Chereads / My Clumsy Girl / Chapter 38 - Farewell

Chapter 38 - Farewell

Leo's Pov

Taltong araw na nakaburol si sister Micah sa chapel ng foundation. Ulilang lubos na ito at wala namang hihintayin na kamag anak kaya tatlong araw lang namin na ibinurol. Ngayon ang araw na ihahatid namin sa huling hantungan si sister Micah.

Naalala ko nung dalhin namin ang kabaong nya sa foundation, ay halos bumaha ng luha sa foundation. Lahat kami ng pamilya ko at pamilya ng mga kaibigan ni daddy at mommy nagtulong tulungan sa pagpapatahan sa mga bata. Mahal na mahal kasi nila ang madre.

Nagtalaga ako ng mga agents na nagbantay sa burol. Nahuli na ang bumaril at napag alaman na si Delfin ito. Nung tinanong namin sya kung bakit, ang sabi nya may nag utos daw sa kanya. Binayaran sya ng malaking halaga kaya nya nagawa ito. Nakaalerto pa din kami kasi kung talagang may kasabwat sya at malamang babalikan nya kami.

Dito namin ililibing si sister sa libingan sa likod ng foundation kasama ang mga batang namatay. Dapat sa chapel namin sya ililibing pero naghabilin pala ito nuon pa na sa libingan sa likod sya ilagay. Hanggang sa huling sandali nya ay gusto nyang makasama ang mga bata.

"Paalam po at salamat po sister Micah. Hindi hindi kita makakalimutan." sabi ni Blessy.

Sobrang hindi namin sya makakalimutan. Dahil sa kanya buhay pa ang dalawang mahalagang babae sa buhay ko. Sobra na sila, pati tuloy madre napahamak pa.

Natapos ang libing at nagsiuwian na ang mga nakiramay. Nasa opisina kami ni sister at pinag uusapan kung sino na ang mamamahala dito.

"Mommy ako na lang po ang mamamahala muna dito. Tutal naman po wala pa naman akong hinahawakang kompanya." sabi ni Lily.

"Sigurado ka ba anak? Pwede naman kami ng daddy mo na mangalaga dito." sabi ni mommy.

"Sigurado po ako. Alam ko lahat tayo gusting magpasalamat kay sister Micah. Hayaan nyo naman po ako na muna ang gumawa nun. Hindi na pwedeng mapagod si mommy at kailangang alalayan ni daddy kaya ako na lang."  sabi pa ni Lily.

"Pwede ba ako tumulong sa iyo? Gusto ko din munang manatili dito." sabi ni Blessy.

"Hindi muna pwede. kailangan natin na magpunta ng Baguio at may kailangan tayong kausapin tungkol sa pinsan mo." sabi ko.

"Ganun ba? kaya lang walang kasama si Lily dito." sabi ni Blessy.

"Wag kang mag alala, pagmay libre tayong oras pupunta tayo dito." sabi ko.

"Ako muna ang sasama dito kay ate Lily. Tutal wala akong pasok ng isang lingo." sabi ni Liam.

Nagpaalam na kami kina Lily at Liam. Kanya kanya na kaming sakay ng kotse. Papunta akong headquarters at isasama ko si Blessy. Kailangan kong tapusin ang pag iimbestiga ko. Dun  muna rin kami matutulog ng ilang araw bago pumunta sa Baguio. May nadiskubre kasi ako na ikagugulat ni Blessy. Tungkol ito sa pagkawala nya at bakit sya itinago sa amin. Nagtataka kasi ako kung paano sya napunta sa lolo at lola nya. Akala ko nung una nagpapanggap lang itong pamilya ni Blessy pero lumabas sa DNA test na talagang magkadugo sila. Habang nasa ospital sila dun ko inutusan ang mga tauhan ko na magsagawa ng DNA test. 

Mabilis lang kaming nakapunta sa headquarters dahil malapit lang ito sa foundation. Pagpasok naming isa isang bumati sa akin ang mga agents. dumiretso kami sa opisina ko dito. nadatnan ko na nakaupo sina Chrys at Vincent sa sofa ng opisina ko.

"Anong balita sa mga pinagagawa ko sa inyo?" tanong ko sa dalawa.

"Eto na ang files na hinihingi mo. Nandyan na din ang mga lugar na pinuntahan ni Matt at Delfin. Narecover na din naming ang mga nawalang mga gamit sa foundation. Kaso Leo nagkamali tayo ng nahuli hindi si Delfin ang bumaril kina Lala. Kasabwat si Delfin sa pagnanakaw at si Matt ang lumalabas na bagong pasok sa foundation. Ang pinagtataka ko bakit kasama din ni Delfin ang bumaril kina Lala. Posible kaya na magkakasabwat sila? Bakit gusting barilin nung tao na yun si Lala?" tanong ni Vincent. Binasa ko ang files at napamura ako sa nabasa ko. malilintikan sakin ang tao na ito.

