Chereads / My Clumsy Girl / Chapter 33 - Busy Day

Chapter 33 - Busy Day

Leo's Pov

Pag uwi ko ng Pilipinas, dumiretso agad ako sa ospital kung saan nandun ang pamilya ko. Naabutan ko sila sa labas ng ICU.

"Kuya!" sigaw ni Liam.

Nandun ang buong pamilya ko maliban kay Lucas at may isa akong taong di kilala na nakayakap kay Lala na nandun din. Agad naman na lumapit ako kina mommy at daddy.

"Dad, kamusta po si Lily? Ano bang nangyari?" tanong ko.

"Galing kami ni Lily sa opisina mo para kunin ang mga files na dadalhin sa foundation. Dapat dalawa kami na pupunta dun. Nagprisinta ang kapatid mo na sya na lang. Ayos naman ang kotse kung bakit pag alis nya nadisgrasya sya. Ang sabi ng imbestigador sira daw ang brake. Pero imposibleng sa bahay nasira yun dahil gamit namin ni Lily yun sa pagpunta sa opisina mo." paliwanag ni daddy.

"Ako nang bahala. Kung sino mang may gawa nito ay pagbabayarin ko ng malaki. Sisiguraduhin ko na magdurusa sya. Anong pong balita kay Lily?" tanong ko.

"Inaantay na lang naming magising si Lily. Maayos daw ang operasyon sabi ng doktor. Kailangan pang maobserbahan si Lily kaya nasa ICU pa." sabi ni mommy.

"Mom, dad magpahinga na kayo. Ako nang bahala muna dito. Bumalik na lang kayo pagnagising na si Lily. Tatawagan ko kayo. Baka kayo naman ang magkasakit nyan." sabi ko sa parents ko.

"Mabuti pa nga. Balitaan mo kami agad pagnagising si Lily." sabi ni dad bago umalis.

Pagkaalis ng parents ko, tinawagan ko si Lucas.

"Hello Lucas, asan ka?" tanong ko.

"Nasa headquarters kuya. Nirereview ko ang mga cctv sa mga dinaanan ni Lily." sabi nya.

"Cge balitaan mo ako. Utusan mo lahat ng nandyan sa tech department para mapabilis ka. Tatawagan ko muna sila uncle Red at Vincent." sabi ko.

"Sige kuya." sabi ni Lucas.

Ibinaba ko ang tawag at tinawagan ko naman si uncle Red.

"Hello Leo, napatawag ka?" tanong ni uncle.

"Uncle pakibantayan ang parents ko. Wag nyong hahayaang mag isa sila. Magsama ka pa ng isang agent. Hindi na kita papupuntahin sa meeting mamaya." utos ko sa kanya.

"Sige makakaasa ka sa kaligtasan ng parents mo." sabi nya.

Ibinaba ko naman ang tawag at nagmessage ako sa lahat ng agents na pumunta ng conference room. Tapos tinawagan ko at pinapapunta ko sina Vincent at Chrys sa ospital.

Pagkatapos ko ay binalingan ko si Lala na kanina pa umiiyak.

"Lala pwede ba kumalma ka muna. Hindi maganda ang kalagayan mo. Makakasama sa inyo yan. Doktor ka kaya alam mo naman siguro yun." sabi ko.

"Hindi ko kasi mapigilan kuya eh." sabi nya.

"Sino nga pala yang yumayakap sayo?" tanong ko.

"Ako nga pala si Zeus. Zeus Saavedra. Ako ang ama ng dinadala ni Lala." sabi nito.

Napatingin ako kay Lala at tumango ito.

"Leo, kakambal ni Lala. Gusto kitang makausap kaya lang may kailangan akong puntahan." sabi ko.

"Sige mag aantay ako para kausapin ka. May maitutulong ba ako sa inyo?" tanong nya.

"Pakibantayan maige si Lala at wag muna kayong lalabas ng wala ako. Saglit lang ako." sabi ko sa kanya at tumango ito.

"Makakaasa ka." sabi nya.

Maya maya ay dumating sina Vincent at Chrys.

"Vincent, Chrys pupunta ako sa headquarters. Pakibantayang maige ang mga kapatid ko. Wag nyong hahayaang may makalapit sa kanila." bilin ko.

"Sige makakaasa ka." sabi nila.

"Kuya sama ako sayo." sabi ni Liam. Tumango ako. Humalik muna ako sa noo ni Lala bago kami umalis ni Liam.

Nang makarating kami sa headquarters, nandun na si Lucas at ang mga agents.

"Anong problema at pinatawag mo kami?" sabi ni agent Navy.

"Magtatalaga ako ng magbabantay sa ospital at sa bahay namin. Agent Fushia at agent Navy, gusto ko puntahan nyo ang sasakyan ni Lily at imbestigahan nyo. Lucas anong balita sa mga cctv." tanong ko.

"Tama ako may pumutol ng brake ng sasakyan ni Lily. May nag aabang na tao na nakahood duon sa parking lot ng kompanya mo. Nakuha ko na ang plate number ng sasakyan na ginamit nya." sabi ni Lucas.

"Agent Steel, alamin mo kung sino ang nagmamay ari ng sasakyan." sabi ko.

Nang matapos ang meeting ay pumunta muna ako sa opisina ko sa headquarters. Kasama ko si Liam at Lucas.

"Kuya sa tingin mo sino ang may gawa nito?" tanong ni Liam.

