Chereads / My Clumsy Girl / Chapter 30 - Confession

Chapter 30 - Confession

Leo's Pov

Kinabukasan nagtapat si Lala sa pamilya ko ng kalagayan nya. Pasalamat ako kasi mababait  at maunawain ang buong pamilya ko. Habang nag uusap ang pamilya tungkol kay Lala ay tumunog ang cellphone ko.

"Hello." sinagot ko kasi ito ng di ko tinitignan ang tumatawag.

"Hello Boss Leo, nandito sakin ang tita ni Blessy. Paalis sana ng barko pero napigilan ko at dinala ko ulit sya sa bar. Marami akong nakalap na mga ebidensya nung naglagay ako ng cctv sa office ng bar nya." sabi ni uncle Red.

"Cge bantayan mong mabuti. Papunta na kami dyan." sabi ko. Pagtapos binaba na ang tawag.

Nagpaalam na ako sa pamilya ko para pumunta sa bar. Inaya ko si Blessy papunta sa bar at sumama din si Markus. Tahimik lang si Blessy sa byahe at alam ko iniisip nito na bakit nagawa syang traydurin ng tita nya. Kahit naman sakin nagyari yun ay siguro guguho ang mundo ko. Ang inaakala kong kakampi ko ay sya palang taong gusto akong mawala.

Pumasok kami ng bar padating namin. Nakaposas na ang tita ni Blessy at may nakaabang nang mga pulis sa labas. Umupo si Blessy sa tapat ng tita nya.

"Anong nagawa kong mali tita? Bakit mo nagawa sakin to?" tanong ni Blessy habang natulo ang luha nya.

Walang nagsalita sa amin. Nakatitig lang ang tita ni Blessy sa kanya.

"Sagutin mo ako tita! Bakit!" sigaw ni Blessy.

"Dahil sayo nasira ang buhay ng anak ko!" sabi ng tita nya. Nakikita ko sa mukha ni Blessy ang pagtataka sa sinabi ng tita nya.

"Paano? Sinong anak? Wala naman akong ginawang kahit na ano sa ibang tao. At tita bakit hindi ko alam na may anak ka?" tanong pa ni Blessy.

"Dahil sayo nasira ang buhay namin ng anak ko. Dapat pinatay na rin kita kasama ang mama mo. Kainis lang ang mama mo gumawa ng last will. Ipinangalan sayo lahat. Tapos pagnawala ka sa charity mapupunta ang pera kaya hindi kita mapatay. Hanggang ngayon gahaman pa rin ang mama mo. Hindi man lang ako binigyan kaya tama lang na mamatay sya." sabi ng tita nya.

"Ikaw ang pumatay sa mama ko? Kapatid mo sya! Anong klase kang tao! Pwede ko namang ibigay sayo ang pera ni mama. Mabuti na lang pala at hindi ko naibigay. Masama pala ang ugali mo. Wala kang kwentang tao!" sabi pa ni Blessy na ngayon ay galit na galit.

"Hahaha! Ang tanga mo nga eh. Akala mo nalulugi na ang bar? Hahaha hindi nalulugi yon, dahil kinukuha ko ang perang kinikita ng bar." sabi ng tita nya.

"Hindi ka ba naawa kay mama? Bakit mo sya pinatay? Kawawa naman ang mama ko huhuhu!" iyak na sabi Blessy.

"Kawawa? Dapat lang yun sa kanya. Ako sana ang mapapangasawa ng papa mo pero inagaw ito ng mama mo. Dapat lang sa kanya ang magdusa. Sa tulong ni Noah sinet up ko ang mama mo sa ibang lalaki. Tanga lang ng papa mo naniwala hahaha! Naghiwalay sila ng dahil sakin hahaha!" sabi pa nya.

Grabe ang sama ng ugali ng tita ni Blessy. Nakakashock ang mga pinagsasasabi nya. Tama lang na makulong ito.

"Ikaw ba ang sinasabi ni Noah na asawa nya? Ikaw ba?" tanong ni Blessy.

"Hindi! Ang anak ko ang asawa nya hahaha. Mag ingat ka dahil baka nasa tabi mo lang ang anak ko hahaha!" sabi ng tita ni Blessy. Nababaliw na ata ito.

Niyakap ko ng mahigpit si Blessy habang tawa ng tawa ang tita nya. Si Markus at uncle Red ay tahimik lang.

"Cge dalhin nyo na po sya sa kulungan. Hindi ko na kaya pang makita sya. Pakiusap ilayo nyo na sya." sabi ni Blessy.

Dinala na ni uncle Red ang tita ni Blessy sa prisinto. Pinabayaan kong umiyak ng umiyak si Blessy.

"I dont understand what happened? Why is my sister crying? Who is she?" sunod sunod na tanong ni Markus.