"Halatang gigil na gigil ka, Leo. Ibaling mo na lang yang galit mo sa taong bumaril. Nag iintay na sya sayo sa detention room. Vincent makikita na naman natin ang leon na magalit. Bagay na bagay sa kanya ang pangalang Leo." sabi ni Chrys.

Talagang nanggigigil ako sa tao na yun. Nabalitaan ko kay daddy na muntik na makunan si Lala dahil sa kanya. Tapos gusto nya pang patayin ang kakambal ko. Nagkakamali sya ng kinalaban. Pumasok ako sa detention room  at agad ko na sinuntok ang ex boyfriend ni Lala. Sa sobrang lakas ng pagkakasuntok ko agad na dumugo ang labi nito.

"Hayop ka! Bakit mo gustong patayin ang kakambal ko!" sigaw ko.

"Kung di rin lang ako babalikan ni Lala mabuti pang mawala na sya sa mundo!" sabi nya.

"Gago ka rin naman palang animal ka, pagkatapos mong lokohin ang kakambal ko eh maghahangad ka pa na balikan ka? Ang kapal naman ng apog mo. Mabuti na lang at hanggang maaga pa ay hiniwalayan ka na nya." sabi ko.

Tinawagan ko ang kakambal ko at sinabi ko na pumunta sa headquarters. Gusto kong malaman ang magiging desisyon ni Lala sa ex nya. Mabuti na lang pala at hindi pa sila nakakaalis ng foundation. Pinasundo ko sya kay Chrys at sabi nya ay nagpupumilit sumama si Zeus. Kahit alam ko na ang pagkatao ni Zeus ay hindi pa din pwedeng malaman nito ang lokasyon ng Rainbow agency. Alam na ni Chrys ang gagawin sa kanya. Pipiringan ito hanggang sa makarating sa headquarters.

Sobra ang pagpipigil ko na patayin ang ex ni Lala. Hawak hawak na ni Blessy ang kamay ko para pigilan ako. Makalipas ang ilang minuto dumating na sila Lala. Pagkapasok ni Zeus sa detention room ay tinanggalan ito ng piring. Agad na nilapitan ni Lala ang ex nya. 

"Sabi ko na nga at hindi mo ako matitiis." sabi ng ex nya. Napahawak ito ng pisnge nya sa lakas ng pagkakasampal ni Lala.

"Wala kang kasing sama! Hindi ko alam kung bakit kailangang mabuhay ang mga taong katulad mo!" sigaw ni Lala. Agad na pinuntahan ni Blessy si Lala at niyakap ito.

"Huminahon ka, baka mapahamak ang anak mo." sabi ni Blessy.

"Anong gusto mong gawin sa kanya Lala?" tanong ko.

"Buhay ang kinuha nya kaya buhay din dapat ang kapalit. Wala nang natitirang awa akong nararamdaman sa kanya. Gawin mo ang nararapat sa kanya kambal." sabi ni Lala. 

"Sige dalhin na yan sa basement! Lala magpahinga na kayo ni Blessy sa kwarto ko. Babalikan ko na lang kayo mamaya." sabi ko. Tumango ito at lalabas na sana ng mapalingon kay Zeus na hindi umaalis sa kinatatayuan nito.

"Ano Zeus, bakit nakatayo ka pa din dyan. Tara na!" aya ni Lala.

"Leo pwede ba akong sumama sayo? Gusto ko ring gumanti sa kanya. Hindi lang si Lala ang gusto nyang patayin, pati na rin ang anak ko." sabi nya.

"Sige na Lala magpahinga na kayo at ako nang bahala kay Zeus." tumango ito sa sinabi ko at lumabas na ito.

Nagpunta na rin kami sa basement ni Zeus. Nadatnan namin sina Vincent at Chrys na itinatali ang mga kamay at paa nito. Pagkatapos ay binaril ko ito sa hita.

"Aaaaahhhhh!" sigaw ng hayop. Binaril ko pa ang isa pang hita nito.

"Aaaaahhhh! Patayin nyo na lang ako." sabi nito.

"Huwag kang mag alala papatayin naman talaga kita pero paunti unti. Gusto ko maranasan mo kung gaano kasakit ang ginawa mo!" sigaw ko.

"Putulan natin ng dila, ang ingay nya." sabi ni Zeus. Lumapit ito dito at walang pag aalinlangan na putulan ito ng dila.

"Langya akala ko si Leo lang kakatakutan natin pagnagalit. Mukhang sumapi na si tigre kay leon." rinig kong sabi ni Vincent.

"Remind me not to anger those two. Nakakatakot hahaha." sabi naman ni Chrys.

Pinabayaan ko na lang si Zeus na magtorture sa hayop na yon. Hindi ako masamang tao pero nalabas ang kasamaan ng ugali ko pag pamilya ko na ang involve. Alam ko na hindi magugustuhan ni sister Micah ang ginawa kong paghihiganti pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Parang ito lang ang makakapagpapanatag sa akin, ang gawin ito sa hayop na to. Lumabas na kami at pinabayaang mag iiyak ang gago sa loob. Kailangan ko munang pakalmahin ang sarili ko bago humarap kina Blessy.