"Hindi ko alam. Maaaring tauhan nila Noah. Ang naiisip ko ay ang anak ni tita ni Blessy." sabi ko.

"Kuya may tumawag nga pala sa bahay. Kirby daw ang pangalan nya. Kailangan ka daw nya makausap. Nagbigay sya ng number nya kaso nasa bahay. Importante daw. Pag uwi ko itetext ko sayo. Mauuna na akong umuwi kasi wala pa din akong tulog." sabi ni Liam.

"Sige tatawagan ko si agent Charcoal para isabay ka na." sabi ko at tumango sya.

Umalis si Liam at nagsimula na akong magtrabaho. Nakipagcoordinate muna ako sa gobyerno maging legal ang mga kilos ng mga agent ko.

"Kuya kailangan na nating pumunta ng ospital. May naaligid daw dun sabi ni Vincent." sabi ni Lucas.

Dali dali kaming umalis ni Lucas para pumunta sa ospital. Pagdating namin ng ospital, napansin ko na may tama si Vincent sa braso.

"Anong nangyari?" tanong ko kay Vincent.

"Napansin ko na may nurse na gustong pumasok sa ICU. Buti na lang at napansin ni Lala na hindi ito tauhan sa ospital. Buti na lang pala at nabigyan mo kami ng instruction na hanapan ng ID ang lahat ng papasok sa ICU. Wala itong mapakita tapos biglang tumakbo. Hinabol ko ito kaso masyadong mabilis. Nang makalabas kami may nakaabang na pala para barilin ako. Buti nakaiwas ako agad." kwento ni Vincent. Bumaling naman ako kay Lala.

"Nasaktan ka ba kambal?" tanong ko.

"Hindi kuya. Prinotektahan ako ni Zeus." sabi nya.

"Kamusta si Lily ate, hindi pa ba sya gigising?" tanong ni Lucas.

"Hindi ko alam Lucas. Nakita ko naman na maayos ang operasyon nya. Dapat ay gising na sya ngayon." sabi ni Lala.

"Gusto pa atang matulog ng kapatid natin eh. Wag kang mag alala ate malakas si Lily. Kaya nya yan." sabi ni Lucas. Alam kong pinapalakas lang ni Lucas ang loob ni Lala.

Nakaupo kaming lahat sa labas ng ICU nang bumukas ang pinto nito.

"Miss Lala, gising na po ang kapatid ninyo. Hinahanap po kayo." sabi nung nurse.

Dali dali kaming magkakapatid na pumasok sa loob. Naiwan si Vincent, Chrys at Zeus sa labas ng ICU.

"Lily kamusta ka na?" tanong ni Lala.

"Masakit ang buong katawan ko ate." sabi nya.

"Kaya mo nang magkwento nang nangyari sayo?" tanong ko. Dahan dahan naman itong tumango.

"Naalala ko lang na hihinto sana ako sa gilid papunta ako sa foundation. Tumawag kasi yung sekretarya ko at may problema daw sa company ko. Titigil sana ako para makausap ko ng maayos ang sekretarya ko. Kaso hindi kumagat ang brake. Tapos may batang biglang tumawid. Iniliko ko sa may puno para duon ako bumangga." kwento ni Lily. Tumango ako.

"Asan sina mommy at daddy?" tanong pa nya.

"Tinawagan ko na sila. Pupunta daw sila agad pag nagising na si mommy." sabi ni Lucas.

"Pinakaba mo ako Lily. Sa susunod mag iingat ka ha." sabi ni Lala.

"Malakas ako ate. Magpahinga ka na, namamaga na mata mo. Ang panget mo na." birong sabi ni Lily. Kita mo tong babaeng to, kala mo hindi naoperahan at nagbibiro pa.

"Sira ka talaga. Sige magpapahinga muna ako sa opisina ko sa taas. Nagugutom na rin kami ng baby ko. Babalik ako mamaya." sabi ni Lala.

"Sige Lily magpahinga ka na ulit. Nasa labas lang kami. Kung may kailangan ka patawag mo lang kami. Alam mo naman bawal ang magtagal dito." sabi ko.

Lumabas kami ni Lucas at naabutan ko sina Vincent at Chrys na may kausap sa binaba nito ang mga cellphone nila ng makita kaming lumabas.

"Dadalaw daw sila mama at papa dito." sabi ni Chrys.

"Sina daddy din pupunta sabi nila. Kamusta si Lily?" tanong ni Vincent.

"Ayos na sya. Gusto nya pa daw magpahinga. Nakakapagbiro na nga." sabi ko. Bumuntong hininga naman ito.

"Sinabi ko kasi sa kanya na sasamahan ko sya kaya lang makulit sya eh. Ayaw magpasama. Maige naman at maayos na sya." sabi ni Vincent. Alam kong nag aalala ito at may something sila ng kapatid ko na si Lily. Okay lang naman sakin kasi kilala ko na si Vincent. Kaya lang ang kapatid ko manhid ata hahaha.

Nakalimutan kong tumawag kay Blessy sa sobrang busy ko. Mamaya na lang ako tatawag paggising ko. Nagpaalam ako kay Lucas na iidlip lang ako sa silyang kinauupuan ko sa labas ng ICU. Habang ang tatlo ay kanya kanyang kalikot ng cellphone nila. Namimiss ko na si Blessy ano kaya ang ginagawa nya ngayon. Yan ang iniisip ko bago ako makatulog.