Leo's Pov
Naiinis akong umuwi ng bahay galing ng headquarters. Wala man lang akong nakuhang sagot sa katauhan ng anak ng tita ni Blessy. Nakatulog lang ako ng 2 oras habang naghihintay sa team ko na tumutulong sakin na mag imbestiga.
"Oh kuya saan ka galing?" tanong ni mommy.
"Sa headquarters mommy, may importante lang po akong ginawa." sagot ko.
"Oh sya sige, kumain ka na ba?" tanong nya.
"Hindi pa po. Magbibihis muna po ako at tatawagin sina Markus at Blessy para sabay sabay na po tayong kumain. May pupuntahan po kasi kami mommy." sabi ko.
"Sya sige, gisingin mo na sila." sabi ni mommy.
Pumasok ako ng kwarto ko at agad nagbihis. Tapos lumabas ako para puntahan sina Blessy at Markus. Una kong kinatok si Blessy. Agad naman na nabuksan ang pinto.
"Ang bilis mo buksan ang pinto ah." sabi ko sa kanya.
"Oo kanina pa kasi ako gising. Excited kasi akong pumunta kay mama." sabi nya.
"Handa ka na ba? Puntahan na natin si Markus para gisingin." sabi ko.
"Cge. Dun nga pala sya natulog sa kwarto ni Liam." sabi ni Blessy.
Ginising namin si Markus na nasa kwarto ni Liam. Magkasundong magkasundo ang dalawa. Pagkatapos namin syang gisingin ay bumaba kami sa dining area.
"Mga anak magsiupo na kayo." sabi ni mommy. Habang ipinaghahain ng pagkain si daddy
"Mommy, daddy magpapaalam po sana ako sa inyo. Gusto ko pong samahan sina Blessy papuntang Netherlands." sabi ko.
"Bakit naman anak? May problema ba?" tanong ni daddy.
"Wala naman po daddy. Gusto ko lang po." sabi ko.
"Gusto mo ba ako muna mamalakad sa kompanya mo?" tanong ni daddy.
"Hindi na po kailangan. Uuwi din po agad ako. Gusto ko lang din po kasing makausap ang papa ni Blessy." paliwanag ko.
"Ikaw ang bahala. Malaki ka na. At kung kailangan mo ng tulong ay nandito lang kami. Maiba ako saan ba ang punta nyo?" tanong ni Mommy.
"Bibisita lang po kami sa mama ko mommy Lisa. Ang tagal ko na po kasing hindi nakakadalaw." sabi ni Blessy. Tumango naman si mommy.
Nang matapos kaming kumain nagpunta kami sa sementeryo kung saan nakalibing ang ina ni Blessy. May dala kaming mga bulaklak at kandila na binili namin sa nadaanan naming tindahan.
Inayos ni Blessy ang mga bulaklak habang si Markus ay sinisindihan ang kandila. Nagpunta muna ako sa opisina ng sementeryo para hanapan ng mag aalaga sa puntod ng mama ni Blessy.
Pagdating ko ulit sa puntod, nakita kong nag iiiyak si Blessy habang yakap yakap ni Markus. Kinakausap nito ang mama nya. Ikinuwento nito na napakulong na nya ang tita nya na pumatay dito. Tumayo lang ako malapit sa kanila at nagsimula nang magdasal at kausapin din ang mama ni Blessy.
"Ako nga po pala si Leo, ang boyfriend ng anak nyo. Nakakalungkot po kasi hindi ko kayo nakilala. Gusto ko lang po sabihin sa inyo na mahal na mahal ko ang anak nyo. Lahat po gagawin ko para sa kanya at sisiguraduhin ko po ang kaligtasan nya. Hindi po ako perpektong tao kaya hindi ko po ipapangako na hindi ko papaiyakin si Blessy. Kasi po marami pa din po akong bagay na dapat matutunan sa buhay. Pero sana po kung iiyak man sya, hanggat maaari ay dahil sa tuwa po. Maraming salamat po at ipinanganak nyo si Blessy at nakilala ko po sya. Gabayan nyo po sana si Blessy." pakikipagusap ko sa mama ni Blessy sa isip ko.
Nagtagal kami sa sementeryo dahil dumating ang maglilinis. Gusto ni Blessy makita muna ang puntod ng mama nya na malinis bago kami umalis. Tahimik lang ako at hinayaan kong mag usap yung magkapatid. Masaya kasi si Blessy na nagkukwento sa kapatid nya ng masasayang sandali na nakasama nya ang mama nya.
Matapos ang paglilinis ng puntod ay nagpaalam na kami sa mama nya para umuwi. Bago kami umuwi ay inaya ko silang kumain sa restaurant. Dinala ko sila sa Spring Green Restaurant na pag aari ng isa naming agent na si Spring. Wag kayong magtaka at lahat ng agent ang code name ay mga pangalan ng kulay. Kagustuhan daw yun ng lolo ko na ama ni mommy. Sabi pa nga ni mommy may sapak daw kasi minsan si lolo hahaha.
"Boss napadaan kayo." sabi ni agent Fushia na syang manager dito.
"Kakain kami ipaghanda nyo kami ng mga specialty ninyo dito. Yung masasarap hahaha. Ayokong mapahiya sa bisita ko." pabirong sabi ko. Bumaling ako kay Markus.
"Markus is their any specific food that you dont want to eat? Or do you have allergy in any food?" tanong ko sa kanya. Mahirap na baka maparusahan pa ako sa pagpapakain dito hahaha.
