Leo's Pov
Umuwi agad kami sa bahay para makausap ang parents ko. Nadatnan namin si Liam na nasa living room.
"Liam nasaan sina Mommy at Daddy?" tanong ko kay bunso.
"Nasa office ni Daddy sa taas. May mahalaga silang pinag uusapan. Nandun din si uncle Red at kuya Vincent." sabi ni Liam.
Pumunta kami ni Blessy sa office ni Daddy sa taas ng bahay. Naglagay si Daddy ng office sa bahay kasi para daw may bantay kami. Si Mommy kasi madalas syang nasa Rainbow Agency at hindi rin pwede si Mommy na mapagod dahil sa kondisyon nya kaya madalas si Daddy at mga tito namin ang nagbabantay sa amin.
Kumatok ako sa pinto pagdating namin sa office ni Daddy. Binuksan ni Vincent ang pinto. Hindi na kailangang tanungin ni Daddy kung sino ang kumatok kasi may cctv sa labas. Pumasok kami at umupo sa sofa.
"Dad, Mom pwede ba namin kayo makausap?" tanong ko.
"Ano yun?" tanong ni Mommy.
"Naaalala na po lahat ni Blessy ang lahat. Nasabi nya po sa akin na gusto sya ipapatay nuon. Kaya po ba nating makapasok sa palasyo nila para manmanan ang step mom nya?" tanong ko.
"Bakit ang stepmom nya?" tanong ni Dad.
"Kasi po naalala ko gusto po nya akong ipapatay." sabi ni Blessy.
"Sigurado ba kayo? Sigurado ka ba Blessy? Nagimbestiga na kami at lumabas dun na walang kinalaman ang pamilya mo sa Netherlands." sabi ni Mommy.
"Ang pagkakaalam ko kasi ang stepmom ko ang nagsabi na pumunta ako ng Pilipinas. May inutusan daw ito sabi ni Noah para ipapatay ako." sabi ni Blessy.
"Imposible. Kasi may tumawag samin at pinababantayan ka samin Blessy. Kaya nandito si Vincent para makausap ka Leo kasi kakatanggap nya lang ng tawag." sabi ni uncle Red.
"Nagbayad na sa atin ang nag utos na bantayan ka Blessy. Isa pa, ang sabi sa akin na wag ka daw magtitiwala sa lahat ng nakapaligid sayo. Nasa Pilipinas daw ang kalaban mo. At ang pinakahuli nyang sabi wag kang magtitiwala kay Noah." sabi ni Vincent.
"Hindi! Hindi magagawa sakin ni Noah yan. Matagal na syang nagsisilbi sa akin." naluhang sabi ni Blessy.
"Blessy, paano ka ba napunta ng Pilipinas at bakit ka tumakas?" tanong ko. Natigilan naman si Blessy. Inilibot nya ang tingin sa amin.
"Wala akong maalala. Ang naaalala ko lang, sabi ni Noah na ipinapapatay ako ng Stepmom ko. Tutulungan nya daw ako tumakas. Tapos yun wala na akong maalala." sagot si Blessy.
"Blessy pakiusap wag ka munang magbabanggit kay Noah at sa tita mo ng kahit ano. Lalo na ang tungkol sa aming mga agents. Naisip ko lang bakit magkasama agad sila ni tita Mel mo? Kung may masamang motibo man sila ano yun?" sabi ko. Tumango naman si Blessy.
Nag usap usap pa kami tungkol sa seguridad ni Blessy. Kailangan laging may magbantay dito maliban sa akin. Hindi ko hahayaang mapahamak pa ulit sya.
"Vincent tawagan mo sina agent Fushia, agent Plum, agent Navy at agent Mocha. Papuntahin mo sila sakin sa headquarters. Sa kanila ko iaasign ang pagbabantay kay Blessy. Bukod sakin dapat may nakapaligid ding mga agent." sabi ko.
"Cge mamaya tatawagan ko sila. Mauna na ako." paalam ni Vincent.
"Uncle Red, pakimanmanan si Noah at ang tita ni Blessy." utos ko kay uncle.
"Sure! Alis na din ako." paalam din ni uncle.
Lumapit si Mommy kay Blessy. Niyakap nya ito ng mahigpit.
"Blessy alam ko nahihirapan kang tanggapin na baka may kinalaman sila sa nangyari sayo. Isipin mo muna ang sarili mo, kung kinakailangan na layuan mo muna sila ay gawin mo. Basta ito ang tatandaan mo. Nandito lang kami ng pamilya ko lagi na nakasuporta sayo. Kami lang ang taong dapat mong pagkatiwalaan at hinding hinsi ka namin ipapahamak. Naintindihan mo ba?" sabi ni Mommy.
Umiyak ng umiyak si Blessy habang yakap ni Mommy. Tumahimik lang kami ni Daddy. Alam kong kailangan ni Blessy ng ina sa mga panahon na ito.
Makalipas ang mahigit isang buwan ng pag iimbestiga ay nakakalap kami ng mga ebidensya. Tama ang kutob ko na may kinalaman si Noah at tita Mel. Pero ang hindi ko pa alam ay kung bakit nila ginawa iyon. Ano ang dahilan nila.
Papasok kami ng kompanya ng may mapansin akong isang taong nakamasid samin. Dali dali kong pinapasok si Blessy at tinawagan ko si agent Navy.
