April 2015
"Congratulations on your graduation." Malapad ang ngiti na bati ko kay Hiro bago inabot ang regalo ko sa kanya na masaya naman nyang kinuha bago ako hinila para gawaran ng isang mahigpit na yakap.
I hugged him back while thinking that time really flies so fast. Parang kailan lang nagsimula ang magandang kabanata sa buhay ko pero heto at meron naman isang pahina nang buhay ko ang magtatapos. Soon is the upcoming end of my sophomore year in college and this guy hugging me so tight at the moment, just ended his college life today, with flying colors. It is finally, Akihiro Yuga's journey to the real and stressful corporate world.
"Thank you for coming, Cielle." May matamis na ngiting nakapaskil sa mga labi ngunit bakas ang lungkot sa mga mata nyang wika nang kumalas sya mula sa pagkakayakap sa akin.
"You don't look so happy like I imagined you to be." May pag-aalalang puna ko na mas lalo lang nagpalungkot sa malungkot nya ng mga mata.
Instead of answering, he softly caressed my cheeks while gazing at me with longing as if it will be the last time that we will see each other. Na tipong kahit sinong normal na babae ay kikiligin, nagkataon lang na normal lang sa akin ang mga ginagawa nya. Between Shiro and Hiro, mas affectionate o mas tamang sabihin na mas clingy si Hiro pagdating sakin kahit pa nga mas madalas kong kasama ang bunsong kapatid nya. We became friends on the night of ADA's festival two years ago and got closer through time. We do have a lot in common, choice of music, food, movies and hobbies. Kaya nga hindi hadlang ang dalawang taon na agwat sa edad namin dalawa para magkaintindihan. Although some people are shipping us together like how they ship their favorite actors and actresses because I am always Akihiro's first priority, we don't really see each other as like that. Akihiro and I are better off as friends, not because I don't find him attractive. He is actually a good catch but, I only see him as friend and I know that he feels the same way as I do.
I'm not insensitive or anything regarding to his actions just like what he is doing now, but I don't want to assume about everything he's doing for me. Hiro is a good friend and upperclassman. Isa pa, alam ko kung sino ang itinitibok ng puso nya mula noon hanggang ngayon kahit pa nga matagal na syang nagpaalam sa taong iyon, hindi naman ganun kadaling kalimutan ang lahat. Kaya kapag binigyan ko ng malisya ang lahat ng ginagawa nya para sakin, para ko na din sinira ang pagkakaibigan namin dalawa.
My words struck me. I wonder if it's the same with Vaughn. Dahil doon ay nakaramdam ako ng bigat sa dibdib. It's been weeks since I last talked with Vaughn and I missed him so bad, but lately he is avoiding me. I'm not dense, the way he looked away every single time that I will see him with his friends in the canteen and the way he changed directions whenever we're a bout to meet, I knew that he is avoiding me as if I did something stupid after the Royal Ball where I thought was the start of something deeper for us, but I guess not.
Dumagdag pa sa bigat na nararamdaman ko ang balitang magkakaroon na ako ng kapatid sa ama. When I realized that Vaughn is avoiding me, I got a call from dad informing me that he wants to get married to his first love and that she is pregnant with his child. At first, I was caught off guard but I don't feel as sad as the first time that he told me he will live with his new family. Dumagdag lang sa lungkot na nararamdaman ko ang balitang iyon ni Dad. Mas lalo ko kasing naramdaman na mag-isa na lang ako, na iba na ang priority ng parents ko, at walang pag-asa na matugunan ang nararamdaman ko para kay Vaughn.
"Tonight, you'll be there right?" Tanong ni Akihiro na nagpabalik sa kamalayan ko. For some reason, even though I knew that Akihiro's with me, I don't feel the same calming presence that Vaughn used to make me feel whenever I'm this blue.
Ipinilig ko ang ulo upang alisin saglit sa isipan ang mga agam-agam at matamis na ngumit kay Akihiro na syang nasa harap ko sa mga oras na to.
"Of course. May free concert ang Elites para sayo. It will be our send-off concert party for you." Malapad ang ngiting sabi ko na muling nagpadaan ng lungkot sa mga mata nya.
He smiled sadly and hugged me but much longer this time. Kung sa ibang pagkakataon siguro ay maaasiwa ako sa mga ginagawa nya ngayon, kung hindi ko lang alam na kaya sya ganun ay dahil bukas din ang flight nya papunta sa Japan para pangasiwaan ang hotels na pagmamay-ari ng pamilya nya.