"Nah. Allery on meds but not in foods. I really like to try some Filipino dishes." sabi pa nya.
Umorder ako ng adobo, lechong baboy, crispy pata, kare kare, sinigang at chopseuy. Syempre kanin at calamansi juice.
"Leo! Ang dami nito. Mauubos ba natin yan?" tanong ni Blessy habang inilalapag ang mga pagkaing inorder ko.
"Hayaan mo na, gusto kong matikman lahat ni Markus ang mga pagkaing pinoy. Minsan lang yan, at kelan pa mauulit." paliwanag ko sa kanya.
"Boss parang may bibitayin sa order nyo ah. May gusto pa ba kayong idagdag?" tanong ni agent Fushia.
"Do you have helow helow?" tanong ni Markus.
"Hahaha your so cute brother. Its not helow helow its halo halo." sabi ni Blessy.
"Yah thats it. I ate that with Liam and its so delicious." sabi ni Markus.
"Cge pakidalahan kami ng 3 halo halo. Gusto mong sumabay samin?" tanong ko kay agent Fushia.
"Hindi na salamat, kumain na ako. Tumataba na nga ako eh. Alis na ako kailangan ko pang mag inbentaryo." sabi ni nya.
Magana naman kami kumain. Maaliwalas kasi ang paligid at isa pa masasarap talaga ang pagkain. Nagustuhan ni Markus ang mga pagkain maliban sa sinigang hahaha.
Lalo na ang crispy pata na halos sya lang ang nakaubos. Kasalukuyan kaming nakain ng halo halo ng may humalik sa pisnge ko. Nilingon ko ito at si Claire pala kasama ang mga kaibigan nya.
"Claire stop doing that!" sabi ko. Baka kung ano pa isipin ni Blessy.
"Why? dati ko na namang ginagawa sayo yan ah. Bakit ngayon hindi na pwede? By the way girls naalala nyo si Leo classmates natin." sabi ni Claire.
"Hanggang ngayon kayo pa rin?" sabi nung isang babae. Hindi ko matandaan ang mga pangalan nila eh.
"Anong kami pa rin?" tanong ko.
"Dont be like that Leo. Anyways share na din kami ng table sa inyo." sabi ni Claire.
"Pwede ba Claire humanap ka ng pwesto mo. Nakita mong may kasama ako. Hindi ka ba marunong mahiya?" naiinis na sabi ko.
"Hello? bakit mahihiya ang girlfriend mo?" tanong nung isa pang babae.
"Girlfriend?" tanong ni Markus.
Maya maya ay lumapit si Claire kay Blessy at natabig o tinabig nito ang halo halo na kinakain nito. Tatayo na sana ako nang biglang tumayo si Blessy at sinampal si Claire. Napahawak naman ng kamay si Claire sa pisnge nya dahil sa lakas ng pagkakasampal ni Blessy.
"Leo oh sinampal ako?" Pagpapaawa ni Claire. Di ko naman ito pinansin.
"Alam mo matagal na akong nagtitimpi sayo. Purkit hindi kita pinapatulan sasamantalahin mo na. Kayo makinig kayong mabuti. Ilusyunada lang yang si Claire. Kahit kelan hindi sila ni Leo. Ako ang girlfriend ni Leo naintindihan nyo." sabi ni Blessy.
Sasampalin sana ni Claire si Blessy nang hawakan ko ang kamay nya.
"Subukan mong saktan ang girlfriend ko. Baka hindi na ako makapagpigil at makalimutan kong naging kaibigan kita." sabi ko. Pinupunasan naman ni Markus ang damit ng ate nya. Lumapit naman si agent Fushia sa amin.
"Boss may problema ba?" tanong nya.
"Eto na ang bayad namin at aalis na kami." sabi ko at binigay ko ang card ko
"Kailangan ko pa bang tumawag ng security?" tanong ni agent Fushia.
"No need, hindi sila mag aaksaya ka lang ng panahon at oras sa mga walang kwentang tao. Hintayin ko na lang ang card ko sa kotse." sabi ko sa kanya. Tapos inakay ko na paalis si Blessy.
"Leo! Bumalik ka dito!" sigaw ni Claire.
Hindi ko ito pinansin at lumabas na kami ng restaurant. Nababadtrip na talaga ako sa kakulitan ni Claire. Kung alam ko lang talaga nuon na ganyan ang ugali nya eh di sana hindi ko na sya kinaibigan pa. Nagsisisi tuloy ako.
Lumabas si ang isang waiter at ibinigay ang card ko.
"Asan ang manager mo bakit ikaw ang nagdala nito?" tanong ko.
"Nasa loob po at pinipigilang umalis ni manager yung mga babae. Nagbasag po ng pinggan yung isa dun." sabi pa nito.
"Sige kau nang bahala dun." sabi ko at umalis na kami.
"That girl is a freak." sabi ni Markus.
"Yeah. I dont know why i didnt saw it before." sabi ko.
"You two should be careful with her. Its like shes planning on something. I can see it in her eyes." sabi pa ni Markus.
"Ano bang ginawa mo? Shes so obsessed with you." sabi ni Blessy.
"I really dont know Blessy." sabi ko.
"Tara na nga para makapag empake na tayo." aya ni Blessy.
Ano kaya ang mangyayari sa akin pagdating ko sa Netherlands? Sa totoo lang kinakabahan akong makaharap ang ama ni Blessy. Pero lalakasan ko ang loob ko na makausap ito para sa babaeng mahal ko.