"May umaaligid aligid dito sa labas ng kompanya. I check nyong mabuti at hulihin ang kahina hinalang tao." sabi ko.
"Yes boss." sagot ni agent Navy.
Hindi ko muna hinayaang makalabas si Blessy hanggat hindi ko ito nasisigurado. Maya maya nagring ang cellphone ko at sinagot ko ito.
"Hello boss may nahuli kami na taong kahina hinala at silip ng silip sa kompanya nyo. Sinasabi nya na taga Netherlands sya at kailangan nyang makausap si Mam Blessy." sabi ni agent Mocha.
"Cge kapkapan nyo tapos dalhin nyo sa opisina ko. Umakyat kayo dito at siguraduhin nyo lang na walang dalang patalim yan." sabi ko.
"Yes boss!" sigaw pa nya.
Nilingon ko si Blessy at ipinaliwanag ang nangyayari. Halata mong namumutla si Blessy dahil sa sinabi ko. Malamang natatakot sya dahil buhay nya ang gustong kunin sa kanya. Pinaupo ko sya sa sofa at hinawakan ko ang kamay nya.
"Blessy wag kang mag alala. Hanggat nandito ako sa tabi mo ay hindi ko hahayaang masaktan ka. Gagawin ko ang lahat para matigil na to." sabi ko sa kanya.
"Alam ko naman, kaso kinakabahan pa din ako. Salamat nga pala kasi lagi kang nandyan para sa akin." sabi nya.
Maya maya ay tumawag si Bill at sinabing nasa labas na ng pinto sila agent Navy. Sinabihan ko itong pumasok. Pagkapasok nila at nakita ko na may kasama syang tao na nakajacket na may hood at nakayuko ito. Nang inalis ni agent Navy ang hood ng lalaki ay napasigaw si Blessy.
"Markus!" sigaw ni Blessy. Nagtaka naman kaming lahat.
"Sino sya Blessy?" tanong ko sa kanya.
"Pakitanggal naman ang posas nya." sabi ni Blessy tapos lumingon ito sakin at naghihintay ng iuutos ko.
"Cge kalagan nyo na." sabi ko.
Lumapit naman si Blessy at biglang yumakap sa lalaki.
"I miss you Blessy. I thought Im not gonna see you again. Im so happy to hear that your alive so I came here." sabi nung Markus. Umiiyak ito.
"I miss you too, Markus. Im sorry that i accused your Mother. Im sorry." sabi ni Blessy habang natulo din ang luha nito.
"Its okay, we heard all about it and Mother is not angry. Shes also worried about you." sabi nung Markus.
Lumingon naman sakin si Blessy at hinila si Markus papalapit sa akin.
"By the way Markus this is Leo, the one that i've told you before. Leo this is my younger brother, Count Isaak Markus Visser." pagpapakilala ko sa kanila.
"Im sorry Sir. Its just that I need to do that to protect your sister." sabi ko.
"Nah its ok. And call me Markus. Drop that word Sir, its irritating. And by the way, thank you for protecting my sister." sabi nya.
"Its my duty to protect your sister. I will do anything because i love her." sabi ko.
"Thank you for loving her." sabi pa ni Markus.
"Why are you hiding Markus?" tanong ni Blessy.
"I dont want Noah to see me. He's the one that told you lies about my Mother. We only knew it when Noah is acting strange. Then he told our Father that you were alive. Father sent Noah here but later on we can't contact him anymore. Thats the time father had investigated Noah. We now have evidences such as phone conversations of Noah. And we found out that he's telling you that mother could kill you and you must go to the Philippines to see your aunt." sabi ni Markus.
"Can i have a copy of all the evidences you have?" tanong ko kay Markus.
"But father told me to give it to the Rainbow Agency." sabi ni Markus.
"Its okay Markus, Leo is the boss of Rainbow Agency. You can give it to him." sabi ni Blessy. Tumango naman si Markus at ibinigay ang mini usb.
Habang naguusap usap kami ng mga agents tungkol sa seguridad ng magkapatid, tumawag bigla si uncle Red. Sinagot ko agad ito.
"Boss! Nasa pinas daw ang kapatid ni Blessy. Hinahanap ito ni Noah." sabi ni uncle.
"Nasa amin na ang kapatid ni Blessy. Nakitang umaaligid aligid dito sa kompanya." sabi ko.
"Maige naman. Narinig kong papatayin daw ang magkapatid. Nawala sa paningin ko si Noah. Mukhang nakatunog. Ang binabantayan ko ngaun ang tita ni Blessy. " sabi ni uncle.
"Cge manmanan mo pa ang tita nya. Baka may kasabwat pa sila." utos ko. Tapos pinatay ko na ang tawag.
Napagdesisyunan namin na sa bahay na din magstay si Markus. Matanda lang ito kay Liam ng isang taon. Pero matured na ang mukha at katawan nito. Naisip ko na umuwi kami ng bahay para makapagpahinga ang magkapatid. Pinacancel ko muna lahat ng meetings ko.
Bumaba kami sa parking lot kasama ang mga agents. Pagdating namin ng kotse nagulat ako ng may pulang tuldok na nakatutok sa dibdib ni Blessy. Agad ko itong itinulak.
"Sniper!" sigaw ko.