"You're being so clingy. Nalulungkot ka ba dahil mawawalay ka ng matagal sa dyosa mong best friend?" Tanong ko na kahit bahagya nang naaasiwa sa tingin na ibinibigay sa amin ng ilang estudyanteng nakakakita sa amin na karamihan ay mga fan pa yata ng love team namin dalawa ay hindi ko naman magawang kumalas sa pagkakayakap sa kanya.
He sighed. "Yes I am. Malungkot ako dahil mapapalayo ako sa taong ma-"
Before Akihiro could even finish his words, A strong hand pulled me away from him.
"Stop hugging her in public." Vaughn's cold voice froze me. I swear that I shivered when he glared at me, before he turned his eyes to Akihiro who looked so pissed.
"It's just a friendly hug." Agad kong paliwanag kahit na hindi naman talaga kailangan ngunit bingi sya sa paliwanag ko. Maski tingin nga ay hindi nya ginawa. Nanatili syang nakikipagtagisan ng tingin kay Akihiro na tila hindi natutuwa sa presensya nya.
"I don't care if it's a friendly hug or not. Nakakahatak na kayo ng atensyon at isa pa nakaharang na kayo sa daan." He said without looking at me.
Hindi ko alam kung matatawa o maiinis ako sa mga sinasabi ni Vaughn. He sounds jealous but managed to make it looked like he's not affected at all. Pero ang mas kinaiinisan ko ay ang sarili, dahil hindi ko magawang magalit o magtampo sa binata kahit na ilang linggo nya akong iniwasan at pinagtaguan.
Hiro smirked before he pulled me from Vaughn's grasp and hug me once again from the back, making me face Vaughn this time. "It's just a friendly hug. Hindi to matatawag na PDA. Isa pa, kaninong atensyon ba ang nahahatak namin? Atensyon ba nila? O atensyon mo?"
My jaw dropped on how they talk to each other. I never saw this side of them before. Kung sabagay, hindi ko pa naman talaga sila kailanman nakitang magkasama o nagusap man lang na gaya ngayon. When I'm with Akihiro, I rarely had a chance to talk about Vaughn because he always changes our topic, and as for Vaughn, he usually asked things about me instead of telling me his story.
"Pano kung ganun nga? Bibitawan mo ba sya?" Putol ni Vaughn sa tagisan nila ng tingin. Habang ako naman ay hindi malaman kung anong gagawin. I don't want to assume that they're fighting over me. It's all about Vaughn's chivalry versus Akihiro's affection.
"No." Akihiro answered with conviction and felt his arms around me tightened. And to my surprise Vaughn pulled me back again but this time, Hiro didn't let go of my other hand either.
"Nababaliw na ba kayong dalawa? Anong tingin nyo sakin? Lubid sa Tug of war?" Taranta kong sabi bago pilit na hinihila ang kamay kong hawak nilang dalawa. Bigla akong nakaramdam ng hiya ng mas dumoble ang bilang ng taong nanonood sa aming tatlo.
"Let her go." Kababakasan ng inis na sabi ni Akihiro kay Vaughn na hindi kakikitaan ng kahit anong emosyon ang mga mata. I had a doubt that they could hear me because right at this moment, they are in their own world.
"I won't."
Punyetang world! Ano na naman tong napasukan ko? Naiiling na tanong ko sa isip bago muling pinilit hilahin ang kamay kong hawak nila pareho.
"Mas lalo kayong nakakahatak ng audience sa ginagawa nyong dalawa! Hoy ikatlo! Akihiro! Bitawan nyo ko!" Asar kong sabi sa kanila. But they just glared at me like I'm the one in fault.
"Shut up!/Shut your mouth!" Sabay pa nilang sigaw sakin na talagang ikinatahimik ko.
What the hell was that? Bakit parang kasalanan ko?
"Damn! What do we have here? Reenactment ba yan ng Meteor Garden?" Tuwang-tuwa na sabi ng kararating lang na si Jupiter kasama ang tatlo pa naming kaibigan na bakas ang kaaliwan mukha dahil sa nakikitang sitwasyon ko.
"It was one of my favorites. Kung hindi lang dahil sa season two nun. Masyadong naging boring yung plot dahil yung babae na ang naghahabol sa lead guy." Segunda naman ni Rei.
"I'm wondering who's the lead and who's the second lead between them." Dagdag pa ni Shiro na mas lalong nagpalala yata sa inis na nararamdaman ng dalawa dahil sa pareho nilang paghawak ng mahigpit sa kamay ko.
"Let's make a bet?" Wika ni Kristine na aliw na aliw sa panonood sa amin.
I sighed defeatedly. Kaibigan ko nga talaga sila. They never ceased to fail me whenever I need them to rescue me. Imbes na tulungan ako ay talagang nanood lang sila sa mga nangyayari. Mas lalo pa ngang dumadami ang mga estudyante at ilang magulang ng mga grumaduate ang nakakapansin sa amin.
