? Things to confess?"

Umiling lang sya bilang sagot. Saglit akong tumingala sa langit ng bahagyang humina ang ulang bumabagsak mula rito.

"Is that what you really want? Final answer?" Paniniguro ko bago tumingin sa kanya.

He avoided my gaze and nod. "Final answer."

I sigh. That's it. That's his final answer. It's painful that until the last time he still chose not to take my hand. Maybe now I could finally rest my heart from loving him. Finally, I could rest from keeping this love story of us work. Finally, I can bid good bye to my first love. Siguro nga kailangan ko ng tanggapin na may mga taong pinagtatagpo lang, pero dahil gago si tadhana, pinaglalayo nya din. Hindi dahil hindi sila ang nakatadhana kundi dahil hindi naging sapat ang pag-ibig sa pagitan nilang dalawa.

I looked at him and smiled, - No hatred, no regrets, less pain, pure love.

Gusto ko na sa huling pagkakataong ibinigay sa amin dalawa ay makita nya sa mga mata ko, sa ngiti ko ang totoong nararamdaman.

"Okay. You win. I'll stop." I said defeatedly. I hold his hand and with all the courage left in me, I gave him a quick peck on the lips.

"Mahal kita Vaughn Carlo Alcantara III." Seryosong wika ko bago namutawi ang ngiting hindi ko alam kung paano nagawang umalpas sa mga labi ko.

"Mahal kitaā€¦." Ulit ko na hindi humihingi ng katugon sa kanya ngunit isang bahagi ng puso ko ang umaasang tutugon sya. Ngunit talaga palang napakasakit umasa dahil hanggang sa bitawan ko ang kamay nya ay nanatili lang syang tahimik na nakatingin sa akin.

Kababakasan ng samu't saring emosyon ang kanyang mga mata, ngunit nangingibabaw doon ang emosyon na minsan ko na din nakita ngunit kailanman ay hindi ko nakuhang pangalanan.

"Mahal kita pero ititigil ko na." Pagtatapos ko sa awiting ilang taon ko din pinilit buohin ngunit hindi ko nakuhang lapatan ng wastong himig. Kasunod nun ay ang muling pagbuhos ng malakas na ulan na tila ba tinutulungan akong itago ang mga luhang naguunahan sa pagbagsak sa mga mata ko.

Sa huling pagkakataon ay tinignan ko sya na tila ba itinatatak sa isip ang anyo nya bago ko nakuhang humakbang at lagpasan sya.

Sa bawat butil ng luhang sumasabay sa ulang pumapatak, ay ang unti-unting paglabas ng lahat ng emosyong natipon sa puso ko mula nang araw na bumitaw sya sa pagkakahawak sa kamay ko.

At sa bawat papalayong tunog na nililikha ng sapatos kong suot ay pagbalik-tanaw ko sa mga alaalang naghatid sa amin sa destinasyong ito.