"She's her aunt. Shes's the one that cause all the trouble. She killed her sister and she wants to kill Blessy too." sabi ko kay Markus.

"She's insane. Who would kill her sister and her niece?" sabi ni Markus na iiling iling.

Maya maya nagring ang phone ni Markus. Lumayo muna ito para sagutin ang tawag. Tumigil na sa pag iyak si Blessy at humarap sa akin.

"Natatakot ako Leo. Hindi ko kilala kung sino ang pinsan ko na gustong gumanti sakin. Hindi ko alam kung paano ko sinira ang buhay nila. Hindi ako makapaniwala na si tita ang pumatay kay mama." sabi ni Blessy.

"Wag kang mag alala hahanapin natin sya. Hindi ko hahayaang mapahamak ka. Gagawa ako ng paraan para malaman natin kung sino sya at bakit nasabi ng tita mo na sinira mo ang buhay nila." sabi ko.

"Masama ba akong tao?" tanong nya.

"Hinding hindi. Napakabait mo para maranasan mo to. Siguro dahil sa selos at pagiging gahaman kaya nagawa ng tita mo yun. Siguro ganun din ang pinsan mo baka naiinggit sayo. Kaya tatandaan mo na wala kang kasalanan sa kanila." sabi ko.

"Gusto kong bumisita kay mama." sabi  ni Blessy.

"Hayaan mo sasamahan kita. Bibisita tayong dalawa." sabi ko at tumango naman sya.

"Blessy...." malumanay na tawag ni Markus habang papalapit samin.

"Why?" sagot ni Blessy.

"Papa want us to come back home. He wants to see you." sabi ni Markus.

"Okay. But first, I'll visit my mom and then we can go home." sabi ni Blessy.

"Iiwan mo na ako?" tanong ko sa kanya. Nangangamba ako baka kasi hindi na sya bumalik sakin.

"Hindi, bibisitahin ko lang si Papa sa Netherlands at para makapagsorry ako sa stepmom ko. Babalik naman ako agad eh." sabi nya.

"Mabuti naman, akala ko kasi iiwanan mo ako. Baka kasi hindi ka na nila pabalikin." sabi ko.

"Gusto mo bang sumama? Pwede naman eh." sabi nya. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Sige aayusin ko muna ang schedule ko para makasama sayo. Pupunta pa ba tayo sa mama mo?" tanong ko.

"Oo, bukas sana. Gustong gusto ko nang makita ang mama ko. Ang tagal ko nang hindi nakakadalaw." sabi pa ni Blessy.

"Can i come with you?" tanong ni Markus.

"Sure! I will introduce you to my mom." masayang bati ni Blessy.

"Maiba ako Blessy paano itong bar?" tanong ko.

"Hindi ko pa alam sa ngayon. Isasara ko muna ito. Siguro pagbalik natin saka ko na pag iisipan kung paano ang gagawin dito. Ayoko naman kasing ibenta to dahil isa ito sa nagpapaalala sa akin kay mama." sabi nya.

"Gusto mo magresign ka na lang sa trabaho tapos magfocus ka dito sa bar. Tapos tutulungan kita makahanap ng tutulong sa iyo sa pagmamanage ng bar." sabi ko.

"Tama! Pagbalik natin, sunduin natin sila lolo papunta dito. Tutal wala nang nakatira sa apartment na binigay sakin ni mama kaya gusto ko sila na ang tumira duon. Para naman makasama ko na sila." sabi ni Blessy.

"Magandang idea yan. Kaso aalis ka na sa bahay?" malungkot na sabi ko.

"Ngayong may bahay na ako, syempre gusto kong tumira dun kasama nila lolo at lola. Isa pa ang panget namang tignan kung sa bahay nyo pa tin ako titira." sabi ni Blessy. Ngumuso na lang ako.

"Wag ka magpacute, di bagay sayo hahaha." sabi ni Blessy.

"Sis i think we should go. Liam is asking me if i want to go with them." sabi ni Markus.

"Where?" tanong ni Blessy.

"I dont know, but i want to enjoy the remaining days here in the Philippines. And besides i want to experience the food and the places here." sabi pa ni Markus.

"Pagbigyan mo na. Kasama naman si Liam." sabi ko.

"Okay" sagot nya.

Napagdesisyunan na namin na umuwi na ng bahay. Agad namang sumama si Markus kay Liam. Mukhang nag eenjoy ito sa company ni Liam.

Nagpaalam din ako kay Blessy na aalis muna ako. Kailangan kong pumunta ng headquarters para ayusin ang mga bagay bagay. Nagsabi naman si Blesay na matutulog muna dahil hinang hina  sya ngayong araw. Sinigurado ko munang natutulog sya bago ako umalis.