I took a deep breath and think of a possible way to make them both release my hands at the same time. I looked at Vaughn but he's looking at Hiro with slightly pissed expression. I'm wondering if it's really about his principles or does he feel something for me now.
Why not check it? With that thought in mind, I made a choice.
"Hoy Ikatlo..." I said in a very warm tone that made him looked at me.
"What? Don't ask me to let go of you fir-"
"Mahal kita." Putol ko sa sinasabi nya na ikinagulat hindi lang nya kundi maging ng mga kaibigan ko. And with those two words, both of them let go of my hands and thus made me feel empty specially the hand that was let go by the man who I confessed to.
Agad kong naitago ang sakit na dulot ng hindi nakikitang patalim na tumusok sa puso ko sa ilalim ng isang mapagkunwaring tawa sa naging reaksyon nya.
"Kung alam ko lang na yun lang ang magpapatigil sa kabaliwan nyong dalawa edi sana kanina ko pa sinabi yung mga salitang yun." Tumatawa kong sabi kahit na ang totoo'y gusto ng bumagsak ng luha sa mga mata ko.
It's fine. Iisipin lang naman nya na nagsisinungaling ka. For him it is nothing but a joke. Pagpapakalma ko sa sarili dahil sa nararamdaman na hiya.
"Damn! Akala ko talaga totoo na." Natatawang sabi ni Jupiter na nagpabawas sa tensyong namagitan samin kani-kanina lang. My other friends just keep their mouth shut as if they knew what's really going on with me.
"Stop saying such empty words." Malamig na sabi ni Vaughn na unang nakabawi sa kanilang dalawa sa kabiglaan.
What if it's not as empty as you think? Nais ko sanang sabihin sa kanya pero naunahan ako ng takot at hiya. Hindi ko na kakayanin na makita pang muli ang reaksyon na gaya ng kanina kung uulitin ko ang hindi diretsahang pag-amin sa nararamdaman ko.
Isang mapagkunwaring ngiti lang ang naging sagot ko bago nagpaalam sa kanilang dalawa. Habang tumatagal kasi ay mas lalo kong nararamdaman ang bigat sa puso ko. Patunay lang na talagang malaki na ang napapasok nyang espasyo sa puso ko.
I was about to go with my friends when Hiro grabbed my arms again while looking at Vaughn.
"Ano na naman ba to? Tama na Aki-"
I was stopped when he looked at me like the way I wanted Vaughn to look at me. His eyes are filled with different emotion but the only one I could recognize is the same emotion I used to see on my reflection whenever I'm thinking about Vaughn.
"I love you Cielle." He whispered that sent chills to my bones and made my friends gasp in surprise, except for Shiro.
"W-what?"
"Gusto ko sanang mamaya pa sabihin sayo ang nararamdaman ko pero ito na siguro ang tamang panahon at tamang pagkakataon. Mahal kita Marcielle Anne Arciega. Not as friend like you always thought. I love you and I mean it." Seryoso nyang sabi bago muling tumingin kay Vaughn na hindi ko magawang tignan kung anong klaseng ekspresyon meron sya sa mga sinabi na iyon ni Hiro.
Damn it Marcielle! Someone just confessed to you but you're only thinking about Vaughn! Sita ko sa sarili ngunit kahit anong gawin ko ay walang kahit isang salita ang maka-alpas sa mga labi ko.
It is too sudden. Dahil hindi ko talaga kailanman binigyang malisya ang mga ginagawa nya para sakin. O mas tamang sabihin na kailanman ay hindi ko naisip na posibleng magkaroon ng 'kami'.
"That's why I'm telling you to let her go. Kung hindi mo sya kayang hawakan ng mahigpit, wag mo na syang subukan pang hawakan. Kasi alam natin pareho kung sino ang higit na masasaktan." Seryosong sabi ni Hiro kay Vaughn.
Vaughn didn't utter a single word so I tried to look at him. Pero wala na akong ibang nakita kundi ang likod nyang papalayo sa amin.
Akala ko noon, pinaka masakit na nangyari sa buhay ko ay ang pagkawasak ng masayang pamilya na meron kami noon. Pinaka masakit na makita ang likod ng mga magulang kong papalayo pero patungo sa magkaibang direksyon. Hindi pala. Mas masakit palang makita ang likod ng taong mahal mo na iniwanan ka ng isang katotohanan.
Katotohanan na hindi ka nya kayang hawakan ng mahigpit, sa umpisa pa lang.
Katotohanan na kahit ang mga katagang binitawan ko sa kanya kanina ay hindi man lang nakarating maski sa pinto man lang ng puso nya.
The truth that for him, my words, my feelings and my actions are all empty.